Chase

1826 Words
Dinala ni Kristian si Aurora sa bahay nila, nagulat naman sina Selene at Julianne ng makita ang dalawa na magkasama. Sinabi ng binata sa dalawa ang dahilan kung bakit naroon si Aurora. At sinabi din niya na simula sa araw na iyon doon na titira si Aurora. “Kaya pala, hindi ka makausap nitong mga nakaraang araw. Ito pala ang inaasikaso mo.” Makahulugang wika ni Julianne. “Loko!” ani Kristian at binato ng throw pillow ang kaibigan. “Ate Aurora, magkasama tayo sa silid ko.” Wika ni Selene at lumapit sa dalaga. Masayang masaya ito na makasama si Aurora. Habang nakatingin si Kristian sa kapatid niya iniisip niya noong mga araw na nasa poder pa sila nang ama ni Aurora. Masaya si Selene na makasama ang Dalaga at siguro dahil kapwa babae kaya madaling magkasundo at nagkakaintindihan. “Para lang din ito nang nakatira tayo sa dating bahay niyo.” Wika ni Julianne. At tumingin kay Kristian. “At Mabuti na rin ang ganito para mababantayan din kita. Hindi natin alam kung anong iniisip ni Ramon.” Wika ni Julianne. “Pero hindi kaya mas maging delekado si Aurora dahil sa ginawa mo. Alam mo ang likaw nang bituka ni Ramon.” Wika pa nito saka tumingin sa kaibigan. “Saka ko na iisipan ang bagay na iyan.” Wika ni Kristian saka tumingin kay Aurora. Wala siyang ibang iniisip nang mga sandaling iyon kundi ang kaligtasan nang kaibigan niya at ang pangakong binitiwan nito sa ama ni Aurora. Higit kailan man ngayon kailangan ni Aurora nang kaibigan. Dati na niyang binigo ang dalaga at ang ama nito. Ngayon pagkakataon na niyang bumawi. “Maraming salamat sa tulong ninyo.” Wika ni Aurora at pinahid ang luha. “Para ka namang ibang tao kung magsalita. Pamilya tayo. Ang problema ng isa, problema ng lahat.” Ngumiting wika ni Kristian. Agad namang niyakap ni Selene ang dalaga para e-comfort ito. Dahil sa sinabi ni Kristian, tumango naman sina Selene at Julianne tanda nang pagsang-ayon sa sinabi ni Kristian. Napangiti naman si Aurora. Nagpapasalamat siya dahil may mga kaibigan siyang handa siyang tulungan sa oras ng pangangailangan niya. Ngunit naroon din ang takot sa puso niya, hindi basta-bastang kalaban si Ramon. Alam niya ang kaya nitong gawin. Natatakot siya para kay Kristian at kay Selene. Natatakot siya na baka katulad nang ama niya kunin din ni Ramon ang mga kaibigan niya. **** Nang buksan ni Aurora ang pinto, nagulat ang dalawa ng makita ang mga lalaking nakasout ng itim na damit. Agad namang nakilala ni Aurora ang mga lalaking ito. Ito ang mga tauhan ni Ramon. Isasara sana ng dalaga ang pinto ngunit napigilan ito ng isa sa mga lalaki. Agad nitong hinawakan ang kamay ni Aurora at hinatak palabas. “Hey!” asik ni Selene sa lalaki at sumunod sa paglabas. Hindi niya alam ngunit nakakaramdam na naman siya ng panganib. Panganib na dala ng mga lalaking bisita. Tinapik ni Aya ang kamay ng lalaking humawak kay Aurora, agad nitong nabitiwan ang dalaga. “Selene!” takang wika ni Aurora. Pumagitna sa kanila ang dalaga. “Anong ginagawa mo? Hindi ikaw ang kailangan namin.” Wika ng lalaki kay Selene. “Alam ko. At wala kayong karapatan na dalhin ang isang tao ng sapilitan. Kung ayaw niyong makulong umalis na kayo.” Asik naman ni Selene. Napangisi ang lalaki dahil sa sinabi nang dalaga “Nene, umalis ka sa harapan ko bago ko makalimutan na babae ka.” “Ayoko!” matigas na sabi ng dalaga. Nene? Ano namang akala nito sa kin? Batang paslit? Wika nang isip ni Selene nang marinig ang tinawag sa kanya nang lalaki. “Nene, huwag mong inuubos ang pasensya ko.” Asik ng lalaki. “Huwag ka nang makipagtalo pa, dalhin mo na rin pati ang sabit na yan.” Wika naman ng isa na parang siya ang leader sa kanila. Agad naman na sumunod ang mga lalaki dito. Nanlaban ang dalawang dalaga ngunit wala din silang nagawa laban sa mga ito. Nakita si Julianne na may mga lalaking sapilitang isinasakay si Selene sa isang kotse sa labas ng building nang condo unit nila. Wala namang nagawa ang security guard sa building dahil armado ang mga lalaking may dala sa dalawang dalaga. Nang makita ni Julianne ang nangyari Agad niyang sundan ang mga ito. Hindi na niya nagawang makababa sa kotse niya dahil bigla ding umalis ang mga lalaking iyon kasama sina Aurora at Selene. “Kuya Julianne!” sigaw ni Selene ng makita ang binatang nagmamaneho sa isang Motor bike at sinusundan sila. Kahit papaano naiisip niya na ligtas na sila dahil sa nandoon ang binata pero nag-aalala siya dahil sa mabilis na pagpapatakbo nito nang motor at sa dami nang mga sasakyan sa kalsada, Ilang beses silang muntik na bumangga dahil sa mabilis na pagmamaneho nang driver at sa pagiwas sa humahabol sa kanila “Gumawa ka nang paraan para tigilan tayo ng parak na iyan.” Wika ng lalaking nasa harap at katabi ng driver Naging parang eksena sa sa isang action film ang nangyaaring habulan sa kalsada nina Julianne at ang mga dumukot sa dalawang dalaga. Ngunit sa bandang huli wala ring nagawa si Julianne. Bumangga ang motorbike nang binata sa isang kahoy habang iniiwasan ang truck. Dahil sa nangyari hindi na nahabul ni Julianne ang sasakyan na may lulan sa dalawang dalaga. Napamura ang binata sabay tayo nang makabawi mula sa pagkakabagsak. “Papatayin mo ba siya?” asik ni Selene sa driver at nilingon ang sasakyan ng binata na umuusok matapos bumangga sa kahoy. “Damn!” inis na wika ni Julianne at itinapon ang helmet nang makatayo. Sinubukan niyang itayo nang maayos ang big bike niya at sinubukan paandarin ulit ngunit nabigo lang ang binata ayaw nang mabuhay nang makina. Sa inis nang binata padaskol niyang binitiwan ang big bike saka napatingin sa lumalayong sasakyan nang mga dumukot kay Aurora at Selene. Kinapa ni Julianne ang noo niya nang maramdaman ang likidong umaagos. “Crap.” Muling napamurang wika nang binata nang makita ang duko sa kamay niya. Mukhang nasugatan ang ulo niya dahil sa pagbagsak kanina. Dinala ng mga lalaki sina Aurora at Selene sa isang rest house kung nasaan si Ramon. “Kumusta ka na Aurora.” Wika nito sa kanya. “Kahit anong gawin mo hindi mo ako matatakasan. Alam mo bang ilang taon kitang hinanap? Hindi mo alam kung gaano ako nalungkot nang bigla ka na lamang nawala.” Wika nito sa dalaga at hinawakan ang mukha nito. Agad namang umiwas si Aurora mula sa lalaki. “Maghintay ka lang. Dadating dito ang kuya ko at ililigtas kami.” Wika ni Selene sa lalaki. Kahit na matagal na panahon nang hindi niya Nakita si Ramon natatandaan parin niya ang lalaking ito. Medyo nag mature na ang mukha nang lalaki pero halata parin ang pagiging arogante nito na madalas nang nasa katauhan nang binata. Kahit noon bata pa siya hindi na magaan ang loob niya sa lalaki. Hindi lang dahil sa arogante ito kundi nararamdaman din niyang hindi ito gagawa nang matino. Gaya nalang siguro nang nangyari ngayon. “Sino naman yang maingay na dinala niyo.” Inis na wika ng lalaki. “Mukhang siya ang kapatid ng kasintahan nitong si Aurora, Boss.” Wika ng lalaki. “Ah! Ang matapang na binatang kumuha kay Aurora. Magaling ang ginawa niyo. May rason na ako para patayin ang batang ito.” Wika ni Ramon ay ngumisi kay Selene. “Sisihin mo ang kuya mo kung mamatay ka dito.” “Huwag kang mayabang!” asik ni Selene. “Ramon, hindi mo ba alam na si Atty. Kristian Edwards ang kasintahang tinutukoy nila.” wika ni Aldo at lumapit sa kanila. Napatingin si Selene sa nagsalita. Naalala niya ang lalaking ito. Ito ang lalaking pulis na miyembro nang sindikato na may hawak sa mga batang kalye. Wala siyang maintindihan sa mga nangyari noon dahil masyado pa siyang bata pero hindi niya makakalimutan ang mukha nang lalaking ito. Napatingin naman si Ramon sa dalaga. Saka niya nakilala ang turquoise-colored eyes nang dalagang nasa harap. Iisang tao lang ang kilalang niyang may ganoong kulay nang mata at isang Kristian lang din ang mag kapatid na may ganoon klaseng mga mata. Sakristong napasinghap ang lalaki. “Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, mukhang umaayon sa akin ang mga nangyayari. Matagal ko nang gustong gantihan ang Kristian na iyon. Sinong mag-aakalang may bonus pa.” wika nito saka tumingin muli kay Selene habang hayok na nakangiti. Sobrang liit nang mundo, Hindi ko akalain na napakaswerte ko pa pala. Mukhang makukuha ko na anng paghihiganting nais ko. Alam niyo ba kung gaano ka laki ang utang sa akin nang Kristian na iyon.” wika nito kay Selene. “Kung dati sinuwerte kayo. Ngayon hindi na. sabay sabay ko kayong ipapadala sa lugar kung saan niyo makikita si Sr. Gustavo.” Ani Ramon. “Huwag kang kampante, baka ikaw ang mauna. Pero tinitiyak kong hindi magandang lugar ang kababagsakan mo.” ani Selene sa lalaki. “Patahimikin niyo ang isang yan. Bago magdilim ang mata ko at kung anong gawin ko diyan.” Inis na wika ni Ramon, isa namang lalaki ang lumapit kay Selene at nilagyan ng tape ang bibig ng dalaga. “Aurora. Mukhang kahit gawin mo sa akin parin ang bagsak mo. Huwag kanang manlaban pa at mag matigas. Sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal tayo. Kahit na tutukan kita nang baril kahit sa harap nang altar.” Wika ni Ramon sa dalaga. “Manigas ka! Kahit patayin mo ako ngayon hindi kita pakakasalan!” asik ni Aurora. Hindi niya gustong pakasalan ang lalaki noon at lalong hindi ngayon. Hindi niya makita ang sarili niya na makasama araw-araw ang taong pumatay sa ama niya. Natawa naman si Ramon sa sagot ni Aurora. “Hindi ako magpapakasal sa isang mamatay taong kagaya mo.” Iyon ang sinabi nang dalaga. Kahit tutukan siya nang baril ni Ramon sa ulo sa harap nang simbahan siguro mas gugustuhin niyang mamatay nalang kesa makasal sa gaya nito. “Alam ko naman na wala kang balak na pakasalan ako. Kaya naman hindi kita, papatayin. Hindi ko ibibigay ang gusto mo. Bagkus siya ang ipapapatay ko kapag hindi ka pumayag. Siguro naman, hindi maaatim ng konsensya mo na mamatay ang batang yan kapalit ng buhay mo.” Wika ni Ramon na ang tinutukoy ay si Selene. Tinutukan ng lalaki ng baril ang ulo ang dalaga. Biglang natigilan si Aurora. Hindi naman niyang kayang makita angd dalagang mapahamak dahil sa kanya. “Ano Aurora? Anong desisyon mo?” tanong ni Ramon sa kanya, napakuyom ng kamao si Aurora, hindi niya alam kung anong magiging desisyon. Ngunit kapag tumanggi siya tiyak na mapapahamak si Selene. Ginawa na ni Ramon na patayin ang ama niya. alam niyang hindi ito magdadalawang isip na patayin din si Selene. Umiling si Selene kay Aurora. Nais niyang ipahiwatig na huwag itong pumayag sa nais ni Ramon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD