Dinala ng mga Marine ang Senador sa main headquarters. Maraming mga media ang naroon na nais mag cover sa pagkakahuli sa Senador at sa anak nito. Patung-patong na kaso ang isinampa ni Kristian sa mag-ama dahil sa mga illegal na Gawain nito at sa pagkidnap na rin kay Selene.
“I think you should thank me. You will not be missing each other.” Ani Kristian sa mag-ama na nasa loob ng kulungan.
“You won’t hold me that long Attorney. Hindi mo kilala kung sino ang mga kasamahan ko.” Wika ng Senador.
“Well, hindi mo kailagang sabihin sa akin dahil ako mismo ang maghahanap sa kanila.” Wika ni Kristian.
“Hindi mo kilala kung sino ang binabangga mo.”
“Malalaman ko rin oras na matapos ang imbestigasyon. Wala akong paliligtasin ni Isa man na magdadala ng kaguluhan.” Ani Kristian.
“Pagbabayaran mo ang kahihiyang idinulot mo sakin Attorney Edwards. You will be paying big time. Uubusin ko lahat nang taong mahalaga sa buhay mo.Asahan mo yan.”
“Itigil niyo na ang panlalaban niyo. Kung nabuhay lang sana kayo ng may malinis na konsenya at tuwid na Gawain walang batas na tutugis sa inyo. Hindi lang batas ng tao ang nilabag niyo kundi maging batas ng Diyos. Magpasalamat kayo dahil may oras pa kayong mag-sisi.” Wika ni Kristian bago iwanan ang mag-ama.
Maraming TV station ang nais mag-interview sa bagong Chief ng Task force dahil sa naging mga accomplishment nito. Una ang kidnapping issue na tumagal ng anim na buwan bago na lutas. Ngayon, naman nahuli at naipahayag sa publiko ang mga maling Gawain ng Senador. Ngunit walang isa man sa kanila ang pinaunlakan ni Kristian para sa interview.
“Wala ka bang balak ipagamot yang sugat mo?” tanong ni Selene nang pasakay na ng kotse si Hunter. Sinundo siya nang family driver nila dahil na rin sa utos ng ama niya. Nalaman nito ang operasyon na ginawa nila. Sa pag-aalala ipinadala nito Driver nila para sunduin ang binata. Lalo na nang malaman na nasugatan ang binata sa naging operasyon nila.
“Don’t worry, Malayo sa bituka ang sugat ko. I won’t die!” ngumiting wika ni Hunter sa dalaga.
“Bahala ka nga!” napasinghap na wika ni Selene. “Bakit ba ako nag-aaksaya nang panahon na mag-alala sa iyo. I bet you don’t need it.”
“And OH!” wika ni Hunter saka hindi itinuloy ang pagsakay sa kotse bumaling ito sa dalaga.“Stay out of trouble. I might not be there to save you this time. Kailangan kong magpahinga..” Ani Hunter sa dalaga.
“Ano?! Sinabi ko bang iligtas mo ako!” mataray na wika ni Selene.
“Such a pain!” nakangiting napailing si Hunter bago sumakay at inutusan ang driver na paandarin ang kotse.
“Such a pain!? Yabang!” Inis na sigaw ni Selene.
Nasa sasakyan si Hunter nang mapansin niyang kusang naghilom ang sugat niya. Nitong mga nakaraang araw napapansin niyang unti-unti na kayang bumabalik ang kapangyarihan niya. Kaya na niyang paghilomin ang sarili niyang sugat, madalas na rin niyang nakokontrol ang oras.
“Sa Hospital ba ang tuloy natin? Mukhang malalim ang sugat mo?” tanong nang driver ni Hunter.
“Hindi na, sa bahay nalang tayo. Kailangan ko nang magpahinga.” Wika ni Hunter.
“Sige.” Simpleng wika nito. Hindi niya maintindihan kung bakit ayaw nitong magpahatid sa hospital nakikita naman niyang maraming dugo ang nawala sa binata. Nilingon nang driver ang binata nakapikit ang mga mata nito at tila natutulog. Matagal na siyang driver nang pamilya at matagal na niyang napapansin na kakaiba ang binata. Simula nang makigtas ito mula sa aksidente noong bata pa ito tila nagbago na ang binata. He ia different kumpara sa mga kasing gulang niya. Bagay na nakakapagtaka.
*****
Takot na takot ang isang lalaki habang tumatakbo sa isang madilim na eskinita. Nagkakanda buwal-buwal na ito. Panay ang tingin sa likod niya na waring my tinatakasan. May sugat sa kaliwang tagiliran ang lalaki na waring galing sa isang matulis na bagay. Hinawakan nito ang sugat habang tumtakbo.
Napaatras ang lalaki ng biglang may lumitaw na isang tao sa harap nito. May dala itong isang matulis na bagay na puno ng dugo. Bakas sa mukha ng lalaki ang labis na takot ng Makita ang hawak nitong matulis na bagay. Ngumisi ang lalaki bago saksakin sa tiyan ang kawawang lalaki. Hindi pa ito nag kasya bagsak na ang lalaki pero undayan parin niya ito nang saksak.
Hindi nito tinigilan ang lalaki hanggat hindi nito nasisiguro na wala na itong hininga.
Napabalikwas si Selene dahil sa kakaiba niyang panaginip. Pinagpapawisan din siya nang malagkit. Hindi niya alam kung saan galing ang ganoong klaseng panaginip niya subalit ramdam na ramdam niya ang takot nang biktima at ang galit nang lalaki. Kung panaginip lang ito bakit totoo ang takot na nararamdaman niya. Napatayo siya at papunta sana sa banyo nang biglang mapatingin sa salamin, Nakita niyang nagbago ang kulay nang mata niya. Taka siyang napatingin sa sarili. Hindi niya alam kung anong nangyayari at kung anong ibig sabihin nang panaginip niyang iyon.
Sobrang lakas ng tili ng babae ng Makita ang duguang bangkay ng isang lalaki sa loob ng eskinita. Ilang sandali pa, marami ng tao ang naki osyoso. Kasunod noon ang pagdating ng Mga pulis at ng Task force at mga miyembro nang media para tingnan ang bangkay ng biktima. Si Rick at Ben na dating miyembro ng Forensics ang siyang tumingin sa bangkay.
Habang sina Meggan at Julius naman ang tumingin sa paligid ng pinang yarihan ng insidente. Agad ding lumabas sa balita ang nangyaring insidente.
Ipinakuha lahat ni Kristian ng larawan ng mga biktima ng serial killing. Sa loob ng isang lingo apat na agad ang biktima ng killer.
“Hindi basta basta ang biktima ng killer na ito. Lahat sila galing sa isang kilalang pamilya.” Ani Johnny habang nasa loob sila ng conference room at pinag-aaralan lahat ng mga litratong nakuha nila.
“Bukod doon, ang apat na ito at dating magkakaklase at magkakaibigan.” Ani Meggan. “Ang iniisip ko. Bakit sila papatayin ng suspect. Maliban na lang kung may atraso sa kanya ang apat na ito.” Dagdag pa nito.
“OO parang kwento sa isang, Novela. Naghihigante ngayon ang killer dahil sa ginawa nila noon sa kanya. Maaring binu-bully siya noong apat noong nag-aral pa sila. Tinorture at pinahirapan. At ngayon at naghihigante na ito.” Ani Ben.
“Sabihin mo Ben? Ano namang pelikula ang pinanood mo?” ani Meggan sa binata.
“Aba hindi natin pwedeng Baliwalain ang posibilidad na isa itong kaso ng paghihigante.” Ani Ben.
“Pwede nating sabihing paghihigante ang dahilan ng mga pagpatay. Mas maiigi na maghanap pa tayo ng ebedensya na mag-uugnay sa mga taong ito. Ni wala tayong clue kung sino ang killer. Mahirap magbigay ng konklusyon sa ngayon.” Ani Kristian.
Napatingin ang lahat sa pinto ng bigla itong bumukas at mula doon pumasok ang isang binata. Sa ayos nito natitiyak nilang galing ito sa isang mayamang pamilya.
“Magandang umaga. I am looking for Officer Kristian Edwards.” Wika ng lalaki. Biglang nagkatinginan ang lahat bakit nito hinahanap si Kristian? Iyon ang mga tanong sa isip nila.
“Anong maipaglilingkod ko?” tanong ni Kristian saka lumapit sa binata.
“Can we talk Privately?” wika nang binata.
“Sure. Doon tayo sa opisina ko.” Wika ni Kristian saka naglakad patiuna. Sumunod naman ang binata sa kanya. Lahat napatingin sa dalaga habang nakatingin sa mga ito na papasok sa opisina ni Kristian.
“Renz Lopez?!” gulat na wika ni Meggan
“Bakit?” Tanong ni Julius. “Kilala mo ba siya?”
“Sinong hindi makakakilala kay Renz Lopez isang sikat na soccer player at anak ng isang Judge.” Ani Meggan.
“Soccer is not my sport.” Ani Julius.
“OO dahil ng alam mo lang ay kumain.” Wika ni Meggan sa kaibigan at ngumiti.
“Aba kung hindi mo alam magaling ako mag baseball.” Ani Julius ngunit hindi siya pinansin ni Meggan.
“So, what business do you want from me?” wika ni Kristian nang nasa loob na sila ng conference room.
“Gusto kung I-hire ang Task Force niyo para maging bodyguard ko.” Wika nito na ikinagulat ni Kristian at hindi rin niya nagustuhan ang bagay na iyon.
“BodyGuard? I think I heard it wrong.” Wika ni Kristian.
“Yes Bodyguard.” Anito.
“I think you have come to the wrong place. Task force is not a security agency. Kung gusto mo i-i-endorse kita sa kakilala ko.” Wika ni Kristian.
“I am a bit insulted by your word Officer.” anito.
“Did I? Mr. Lopez. We solve cases thats why we are under crime squad. Hindi namin trabaho ang maging bantay o Bodyguard.” Madiing wika ni Kristian.
“Siguro naman, nakarating na sa inyo ang balita tungkol sa serial killing incident.” Wika nito. “I need your protection. I have a feeling na isa ako sa pwede niyang maging biktima.” Ani Renz.
“Bakit niyo naman naisip na isa kayo sa magiging target ng killer? Are you somehow related to him?” ani Kristian.
“Lahat ng biktima niya ay ang dati kung mga kaibigan. Kaya naisip ko na baka ako na ang isunod nila.” Anito. “Isang malaking psychopath ang killer na ito. Tinatarget niya lahat ng mga taong sikat sa lipunan.” Wika nito.
“Kung totoo ang sinabi mo. Lahat ng mga mayayamang tao kailagan din ng bodyguard.” Wika ni Kristian.
“What I am saying is. Matutulungan ba ako ng agency ninyo. Kaya kong magbayad ng malaki.” Ani Renz. Hindi sumagot si Kristian bagkus ay nakatitig lang ito kay Renz. Hindi siya makapaniwala s aka buktutan nang ugali nang binata.
“Unbelievable. I just told you that I can Pay you as much as you need.” Anito kay Kristian.
“I don’t need your money.” Direktang wika ni Kristian. Hanggang sa huli hindi parin ibinigay ni Kristian ang nais nito. “Kung wala ka nang ibang kailan. Pwede ka nang umalis. Do I need to show you the way out?” sakristong wika ni Kristian sa binata.
“You will regret rejecting me Officer.”
“I’ll cross the bridge when I get there.” Wika ni Kristian. Inis na lumabas nang conference room ang binata.
Tinitigan niya nang masama ang mga tauhan ni Kristian nang makasalubong niya ang mga ito. Pati Aurora na walang malay ay binangga nito. nagkalat sa sahig ang dala nitong files ni hindi manlang nito tinulungan ang huli sa halip ay nilampasan lang.
“Ang sama nang ugali nang isang yon.” Ani Meggan at inalalayan si Aurora na tumayo.
“Salamat.” Ani Aurora. “Sino ba yun at ang angas.” Wika ni Aurora.
“Si Renz Lopez.” Wika ni Meggan.
“Anong ginagawa niya dito?” tanong ni Aurora. Umiling lang si Meggan.