Spirit

1566 Words
Kinabukasan: isang balita ang gumimbal sa lahat. Natagpuan ang walang buhay na katawan ni Alice sa loob nang isang basurahan At tulad nang mga naunang biktima nagtamo ito nang sugat sa ulo na sanhi nang pagkamatay nito. Animo’y hinataw nang isang matigas na bagay. Isang matandang basurero ang nakadiskubre sa bangkay ni Alice. Kasalukuyang nasa bahay nila sina Kristian nang makatanggap sila nang tawag mula Kay Hunter at ibalita ang nangyari. Napatingin si Selene sa kuya niya. Bigla itong napatingin sa kanya matapos sagutin ang tawag Bigla namang siyang hindi mapakali at kinahaban ano naman kaya ang tawag na natanggap nito. “May nangyari ba?” Tanong ni Melina sa binata. “May bagong Biktima na naman ang killer.” Wika nito saka napatingin sa kapatid. Lalo namang kinabahan si Selene. Kahapon lang napanaginipan niya si Alice. At sa uri nang tingin nang kuya niya sa kanya parang bigla siyang kinabahan. “Another girl from your school.” Wika ni Kristian sa kapatid niya. Bigla namang natigian si Selene. Sana mali ang hinala niya at sana hindi totoo ang napanaginipan niya. Iyon ang nasa isip niya. “Natagpuan walang buhay sa loob nang isang basurahan ang katawan niya” Ani Kristian. Gimbal na napaatras si Selene. Gaya nang panaginip niya. Isa lang ang ibig sabihin nito ang Biktimang tinitukoy ni Kristian ay si Alice. “Hey!” wika ni Julianne na biglang napahawak sa balikat nang dalaga nang tumama to sa kanya nang napaatras ito. “Are you okay?” Tanong nang Binata. “Bakit ka namumutla?” Tanong pa nito. Sandaling na blanko ang utak niya. saka pumasok sa isip niya ang napanaginipa niya noong nakaraang gabi. So, it was a premonition. Ang nakita niya sa panaginip niya ang eksaktong nangyari kay Alice. “Julianne kailangan nating pumunta sa crime scene.” Wika ni Kristian sa kaibigan. “Sasama Ako.” Biglang deklara ni Selene. “Mas mabuting dumito ka nalang.” Wika ni Kristian sa dalaga. “Please.” Anang dalaga. Iniisip niyang baka may malaman pa siya tungkol sa nangyari kay Alice kung makikita niya ang bangkay nito. Baka may mahanap silang lead tungkol sa killer sa mga nakikita kasi niya hindi maklaro ang mukha nang killer. “Why are you ----” putol na wika ni Julianne. “Let her be. Kahit naman tumutol tayo hindi rin yan magpapapigil.” Wika ni Kristian at tumingin sa kapatid. Napabuntong hininga lang si Julianne dahil alam niyang hindi naman niya mapipigilan ang dalaga kahit na ayaw niya. Gaya nang sabi ni Kristian hindi rin nila pamimigilan ang dalaga. “Dito ka lang. babalik agad ako.” Ani Kristian bago bumaba nang van. “Sasa---” “Stay here for now.” Wika ni Kristian. “Pumayag na akong sumama ka dito. Now, its your time to listen to me. Hindi iyon lugar para sa isang sibilyan. I will give you an update. But for now stay here.” Wika ni Kristian. “Just listen to your brother. It’s for you own good.” Wika ni Julianne at kinusot ang buhok nang dalag bago bumaba. Sinundan lang nang tingin nang dalaga ang dalawang binata habang naglakad ang mga ito papalapit sa crime scene kung saan nakita ang katawan ni Alice. Nilapitan ni Kristian at Julianne ang mga kasamahan sa Task Force. Inilagay na si Alice sa isang stretcher para dalhin ang katawan sa morque. Pinalibutan din nag yellow line ang buong paligid para walang civilian na makalapit. Nang Makita nang binata ang bangkay ni Alice. Labis siyang naawa dahil sa lunos-lunos nitong kalagayan. Halos basag ang bungo nito dahil sa sugat sa ulo. “May nakita bang clue na makapagtuturo sa suspect?” tanong ni Kristian sa mga kasamahan. “Gaya nang mga naunang biktima. Walang bakas na iniwan ang suspect.” Ani Meggan. “Masyado siyang malinis gumawa nang crimen.” Wika ni Julius. Nang makaalis si Kristian bigla na lamang lumitaw ang kaluluwa ni Alice sa tabi ni Selene. Dahil sa takot balak sana niyang bumaba sa Van ngunit bigla nitong hinawakan ang kamay niya. Kasunod noon bigla na lang siyang napunta sa school nila. Nakita niya si Alice na kausap ang coach nang basketball team. Tinatanong nito kung may practice ba si Hunter. Ito ang eksena noong araw na maaga silang umalis ni Hunter dahil sa may practice din ang binata sa soccer team. Ito yung araw bago hindi na nila nakita si Alice na dumating sa practice nang basketball. Maya-maya nagbago ang lugar bigla na lang siyang dinala sa isang club. Nakita niya si Alice na masayang sumasayaw kasama ang mga di kilalang lalaki. Alam niyang mahilig makipag socialize si Alice. Normal iyon sa dalaga. Mula sa di kalayuan may isang lalaking humagip sa mata niya. Hindi nga lang niya makita nang maayos ang mukha nito. Hindi niya alam kung dahil bas a ilaw sa loob nang club ngunit nakikita niyang nakatingin ito kay Alice sa bawat inom nito nang alak. Nakikita niya ang mga titig nito sa dalaga. ‘ Maya-maya, bigla na lamang nasa isang bahay na sila na puno nang mga nakakatakot na imahe. Napansin din niya ang mga larawan nang mga naunag biktima. Nakita niya si Alice na nakahiga sa isang kama. Dahil sa labis na kalasingan nito hindi nito napansin na unti-unti na siyang hinuhubaran nang lalaki. Pilit siyang sumigaw para pigilan ang lalaki ngunit hindi siya nito marinig. Maya-maya biglang nagbalik ang ulirat ni Alice napansin nito ang ginagawang paghalik nang lalaki sa leeg niya. Nanlaban si Alice ngunit mas malakas ang lalaki hanggang sa magtagumpay ito sa nais gawin sa dalaga. Matapos nitong isakatuparan ang balak. Kumuha ito nang isang martilyo at walang awa na pinukpok ang ulo niya nang martilyo. “Tama na!” paulit ulit na sigaw ni Selene. Ngunit hindi siya naririnig nang lalaki. “Selene!” Untag ni Hunter sa dalaga. Sinabi sa kanya ni Kristian na kasama nila si Selene at Nasa Van. Inutusan siya nang Binatang chief at sinabing puntahan si Selene. Habang palapit naramdman niya ang presensya nang isang lagalag na kaluluwa. Bigla siyang kinilabutan. Alam niyang nasa paligid lang ang kaluluwa ni Alice. Lalo pa siyang kinilabutan nang marinig si Selene na sumigaw kaya naman nagmamadali niyang binuksan ang pinto nang van. Noong nakaraan, sinabi nsa kanya ni Selene ang tungkol sa panaginip niya. At ngayon heto at nasa lugar sila kung saan natagpuan ang bangkay ni Alice. Dahil nasa dalaga ang ilan sa kapangyarihan niya kaya naman nangyayari sa kanya ang bagay na iyon. Isang malaking dagok iyon sa dalaga alam niya. Only if there is something that he can do to prevent these things from happening. Bigla niyang naisip. The only way to stop this if for him to get his power back. But to do that, He has to kill her. Nang buksan niya ang Pinto nang van. Nakita niya ang dalaga na tila nakatulala at sa tabi nito nakita niya ang puno nang puot na mukha ni Alice habang hawak ang kamay nang dalaga. Sa hula ni Hunter naglalakbay ang diwa ni Selene kasama si Alice. “Selene.” Wika nang binata ngunit hindi parin bumabalik sa kanyang suhistyon ang dalaga Napatingin siya sa kaluluwa ni Alice. “Walang mangyayari kung gagawin mo ‘to.” Wika nito sa dalaga ngunit hindi siya nito binigyan nang pansin. Habang nasa kadiliman. May naririnig si Selene na tumatawag sa kanya. Ngunit hindi niya ma klaro kung sino. Hinang-hina ang katawan niya dahil sa nasaksihang nangyari kay Alice. She was helpless. She died brutally sa kamay nang criminal na iyon “Bakit? Bakit hindi mo ako tinulungan!” Ito ang galit na mga katagang sinabi ni Alice sa kanya. Mga katagang bumabagabag sa dalaga. Tama ito wala siyang nagawa. Dahil siya man din ay kailangan din nang tulong nang ibang tao. “Selene!” Muling narinig ni Selene ang pamilyar na boses “Hunter.” Mahinang bigkas ni Selene sa pangalan nang binata. Naririnig niya ito tinatawag siya. Nakilala niya ang boses nang binata ito ang parehong boses na gumisig sa kanya mula sa masamang panaginip niya. Ngunit masyado na siyang napapagod ayaw na niyang kumilos. “Selene. Snap out of it!” narinignig niya ang puno nang pag-aalalang Wika nang isang boses. Maya-maya naramdaman niya na parang may mga bisig na yumayakap sa kanya. It was warm and full of security. Mula sa kadilimang kinalalagyan niya. May maliit na liwanag siyang nakikita. Papalapit ito sa kanya. Nang subukan niya itong hawakan bigla na lamang itong naglaho. “Angel’s feather.” Mahinang wika ni Selene. Maya-maya ang maliit na liwanag ay naging anyong tao. Unti-unti ang Anino ay nagkaroon nang mukha. Nakangiti sa kanya at nakaunat ang mga kamay waring inaanyayahan siyang sumama sa kanya. “Selene!” Wika nito. dahan-dahan niyang inabot ang kamay nang lalaki. Ngunit habang inaabot niya ito lalo naman itong lumayo. Sa kagustuhan niyang mahawakan ang kamay nito sinundan niya ang liwanag. “Hunter.” Mahinang sambit ni Selene. Saka nag mulat nang mata. Nang magmulat siya nang mata naramdaman niya ang nga bisig na nakayakap sa kanya. Agad niyang itinulak ang may-ari nang mga bisig na iyon. “Hunter?” Takang wika ni Selene. Nang makilala ang binata sa harap niya. “Yes, it’s me.” Sagot nito sa kanya. “You scared me. Don’t do that again.” Wika nang binata at inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD