Gathered

1507 Words
“Selene!” isang boses ang narinig nila. Sabay na napalingon ang binata at si Selene sa tumawag sa dalaga. Nang mapalingon sila Nakita nila ang isang kotseng nakaparada sa gilid nang kalsada. At sa bintana makikita si Julianne na siyang tumawag sa dalaga at sa driver’s seat nanoon si Kristian. Napatingin naman si Julianne sa tuhod nang dalaga na may nakataling panyo bago tumingin sa Binatang nasa harap nang dalaga. “This punk.” Wika ni Julianne saka binuksan ang pinto. “Hey!” habol ni Kristian sa Kaibigan nang bigla itong lumabas. “Hey Punk. Anong ginagawa mo sa kapatid ko.” Wika ni Julianne na biglang hinawakan ang kuwilyo nang jacket nang binata. Napamulagat sa gulat si Selene dahil sa ginawa nang binata. Habang ang binata naman ay hindi natinag mula sa kinatatayuan. Nabigla pa si Selene sa sunod na ginawa nang binata hinawakan nito ang kamay ni Julianne saka marahas na tinanggal mula sa pagkakahawak sa kuwilyo niya. “What’s your problem?” Wika nang binata kay Julianne na dumiretso nang tingin dito. Napaawang naman ang labi ni Julianne dahil sa labis na gulat. “What’s my problem? Akala mo hindi ko alam? Binubully mo ang kapatid ko.” Wika ni Julianne sa binata. Sakristong napasinghap ang binata dahilan para lalong mainis si Julianne. “Aba’t-----” wika ni Julianne na natigilan nang biglang hawakan ni Selene ang kamay nang binata. Napatingin naman si Julianne dalaga. “Stop it. He is not bullying me.” Wika nang dalaga. “Hindi? Eh ano yang benda sa tuhod mo?” wika ni Julianne. “I tripped on my own. It was not his fault.” Wika nang dalaga. Napatingin naman si Julianne sa Binatang nasa harap nila. Sa isip ni Julianne this lad sa harap niya is very arrogant. Bakit ba naiinis siya sa mukha nito. Parang gustong kumulo nang dugo niya. “Sa totoo niyan iniligtas niya ako. Muntik na akong mabangga nang truck---” “Anong sabi mo?” wika ni Kristian na lumapit sa kanila Napatingin naman sa kanya si Selene. “Sa kanya na mismo nanggaling. I saved her. Kaya sa halip na magalit ka sakin. I think a simple thank you would be enough. Pero mukhang Malabo mangyari yun. So, if you’ll excuse me. May pupuntahan pa ako.” Wika nang binata na hindi na hinintay ang sasabihin ni Julianne napaawang lang ang labi nang binata dahil sa labis na gulat. “Hayaan mo na.” wika ni Kristian saka bumaling kay Selene. “Mas interesado akong malaman kung bakit muntik ka nang mabangga.” Wika pa nito. “I---” nag-aalalangang wika ni Selene saka tumingin kay Julianne. “May Nakita akong nakakatakot na nilalang. He was going after me. I was unable to move at muntik nang mabangga nang truck good thing. He was there and pulled me in time.” Wika ni Selene. “Anong sinasabi mo?” tanong ni Julianne. “Did he hurt you?” tanong ni Kristian sa kapatid. Umiling naman si Selene. “He arrived on time. And he was also the same guy na nakabangga ko sa campus.” “That Punk?” Gulat na tanong ni Julianne. Tumango naman si Selene sa binata. Hindi naman nag salita si Kristian at napatingin lang sa Binatang papalayo. “Do you know him?” Tanong ni Kristian sa kapatid niya. “Not really. But I think, he is a baseball player sa University.” Wika ni Selene. “I don’t like him.” Wika ni Julianne saka bumaling kay Kristian. “I can see that.” Anang binata saka bumaling kay Selene. “Dumiretso na tayo sa hospital.” “Hospital? Bakit?” Gulat na wika nang dalaga. “May sugat ka sa tuhod hindi ba? That needs---” “Kuya Simpleng galos lang naman ito. Hindi natin kailangang pumunta nang hospital.” Napatingin si Selene sa kapatid niya nang hindi ito magsalita. “Really, this is nothing.” Wika nang dalaga saka pumulupot sa braso nang kapatid niya. “Really. Maliit na galos lang ito. Hindi pa mababali ang binti ko.” Pabirong wika ni Selene pero sa nakikita niya maging ang biro niya ay hindi kinakagat nang kuya niya. He’s been overprotective to her kahit noon pa. “Sabi niya naman maliit na sugat lang masyado ka nang naiisip.” Wika ni Julianne. “At kapag ginulo ka nang lalaking iyon sabihin mo sa ‘min. I really don’t like him.” Wika ni Julianne. “I bet, hindi na kami magkikita noon.” Wika ni Selene. Pero sa loob-loob niya gusto niyang malaman kung bakit kakaiba ang reaksyon niya sa harap nang binata. Pangalawang beses na iyong nangyari at gusto din niyang malaman kung bakit may mga Nakita siya sa isip niya na mga eksena. Ano kaya ang koneksyon noon sa binata. She is curious at gusto niyang malaman. Paano niya itinaboy ang kakaibang nilalang na iyon. **** Ito pala ang National defense office.” Manghang wika ni Meggan nang dumating sila nina Julius at nang isa pang officer na kasama nila na malilipat. Akala ni Julius nang lumuwas siya sa maynila magiging miyembro lamang siya nang pulis maynila iyon pala mas magiging kabilang pa siya sa isang malaking organisasyon. Kasabay nilang dumating sina Kristian at Julianne. Nang Makita nang officer na kasama ni Meggan ang binatang dumating agad itong naglakad patungo sa lalaki at walang pasabing nilagyan nang posas ang kamay nito, nagulat pa si Kristian dahil sa ginawa nang officer. “Ang tagal kitang hinahanap. Dito lang pala kita makikita.” Wika nang officer. “Sandali lang, I think this is a big misunderstanding.” Wika ni Julianne sa officer. “Kasabwat ka ba niya?” asik nito kay Julianne. “Kasabwat?” gulat na wika ni Julianne. “Kung wala kang kinalaman ditto. Tumabi ka.” Wika nito at hinila si Kristian ngunit dahil mas Malaki ang bulto nang katawan ni Kristian hindi manlang ito natinag mula sa kinatatayuan. Nang mapansin nang officer na hindi kumilos ang binata binalingan niya ito. “Hwag ka nang manlaban. Sa kulungan din ang bagsak mo.” “Alam mo totoy, I really appreciate your effort to do your job. But I think you are mistaken.” Wika ni Kristian at balewalang hinila ang kamay niya dahilan upang mapaatras ang officer. Dahil sa maliit na bulto nang katawan nito. Madaling nahatak ni Kristian ang katawan nito. Nawalan nang balance ang officer at akmang mabubuwal ngunit naging maagap si Kristian at hinapit ang bewang nang officer. Ganoon na lamang ang gulat nila nang bumagsak sa lupa ang sout nitong sombrero at bumagsak ang mahabang buhok nito. “You—you’re a girl?” gulat na wika ni Kristian. “Sorry to disappoint you.” Wika nang dalaga at tumayo saka itinulak si Kristian. Nang Makita nina Meggan at Julius ang nangyari. Agad silang lumapit sa tatlo. “Officers! Anong kaguluhan ito?” maawtoridad na wika nang general na lumapit sa kanila. “Officer Edwards, Officer Ramirez. Anong ibig sabihin nito? Hindi paman tayo nag-uumpisa nagkakagulo na kayo.” “Sir!” sabay na wika nina Kristian at Julianne saka sumaludo sa lalaking dumating. “Carry on.” Wika nito. Napatingin naman ang dalaga kay Kristian. Naguguluhan siya. Anong klaseng tao ba ang lalaking ito? Bakit tila kilala siya nang general. “All of you follow me.” Wika nang heneral at naunang maglakad. Sumunod naman sina Julianne at Kristian habang sina Meggan at Julius ay naiwan kasama ang dalaga. “Sgt. Ledesma. Okay ka lang ba?” tanong ni Meggan sa dalaga. “Hindi mo ba nakilala ang isang yun? Siya si Lt. Kristian Edwards nang task force Guardian and he is a famous Lawyer too..” Wika ni Julius. “Kristian?” gulat na wika nang dalaga. Kapangalan lang kaya nito ang dati niyang kaibigan? Siguro hindi. Kristian is a very common name. Bakit hindi nakilala ang binata. Parati naman niyang nakikita ang pangalan nito sa mga dyaryo. Sinama sila ni Nang heneral sa isang silid kung saan naghihintay ang 3 pang miyembro nang bagong task force. Nang makaupo sila, pa simpleng tinunton nang mata ni Aurora ang Binata kanina. Hindi kaya siya nito nakikilala? Ito kaya ang Kristian na nakilala niya noon? “Ah! Hunter Welcome. Mabuti at dumating ka.” masiglang wika nang heneral at tumayo sa kinauupuan at naglakad palapit sa bagong dating na binata. Sabay-sabay silang napatingin sa may pinto nang Makita ang lalaking pumasok sa silid. “My apologies I am late.” Wika nang binata. “You!” wika ni Julianne at tumayo saka itinuro ang Binatang dumating nakasuot pa ito nang varsity jacket nila. Hindi niya makakalimutan ang mukha nang Binatang iyon. Maging si Kristian ay napatingin sa bagong dating. What are the odds na magkikita sila nang Binatang iyon sa opisina nang guardians at ano namang ginagawa niya doon? Lahat napatingin sa gulat na mukha ni Julianne at nagtataka din kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon niya nang makita ang Binatang bagong dating.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD