I knew it. Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang isang tulad mo. Ano namang ginawa mo ngayon? Dapat talaga hindi kita hinayaang makaalis kung magkikita pala tayo dito ako na sana ang nag bitbit saiyo.” Wika ni Julianne na ikinagulat nang lahat. Lahat nang mga naroon ay takang nagkatinginan dahil hindi nila maintindihan ang sinasabi nang binata/ Maging ang General ay napatingin kay Hunter. Ang binata naman ay nakatingin lang kay Julianne.
“M-Magkakilala kayo?” nag-aalangang tanong nang General dahil sa gulat.
“Hindi!” sabay pang wika nina Julianne at Hunter dahilan para magulat ang lahat. Naiwang tigalgal ang general dahil sa sagot nang dalawa.
“I wonder. Anong ginagawa nang isang civilian na tulad mo dito? O baka naman nahuli ka for being a bully and a juvenile deliquent.” Wika ni Julianne. Sakristo namang napabuga nang hangin si Hunter dahil sa sinabi nang binata.
“Bully? A juvenile deliquent?” Takang wika nang Heneral saka tumingin sa binata.
“He is just babbling nonsense.” Wika ni Hunter saka tumingin sa Heneral.
“Babbling nonsense. Ako? Aba’t ang----” wika ni Julianne na akmang lalapit pero bigla siyang pinigilan ni Kristian. Natigilan naman si Julianne saka napatingin sa binatang kaibigan.
“Bakit mo ako pinipigilan? That punk---”
“Calm down. Do you think dito siya dadalhin kong nahuli siya? Be logical.” Wika ni Kristian. Biglang namang natigilan si Julianne saka napatingin sa binata at sa General.
“Ah. Sorry nakalimutan kong ipakilala sa inyo.” Wika nang general na tila nakabawi na mula sa pagkakabigla sa mga nangyari.
“This is Hunter Archer.”
“Hunter Archer?!” gulat na bulalas ni Meggan dahil sa excitement nito nang marinig ang pangalang binanggit nang Heneral. Dahil sa reaksyon nang dalaga. Napakunot ang noo nang lahat dahil sa hindi nila masundan ang reaksyon nito.
“Killa mo?” Tanong ni Julius sa kaibigan.
“Ano ka ba!” excited na wika nito. “Sinong hindi makakakilala sa tinaguriang Real life version of Detective Conan. TV news at pahayagan ang pangalan niya.” Wika nito. “
“Detective Conan? Ano ka batang paslit.” Wika ni Julius.
“Huwag mong sabihin hindi mo alam. The Japanese Anime----”
“Alam ko. Pero siya? Detective Conan nag papatawa ka ba?” napatiim bagang naman si Meggan dahil sa sinabi nang kaibigan.
“Ewan ko saiyo. Wala ka naman kasing ibang alam. He is famous. The youngest Detective. He can solve cases with his great deduction skills.” Proud na wika ni Meggan.
“Mukhang marami kang alam kang alam tungkol kay Hunter. Officer.” Wika nang Heneral.
“M-Mahilig lang akong magbasa at manood nang balita. And it happens na lahat nang mga solve cases na ibinabalita ngayon. His name is in it. I didn’t know he would look this young.” Wika ni Meggan.
“Well, gaya nang nasabi na ni Officer Young. Hunter is a detective. And he will be the new additional to our group.” Wika nang Heneral. “Kung mapapansin niyo. Mga bago ang nandito sa conference. Papalitan natin ang mga miyembro nang Task force and you guys are considered as the elites.” Wika nang Heneral.
“General. Lahat nang nandito sa loob nang conference mga sundalo, pulis o miyembro nang air force. But putting a university student kasama kami. Hindi naman yata tama. Hindi binuo ang task force para maging babysitter at taga-alaga---”
“Tama na.” wika ni Kristian at hinila ang kaibigan na maupo. Ngunit ayaw makinig ni Julianne. Natitiyak niyang hindi makakapayag ang pride nito na may isang baguhan na bigla nalang isasali sa grupo nila. Nakita niya kung anong effort ang ibinigay ni Julianne para lang makarating kung nasaan ito ngayon.
“Officer Ramirez. Hindi ko naman dadalhin si Hunter sa lugar na ito kung gagawin ko kayong babysitter niya. Kilala siya sa field na ito. At kung experience lang din ang pag-uusapan. Sa palagay ko nagkakapareho lang kayo. He is young, alam ko yun. But he is passionate and knows what he is doing. Even the Defense Secretary is the one who recommend him. He has a good track record.” Wika pa nito. “At akala ko ba hindi ka ang taong manghuhusga dahil sa itsura o sa edad at kasarian. Bakit hindi natin subukan ang kakayahan niya. After that if you still have the same opinion then, I will personally remove him from the group.” Wika nito sa kanila saka bumaling kay Hunter.
“Is that fair?” tanong nito sa binata.
“Do whatever you like.” Wika nang binata.
Napatiim bagang lang si Julianne sa sinabi nang binata saka naupo. Bakit ba kumukulo ang dugo niya sa binata. Wala naman iton ginagawa. Hindi rin naman siya ang taong mapanghusga. Pero bakit mainit ang dugo niya sa binata.
“I think we are good then.” Wika nang General nang makitang napaupo si Julianne. Tinapik nito ang balikat nang binata saka naglakad patungo sa unahan sumunod naman si Hunter sa Heneral.
“Maaring nagtataka kayo kung bakit kayo narito. Nasabi ko na rin kanina na babaguhin natin ang Task force Guardian at sisimulan natin yun by changing the membes. It’s not that, the previous member is not effective. But we want this task force to become the elite crime busting team.” Wika nang Heneral.
“Sa mga bagong miyembro. Malugod ko kayong tinatanggap sa Task force Guardian. Marahil narinig niyo na nag tungkol sa task force. Ang Guardian Task Force. Ang Guardian ay isang joint project nang Armed forces at National defense Isa itong secretong organisasyong na pinamumunuan nang mga military kayong walo ang napili para bumuo sa nasabing task force. Ang primary objective nang Task force ay hawakan ang mga serial cases na hindi agad nalulutas nang mga pulis. Kailangan niyong maging mabilis. Kayo ang inaasahang lulutas sa mga kaso sa isang tahimik na paraan. Simula ngayon kayong walo na ang bubuo sa special task force na ito.” Dagdag pa nang Heneral
Ipinaliwanag nang Heneral na silang walo ang natatangi sa kanilang mga departamento and was highly recommended. Ang siyang naging Basihan sa pagpili sa kanila. Isa isa din silang ipinakilala. Sila ang bubuo nang bagong task force/special task force for investigation.
SPO1 Meggan Young – 25 y/o miyembro nang PNP, Magaling sa taekwondo at weaponry. Magaling din siya sa surveillance.
Sgt. Ben Cordero - 30 y/o miyembro nang NBI forensics at magalaing na computer Analyst.
Sgt. Johnny Valdez - 27 y/o miyembro nang air force, Isang bomb Expert.
Sgt. Rick Hermoso - 26 y/o miyembro nang air force, Isang bomb Expert.
SPO3 Julius Hererra - 28 y/o miyembro nang PNP isa sa big three nang Magaling na sniper.
1Lt. Kristian Edwards - 29 y/o miyembro nang armed forces, mula sa surveillance department at isang abogado.
2Lt. Julianne Ramirez - 29 y/o miyembro nang armed forces, mula sa surveillance department at isang abogado
SPO4 Aurora Ledesma - 25 y/o dating paramedics at medical intern, Mula sa PNP.
Hunter Archer - 20 y/o university student at kilala bilang new generation detective.
“Ito ang unang kasong hahawakan niyo.” Wika nang Heneral saka sinenyasan ang isang dalaga sa harap nang computer na ipakita sa malaking screen ang inihanda nilang detalye para sa unang kasong hahawakan nila.
“Anong klaseng kaso ‘to?” takang tanong ni Ben dahil sa labis na gulat.
“Kung maalala niyo six months ago may mga kadalagahang nawawala. Ang apat na iyan ang ilan lamang sa mga kadalagahang kinidnap. Noong isang buwan, nagsagawa nang research ang rescue operation ang national defense para hanapin ang mga kadalagahang nawawala. At sa paghahanap nila nakita nila ang bangkay nang apat na dalagang iyan. Para sa proteksyon nang pamilya nila hindi inilabas ang balitang ito. At para na rin sa ikapapanatag nang loob nang iba pang pamilya na hanggang ngayon hindi pa makita ang mga anak.” paliwanag ni General Mendoza.
“Napakabrutal nang pagkakatapay sa kanila. Tinanggal ang Puso at Atay.” Nangilabot na wika ni Rick. Lahat sila natigilan at napatingin lang sa monitor.
“Ano namang klaseng mga tao ang gagawa nito?” Takang tanong ni Julius.
“Kung pagbabasihan natin ang report. Maaaring black syndicate ang gumawa nito. sila ang illegal na grupong nagbibinta nang mga laman loob sa black market.” Ani Ben.
“Ngunit, kung black market ang mga gawa nito, hindi ba dapat hindi lang puso at atay ang kinuha nang mga ito? Pwede rin nilang ibenta ang Kidney at Mata.” Wika naman ni Meggan. Dahil sa sinabi nang dalaga takang napatingin sa kanya ang mga binata. Iyon ay dahil sa labis na pagkagulat sa sinabi nang dalaga. “Bakit? May sinabi ba akong masama?” takang tanong ni Meggan nang mapansin na nakatingin sa kanya ang lahat.
“Dati ka bang nag tatrabaho sa Black Market?” Pabirong tanong ni Julius sa dalaga.
“Anong sabi mo?” inis na wika ni Meggan.
“Tama na yan!” wika nang heneral. Saka napailing dahil sa pagbabangayan nang dalawa.