Could not avoid.

1229 Words
Alice! Tika saan ka pupunta? Ani Selene habang hinahabol ang dalaga. Kanina pa niya ito sinusundan ngunit hindi naman nito sinasabi kung saan ito pupunta. Hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin. Hanggang sa tumigil ito sa isang basurahan. “Anong ginagawa natin dito?” Tanong ni Selene sa dalaga. Ngunit hindi ito sumagot. Bagkus matama lang itong nakatitig sa malaking basurahan. Nagtataka siya sa ikinikilos nito. Taka siyang napatingin sa dalaga bakit may kakaiba sa dalaga? She is not acting normal that’s for sure. The Normal Alice would throw tantrums at her dahil kay Hunter. But why would she lead her to this place. Anong meron sa basurahan? Iyon ang nasa isip nang dalaga. Dahan dahan siyang lumapit sa basurahan. Hindi niya alam pero sa palagay niya gusto ni Alice na buksan niya ang basurahan. Napalunok si Selene bago dahan-dahang tanggalin ang takip nang basurahan. “AH!” ganoon na lamang ang tili niya nang Makita ang duguang katawan ni Alice na nakalagay sa loob nga basurahan. Nang lingonin niya si Alice lalo siyang natakot nang Makita ang duguang dalaga. May sugat ito sa ulo at sa leeg. Lalo siyang napatili dahil sa labis na takot. “This girl. Why is she sleeping here.” Wika ni Hunter nang mapatingin sa bench nila at makita ang dalaga na nakahilig ang ulo sa sandalan nang upuan at tila natutulog. She is been going around with him simula nang kunin niya itong alalay niya. She didn’t complain and he like it like that para mabantayan niya ang dalaga ayaw niyang may mangyari masama dito at wala siya lalo na at hindi niya alam kung kelan ulit siya babalikan nang mga nilalang na nakalaban nila. They know that she has his powers at hindi niya alam kung anong planong gawin nang mga ito kay Selene. “Looks like your friend is qiute tired.” wika nang Binatang coach nil ana lumapit kay Hunter na tumigil sa pagpapratice at nakatingin sa dalagang nasa upuan. Napatingin naman si Hunter sa Binata. “You are quite lucky that you have her as an assistant. Napapansin kong she is going around with you. And look at her sleeping because she was tired.” Wika nang binata saka tumingin kay Hunter. Napatingin lang si Hunter sa binata. Hindi niya alam kung bakit pero hindi siya palagay sa lalaking ito. He can smell blood for some reason. “Is she your girlfriend? Not implying it is wrong. You are both young and---” “Why are you being nosy.” Agaw ni Hunter sa sasabihin nang binata saka naglakad papalapit sa dalaga. Napatingin nag ang coach nila sa binata habang nakapakuyom nang kamao. Hindi nito nagustuhan ang tinuran nang dalaga. Alam niyang hindi naman ang tipo ni Hunter ang malapit sa mga teammate niya. He is playing mysterious. He is good in all sports na sinalihan niya. He gets along with his teammates but not to a point na close na close sila. Hunter somehow keeps boundaries between them. Wala namang nagko-complain so long as he delivers and make sure the university keeps their position as champions then that’s good. But somehow this coach finds him arrogant. “Selene. Selene!” Malamyos na boses na wika ni Hunter habang tinatapik ang balikat nang dalaga. Ngunit biglang lumayo ang binata at natigilan. Napansin niyang nakakuyom ang kamao nang dalaga. She is somehow sweating. Looks like she is having a nightmare. Lalong nag hestirical si Selene nang bigla siyang hawakan sa kamay ni Alice. “Tulungan mo ako.” Mahinang wika nito. hindi alam ni Selene kung ano ang gagawin dahil sa labis na takot. Kung kailangan ni Alice nang tulong ganoon din siya. Hindi niya gusto ang nakikita niya. Hindi niya alam kung totoo ang nakikita niya. Kung nanaginip man siya gusto niyang magising dahil talagang natatakot siya lalo na sa mukha ni Alice ngayon. It was the same as the girl he saw. The girl that was murdered kamakailan lang. “Selene! Selene.” Isang malamig natinig ang narinig ni Selene sa gitna nang kadiliman. Ngunit sino ang tumatawag sa kanya. Unti-unti biglang naglalaho ang imahe ni Alice. “Anong nangyayari?” Tanong nang isip ni Selene. Biglang napabalikwas nang bangon si Selene nang marinig ang pagtawag sa kanya. Nang mag mulat siya nang mata nakita niya ang isang binata na nakatunghay sa kanya. “Are you okay?” tanong ni Hunter sa kanya. “You’re sweating----” wika nang binata na biglang natiglan nang bigla nalang siyang yakapin nang dalaga. “Hey!” wika ni Hunter at napahawak sa balikat nang dalaga. “What’s going on?” tanong nang binata saka bahagyang inilayo ang dalaga at inangat ang mukha nito. Biglang natigilan ang binata nang makita ang nagbagong kulay nang mata nang dalaga. “Seriously.” Wika nang binata. “What’s going on?” Tanong nang coach na lumapit sa kanila. Bigla namang napalingon si Hunter sa lalaki making sure na hindi nito makikita ang mukha nang dalaga. “May nangyari ba?” tanong nito saka napatingin sa dalagang nakayakap sa bewang nang binata. “It’s nothing.” Wika ni Hunter saka inabot ang jersey Jacket niya saka inilagay sa ulo nang dalaga making sure na matatabunan ang mga mata nito. “Doesn’t look like it’s nothing.” Wika nito. “She is a bit sick. Dadalhin ko muna siya sa clinic.” Wika nang binata Saka inakay ang dalaga na tumayo at inayos ang jacket. “Let’s go.” Wika nang binata saka inakay ang dalaga papalabas nang gym. Napatingin lang ang Binatang coach sa dalawa. Hindi niya nagugustuhang ginagawa ni Hunter ang lahat nang gusto niya. He can exit the practice whenever he wants at walang manlang nagrereklamo. He hates his guts that’s for sure. “Seriously, what happened?” tanong ni Hunter sa dalaga nang makalabas sila nang gym at tinanggal ang jacket na inilagay niya sa ulo nang dalaga. “I saw Alice in my dreams. She---” anang dalaga at naputol ang sasabihin saka napahawak sa jacket nang mahigpit. “Let’s find her.” Biglang deklara nang dalaga at napahawak sa braso ni Hunter. “I am sure nasa campus lang siya.” Wika ni Hunter. “Hindi ka ba nagtataka. Wala siya sa practice niyo ngayon. She never misses any of your practice kahit gaano pa siya ka busy. But-----” “She is busy gaya nang sabi mo. It’s normal for her to skip my practice hindi naman naka ikot sa akin ang buhay niya.” Wika ni Hunter at napatingin sa dalaga. “Ano ba ang nakita mo sa napanginip mo?” Tanong nang binata. “Your eyes color won’t change if it was just an ordinary dream.” Wika pa nito. Habang nakatingin sa dalaga. “I saw her dead body.” Wika nang dalaga. “Let’s find her.” Wika pa nang dalaga. Napatingin naman si Hunter sa dalaga. “Wear this.” Wika nang binata at inilagay sa ulo nang dalaga ang sombrero niya. “You can’t go around the campus looking like that. Magiging agaw pansin ka.” Wika nang binata. Saka hinawakan ang kamay nang dalaga at nagsimulang maglakad. Nilibot nila ang faculty ni Alice maging ang library, cafeteria at club room kung saan ito madalas. Sabi nang mga kaibigan nito hindi pa daw nila nakikita si Alice nang araw na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD