Papatawid sana si Selene sa kalsada nang bigla siyang natigilan. Nahintakutan ang dalaga dahil sa Nakita niya. Isang kakaibang nilalang na nababalot nang itim na kasuutan ang nasa harap niya. Hindi naman bago sa kanya na makakita nang mga nilalang na hindi makita nang normal na mga mata. Kahit noon bata pa siya, nakikita na niya ang mga ito. Mga kaluluwa nang pumanaw. Maging ang kaluluwa nang adoptive father nila. Pilit niyang sinasanay ang sarili niya kahit na hanggang ngayon ay takot parin siya sa mga ito.
Sa lahat nang mga Nakita niya ang nilalang na ito ang kakaiba sa lahat. Biglang nanlamig ang buo niyang katawan halos hindi siya makakilos mula sa kinatatayuan niya. Malakas ang kabog nang dibdib niya. Pakiramdam niya may malamig na hangin na umiihip sa paligid niya pero pinagpapawisan siya dahil sa takot. Kahit gustong gumalaw nang katawan niya hindi niya magawang kumilos. Kahit gusto niyang igalaw ang mga paa niya parang napako siya sa kinatatayuan niya.
Dahil sa nakatayo si Selene sa gitna nang kalsada maraming mga sasakyan ang bumubusena sa kanya. Ngunit walang marinig ang dalaga. Nakapako ang tingin niya sa nilalang na nasa harap niya. Nakalutang ito sa ere at tila papalapit sa kanya. Balot ito nang itim na tila damit at ang nakikita lang niya sa mukha nito ay ang mapupulang mga mata nito.
Isang malakas na bosena ang narinig ni Selene na dahilan para tila magising siya. Nang lumingon siya sa pinanggagalingan nang bosena Nakita niya ang truck na papalapit sa kanya. Napamulagat pa ang dalaga. It would be too late to dodge at kahit na gusto niyang kumilos ayaw gumalaw nang katawan niya.
“Kuya.” Mahinang singhap nang dalaga nang tila wala na siyang pag-asang makaiwas sa rumaragasang truck. Impit na napatili ang dalaga nang bigla niyang maramdaman ang malakad na pwersa na humila sa kanya. Kasunod noon ang pagbangga nang likod niya sa isang katawan. Nang makabawi sa pagkakabigla bigla niyang nilingon ang nasa likod niya. Ganoon na lamang ang gulat ni Selene nang makita ang lalaki sa likod. Bakit pamilyar sa kanya ang lalaking ito? Saan nga ba niya Nakita ang lalaking ito?
“Are you trying to get youself killed? Sinong matinong tao ang tatayo sa gitna nang kalasada and mind nothing sa mga nagdaraang sasakyan.” Wika nang binata sa dalaga nang makabawi mula sa nangyari. Naglalakad siya noon nang mapansin niya ang dalaga na nasa gitna nang kalsada at tila na bato habang panay ang bosena nang mga sasakyan.
“Ah!” daing nang dalaga nang biglang kumirot ang kaliwang mata niya. Gaya ito noong nasa Campus siya at nabangga niya ang Binatang naka Basebal uniform. Bigla siyang napahawak sa kaliwang mata niya dahil pakiramdam niya parang nag-aapoy ang mga mata niyang iyon.
At gaya nang nangyari sa campus may mga eksena siyang Nakita. Mga eksena nangisang nilalang na tila sinusundo ang kaluluwa nang mga pumanaw. Pero hindi niya makita nang maayos ang mukha nito at dahil masayado mabilis ang pag flash nang mga imahe sa utak niya wala siyang masyadong makita.
“Hey!” wika nang isang baritonong boses saka hinawakan siya sa braso. “Are you okay?” Tanong nang binata. Biglang natigilan ang binata nang sa halip na sumagot sa kanya ang dalaga ay bigla itong napaigtad at umayos sa pagkakatayo saka nilingon ang pinanggalingan nito. Napatingin naman ang binata sa tiningnan nang dalaga. Ganoon na lamang ang gulat niya nang makita ang kakaibang nilalang na nakalutang sa ere at may mapulang mga mata. Nababalot ito nang itim. Napatingin naman ang binata sa dalaga. He can feel her tremblingin fear habang nakahawal siya sa braso nito.
“This girl.” Wika nang binata na hindi makapaniwala sa nakikita. Naramdaman niya ang pag-atras nang dalaga habang nakikitang papalapit ang nilalang dito. Simpleng napailing ang binata saka walang pasabing pinihit ang dalaga patungo sa kanya. Bahagya pa siyang natigilan nang makita ang kulay nang mata nang dalaga at ang hourglass sa kaliwang mata nito. This reminds him of something. Something from his past that he has to retrieve.
Iiiwas sana nang dalaga ang mukha nito nang mapansing nakatingin siya nang direkta sa mga mata nito. Ngunit bigla niyang hinawakan ang mukha nang dalaga.
“Don’t turn. Focus on me and close your eyes.” Malamyos na wika nang binata. “It’s okay. I’m here.” Wika nang binata. Hindi alam nang dalaga kung nakikita ba nito ang nakikita niya at kung alam nito ang kinatatakutan niya ngayon. She is trying to avoid his eye contact dahil alam niyang nagbago ang kulay nang mata niya. A stranger would call her monster sa mga sandaling iyon. Pero ano ‘to? Is he helping her. Pero wala naman siyang pagpipilian. Natatakot siya. His voice is calm and assuring hindi naman siguro masama kung maniniwala siya dito.
Marahang ipinikit nang dalaga ang mga mata niya. Napangiti naman ang binata dahil sa ginawa nang dalaga.
“Good Girl.” Wika nito saka masuyong hinimas ang likod nang ulo ni Selene. Naramdaman iyon nang dalaga. That was so reassuring and warm. She can almost feel the pain in her left eye na unti-unting nawawala.
“Get lost!” narinig ni Selene na wika nang binata.
Nang mga sandaling iyon nasa harap nang binata ang nilalang at nakatingin nang derecho sa kanya.
“Her soul is not something for you to eat.” Muling narinig ni Selene na wika nang binata. Hind niya maintindihan ang sinasabi nito. Nakikipag-usap ba siya sa kakaibang nilalang? She can feel something is behind her at ang malamig na hangin sa likod niya ang patunay noon. Nakatayo ang mga balahibo niya kahit sa batok niya dahil doon. Maya-maya unti-unting Nawala ang malamig na hangin at para bang lumalayo ito hanggang sa tuluyang maglaho.
“It’s safe now.” Wika nang binata saka tinanggal ang kamay sa likod nang ulo nang dalaga. “You can open your eyes.” Wika nang binata. Sumunod naman ang dalaga sa binata at marahang iminulat ang mga mata niya. Nakita niyang nakatingin ang binata sa mukha niya. Bahagya pang napakunot ang noo nito sa hindi niya malamang dahilan.
Nagtaka ang binata dahil sa biglang nagbago ang kulay nang mata nang dalaga. It was a pale red kanina at makikita ang hourglass sa kaliwang mata niya. But right now. He is staring a pair of turquoise blue eyes.
“You are something.” Nausal nang binata dahil sa pagtataka.
“W-what?” takang wika nang dalaga na nakabawi na mula sa pagkakabigla saka bahagyang lumayo sa dalaga. Ngunit bigla siyang natigilan nang hatakin siya nang binata papalapit sa kanya.
“Are you dumb?” Bulalas nang binata. Bagay na ikinagulat nang dalaga. Bukod sa sinabi nang binata ang dahilan din nang gulat niya ay ang mabilis na motor na dumaan sa likod niya. Kung hindi siya kinabig nang binata baka nahagip na siya noon.
“Ngayon lang ako nakakita nang isang tao natutulog na nakatayo sa kalsada. Are you trying to get yourself killed?” asik nang binata saka kinabig siya papalayo sa kalsada. Napaawang naman ang labi nang dalaga dahil sa sinabi nang binata.
“Gosh seriously. A simple thank you would be enough.” Wika nang binata nang makitang napaawang lang ang labi nang dalaga saka napailing.
“Aw.” Daing nang dalaga dahilan para biglang mapatigil sa paglalakad ang binata saka nilingon ang dalaga. Napaawang ang labi niya nang makitang nadapa ang dalaga.
“Gosh. Seriously? Are this clumsy?” wika nang binata saka lumapit sa dalaga at tinulungan itong tumayo. Pero nagulat ang binata nang biglang tabigin nang dalaga ang kamay niya. Napaawang lang ang labi niya habang nakatingin sa kamay niyang tinabig nang dalaga.
“You’re welcome.” Sakristong wika nang binata saka tumingin sa dalagang tumayo. Bigla siyang natigilan nang makita ang sugat sa tuhod nito at ang dugo mula doon. Napapailing ang binata saka inilagay ang kamay sa bulsa nang jersey jacket niya saka kinuha ang isang panyo.
“What are you -----” nagulat na wika nang dalaga nang biglang lumuhod sa harap niya ang binata bigla pa siyang napaatras dahil sa labis na gulat.
“Don’t move.” Wika nang binata saka hinawakan ang binti nang dalaga. Doon lang napansin ni Selene ang sugat sa tuhod niya. Natigilan siya nang makitang binendahan nang binata nang panyo nito ang tuhod niyang may sugat. Matapos nitong ilagay ang panyo sa sugat niya sa tuhod. Tumingala ito sa kanya habang nakaluhod parin sa harap niya.
“Clumsy.” Wika nang binata saka napapailing na tumayo.
“Hey Mister. Nawiwili ka yata. You are calling me names even if you don’t know me.” Wika nang dalaga nang makatayo ang binata.
“Mister? Are you blind? Hindi mo ba nakikitang naka varsity team uniform ako. Which means I am not old.” Wika nang binata. Napatingin naman si Selene sa suot nang binata. Ngayon lang niya na pansin na nakasuot ito nang jacket sa baseball team nang university nila. Saka napatingin sa mukha nang binata.
“We’ve meet before right?” tanong nang binata. Napakunot naman ang noo nang dalaga dahil sa sinabi nang binata. “Don’t look so surprise you are the same girl na nakabangga ko sa gate nang campus na biglang tumakbo when I asked if you---”
“You’re that!” biglang wika ni Selene na itinuro ang binata. Hindi naman siya dapat magulat dahil sa lalaking nakabangga niya sa campus lang naman nagkaroon nang reaksyon nang ganoon ang mga mata niya. Pero ngayon lang niya Nakita nang malinaw ang mukha nang lalaking iyon. And He was also the same person na nagligtas sa kaya. What re the odds.