Grief

1572 Words
“It’s nothing coach. Pwede ba akong magpaalam muna.” Anang binata. “Magpaalam? Saan ka pupunta?” tanong nito. “Sana kalagitnaan tayo nang practice. Alam mong may laro tayo sa makalawa.” Anito sa binata. “Hindi naman ako magtatagal. May importante lang akong dapat gawin.” Wika nito. Bahagya namang tumingin ang Binatang coach kay Selene na nasa likod ni Hunter ngunit kinabig nang binata ang dalaga para ilayo sa Binatang coach. “I know that you are privileged because you are the star of this school. But----” “I am not abusing that privilege.” Agaw nang binata. “I will be back at hindi ko rin ilalaglag ang laro.” Wika nang binata saka hindi na hinintay ang sagot nang coach at inakay si Selene papalayo sa court. Naiwang tigalgal ang lahat habang nakatingin sa Binatang papalayo kasama si Selene. “They are acting suspicious.” Wika ni Alice. Saka napatingin sa papaalis na sina Selene. “He is quite famous. But who’s that girl?” tanong nang bagong coach. “His new assistant.” “Assistant?” gulat na tanong nito. “Yeah, It happen that way. Pati kami nagtataka kung bakit sa dami nang mga nagkakandarapa sa kanya. pinili niya ang isang babaeng hindi kilala Bigla nalang siyang sumulpot sa kung saan.” Inis na wika ni Alice. **** Miss, hindi kayo pwede dito.” Wika nang isang pulis at lumapit kay Selene. Dinala siya ni Hunter sa crime scene kung saan natagpuan ang bangkay nang bagong biktima. Pansamantala siyang iniwan ni Hunter habang kinakausap nito ang ilang mga pulis. Nang dumating sila sa lugar sakto namang kakaalis lang nina Kristian hindi nila naabutan ang binata. Nang iwan siya ni Hunter naisip niyang maglakad lakad para makita ang paligid. May mga bahagi nang lugar na iyon na Nakita niya sa balintataw niya. Paulit-ulit na tinawag nang pulis ang dalaga ngunit hindi ito natinag tila wala sa sariling nakatingin lang sa paligid. “Hoy! Bingi ka ba!” Wika nang isang pulis na padaskol na lumapit kay Selene dahil sa ilang beses na itong tinatawag nang isang pulis at hindi parin natitinag. Dahil sa gulat nang dalaga bigla siyang napatingin sa pulis. “If it isn’t my Cousin’s Younger Sister.” Wika nang pulis. Ang pulis na ito ay si Lance na pinsan ni Kristian at Selene at mortal na kaaway din ni Kristian. “Ano naman ang ginagawa nang isang bata at civilian sa lugar na ito? nagiging incompetent na ba si Kristian at pati ikaw pinasasali niya sa imbestigasyon o talagang nasa dugo niyo ang pagiging mausisa.” Wika ni Lance sa dalaga. Dahil sa sinabi nang lalaki napakuyom naman nang kamao si Selene. Bakit ang init nang dugon ang mga ito sa kanila. “Hindi ito ang lugar para sa mga tulad mo.” Wika ni Lance. “Talagang ayaw niyo kaming tantanan. I already warned your brother. Pero parang hindi siya nakikinig may ipinagmamalaki na siya siguro. Dati, just by telling ilalagay ka namin sa adoption he immediately dropped out from the police academy. Pero mukhang lumaki na ang ulo ni Kristian dahil sa may narating na siya. Nakalimutan niya yatang hindi pa siya nakakaligtas sa Pamilyang Guillermo. Baka gusto niyong pahiwalayin ko kayong magkapatid. Now that I think about it. We can still put you for an adoption kapag napatunayang Kristian is not fit to be your guardian. Especially his kind of Job. Paano niya maalagaan ang isang kapatid?” wika nito kay Selene habang nakatingin nang derecho sa dalaga. Ngayon lang naging malinaw kay Selene ang lahat. Ang rason kung bakit hindi nagtagal sa Police Academy ang kuya niya hindi dahil na miss siya nito kundi dahil sa pananakot nang mga tiyo nila. He would rather give up his dream than them getting separated. At heto ngayon ang pinsan nila mukhang hindi parin handang pakawalan silang magkapatid. Matagal na silang malayo sa mga ito pero bakit tuwing nakikita nalang sila nito parating malaking tinik sa dibdib ang trato sa kanila. “Kailan niyo ba maiiintidihan na wala kayong puwang sa mundong ito.” Ani Lance “And where do you think is her place.” Wika ni Hunter na naglakad papalapit sa dalaga. Agad namang napatingin si Selene sa binata maging si Lance. “Ikaw.” Wika ni Lance nang makita ang binata. Kilala niya ang Binatang ito dahil ito ang may pinakamataas na resolve case rate at dahilan kung bakit kinuha siya nang national defense at napasali sa task force guardians. Isang task force na gusto niyang salihan pero sa kasamaang palad hindi siya natanggap kahit pa sabihing siya ang anak ang kilalang Si General Antonio Hindi siya isa mga mga pinagpilian na makasali sa task force dahilan para lalo siyang mainis kay Kristian. “Don’t tell me magkasama kayo.” Wika ni Lance saka tumingin kay Selene. “Yes. She is my assistant.” Wika ni Hunter saka tumabi sa dalaga. Isang malakas na tawa naman ang kumawala sa bibig ni Lance nang marinig ang sinabi nang binata. “Assistant. Magaling ka palang mag biro.” Anito. “Do I look like I have a sense of humor?” anang binata na straight na straight ang mukha habang nakatingin kay Lance. “How arrogant. Dahil lang mataas----” “I am not being arrogant.” Agaw ni Hunter. “Kung wala ka nang ibang sasabihin pa. Hindi ba dapat ang imbestigasyon ang inaasikaso mo? Kaya walang nagtitiwala saiyo dahil bibig ang ginagamit mo hindi mata at utak.” “Anong sabi mo--” gigil na wika ni Hunter. “Kailangan ko bang ulitin?” Sakristong tanong ni Hunter. “Hunter.” Mahinang wika ni Selene saka hinawakan ang braso nang binata. Mukhang nagiging mainit ang tension sa pagitan nang dalawa. “I am warning you. Huwag kang manggugulo sa imbestigasyon ko.” Wika ni Lance kay Hunter saka tumalikod. “You should do you job better.” Anang binata bago humarap kay Selene. “Are you okay?” tanong nang binata. “I’m fine.” Anang dalaga. “Do you know him? Bakit ang init nang dugo niya saiyo.” “He is our cousin.” Anang dalaga. “Cousin? Mukhang lahat nang miyembro nang pamilya niyo mainit ang dugo sa inyo.” Nanag binata. “I don’t know either.” Anang dalaga. Napatingin naman ang binata sa dalaga nang magbaba ito nang tingin. “Forget about it.” Wika ni Hunter saka inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga. Agad namang nag angat nang tingin ang dalaga dahil sa ginawa nito. “We are here to investigate, are we not? Since you forced me to come here. Anything those pops---” Natigilan ang binata nang umiling ang dalaga. Saka napatingin sa bahagi nang tulay kung saan nakita ang walang buhay na katawan nang biktima. Sa dakong iyon nakikita niya ang umiiyak na kaluluwa nang biktima. Bigla itong tumigil nang mapansing nakatingin si Selene sa kanya. Biglang natuptop ni Selene ang bibig niya nang Makita ang nakakatakot na ayos nito. Biglang naging galit ang ayos nang mukha nito. Lumutang ito sa hangin at sinugod si Selene. Napatili naman si Selene dahil sa labis na takot at awtomatikong napahawak sa damit ni Hunter. Agad namang napalingon si Hunter sa tinitingnan nang dalaga. Nang mapatingin ang binata sa likod niya sakto namang Nakita niya ang kaluluwa nang biktima nag alit na pasugod sa dalaga ngunit bigla itong tumigil nang magtama ang tingin nil ani Hunter. Ilang sandali pa biglang muling napahagulgol sa iyang ang kaluluwa. She was not ready to die pero dahil sa nangyari. Ang karapatang mabuhay ay inagaw sa kanya. “It would not make any difference kung aatakehin mo ang isang mortal dahil lang sag alit ka sa nangyari saiyo. Hindi kana parte nang mundo nang mga buhay you should accept that.” Wika ni Hunter. Habang nakatingin siya sa umiiyak na kaluluwa bigla nalang lumitaw ang isang hourglass sa tabi nito. Gaya nang hourglass na dala-dala niya dati tuwing sumusundo nang mga kaluluwa. Nang marinig ni Selene na nagsalita si Hunter napatingin siya sa kaluluwa nang dalaga. Nakita niya ang paghagulgol nito. At napansin din niya ang hourglass sa tabi nito. “You should go to the place where you belong.” Wika ni Hunter saka inabot ang hourglass he was just checking kung mahahawakan niya iyon and luckily he was able to. “I won’t let your death go in vain. I promise to capture the person responsible for this.” Wika ni Hunter. Napatingala naman ang kaluluwa sa binata. At sa isang iglap biglang umaliwalas ang kanina ay galit nag alit na mukha nito. “Your in Peace and leave everything to me.” Wika ni Hunter. At inilahad ang kamay kaluluwa. Dahan-dahang inabot nang kaluluwa ang kamay nang binata nang maabot niya ito naging isang Liwanag ang kaluluwa at pumasok sa hourglass Bigla ding naglaho ang hourglass at naging isang maliit na Liwanag. Napasunod ang mat ani Hunter nang makita niyang lumipad ang liwang patungo sa itim na perlas na kwentas ni Selene at pumasok doon. Taka namang napatingin si Selene sa binata dahil sa labis na gulat. Kapwa gulat sa nasaksihan nila. “What just happen?” tanong ni Selene binata. Hindi naman nakapag salita si Hunter at nakatingin lang sa dalaga. Bumabalik Nakaya ang kapangyarihan niya? Ito ang unang beses na nangyari iyon. Maging siya ay nabigla din sa nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD