Tatlong buwan na sila sa loob nang Academy. Marihap ang training. Hindi lang physical strength nila ang sinusubok kundi maging ang kanilang Mental strength sa Academy. Gaya nang mungkahi ni Julianne. Pansamantala nilang inihabilin si Selene sa isang kakilala ni Julianne na siya ding nagpalaki sa binata. May Katandaan na ang ginang ngunit tumatanggap parin ito nang mga batang aalagaan. Sinabi naman ni Kristian na magpapadala nang pera para kay Selene at sa panggastos nila. Nang una akala niya hindi papayag si Selene na maghiwalay sila pero nagulat siya nang pumayag itong pumasok siya sa Academy na akala mo isang adult na naiintidihan na ang mga nangyayari. Or she is just being modest. Regardlss, masaya na rin siyang may mag-aalaga sa kapatid niya habnag wala sila ni Julianne. He just hope time will fly real fast para mabalikan na niya ang kapatid niya.
Nakasama ni Kristian At Julianne si Lance na first year din. Ito ang anak nang Tito Antonio ni Kristian. Sa loob nang Academy, hindi sila nagpapansinan. At tila ba hindi kilala ang isa’t-isa. May mga narinig silang napilitan itong pumasok sa Academy dahil sabanta nang kanyang Tito na General. Ilang beses nang nahuhuli si Lance nang tito niya sa mga night club at tila pa walang pakiaalam sa mundo. Nag drop out sa college at puro barkada ang inatupag. Sinabi nang Tito nito na kung hindi ito papasok sa Academy ay ipakukulong ito dahil sa pagkakasangkot sa isang malaking gulo.
Iniiwasan ni Kristian na mag cross ang landas nil ani Lance dahil noon paman ay hindi na Mabuti ang samahan nilang magpinsan. Wala ding nakakaalam sa Academy na magkadugo sila. Ngunit, isang pangyayari ang hindi inaasahan sa cafeteria nang Academy. Kumakain sila ni Julianne nang dumaan si Lance at ang grupo nito. May sinabi itong ikinainit nang ulo ni Kristian at walang kabog-abog ay sinuntok nito ang pinsan. Biglang naging isang malaking gulo ang nangyari siya namang inabutan nang kanilang Tito Rafael nang mga sandaling iyon ay dumalaw sa Academy.
“I didn’t know you got accepted in this Academy.” Wika nang tito niya nang nasa silid sila nito. Nakatayo silang tatlo nina Julianne at Lance sa harap nito habang ang dalawang ka grupo ni Lance ay nasa likod nil ana puro pasa din ang mukha.
“I got in fair and square.” Wika ni Kristian. Sa sagot nito bigla namang napatingin si Julianne sa kaibigan. Hindi bai to takot sa kaharap? Ang nasa isip nito.
“I see. I thought. I have also informed you before never to show your face infront of us by any means. How amusing that you also are interested in this profession. Are you up to something?” Tanong nito at tumayo saka naglakad patungo sa binata. “Ano man ang plano mo. I will make sure you will never succeed. Ah! Ipinadala mo na ba sa ampunan ang kapatid mo? How unfortunate of her. Kung pumayag ka sa mungkahi namin baka nasa mabuting kalagayan ka ngayon ata ang kapatid mo.” wika ni Rafael saka lumingon sa binata.
Napatingin lang si Julianne sa dalawa. Kahi noong nasa mansion sila, talagang hindi na maipagkakailan na hindi gusto nang mga tito ni Kristian ang binata. Ang init nang udgo nang mga ito sa kanya napara bang kasalanan pa nito ang mabuhay.
“Hindi niyo ako katulad. Hindi ko tatalikuran ang kapatid ko gaya nang ginawa niyo sa ama ko.” Wika ni Kristian saka sinalubong ang tingin nang tiyo.
“Oh, Is that right. But you showing up here, causing commotion and stirring things up. Should I go ahead and pick up your sisters and place her on an orphanage?” wika nito. Taka namang napatingin si Julianne sa lalaki. Napatiim bagang si Kristian dahil sa sinabi nang Lalaki.
“Your expression. Are you furious? Was it me? Did I cause this commotion? I have already informed you before. Never again to ----”
“Leave her alone.” Agaw ni Kristian sa sasabihin nang Tito niya. “I will quit the academy.” Wika ni Kristian na nakakuyom pa rin ang kamao
“Hey. That’s not fair. You ---” wika n Julianne na nagulat sa dineklara nang kaibigan. Napatingin naman si Rafael sa binata. “With all due respect General. Kristian, Got in with fair--
“I did not ask for your opinion. I don’t discuss things to a total stranger. Especially not to a street Kid, Julianne Ramirez.” Wika nito at ngumising tumingin kay Julianne. Dahil sa sinabi nito biglang naiinis si Julianne at akmang susugod sa lalaki.
“Stop it. Would you like to get expelled?” Anas ni Kristian sa kaibigan.
“Wala akong pakiaalam Hindi ako pumasok sa Academy na ito para insultuhin nang isang General.” Bulalas ni Julianne.
“Did I now? Tell me if I am wrong then I will apologize. I don’t think you can prove me wrong, though.” Wika pa nito na lalong kinainis ni Julianne. Totoo namang isa siyang street kid pero hindi niya matatanggap ang labis na pangmamata nito.
“I will quit. Just let him stay here. He has nothing to do with this. He got in with his own ability. He deserve to have this chance.” Wika ni Kristian.
“Forget it! I am not interested anyway. Who would want to get rotten in this good for nothing place.” Wika pa ni Julianne at napaatras
“Oh, so what does that mean?”
“I also quit!” Deklara nito.
“Are you crazy?!” bulalas ni Kristian sa kaibigan.
“Kung hindi dahil saiyo baka wala ako dito. Kung magko-quit ka ako din. Hindi ako makakatagal sa ganitong lugar.” Wika ni Julianne at ngumiti sa kaibigan. Napangiti naman si Kristian at napailing. Saka bumaling sa tito niya.
“This will be the last time that I will call you this. Uncle Rafael. Thank you for again showing me that it is only our name that is related.” Wika nito sa Tito niya. Taka namang napatingin si Julianne sa kaibigan. Hindi niya inaasahan ang sasabihin nito.
“Sorry.” Wika ni Kristian kay Julianne habang inaayos nila ang mga gamit nila.
“Para saan?” tanong ni Julianne.
“Dahil sa nagquit ka because----”
“Oh please.” Agaw ni Julianne. “Hindi rin ako magiging masaya na mag-isa dito. Alam mo. Walang direksyon ang buhay ko hanggang sa makilala kita. If there is. Dapat pa akong magpasalamat saiyo. Dahil sa unang pagkakataon sa buhay ko nagkaroon ako nang direksyon at pangarap.” Ani Julianne. “Anong plano mo ngayon?” Tanong pa nito.
“First, Kailangan kong sunduin si Selene. Pag-iisipan ko nalang ang sunod kung gagawin. Pero hindi pa ako sumusuko sa pangarap ko.” Wika ni Kristian.
“Anong sasabihin mo kay Selene.”
“She is simple. Kapag sinabi kong hindi ko kayang malayo sa kanya she would believe me. Which is true. Mas Mabuti na rin to. Hindi ko rin naman maatim na iwang mag-isa si Selene.”
“So what’s your plan now?”
“Well, If I can’t join the Army. Then I am building one.” Wika ni Kristian at tumingin kay Julianne. Hindi maintindihan ni Julianne kung nagbibiro ang binata dahil sa mga nangyari ngayong araw pero nakikita niya ang mga mata nito.
“That’s quite an ambition. Are you preparing for an all out war?” napabuntong hiningang wika ni Julianne.
“Who knows.” Nang binata at napatingin sa mga gamit niya. Probably, he wanted to take revenge. He might be boiling inside but he is unable to notice it because he is trying to be compose.