Sakto namang umalis ang Van na sinasakyan nina Selene nang biglang lumitaw si Hunter. Hawak nito ang Hourglass nang lalaking driver. Nandoon ang binata para sunduin ang kaluluwa nang lalaki. Napatingin ang binata sa kaluluwa nang lalaki na nakatingin sa daan.
“There is no use in clinging to this world. You are no longer part of it.” Wika ni Hunter at inilapit ang hourglass sa kaluluawa kasunod noon biglang naging isang Liwanag ang kaluluwa nang lalaki saka pumasok sa hourglass bago ito naglaho. Napatingin naman si Hunter sa katawan nang lalaki saka nilingon ang kotseng nasa likod niya. Lumapit si Hunter sa katawan nang lalaki saka hinawakan ang balikat nito.
He was reading his last memory. “That Kid.” Wika ni Hunter saka napatingin sa sasakyan sa likod niya. “You really know how to make me worry about you kidd.” Anas nang binata saka kinuha ang cellphone sa black coat niya sa tinawagan ang mga police ay iniriport ang nangyaring aksidente at kung saan makikita ang sasakyan at ang bangkay nang lalaki sinabi nitong tawagan si Atty Kristian Edwards at ireport ang nangyari.
Atty. Kristian Edwards, this is Hunter Archer. I think you know him. He was a former member of task force Guardian.” Wika nang isang lalaking naka uniporme nang sundalo na lumapit kay Kristian kasama si Hunter. Napatingin naman si Kristian at Julianne sa binata. Ilang oras lang bago sila magkita nang Admiral nang Navy kasama si Hunter. Nakatanggap siya nang tawag mula sa mga pulis at sinabing natagpuan ang sasakyan nila sa isang kalsada at ang bangkay nang driver nila. Sinabi nang mga pulis na bukod sa bangkay nang driver wala na silang ibang Nakita doon. Sinabi ni Kristian na dapat susunduin nang Driver ang kapatid niya at anak niya. Sinabi lang nila sa kay Kristian na wala silang ibang Nakita doon. Saka ibinigay ang dash cam.
Nakita nila ang mga nangyari. Simula nang biglang ihinto nang driver ang sasakyan dahil sa pagharang nang dalawang lalaki at ang pagpatay nang mga ito sa Driver hanggang sa pag papasakay nang mga ito kay Selene at sa mga bata sa Van. Habang pinapanood ni Kristian ang footage hindi niya maiwasang hindi magpuyos sa galit, napapakuyom ang kamao nito habang nakatingin sa mga lalaki. Lalo namang napakuyom ang kamao nito nang lumapit a camera ang leader nang kidnappers.
Natuptop ni Aurora ang bibig niya nang makitang umiiyak ang anak niya sa loob nang sasakyan. Ang huling image mula sa dash cam ay nang dalhin nang mga lalaki sina Selene at mga anak niya.
Dumating din nila sina Julius, Bn at Rick nang malaman nila ang nangyari kay Selene at sa dalawang bata.
“Hunter?” Gulat na wika ni Julius nang makita ang binata saka itinuro ito dahil sa labis na gulat. He can still clearly remember nang biglang umalis ang binata sa crime scene kung saan nila nakitang walang malay ang dalagang si Selene ang five years after hindi na sila nakakuha nang balita tungkol dito.
“I think hindi na magiging mahirap para sa inyo ang kasong ito. Dahil kilala na Ninyo ang isa’t-isa.” Wika pa nang Admiral.
“What are you doing here?” tanong ni Rick.
“My thoughts exactly. What happen to you? Where have you been all these years.” Ani Ben.
“It doesn’t matter.” Biglang wika ni Julianne at tumayo at naglakad papalapit sa kanila. “He is not our concern at this time. It’s selene and the kids. Catching up will have to wait. Don’t you think.” Anito kay Hunter.
“He is one of the best investigators that we have. And I think he can be a big help.” Wika nang Admiral. “I am also calling some of my man to assist us with this case.” Anito saka tumingin kay Kristian. “You are the nephew of the three famous General bakit hindi ka humingi nang tulong sa kanila.” Tanong nito kay Kristian.
“It’s complicated.” Wika ni Kristian. Ilang taon na ang nakakaraan at hindi parin na reresolba ang gusot sa pamilya nila. Nasanay na rin naman sila ni Selene na hindi sila itinuturing na nag-eexist nang pamilya nang ama nila.
“I put my trust in you.” Wika ni Kristian saka inilahad ang kamay kay Hunter.
“I’ll do my best.” Wika pa ni Hunter saka tinanggap ang pakikipagkamay ni Kristian saka agad din binitiwan ang kamay nito.
“Mr. Edwards. We will be asking you a few questions to help us identify who could be the culprit behind your familiy’s abduction.” Wika nang Admiral nang bumitaw si Hunter sa pakikipagkamay kay Kristian.
“Please call me Kristian. I would gladly cooperate.” Wika naman ni Kristian sa Admiral. Saka tumingin kay Hunter. Malaki naman ang tiwala niya sa binata. Dati naman silang magkasama sa task force and he is reliable. And somehow, he believes that this young man still cares for Selene.
“I would like to know if you know someone who has grudge on you that can be one of our suspects.” Wika nang isang Binatang kasama ni Hunter at admiral. Na tila isa din sa mga tauhan nito.
“Well, I was once a member of the Special task force. And I think you already knew that I own a law firm and we battle against big and famous person. I am sure I Have a lot of enemies. In my line of business, I guess I also have a number of them.” Sagot ni Kristian.
“Well, this might be a little complicated, Admiral.” Wika ni nito saka tumingin sa admiral at kay Hunter.
“We have an incoming video call.” Wika ni Julianne at lumapit kay Kristian na dala ang cellphone nito. Napatingin pa si Kristian sa caller ID nan aka register. Isang unknown number ang tumatawag.
“You can answer it.” Wika nang Binatang kasama nang Admiral. Tumingin naman si Kristian kay Julianne saka tumango na ibig sabihin ay it’s okay for him to answer the call.
“Long time no see. Atty. Edwards. I hope you can still remember me.” Wika nang lalaki sa video. Nang makilala ni Kristian ang lalaki saka napakuyom nang kamao.
“I know you can still recognize me. I have returned to avenge what you did to my father and me. You have taken everything from me. Now, I will make up for all those. I will make you feel the pain of losing everything that you protect.” Wika nito saka ngumisi.
“Elmer Villafuerte.” Madilim ang ekspresyon na wika ni Kristian habang nakakuyom ang kamao. Tumawa naman ang lalaki.
“It’s nice for you to still remember me. And I think you are looking for your sister and your kids.”
“Don’t you dare hurt them.” Bulalas ni Kristian.
“I am not. If you will cooperate.” Anito kay Kristian.
“Nasaan ang mga anak ko. SI Selene!” asik ni Kristian
“Calm down Attorney. Hindi ko sila sasaktan gaya nang sabi ko only if you will cooperate” Wika ni Elmer.
“Speak!” asik ni Kristian kay Elmer. Malakas na tawa naman ang pinawalan ni Elmer dahil sa reaksyon ni Kristian mukhang naaliaw pa ito sa reaksyon ni Kristian.
“You still act high and almighty Former Chief Edwards. I suggest you should not. I have your sister and your kids. I have the winning card in my hand.” Ani Elmer.
“What do you want? It is me that you want right. Stop hiding and face me instead.” Ani Kristian.
“Tsk Tsk Tsk. Huwag kang masyadong mainipin Kristian. Darating din tayo diyan. Sa ngayon maglaro muna tayo. If you can find me, before I kill your family. You can have their freedom as a reward. But you don’t. I will kill them. You have 24 hours.” Wika nito bago naputol ang linya.
“Damn!” napamurang wika ni Kristian nang maputol ang tawag nila. Halatang pinaglalaruan sila ni Elmer.