Dependent

1564 Words
Nang mapansin ni Ramon si Kristian at ang mga bagong dating. Agad na hinawakan ni Ramon si Aurora at isinama papalayo. Kahit panay ang pagpupumiglas ni Aurora wala pa rin itong nagawa laban sa lakas ni Ramon. Taposin niyo ang babaeng yan.” Wika nito sa mga tauhan nang dumaan sa kinauupuan ni Selene. Tatayo sana si Selene nang makita ang kuya niya ngunit bigla siyang hinawakan nang tauhan ni Ramon. “Selene!” hintakot na wika ni Aurora ng marinig ang utos ng lalaki sa mga tauhan nito. Humanap naman ng landing spot ang chopper nina Kristian bago sila nagtungo sa harden para iligtas ang mga dalaga. “Julianne ikaw na ang bahala sa kapatid ko.” Wika ni Kristian at humiwalay sa kanila para sundan si Ramon at Aurora Tumango lang si Julianne sa Kaibigan. Habang si Selene naman ay nasa panganib sa kamay ng mga tauhan ni Ramon. “Paano ba yan miss. Dahil hindi natuloy ang kasal ng boss ko mukhang sa langit na ang bagsak mo.” Wika ng isa sa dalaga. “Manigas ka.” Ani Selene at binato ng upuan ang lalaki. Saka tumakbo ngunit hinabol din siya ng mga lalaki. Ngunit kahit anong takbo at iwas ang gawin niya parati siyang sinasalubong ng iba pa. Na parang hindi manlang nasasaktan sa mga upuan na tumatama sa mga ito. Napatili si Selene ng bigla siyang hinawakan ng dalawang lalaki. Saka namang pagdating nina Julianne, Johnny at Julius. “Kuya Julianne!” sigaw ni Selene. “Bitiwan niyo siya.” Wika ni Johnny na nakatutok nag baril sa mga lalaki. Pero hindi nakinig ang mga ito bagkus inatake nito ang tatlong binata. Wala namang ibang nagawa sina Julianne kundi ang lamaban. Kabilang banda ang tumatakas na si Ramon kasama si Aurora ay hinabol ni Kristian kasama sina Meggan at Rick. “Kristian!” naabutan nina Kristian si Ramon bago pa ito makasakay ng kotse. Agad na hinawakan ni Ramon si Aurora at tinutukan ng baril sa ulo. “Subukan mong lumapit at sisiguruhin kong sasabog ang ulo ng babaeng ito.” Wika ni Ramon. Kahit na gustong barilin ni Kristian ang lalaki hindi niya magawa dahil sa dalaga. Nangangaba siya na baka mapahamak pa ito sa maling kilos niya. Na bigla ang lahat ng kagatin ni Aurora ang kamay ni Ramon. Agad nitong nabitiwan ang dalaga. Dahil sa labis na galit nito sa ginawa ng dalaga. Ibinagwas nito ang kamay. Tinamaan sa mukha si Aurora at nabuwal agad namang kumilos si Kristian. Binaril nito ang kamay ni Ramon. Nabitiwan nito ang baril, saka naman lumapit sina Meggan at Rick para hulihin ito. Agad namang nilapitan ni Kristian ang dalaga. “Aurora, okay ka lang ba!” tanong ni Kristian sa dalaga at tinulugan itong tumayo. Labis na ikinagulat ng lahat ng biglang niyakap ni Aurora si Kristian. Nakita naman nina Julianne at Selene ang ginawa ni Aurora. Nanoon ay papalabas na ng bakuran. Pasekreto pang nag high five ang dalawa at napangiti. Na para bang gustong-gusto ang nakikita. Dinala sa presinto sina Ramon at ang mga tauhan nito at agad na sinanpahan ng kasong kidnapping. “Hey. I am glad to see you’re unharm. Pasensya na hindi ako nakasama.” Wika ni Hunter nang magkita sila sa Presinto kung saan dinala sina Ramon. Napatingin si Selene sa binata. Nakasuot pa ito nang Baseball uniform mukhang kakagaling lang nito mula sa laro. Habang nasa laro, lumilipad ang isip niya at iniisip kung anon ang nangyari sa dalaga. Kung nandoon lang sana siya hindi siya mag-aalala nang ganito. At dahil sa pag-aalala niya at pagiging okupado. Makailang ulit siyang nagkamali. Kamuntik pa silang matalo. Marahil dahil sa alam niyang nasa dalaga ang kapangyarihan niya kaya siya nag-aalala dito. Ito ang susi para makabalik siya sa dati niyang katuhan. Kung may mangyayari dito baka hindi na niya makuha ang kapangyahiran niya. “Akala ko ba. Kung kailangan ko nang tulong you will always be there to protect me. Nasaan ka nang muntik na kaming mamatay ni Ate Aurora?” asik ni Selene sa binata. “Pero mukhang mas busy ka sa laro mo, nakalimutan kong isa ka palang ace at may pangalan kang dapat pangalagaan.” Inis na wika nang dalaga. She was into that idea na parating nandoon si Hunter para sa kanya. At ngayong wala ito kung kailan nasa panganib siya pakiramdam niya she felt betrayed. Kahit hindi naman sila talaga silang malapit at bago palang silang magkakilala. Pinaramdam kasi ni Hunter sa kanya na isa siyang maasahang Karamay kaya ngayon pakiramdam niya binigo siya ni Hunter. “Hey! I am not a full pledge soldier. I don’t do front line combat. Besides, I am a university student.” Wika ni Hunter. “Ah talaga?” wala sa loob na wika ni Selene. “I am beginning to doubt your words. I bet those are swallow words you use to lure girls. Huh, no wonder ang daming miyembro nang fan clubs mo. I should have known. You are no different from the rest of those ----- biglang natigilan si Selene. Ano bang pinagsasabihi niya. Did she just think of Hunter na katulad nang mga nilalang na nakalaban nila. Just because of a simple instant na hindi ito nandoon para iligtas siya. Ganoon na ba siya ka dependent sa binata? “Why did you stop?” tanong ni Hunter habang nakatingin sa dalaga. “I am just tired. I don’t want to argue. It is not your job anyway to save me. Why am I blurting this out on you.” Wika nang dalaga saka tumalikod sa binata at naglakad patungo sa sasakyan. Nasa loob pa nang presinto ang kuya niya. Pero biglang natigilan si Selene nang makita si Aldo, ang kanang kamay ni Ramon. Natigilan ang dahilan at hindi na niya alam ang sumunod nangyari. All she know is that she saw him pointing a gun at her and in a split second isang malakas na putok ang narinig nang lahat ang mga nasa loob nang presinto ay biglang napatingin sa labas. Habang si Selene naman ay nakatingin sa Binatang nasa harap niya ngayon. Hindi lang niyang ginawang panangga ang katawan niya para sa kanya at the same time he catch the bullet in his hands. Napaawang ang labi ni Selene habang nakatingin sa binata nakaunat ang kamay where he caught the bullet. Nakatingin si Selene sa kamay nang binata habang nakikita ang dugong umaagos sa kamay nito. Nakalabas na mula sa Presinto sina Kristian nang makita niya si Aldo. Napansin din ni Julianne ang pulis na nakatutok ang baril sa kinatatayuan nina Selene. Nakatayo lang ito at tila na gulat. Nagulat dahil Nakita niya kung papaano sinalo nang binata ang balang para sana sa dalaga. Nang makita nina Kristian si Aldo agad nilang nilapitan ang lalaki saka hinuli. Saka napatingin kay Hunter. Doon niya Nakita ang binata tumutulo ang dugo sa kamay. “What did you do? Are you okay?” nag-aalalang wika ni Selene saka hinawakan ang kamay nang binata saka tinangkang tingnan iyon. Ngunit bigla siyang natigilan nang makitang biglang naghilom ang sugat sa kamay nang binata nang buksan niya ang palad nang binata. Kusang naghilom ang sugat nito at wala man lang ka bakas-bakas nang sugat ang tanging Nakita nang dalaga doon ay ang basyo nang bala. Taka siyang napatingin sa binata. Hindi naman lingid sa kanya na kakaiba si Hunter. Pero seeing himself heal talagang ikinagulat niya. Taka siyang nakatitig lang sa mukha nang Binata. “Are you okay?” tanong ni Kristian na lumapit sa kanila. Si Aldo naman ay dinala sa loob nang presinto nina Julius at Rick. Agad na inilayo ni Hunter ang kamay niya nang makalapit si Kristian at Julianne sa kanila. “You are insane!” wika ni Julianne. “Pumunta kana sa hospital at ipatingin yang kamay mo. Who told you to literally catch a bullet for her. You really have a devil’s luck brat.” Wika ni Julianne sa binata. Si Selene naman ay nakatingin lang sa binata dahil sa labis na gulat dahil sa nangyari. “I’ll do that later.” Wika ni Hunter saka tumingin sa dalaga. “I’m okay. You don’t have to look at me like that. Kiddo.” Wika ni Hunter saka inilagay sa ulo ni Selene ang isang kamay niya. “Nakabawi na ako. Hindi mo na kailangang magalit sa akin.” Wika nang binata. At that time. Nakatingin lang sina Kristian at Julianne sa dalawa. And they feel uncomfortable dahil parang naiistorbo ang dalawa. Napatingin naman si Julianne sa kaibigan. Is he okay with this guy getting so close sa kapatid niya? Tumikhim naman si Julianne para ipaalam sa dalawa na nandoon din sila. Napatingin naman nag dalawa sa mga binata nang mapagtanto ni Selene na nandoon ang kuya niya agad niyang tinanggal ang kamay ni Hunter sa ulo niya. “Tayo na sa loob.” Wika ni Kristian at hinawakan ang kamay niya. “Pumunta ka sa Hospital ipatingin mo yang kamay mo. Julianne sama----” “I’ll fine on my own.” Biglang agaw ni Hunter. “Suit yourself Brat. Hindi ko rin gustong maging babysitter mo.” Wika ni Julianne saka sumunod kay Kristian at Selene. Nang makapasok sa loob nang presinto ang tatlo napatingin si Hunter sa kamay niya. He has to find a way kung papaano niya makukuha muli mula kay Selene ang kapangyarihan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD