Aba. Ang aga niyo namang bumalik? Tatlong buwan palang kayo sa academy hindi ba?” Tanong nang matanda nang biglang lumitaw sa harap nang pinto nang bahay niya ang dalawang binata. Nang makita ni Selene ang kuya niya agad na tumayo ang batang babae sa kinauupuan nito at niyakap ang kapatid.
“Did you miss me?” Tanong ni Kristian sa kapatid. Tumango naman si Selene. “Don’t worry. I won’t leave you again.” Wika ni Kristian saka hinimas ang buhok ni Selene.
“May nangyari ba.” Tanong nang ginang kay Julianne.
“Wala naman. Napagtanto lang namin na hindi kami bagay doon.” Wika ni Julianne. Simple namang ngiti ang tinugon ni Kristian.
“Hindi ka ba naging pasaway dito? You didn’t give aunt a hard time, did you?” Anang binata sa kapatid niya Umuling naman si Selene saka bumaling si Kristian sa ginang Napansin niyang tila balisa ito.
“May nangyari po ba?” Tanong ni Kristian sa ginang.
“Hijo, hindi mo naman sinabing hindi normal ang kapatid mo.” Wika nang ginang. Dahil sa sinabi nito takang nagkatinginan sina Julianne at Kristian.
“Minsa natatakot ako sa kapatid mo. May mga sinasabi itong nakakalabot gaya nalang nang may nakikitaw daw siyang taong kasama namin dito. Wala namang ibang nakatira dito kundi kami lang. Mabuti at dumating kayo. Baka mabaliw ako kapag iniwan niya sa akin ang batang yan.” Wika nito saka bumaling kay Julianne.
“Alam kong itinuturing mo akong pangalawang ina pero pasensya na hijo hindi ko kayang alagaan ang isang tulad niya. May kakaiba sa batang yan. Kahit ang mga residente dito na tatakot sa kanya. Kakaiba din ang kulay nang mata niya. Hindi normal ang mga sinasabi niya.” Hintakot na wika nito. Napatingin naman si Kristian sa kapatid niyang nakatingala sa kanya na narinig ang sinabi nang ginang.
“Hey. Don’t look at me like that. There is nothing wrong about you okay.” Wika ni Kristian. Alam niyang naintindihan ni Selene ang sinabi nito.
“Pasensya na hijo.” Apologetic na wika nang ginang kay Kristian. Mukhang bukod sa kanya wala nang ibang mag-aalaga kay Selene. Mukhang naging Mabuti na rin na lumabas sila sa academy dahil kung hindi, baka kung anong mangyari kay Selene. She is still a child and her gift my be considered by others as a curse.
“It’s okay.” Wika ni Kristian. “Salamat sa pagbabantay niyo sa kapatid ko. I will take care of her mula ngayon. And never leave her side.” Wika ni Kristian saka tumingin kay Selene at ngumiti. “You like that right?” matamis na ngiti naman ang sumilay sa labi nang batang si Selene at tumango.
“Anong plano niyong gawin ngayon?” tanong nang ginang.
“Well, First I have to look for a place para sa aming magkapatid. Then find a job while studying. Kailangan naming mabuhay.” Wika ni Kristian.
“Kung magsalita ka parang inaalis mo na ako sa bilang.” Wika ni Julianne.
“Don’t tell me sasama ka pa rin sa amin?” Tanong ni Kristian.
“Kung nasaan ka nandoon din ako. Mag karugtong na ang bituka nating dalawa. And you can’t take care of Selene alone.” Wika nito saka tumingin sa kapatid ni Kristian.
“I think I am capable of doing that.” Wika ni Kristian.
“Ano namang masama sa dalawang kuya hindi ba?” Nakangiting wika ni Julianne kay Selene. Napailing lang si Kristian. Pero sa loob niya he felt relieve dahil makakasama pa nila si Julianne. Masarap mag karoon nang kaibigang tulad niya, He treat Selene like his own sister at kampante siyang pangangalagaan nito ang kapatid niya.
****
Hindi! Hindi pwede to. Hindi niyo baa ko kilala? Ako ang anak nang isang Senador. Isang kalapastanganan ito sa pamilya ko.” Nagwawalang sika nang isang lalaki habang pinipigilan nang mga pulis. Nasa loob sila nang isang korte kung saan dininig ang kaso nang rape. Lumabas na guilty ang nasasakdal at nahatulan nang anim hanggang labing 12 taong pagkakakulong sa kasong third degree rape. Sa pagwawala nang lalaki, bigla itong nakawala mula sa pagkakahawak nang mga pulis. Agad nitong kinuha ang baril nang isang pulis at nagmamadaling lumapit sa biktimang nakaupo sa tabi nang dalawang binatang nakasout. Bago pa makalapit ang lalaki sa dalaga. Agad nang nakatayo ang isang binatang nakasuit. He grabbed his arm at the wrist, and spin the gun away. Nang makuha nang lalaki nag baril agad niyang ibinalibag ang lalaki sa sahig. Agad namag lumapit ang mga pulis sa lalaki saka idinapa ito at nilagyan nang posas ang kamay saka itinayo.
“Be Smart. Mr. Gomez. Huwag mo nang dagdagan ang kaso mo.” Wika nang binata saka ibinigay sa pulis ang baril. “I think you need more training.” Wika nang binata saka naglakad patungo sa kinauupuan.
“Third rate lawyers! Hindi ko makakalimutan ang kahihiyang ito. Alam kung sisiguraduhin nang papa ko na makakalabas ako.” Habol nang lalaki sa binata.
“Isn’t it funny? Being defeated by a third rate lawyers. I think you lawyers need to study more for them to defend you properly.” Wika pa nang binata saka humarap ditto. Napatiim bagang ang lalaki dahil sa sinabi nang abogado.
“You should think of consequences before you commit a crime.” Wika nang isang binata saka tumayo. Kahit nagpupumiglas pa din ang lalaki ay inilabas ito nang mga pulis sa court room.
“Marami pong Salamat.” Wika nang dalaga sa mga abodago.
“Well, it is our job.” Wika nang binata sa tabi nito. “Mauuna na kami. We still have things to do.” Wika pa nito. Ngumiti naman ang dalaga saka tumayo. Noong una hindi niya alam kung papaano uusad ang kaso dahil sa anak nang senador ang kalaban nila until she meet these two handsome lawyers. Hindi sila siningil nang mahal and at the very end defended her and even win the case. Talagang Malaki ang pasasalamat niya dahil nakilala niya ang dalawang abogadong ito.
“I’ll see on site.” Wika ni Kristian kay Julianne saka sumakay sa isang kotse. Kakalabas lang nila sa court hourse matapos ang isang hearing nang kasong hinawakan nila ni Julianne. At gaya nang dati, they have won the case
Labing dalawang taon na ang nakakaraan simula nang lumabas sila sa Military academy. Marami na rin silang pinagdaanan hanggang sa marating nila kung nasaan na sila ngayon ni Kristian. They both graduated as lawyers. May sarili silang law firm at kahit papaano nabubuhay nila nang maayos si Selene. It was never easy. Pero dahil dalawa sila ni Julianne. Naging magaa ang lahat dahil may katuwang siya.
“Kuya!” Masayang wika ni Selene nang Makita sa labas nang University nila ang kanyang kapatid. Lunch time nila at tuwing tanghalian ay pinupuntahan siya ni Kristian. Minsan para dalhan nang pananghalian o yayaing kumain sa labas depende kung libre ito. Alam niyang ngayon kakatapos lang nang hearing nito sa kasong hawak nil ani Julianne. At masaya siyang makitang kahit busy ito ay may panahon itong puntahan siya.
“Bakit ba nag ingay mo.” Natatawang wika ni Kristian nang makalapit si Selene sabay yakap sa kanya. Napatingin siya sa mga dalagang nasa gate. Nakatingin ito sa kanila. Siguro ngayon sanay na ang mga ito sa kanyang presensya. Tila araw-araw naman kasi nandoon siya.
“Kumusta ang kasong hawak niyo? Nanalo ba kayo?” Masiglang tanong ni Selene sa kapatid niya.
“Kailan ba ako natalo?” nagmamalaking wika ni Kristian.
“Yabang.” Natatawang wika ni Selene. Ngunit alam niyang hindi pa naman natatalo ang kuya at si Julianne sa hawak nilang kaso. Kaya siya bilib sa kuya niya. Hindi lang ito isang responsableng kuya. Isa pa itong magaling na abogado.
“Kumain kana?” Tanong ni Kristian sa kapatid niya. Nakangiti namang umiling si Selene sa kuya niya.
“Hinihintay kita eh.” Sagot ni Selene.
“Paano ba yan. Wala akong dalang pagkain ngayon. At medyo late na rin may klase kapa diba?” Wika ni Kristian saka napatingin sa wrist watch niya.
“It’s fine. I’m fine. Bibili nalang ako sa cafeteria.” Wika ni Selene. Napatingin naman si Kristian sa kapatid niya. “I’m fine really.” Natatawang wika ni Selene nang makitang tila na gi-guilty ang kapatid niya. “Ipagluto mo nalang ako nang paborito ko.” Malambing na wika nang dalaga.
“I know you’d say that.” Natawang wika ni Kristian.
“May lakad kapa diba?” tanong naman nang dalaga sa kapatid. ALam niyang limitado ang oras nito dahil sa mga inaasikaso. Maswerte naman siyang meron itong oras na punatahan siya sa school nila.
“All right. I’ll prepare your favorite later. For dinner.” Wika ni Kristian at hinawakan ang kamay nang kapatid. Isang matamis namang ngiti ang sinagot ni Selene sa kapatid niya.
“I’ll see you later.” Wika ni Kristian sa kapatid niya. Tumango naman si Selene habang inihahatid nang tingin ang papalayong kapatid. Habang nakatingin siya sa kapatid niya naglalakad din siya pabalik sa gate pero dahil nakatoon ang atensyon niya sa kapatid niya hindi niya napansin ang Binatang naglalakad at dahil sa hindi siya nakatingin bigla siyang tumama sa katawan nito.
“AY!” impit na tili ni Selene nang tumama ang ulo niya sa matigas na bagay.