“Mukhang nakahanap na naman sina Raul nang mapagtitripan.” Wika nang binata. “Kaya mo bang tumayo?” wika nito at inilahad ang kamay. Ngunit sa halip na tanggapin kusang tumayo si Kristian at naglakad patungo sa labasan.
“Saan ka sa palagay mo pupunta?” tanong nang binatillyo at pinigilan siya.
“Aalis sa lugar na ito.” Sagot ni Kristian.
“Aalis? Nagpapatawa ka ba? Wala nang pumapasok sa death zone na nakakalabas nang buhay.” Wika nang binatilyo. Hindi naman makapaniwala si Kristian sa narinig. Wala siyang panahon na manatili sa lugar na iyon iniwan niyang nag-iisa ang kapatid. Alam niyang delekado para ditto ang mag-isa wala itong alam sa lugar na iyon.
“Wala akong pakialam sa kung ano man ang tawag niyo sa lugar na ito. Hindi ako pwedeng magtagal ditto.” Wika ni Kristian at tinaboy ang kamay nang lalaki.
“Huhulaan ko wala kang ideya kong ano ang napasok mo.” umiiling na wika nito. “Nakikita mo yun?” wika nito at itinuro ang lalaking may dalang baril na nasa bukana nang sirang building. “Kapag nakita niyang lumabas tayo sa lugar na ito nang hindi nila pinahihintulutan. Tiyak na pamamahayan nang bala ang katawan mo.” wika nito.
“Hindi ako pwedeng magtagal sa lugar na ito. Nasa kalye ang kapatid ko.Wala siyang alam sa pasikot sikot sa paligid. Pwede siyang mawala at hindi na kami magkita. Kung mamatay man ako, paano ako haharap sa mga magulang ko sa kabilang buhay at paano ko sasabihin sa kanila na mas pinili ko ang makaligtas kesa hanapin ang kapatid ko.” galit na wika ni Kristian at marahas na tinaboy ang kamay nang lalaki.
“Sabihin mo nga hindi ka ba nakakaintindi nang tagalog? PAPATAYIN KA NILA oras na lumabas ka ditto.” Wika pa nang lalaki.
“Hindi ako pwedeng mamatay hanggat hindi ko nasisigurong ligtas ang kapatid ko.” wika ni Kristian at tumingin nang derecho sa mata nang lalaki. Habang nakatingin ang lalaki sa mata ni Kristian ramdam niya na kahit anong sabihin niya hindi rin maniniwala sa kanya ang lalaking ito.
“Crazy jerk.” Singhap nang binata. nababasa niya sa mata nito na hindi niya ito magagawang pigilan.
“HAY!” napabuntong hininga na wika nito. “Ngayon lang ako nakakilala nang isang baliw na kagaya mo. Julianne Ramirez iyon ang pangalan ko.” wika nang lalaki at nagsimulang tanggalin ang mga karton na pinagpatong patong.
****
Patuloy ang pag-iyak ni Selene habang nababasa nang ulan, hindi niya magawang umalis sa kinalalagyan niya. gusto niyang abutan siya nang kuya niya sa parehong lugar kung saan siya nito iniwan. Alam niyang babalikan siya nito. Ngunit ilang oras na siyang nakaupo sa bahaging iyon hindi pa rin dumarating ang kuya niya.
Maya-maya pa bigla na lamang nakaramdamdam nang pagkahilo si Selene. Hanggang sa tuluyang bumgasak ang katawan niya sa lupa.
“Selene!” nag-aalalang wika ni Kristian nang makita ang kapatid na nakahandusay sa tabi nang fast food chain. Nag mamadali siyang lumapit sa kapatid niya.
“Selene.” Wika ni Kristian at ginagap ang noo nang kapatid. Basang-basa ito sa ulan at inaapoy nang lagnat.
“Buhatin mo na yang kapatid mo. Hindi hihinto ang ulan na ‘to.” Wika ni Julianne na lumapit sa kanila. Napatingin naman si Kristian sa lalaki.
“Hindi mo ako kailangang tingnan nang ganyan. Isipin mo nalang na tulog ko ito dahil sa nangyari kanina.” Wika nito. Sa isip ni Kristian wala siya sa posisyon na tumanggi. Kailangan niyang madala sa isang ligtas na lugar ang kapatid niya. Agad niyang pinasan ang kapatid niya at sinundan ang binatilyong nagalok nang tulong sa kanila. Dinala nila sa isang bahay ang kapatid niya.
Nakatingin lang si Julianne kay Kristian habang sinusubukan nitong pababain ang lagnat nang kapatid niya sa pamamagitan nang pagpunas nang basing towel sa katawan nito. Habang nakatingin siya sa magkapatid hindi niya maiwasang hindi humanga dito. Sa tingin niya, kasing gulang lang niya ang binatilyo pero mas responsible pa ito sa kanya.
“Salamat sa tulong mo. Julianne kamo ang pangalan mo? pasensya ka na kung nasungitan kita nag-aalala lang ako sa kapatid ko.” Wika ni Kristian matapos ilagay sa palanggana ang towel saka humarap kay Julianne na nakaupo.
“Pinatakas kita sa death Zone at tinulungang hanapin ang kapatid mo. Bukod doon binigyan din kita nang matutulugan, pero hindi ko manlang alam ang pangalan mo.” wika ni Julianne kay Kristian.
“Ah, Pasensya na nawala sa isip ko. Kristian Guillermo iyon ang pangalan ko.” Wika ni Kristian.
“Ano naman ang ginagawa niyo ditto? Sa unang tingin makikita kaagad na hindi ka mula sa lugar na ito. Isa pa, sa kutis niyo at pananamit. Natitiyak kung hindi kayo mga batang kalye. Mga takas kayo, no? Lumayas kayo sa bahay niyo?” Wika ni Julianne. “Tsk. Kakaiba talaga ang mga anak mayaman. Madali lang para sa inyo lumayas. Tapos kapag napadpad sa kalye ano?”
Taka lang na naka tingin si Kristian sa binata. Sa lahat nang mga street kids ito palang nag nakita niyang dissenting tingnan at kung magsalita para itong matandang tao. Siguro marahil na rin sa pananatili nito sa kalsada kaya naman mature ito kung mag-isip, marahas ang mundo sa labas para sa mga katulad niyang nabuhay sa kanlungan at pangangalaga nang magulang niya. Bagay na lalo niyang ikinabahala.
“Bakit?” tanong n Julianne nang mapansin ang titig ni Kristian sa kanya.
“Ah, Wala naman. Mula kami sa isang malayong probinsya. Namatay na ang mga magulang namin kaya kami napadpad ditto.” Simpleng wika ni Kristian.
“Kung mananatili kayo sa lugar na ito hayaan mong pagpayuhan kita. Dito lahat nang mga batang kalye, kasama sa isang Grupo. Pinamumunuan ang grupong iyon ni Aldo. Walang pwedeng mang delihensya kung hindi niya pahihintulutan. Malupit ang mundo ditto sa labas. Sigurado ba kayong kaya niyo?” ani Julianne kay Kristian.
“Sinong may sabing mananatili kami sa kalye. Kapag gumaling si Selene. Aalis kamai sa lugar na ito.” Wika ni Kristian.
Napatingin naman si Julianne sa binata. 8 taon na siya sa kalsada ngayon lang siya nakakita nang taong ayaw mabuhay sa kalye matapos iwan nang magulang. Sa mga katulad nila, ang kalye na lamang ang natitirang lugar na pwedeng kamanlong sa kanila.
“Wala kang ibang pagpipilian. Ito na ang huling destinasyon sa mga katulad nating walang magulang.” Wika ni Julianne sa binata.
“Parati tayong may pagpipiliin. Kaya lang nagkakaiba tayo nang mga desisyon.” Wika ni Kristian. “Nangako ako sa mga magulang ko na hindi ko hahayaang magdusa si Selene. At hindi ako sisira sa pangako ko.” determinadong wika ni Kristian. Lalo namang humanga si Julianne sa binata. Kakaiba ito sa lahat nang mga nakasalamuha niya sa kalye. May panindigan ang binata. Bukod doon isang pamilyar na pakiramdam ang nararamdaman niya sa binata. Ito rin ang dahilan kung bakit siya lumapit sa binata. Habang nakikilala niya ang binata lalo siyang humahanga sa pagiging matatag at responsible nito.
“So anong plano mong gawin ngayon?” Tanong ni Julianne kay Kristian.
“Kapag gumaling si Selene. Maghanap ako nang matutuluyan namin. Maghahanap ako nangtrabaho at lalayo sa lugar na ito.” wika ni Kristian.
“Alam mo ba kung gaano ka hirap mag hanap nang trabaho. Sa isang tingin palang sa iyo. Mukhang hindi ka sanay sa mga mabibigat nagawain. Ano bang alam mong gawin?” Ani ni Julianne.
“Makakaya kong magtrabaho.” Wika ni Kristian. Iyon lang ang naiisip niyan paraan. Hindi niya maaasahan ang pamilya nang lolo niya. Ni hindi niya alam kung anong nangyari sa lolo nila. Sinabi sa kanya na namatay na ito pero dapat ba niyang paniwalaan. Sa maigling panahon. Dalawang malapit na tao sa buhay niya ang Nawala sa kanila. He can accept it, Pero paano si Selene?