Feelings II

2091 Words
Are you okay?” Tanong ni Hunter kay Selene saka lumapit sa dalaga na nakaupo sa Bench nila. Nasa isang soccer match sila at gaya nang dati isinama ulit niya ang dalaga sa match niya. Kung dati panay ang reklamo nito ngayon ay tila accustomed na ito sa ganoong set up. Naging pabor din naman sa kanya dahil ayaw niyang malayo ang mata niya sa dalaga. Kung pwede lang maging sa bahay nito ay nandoon siya gagawin niya. Nangangamba siya muling bumalik ang nilalang na iyon. Hindi parin niya alam kung anong gusto nilang mangyari. Ang magagawa lang niya ngayon ay bantayan ang dalaga. “Gusto mo nang tubig?” wala sa sariling wika nang dalaga saka iniabot sa binata ang towel. Napakunot ang noon ang binata at napataas ang kilay dahil sa ginawa nang dalaga. Clearly wala ito sa sarili niya at tila masyadong malayo ang nilalakbay nang utak. “OH Sorry.” Wika nang dalaga nang mapansin na mali ang ibinigay niya sa binata ngunit tila hindi nito alam kung saan kukunin ang tubig nang makita nito ang lalagyan nang mga tubig kumuha ito nang isang bottled water ngunit nabitawan iyon nang dalaga dahil sa pagkataranta. Nakita ni Hunter ang dalaga kaya lumapit siya dito. “What’s wrong with you?” tanong nang dalaga at kinuha ang tubig na nahulog. “I’m sorry.” Wika nang dalaga na tila nahiya. “Wala na namang sakit diba?” wika nang binata na biglang inilapit ang noon sa noon ang dalaga. Dahil sa gulat nang dalaga agad niyang itinulak ang binata dahilan para mabigla din ang binata. “Wha-what are you doing?” Tanong ni Selene saka napatingin sa paligid nila. Galit na nga sa kanya ang mga Fans nang binata dadagan pa nito dahil sa kung ano-anong naiisip nitong gawin. Maraming mga fans nang binata ang hindi maitago ang galit sa kanya dahil sa pagsama-sama niya sa binata. At heto siya doing random things. “Malayo ang tinatakbo nang utak mo. May nangyari ba?” tanong ni Hunter saka naupo sa tabi ni Selene. “You can tell?” Tanong ni Selene saka tumingin sa binata. “I know that you are clumsy. But you are extra clumsy today.” Pabirong wika nang binata. Inis namang napatingin ang dalaga sa binata. Alam naman niyang talgang wala siya sa sarili niya today. Iniisip niya ang kuya niya at si Aurora at kung kailan nila aayusin ang di nila pagkakaintindihan. Hindi siya sanay na parang wala sa sarili niya ang kuya niya. “May problema ba sa bahay niyo?” Tanong ni Hunter sa dalaga. “Not my place to ask but that is the only thing I can think of.” “It’s a simple adult problem. Nothing to fuss about.” Wika nang dalaga. “Really? You don’t look like it’s a simple problem.” Wika nang binata. Napatingin Lang si Selene sa binata. “Bumalik kana sa field.” Wika nang dalaga para ibahin ang usapan. Ayaw muna niyang isipina ang problema niyang iton dahil wala din naman siyang magagawa. Ang kuya niya at si Aurora lang ang makaka resoblba nang problema nila. Kailangan lang niyang maghintay. Siya na rin ang nagsabi na adult problem ito. Kailangan lang niyang maniwala sa mga ito. “Don’t think about it too much.” Wika nang binata saka inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga. “Just focus your attention sa laro ko.” Anang binata. “You know you don’t need another attention. Marami nang mga nag-aabang sa bawat galaw mo.” Wika nang dalaga at nilingon ang mga miyembro nang fan club ni Hunter. “It’s your attention that I want. Silly Kid.” Anang binata at kinusot ang buhok nang dalaga saka walang pasabing tumakbo pabali sa court. Natigilan naman ang dalaga at napatingin sa binata. Anong ibig sabihin nito? Bigla nalang tumibok nang malakas ang puso niya ano naman ang nangyayari sa kanya? Hindi niya maintindihan. Did he mean what he said? Tanong nang isip nang dalaga. Baka pinaglalaruan lang nang binata ang utak niya. **** Matapos ang eksena sa ospital hindi na muling nakita ni Kristian si Aurora. Para bang sadya siyang iniiwasan nang dalaga. Hindi niya ito Makita sa hospital, para bang alam nito ang oras nang pagdating niya kaya maagang umaalis. Dahil kay Johnny nalalaman niya ang mga nangyayari kay Aurora at sa pamilya nito. malapit si Johnny sa pamilya ni Aurora. Ito rin ang tumulong sa mag-anak para sa libing nang ama nila. Dalawang araw lang ang itinagal nang lamay para sa amain ni Aurora. “Kumusta na si Aurora?” Tanong ni Kristian kay Johnny nang magkita sila sa Headquarters. “Okay lang siya, ngunit nalulungkot pa din dahil sa nangyari sa stepfather niya.” Sagot ni Johnny. “Siguro naman hindi niya pinababayaan ang kalusugan niya. She tend to----” Putol na Wika ni Kristian. “Hihilingin ko sana na Huwag mo na siyang gambalain pa.” Agaw ni Johnny sa sasabihin pa nang binata. “Ano?” “Hanggang ngayon sinisisi siya nang pamilya niya dahil sa nangyari sa amain niya. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo ang dahilan. Sinubukan ka niyang ipagtanggol mula sa mga ito. Ngunit sa palagay ko hindi mo alam ang dahilan.” Wika ni Johnny. “Anong sinasabi mo?” Gulat na wika ni Kristian. “H’wag mo nang alamin. Ang isang tulad mo na sarili lang ang iniisip hindi maniintindihan ang nararamdaman ni Aurora. Naaawa ako sa kanya dahil sa maling tao niya ibinigay ang puso niya. I wish I was the first person she met.” Makahulugang wika ni Johnny. Dahil sa sinabi ni Johnny hindi na mapakali si Kristian. Alam niyang hindi siya gusto nang pamilya ni Aurora. ngunit hindi niya akalain na bilang kaibigan ipagtatanggol siya ni Aurora mula sa mga ito. Hindi matanggap nang konsensya niya ang isipin ang malungkot na kalagayan nang dalaga. Inilibing na ang amain ni Aurora ngunit hindi manlang siya nakalapit sa dalaga. Parating nasa tabi nito si Johnny. Habang nakabuntot naman ang ina nito. napag alaman din ni Kristian na nagging mahigpit ang ina nito sa kanya. Kahit ang trabaho nito ay pinanghihimasukan. At wala siyang magawa para dalaga. Nais niiya itong tulungan ngunit wala siyang magawa. Nag aalangan siyang lumapit sa dalaga dahil sa halip na mapagaan niya ang loob nito lalo lamang itong mahirapan. **** Kristian?” Gulat na wika ni Aurora nang biglang lumitaw sa labas nang silid niya si ang binata. Inakayat nito ang balkonahe na parang isang magnanakaw. Napalingon siya sa may pinto nang kwarto niya. Bago lumabas patungo sa veranda. “Anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Aurora nang makalapit sa binata. “Baka Makita ka ni Mama.” Wika nang dalaga. “Anong nangyari sa mata mo? Hanggang ngayon ba umiiyak pa ka rin?” Tanong ni Kristian nang Makita ang namumugtong mata nang dalaga. “Wala ito.” Wika ni Aurora. “Umalis kana bago pa malaman ni mama na nandito ka.” Wika ni Aurora at hinatak si Kristian patungo sa bahagi nang beranda na walang masyadong ilaw. “Bakit naman ako magtatago sa kanya. Wala naman akong ginawang masama.” Wika pa ni Kristian. “Ano ka ba. Alam mong maiinit ang dugo nila sa iyo. Please.” “Bakit ba, pumapayag ka na apihin nang ina mo. It’s not like you Aurora. Hindi ko gustong nakikita ka nang ganito. Alam kung hindi rin ito gugustuhin nang daddy mo.” Wika ni Kristian. “Is this the way you want to live your life? Have you really decided to live like this?” “Umalis ka na.” Wika nito at akmang maglalakad papasok nang silid niya. Ngunit bigla siyang pinigilan ni Kristian. “Kung naawa ka sa akin. I don’t need it.” Ani Aurora at nilingon ang binata. “Anong ginagawa mo?” Wika ni Aurora at tumingin sa kamay niya na hawak ni Kristian. “Aalis ako, as you want it. But first, you are to tell me why are you avoiding me? Dahil ba sa mama mo? Tinatakot ka ba niya?” Ani Kristian. “Walang ganoon Kristian. Staying away from you is my descision. They have nothing to do with it.” Ani Aurora at inagaw ang kamay sa binata. “Bakit?” Tanong ni Kristian. “I have come to realilze na mas mahalaga ang pamilya ko kesa sa pansarili kong kapakanan. Besides, I am just wishing for the moon.” Wika ni Aurora. Kailangan niyang tanggapin sa sarili niya na si Kristian ay mananatiling pangarap at isang masayang alaala. “Haven’t it cross your mind, na baka mali ka?” Wika ni Kristian. Agad namang napalingon si Aurora sa binata. Heto na naman ang binata. Is he trying to shake her again. Heto siya at buo na ang pasya na kalimutan ang binata pero ano ito nasa harap na naman niya ang binata at may sinasabi na lalong nagpapagulo sa kanya. “AURORA!” Narinig nilang tawag nang ina ni Aurora sa dalaga. “Si Mama.” Wika ni Aurora na biglang nagpanic. “AURORA! nasaan ka ba.” Sigaw nito na halos dumagondong sa loob nang kabahayan. Narinig nilang tumunog ang siradora nang pinto ni Aurora. napatingin si Aurora sa binata dahil sa labis na takot, hindi niya alam kung saan itatago ang binata. “AURORA!” Galit na wika nito at binuksan ang pinto. Naging mabilis ang kilos ni Kristian. Kinabig nito si Aurora palapit sa kanya at nagkubli sa madilim naparte nang balkonahe. Seeing their posture, mapagkakamalang nagyayakapan ang dalawa. Narinig nilang lumibot sa silid ni Aurora ang ginang. “Stay still.” Bulong ni Kristian sa dalaga. Being so close like that. She was able to hear his breath. Nariring niya ang t***k nang puso nito. those arms na pakiramdam ni Aurora ay isang matibay na sandalan. That sense of security on his arms. Iyon ang pakiramdam ni Aurora. nag-angat siya nang tingin, dahil madilim hindi niya masayadong Makita ang mukha nang binata. “Wala na siya.” Wika ni Kristian at lumayo sa dalaga nang makalabas ang madrasta ni Aurora. Simple ding lumayo si Aya sa binata. “Are you okay?” Tanong ni Kristian nang mapansing walang kibo si Aurora. “Umalis ka na. Hiling ko na sana ito na ang huling pagkikita natin.” Wika ni Aurora. “Anong ibig mong sabihin?” Tanong ni Kristian. “Pumayag na akong magpakasal kay Johnny. Kaya naman, nakikiusap ako sana, ito na ang huling pakikita natin.” Wika ni Aurora. “Anong ibig mong sabihin? Magpapakasal ka kay Johnny? Bakit? Anong nangyari? Tinakot ka ba nang ina mo?” sunod-sunod na tanong ni Kristian. Hindi niya maitindihan kung bakit bigla na lamang magpapakasal ang dalaga kay Johnny. “Hindi, desisyon ko yun. Sabi mo dati mabuting tao si Johnny. At nakikita ko yun. Isa pa, gusto siya nang pamilya ko.” Wika ni Aurora. “Gusto mo ba siya?” Wika ni Kristian at hinila si Aurora paharap sa kanya. “Matututunan ko rin siyang mahalin. Madali naman siyang pakisamahan.” Wika ni Aurora saka inilayo ang tingin sa binata. “Hindi mo sinasagot ang tanong ko. Look into my eyes ang tell me you love him kaya ka magpapakasal sa kanya.” Giit ni Kristian at hinawakan ang kamay ni Aurora ngunit agad itong tinaboy nang dalaga. Ayaw na niyang makinig kay Kristian dahil baka hindi niya panindigan ang desisyon niya. Kung gusto niyang tuluyang iwasan ang binata kailangan niyang simulant ngayon. “Mag-iingat ka pauwi. Aabalahin ko si mama. Tapos maari ka nang umalis.” Wika ni Aurora at biglang pumasok sa kwarto. Hindi niya maiintindihan ang tinatakbo nang utak ni Aurora at kung bakit nito biglang naisipan na magpakasal kay Johnny. Dapat maging masaya siya para sa kaibigan ngunit bakit siya nagagalit sa naging desisyon nito. “Bakit ba hindi ka sumasagot sumasakit na ang lalamunan ko sa katawag saiyo.” Asik nang mama niya nang lumabas siya sa sa balkonahe. Narinig ni Kristian ang galit na boses nang ina ni Aurora. “Nasa baba si Johnny at ang mommy niya.” anito. “Mag bihis ka at bumama” anito at iniwan siya. Napalingon siya sa may balkonahe. Wala na doon si Kristian.Bigla siyang nalungkot. Ilang araw niyang hindi nakita si Kristian ngunit wala siyanng ibang ginawa nang magkita sila kundi ang itaboy ito. Kailangan na niyang tanggapin na wala siyang mapapala sa nararamdaman niya sa binata. Gaya ni Frances, hindi kayang suklian ni Kristian ang pag-ibig niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD