Escape

1684 Words
Hintakot na napatingin ang magkapatid sa lalaking nakatayo sa harap nila. Nang muling gumuhit ang kidlat sa bintana Nakita nila ang nakangising mukha nito. Hindi rin nakaligtas sa mat ani Kristian at Selene ang tatoo sa leeg nito. “Shhh.” Wika nang lalaki san inilagay sa bibig ang hintuturo na tila sinasabi sa magkapatid na huwag maingay. Nakangisi lang ito sa kanila saka tumalikod. Nakaalis na ang lalaki sa pinto pero hindi parin makakilos ang magkapatid dahil sa labis na takot. Hindi nila alam kung anong gagawin. Narining nila ang mga sunod-sunod na putok nang baril sa ibaba. At sigaw nang mga kasambahay nil ana tila unti-unting pinapatay nang lalaki. “We-we have to go.” Wika ni Kristian na kahit nanginginig. Tumayo siya at inayos ang bag ni Selene. Kailangan nilang makaalis sa bahay na iyon. Hindi niya alam kung bakit pinatay si Chris o ang dahilan nang malagim na gabing iyon. “But Kuya si Papa Chris---” wika ni Selene na biglang natahimik nang makita ang kaluluwa ni Chris. Nakatitig lang siya dito habang nakatingin sa nakangiting mukha nang lalaki. Tila sinasabi nitong makinig siya sa kuya niya. “Kuya saan tayo pupunta?” tanong ni Selene sa kapatid niya habang isinusot nito sa kapatid ang jacket nito. “Hindi ko alam. But we can’t stay here. Baka bumalik sila.” Wika ni Kristian. “Are they going to kill us?” tanong ni Selene. Bigla namang natigilan si Kristian dahil sa tanong nang kapatid niya. Kung gusto silang patayin nang lalaki. May pagkakataon ito. Wala silang laban dito. He can easily kill them pero bakit hindi sila nito tinuluyan? Pero sa isip niya Mabuti Narin at hindi sila nito ginalaw. “Papa Chris. I’m Sorry We will have to leave you here.” Wika ni Selene habang nakatingla sa kaluluwa ni Chris. Napatingin naman si Kristian sa kapatid. Bakit ito nakatingala gayong nakahandusay ang walang buhay na katawa nang lalaki. Kahit noon pa, talagang nagtataka siya kay Selene. May mga pagkakataon na may kinakausap ito pero wala namang ibang tao. Minsan sinasabi nang kapatid niya na may mga nakikita siyang hindi nila nakikita. At tuwing nakatingin siya sa mga mata nang kapatid niya. Pakiramdam niya he is looking into vast space. It was as if he is something not from this space. She was born with this turquoise blue eye. But those eyes are very mysterious. Hindi niya maintindihan pero may pakiwari siyang may kakaiba sa mga mata nang kapatid niya. And even her actions are different. “Anong sinasabi mo?” tanong ni Kristian kay Selene at lumapit sa kapatid niya. “I am saying Goodbye to Papa Chris. He is standing right there.” Wikanito at itinuro ang kinatatayuan nang kaluluwa ni Chris. Biglang kinilabutan si Kristian. Hindi lang ang killer ni Chris ang nakakatakot nang gabing iyon kundi maging ang sinasabi nang kapatid niya na nakikita niya ang kaluluwa ni Chris. Gaya nang mag sinasabi nito noon. “Let’s go.” Wika ni Kristian saka hinawakan ang kamay nang kapatid niya. Nang binabaybay nila ang hallway nang bahay. Nakita nila ang mga walang buhay na katawan nang mga Kasambahay nila at guard. Napahawak nang mahigpit si Selene sa kamay nang kapatid niya. Sa isang malagim na gabing iyon. Lahat nang mga tao sa bahay nila maliban sa kanilang dalawa ay namatay. Nanginginig ang tuhod ni Kristian habang pababa sila nang hagdan nakikita niya ang mga duguang katawan nang mga kasambahay nila. Hindi niya alam kung bakit nangyari iyon. Alam niyang maramin kalaban si Chris dahil sa pagiging abogado nito pero hindi naman iyon dahilan para patayin nito ang lahat nang tao sa bahay nila. Nakalayo nang bahay nila sina Kristian at Selene. Agad silang kumuha nang taxi at nagpahatid sa Airport. Walang ibang lugar na pwedeng mapuntahan si Kristian kundi ang pamilya nang Ama nila. Nandoon ang lolo nila tiyak natatanggapin sila nito kapag nalaman nito ang nangyari kay Chris. Nang dumating sila sa Mansion nang lolo niya. Nalaman ni Kristian na ang dahilan kung bakit hindi na nakabalik sa kanila si Thedore ay dahil sa nasawa ito. Hindi rin sila pinapasok nang mansion. Sinabi nang mga tiyuhin nila na silang puwang sa bahay na iyon. “Kuya bakit hindi nila tayo pinapasok? Galit ba sila sa ‘tin?” tanong ni Selene sa kapatid niya. Napatingin lang si Kristian sa kapatid niya. Paano ba niya sasabihin na tila hindi sila kinikilalang pamilya nang mga kamag-anak nila. Kahit noong hindi pa sila umaalis nang bansa alam na niya ang galit nang mga kapatid nang ama niya. “Let’s go.” Wika ni Kristian saka inakay ang kapatid niya. Saan naman sila pupunta ngayon? Iyon ang nasa isip ni Kristian. “Kuya saan na tayo pupunta?” tanong ni Selene sa kapatid niya. kanina pa sila palagad lagad wala naman silang destinasyon. Bukod doon napaka init din nang sikat nang araw. Alam ni Kristian na napapagod na si Selene. Halos wala pa itong tulog tapos ngayon ay naglalakad sila sa mainit na kalsada. Ni wala silang panahon para mag luksa sa nanyari sa adoptive father nila. Kinailangan nilang umalis at iwan ito doon dahil sa takot. Naiisipan niyang tumigil sa isang fast food chain para kumain. Hindi pa man sila nakakapasok ni Selene nang biglang may isang binatilyo ang umagaw sa bag ni Kristian. Agad na napalingon si Kristian sa Binatang hubalot nang bag niya. Tatakbo din sana ito upang habulin ang lalaki kaya lang nakahawak nang mahigpit si Selene sa kanya. “Hey. Stay here a bit okay?” wika ni Kristian saka tinanggal ang kamay nang kapatid sa pagkakahawak sa kanya. “I’ll be right back. Don’t go anywhere okay.” Wika ni Kristian sa kapatid niya saka sinimulang habulin ang lalaking umagaw sa bag niya. “Kuya bumalik ka kaagad.” Wika ni Selene sa kapatid niya. Tumayo siya sa gilid nang pinto nang Fast Food habang naghihintay sa papabalik nang kuya niya. Kapag sinabi niyang babalik ito. Tiyak na babalik ito hindi naman siya nito iiwan. “Hoy! Bumalik ka Dito! Ibalik mo ang bag ko.”ani Kristian at hinabol ang lalaki. Iniwan niya si Selene sa harap nang fast food chain. Laman nang inagaw na bag niya ang pera nilang magkapatid ang iyon lamang ang nadala niya dahil sa pagmamadaling makatakas. “Bilis Tumakbo nang Mokong na to.” wika nang binatang umagaw sa bag ni Kristian. Malapit na siyang maabutan nang binata kaya naman itinapon niya sa baba nang tulay ang bag kung saan may isang lalaki din ang nag aabang at sumalo sa bag. Sa halip na ang una ang habulin ni Adrian ang lalaking nasa ibaba nang tulay ang hinabol niya. sa paghahabol niya sa binata, dinala siya nang mga paa niya sa isang abandonadong building, kung saan nakita niya ang ilan pang mga bata. Nakita niya ang bag niya na hawak nang isang lalaki na sa palagay niya ay siyang tumatayong leader nang grupo. “Pambihira, ang tigas din nang ulo mo. hanggang ditto ba naman sumunod ka parin.” Wika nang lalaki. “Ibalik niyo sa kin ang bag ko.” wika ni Adrian habang hinahabol ang paghinga. “Ano ba ang laman nang bag mo at hinabol mo pa ako hanggang ditto.” Wika nang lalaki at binuksan ang bag ni Kristian. Ngunit hindi nakita nang lalaki ang laman nang bag niya nang bigla itong agawin ni Kristian. Ang bilis nang kilos nang binata wari’y isang kidlat. Ikinagulat din nang lalaki ang kilos ni Kristian. “You should learn not to touch things which does not belong to you.” Galit na wika ni Kristian. “Aba!” inis na wika nang lalaki. Biglang naalerto si Kristian nang bigla na lamang nagsilabasan ang ilan pang mga binata. “Huwag kang magtapang-tapangan ditto. Kung ayaw mong masaktan ibigay mo na lang sa amin ang bag nayan.” Wika nang lalaki. “Hindi ko to ibibigay.” Mariin na wika ni Kristian. “Turuan nang leksyon ang isang yan!” wika nang lalaki. Matapos mag bigay nang utos ang lalaki sabay-sabay na sinugod nang mga lalaki si Kristian. Pilit na ipinagtanggol ni Kristian ang sarili niya at prinotektahan ang bag niya. Ngunit wala siyang labas sa naparaming mga lalaki, bukod doon alam niyang sanay sa basag ulo ang mga ito. Na bugbug nang husto si Kristian at kinuha din nang mga lalaki ang bag niya. “Selene.” Mahinang ungol ni Kristian bago siya mawalan nang malay. Dahil sa paghahabol niya sa bag niya, nakalimutan niya si Selene na naiwan sa harap nang fast food chain. Nag sisisi siya na inuna niya ang bag niya kesa sa kapatid niya. Hindi niya alam kung ano na ang nangyari sa kapatid niya. Wala itong alam sa lugar na iyon. And she could be waiting for him. “Kuya nasaan kana!” umiiyak na wika ni Selene habang nasa labas nang fast food chain. Kumagat na ang dilim at nagsara na din ang fast food ngunit hindi siya binalikan nang kapatid niya. Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi niya alam kung ano ang gagawin at kung saan hahanapin ang kapatid niya. Hindi rin niya magawang umalis dahil hindi niya alam kung saan pupunta o saan hahanapin ang kuya niya. “Kuya! Ayokong mag isa. Nasaan ka na ba!” umiiyak na wika ni Selene. naramdaman niya ang mga taong labas pasok sa fast food chain. Ang mga taong nagdaraan sa kalye. She was anticipating sa pagbabalik sa kuya niya. Ngunit kelan ito babalik? “Hoy Gising!” untag nang isang tinig kay Kristianb. Naramdaman niya ang pag tapik nito sa braso niya. Agad naman napabalikwas nang bangon si Kristian nang maramdaman ang tapik na iyon, napansin niyang nasa isang lugar siya na puno nang mga karton. “Balak mo nalang bang matulog diyan? Bago ka dito no?” tanong nang isang binata. Ngayon lang nakita ni Kristian ang binatang ito. Hindi ito kasama sa mga bumugbug sa kanya. Pero hindi niya makakalimutan ang mukha nito dahil ito ang binatilyong umagaw nang bag niya at dahilan kung bakit siya nandoon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD