Chase II

1453 Words
Hinahahanap ko si Atty Kristian Edwards, may mensahe ako para sa kanya.” Wika ang isang babae na dumating sa opisina nang task force naroon ang lahat nang miyembro dahil sa biglang pagtawag ni Julianne, inireport nila ang nangyari sa kapatid Kristian at ni Aurora. Sinabi nito na papunta na siya sa opisina at kailangan nilang kumilos para mahanap ang dalawa. Ipina-trace na din niya kay Rick ang plate number nang sasakyang nagdala sa dalawang dalaga. “Anong kailangan mo sa akin?” tanong ni Kristian at lumapit sa babae. “Para sa iyo ang regalong ito. Mula sa girlfriend mo.” Wika ni ng babae. “Kasintahan?” gulat na wika ni Meggan at lumapit sa dalawa. Nagulat din pati ang mga miyembro ng task Force. Sinong kasintahan ba ang tinutukoy nito? Gayong alam nilang subsob sa trabaho niya ang abogado at mukhnag walang ibang gawin bukod sa pagaalaga sa kapatid nito. Hindi ang tipo nito ang palihim na magkakaroon nang kasintahan habang tila ang buhay nito ay ang trabaho. “Inaasahan kong magiging matalino ang pasya mo Atty.” Anang babae bago umalis. Napakunot naman ang noon ang binata habang nakatingin sa ibinigay nang babae sa kanya hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Isa na naman kaya ito sa mga death threat sa buhay niya dahil sa mga kasong hawak niya. Most of the time, ang mga kinakalaban nil ani Julianne ay ang mga maiimpluwensyang tao at politico. Hindi bago sa kanya ang mga ganitong pananakot. Pero ano namang ibig sabihin nito sa iniwang mensahe. Bigla siyang kinabahan. At kapag ganitong kinakabahan siya hindi niya gusto ang tumatakbo sa isip niya. “Kilala mo ba siya, Chief?” tanong ni Meggan sa binata. “No.” wika ni Kristian saka napatingin sa hawak na maliit na envelop. Saka naisip niya ang tawag ni Julianne kanina. “Rick.” ani Kristian at ipinasa sa binata ang flashdrive. Agad naman nitong nakuha ang gustong ipagawa ni Kristian sa kanya. Isang Flashdrive ang laman nang envelop na iniabot nang babae. Hindi Maganda ang kutob niya sa flashdrive na iyon. He is getting anxious at dahil na din alam niyang may dumukot kay Selene at Aurora gaya nang sabi ni Julianne. Gaya nang kutob ni Kristian, Isang video ang laman ng flashdrive kung saan ipinapakita na bihag sina Selene at Aurora. Nakaupo si Selene sa isang upuan habang nakapiring ang mga mata at may busal ang bibig. Si Aurora naman ay nasa isang upuan at nakaharap sa isang Camera. Nakasout din ito ng damit pangkasal. Napakuyom ng kamao si Kristian ng makita ang dalawang dalaga sa ganoong ayos. “Siguro naman, alam mo na ang nangyayari sa mga taong kumakalaban sa akin. At para malaman mo, pumayag na magpakasal sa akin si Aurora kapalit ng buhay ng kapatid mo. Huwag kang mag-alala, ibabalik ko siya sa iyo pagkatapos ng kasal ko. Mahirap na baka iwan ako ng babaeng ito.” Wika nito at hinawakan ang mukha ni Aurora agad namang iniwas ng dalaga ang mukha niya dito. Matapos ang mensahe ni Ramon agad ding natapos ang Video. Nagngingitngit ang loob ni Kristian nang makita ang video. Lalo na nang makita niya ang mukha ni Ramon. Maraming taon niya itong hinanap dahil nais niya itong pagbayarin sa mga kasalanan nito kay Aurora at sa ama nito. Muli nakita ng mga kasamahan niya ang galit na ekspresyon na mukha ng Binatang abogado. Hindi lang isang beses o dalawang beses nalalagay sa panganib ang buhay ng kapatid nito, ngayon naman pati ang buhay ng kaibigan nito. Biglang dumating si Julianne sa presinto. May sugat ito sa ulo at galos sa mga kamay sanhi ng aksidente habang sinusundan niya ang mga kumidnap kay Selene. “Attorney. Anong nangyari sa iyo?” tanong ni Meggan na agad lumapit sa binata. “Anong nangyari?” tanong ni Kristian sa kaibigan. “Okay lang ako. Pero sina Selene mukhang hindi maganda ang lagay. Sayang at hindi ko sila nahabol.” Wika ni Julianne. “Alam na namin ang nangyari sa kanila. Nagpadala ng video ang mga kumidnap sa kanila.” Wika ni Kristian. “Ramon is kind enough to send me that video.” “So it was him after all.” wika ni Julianne na ang tinutukoy ay si Ramon. Nasabi na ni Kristian sa kaibigan ang tungkol kay Ramon at ang kasunduan ng pamilya nito. Si Ramon ang kanang kamay noon ni Don Gustavo na nag traydor sa matanda at pinatay ito saka inangkin lahat nang mga ari-arian nang matanda. hindi ito nahuli nang mga pulis at dahil malawak ang impluwensya nito hindi nagalaw si Ramon at hindi ito naparusahan sa mga ginawang kasalanan. “Mukhang sa isang rest house sa tagaytay nila dinala sina Selene. Kung magbibiyahe tayo sakay ang Van matatagalan baka hindi na natin sila maabutan ng buhay.” Ani Julianne. “Why don’t we fly.” Ani Hunter na biglang dumating. Tinawagan siya ni Ben. Nasa gitna siya noon nang conference kasama ang mga heneral. Agad namang napatingin ang lahat sa binata. “Hunter?” masayang sabi nina Meggan ng makita ang binatang dumating. “Huwag ka ngang magbiro. Wala naman tayong pakpak para lumipad.” Natatawang wika ni Julius ngunit nang makitang tila seryoso ang binata bigla siyang napatigil sa pagtawa at napatigin dito. “Seryoso ka? Paano tayo lilipad?” tanong ni Julius Dinala ng binata sina Kristian sa Archer tower, isang malaking business conglomerate. Doon lang nila napagtanto na bukod sa anak ang binata nang kilalang chairman nang isang malaking hospital. Tagapagmana din ito nang Archer group ang isang malaking business group sa bansa. Sa roof deck nang building naghihintay sa kanila ang isang chopper na magdadala sa kanila sa kinalalagyan nina Aurora. Lahat hindi makapaniwalang napatingin sa binata. “I don’t know what to say.” Wika ni Kristian sa binata. “You don’t have to. Wala naman akong ibang maitutulong ngayon kundi ito lang.” wika ni Hunter sa binata. “Hindi ka sasama?” tanong ni Julius. “May finals game kami sa baseball. Gusto ko mang sumama---” “Kay na naming iligtas si Selene.” Biglang agaw ni Julianne sa iba pang sasabihin nang binata. “I know that. Ang piloto na namin ang magdadala sa inyo kung saan niyo gustong pumunta.” Wika ni Hunter sa mga ito. “Salamat. The best ka talaga young boy.” Wika ni Julius at tinapik ang balikat nito. Hindi naman kumibo si Hunter. Pero ang nasa isip niya. Mas matanda ako saiyo kaya hindi mo ako kailangang tawaing young boy. Ngunit hindi nalang niya iyon isinatinig. Dahil sa mata nang mga ito. Isa lang siyang University student. Kahit na marami siyang qualities na lamang sa kanila. At isa siyang dating death angel. Sa mundo nang mga mortal isa lang siyang ordinaryong binata na anak nang isang mayamang pamilya. “Make sure to save her.” Wika ni Hunter kay Kristian bago ito sumakay sa chopper. “There is no doubt about that.” Wika ni Kristian sa binata. Gamit ang private Chopper nang mga Archer inihatid sila nito sa tagaytay kung saan naroon ang rest house ni Ramon at kung saan gaganapin ang kasal nila. Samatala..... Sa isang harden gaganapin ang kasal nina Ramon at Aurora. Para mailigtas si Selene. Walang nagawa si Aurora kundi ang pumayag na magpakasal dito. At isa sa desisyon ni Ramon bago pakawalan ang dalaga ay ang magpakasal muna ito sa kanya. “Ate Aurora!” mahinang wika ni Selene habang nakaupo sa tabi ni Aurora bago ang kasal nito. “I’m okay. Ihingi mo na lamang ako ng Sorry sa kuya mo. Hindi kita kayang pangalagaan. Hanggang dito lang ang pwede kong magawa para sa iyo.” Wika ni Aurora at biglang umiyak. Agad naman siyang niyakap ni Selene. “Ate Aurora hindi mo naman dapat gawin to. Hindi ka dapat magpakasal sa isang talad niya. siya ang dahilan kung bakit namatay ang ama mo.” Wala rin siyang pwedeng magawa para mailigtas ito. Dahil sa kanya kaya ito mapipilitan na magkasal sa lalaking hindi nito gusto. Nagsimula na ang seremonya ng kasal nina Ramon at Aurora. Gusto sanang tumayo ni Selenepara pigilan ang dalaga ngunit may mga lalaking nakabantay sa kanya. Kuya nasaan ka?. Wika ng isip ni Selene. Kung alam lang sana nang kuya niya kung anong nangyayari sa kanila sana pwede sila nitong iligtas ni hindi nga niya alam kung ano nang nangyari kay Julianne. Sinimulan na ng pari ang seremonya ng kasal, bigla na lamang umihip ang malakas na hangin. Sabay-sabay na napatingala ang lahat isang chopper ang nasa taas nila at nakadungaw sa pinto sina Julianne at Kristian. “Kuya!” sigaw ni Selene nang makita ang kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD