Go Back

1422 Words
“Kristian. Walang mangyayari kung----” biglang naputol ang sasabihin ni Aurora nang tumingin sa kanya ang binata. Dumating sila sa Hospital. Nang makita nang mga doctor ang dalagang karga-karga ni Kristian agad nilang inasikaso ang dalaga. Nang dumating sila sa hospital, halos hindi na humihinga si Selene. Nahirapan ang mga doctor na ibalik ang pulso nang dalaga and when they did it was not a strong one. Sabi nang mga doctor sa kanila. They need to observe her for the next 24 hours. Ano mang oras pwedeng bumigay ang puso niya. Sabi din nang mga doctor mahina ang daloy nang oxygen sa utak nang dalaga. Wala din silang maisagot tungkol sa nangyari sa braso nito at sa sugat nito sa leeg at kung bakit tila may mga itim na ugat doon. Kasama si Julianne, si Kristian at Aurora ay nasa labas nang ICU kung saan dinala si Selene habang inioobserbahan nang mga doctor ang kalagayan nang dalaga. Hindi pa nila tiyak kung magigising ito o kung may magbabago sa mahina nitong pulso. “Mabuti pa umuwi muna tayo Kristian.” Wika ni Julianne sa kaibigan. “No.” Tanggi nang binata. “Dito lang ako. Hihintayin kung magising si Selene.” Anang binata. “I understand how you feel. Pero sa palagay mo ba magugustuhan ni Selene kung nakikita ka niya ngayon? And besides wala naman tayong magagawa kundi ang maghintay. And for sure, Selene will do her best to get past this night. Bukas pagbalik mo dito tiyak may Maganda nang balita. for now, you should rest.” Wika ni Julianne. “Tama si Julianne. Magpahinga ka muna. On shift naman ako ngayong gabi ako nang bahala magbantay kay Selene.” Wika ni Aurora saka hinawakan ang kamay nang binata. “I can’t lose her.” Wika nang binata na ngilid ang luha sa mga mata. Wala siyang nagawa nang mamatay ang mga magulang nila. He was also helpless nang patayin ang adopted father nila. Wala din siyang nagawa nang kunin sa kanila nang mga tito nila ang bagay na para sa kanila ni Selene. At ngayon wala din siyang magawa para sa kapatid niya. Walang silbi ang pagiging isang abogado niya at alagad nang batas kung ang isa mga taong pinahahalagahan niya ay hindi niya kayang iligtas. “We will not lose her. Hindi mahinang klase si Selene.” Wika ni Aurora saka niyakap ang binata. Ngayon higit kailanman alam ni Aurora na kailangan siya nang binata, Marahan lang na tinapik ni Julianne ang balikat ni Kristian saka napatingin sa ICU. Wala silang alam sa kung anong nangyari sa lugar na iyon. Hindi pa rin nila nakikita si Hunter. Maging ang miyembro nang Taks force hindi rin alam kung anong nangyari sa binata sabi nina Meggan bigla nalang daw itong umalis nang hindi nagsasalita. “Stupid Kid. Sinong may sabi saiyo na isakripisyo mo ang sarili mo para sa kin.” Wika ni Hunter na nasa gilid nang hospital bed kung saan nakahiga ang dalaga. Mula sa monitor makikita ang mahinang vitals nang dalaga. Nasa systema pa rin nito ang lason ni Jezebeth. “Are you being stubbord this time? Why are you not asking for help just like what you did last time.” Wika pa ni Hunter na ang tinutukoy ang ang araw na iniligtas niya si Selene sa sinapupunan nang mama nito. He knows he heard her call for help and to save her. Pero ngayon wala siyang naririnig. “That’s fine.” Wika ni Hunter saka naglakad papalapit sa dalaga. “For the bravest soul I’ve ever meet I want to give this to you.” Wika nang binata saka binuksan ang kamay niya. Nasa kamay nang binata ang isang bracelete. “As hunter the human you’ve known. I want to give this you.” Wika nang binata at isinuot sa dalaga ang bracelete. Ang bracelete na iyon may nakalagay na mga charm. Ilan sa mga charm na nandoon ay baseball mit, soccer ball, basketball at hourglass. Ilan sa mga magpapaalala kay Selene tungkol sa mortal na si Hunter. “And here’s your bonus.” Wika nang binata at hinawakan ang kamay nang dalaga. Nabalot nang azul na Liwanag ang kamay nang dalaga hanggang sa binalot nang Liwanag ang bracelete na ibinigay ni Hunter. Unti-unti din Nawala ang mga ugat sa leeg nang dalaga at ang sugat nito sa leeg at braso. “This is my last gift. You will face more obstable and challenge in this lifetime. But I know you can do it.” Anang binata at inilapit ang mukha sa dalaga at ginawaran ang mabilis na halik sa noo ang dalaga. “You did well. Kiddo.” Bulong nang binata bago inilayo ang mukha sa dalaga saka tuluyang naglaho. Nang muling lumitaw ang binata nasa loob na siya nang basketball court nang university nila kung saan nandoon ang kaluluwa ni Alice. “It’s time to go.” Wika nang binata at lumapit sa dalagang nakaupo sa gitna nang court. “Hindi ka tao?” tanong ni Alice nang mag-angat nang tingin sa binata. Nakita niya asi Hunter. Hindi na iyon ang Hunter nakilala niya. Nakatayo ito sa harap niya habang nasa kamay nito ang isang hourglass. “Angel of death that’s my true Identity. At sinusundo n akita. Hindi na ito ang mundong ginagalawan mo.” Wika ni Hunter sa dalaga. “Hindi na makakatakas ang taong may kagagawan nang pagkamatay mo. So, you should also rest.” Wika pa nang binata. Napatingala si Alice. Kahit manlaban siya wala naman siyang magagawa gaya nang sabi ni Hunter hindi na siya parte nang mundong iyon. “Alright, let’s go.” Wika ni Alice saka tumingin kay Hunter. Simpleng ngiti ang ginawad nito sa binata bago naging isang Liwanag at sumanib sa hourglass na dala nang binata, nang pumasok sa hourglass ang Liwanag saka naman ito nanglaho. “It’s time for me to also go back to what I normally do.” Wika ni Hunter. Alam niyang hindi na siya ang mortal na hunter simula nang mga sandaling iyon. ***** Anong sinasabi mong nag quit?” Wika ni Julianne nang dumating sa opisina nang Task force at nalaman mula kay Julius at Meggan na nag quit ang Binatang si Hunter sa trabaho nito. Hindi lang ito nag quit sa trabaho niya sa task force. Nag drop out din ito sa university. Nalaman nilang umalis na ito nang bansa. Dalawang araw palang mula nang nangyari ang insidente. Isang Milagro ang nangyari kay Selene. Just overnight, Nawala ang sugat nito sa leeg at balikat. And her vitals are all stable though hindi pa rin ito nagigising. Wala pa ding balita ang mga doctor kung kailan magigising ang dalaga. But it was already a good sign. Isang Magandang balita ang natanggap nila tungkol kay Selene ngunit hindi naman nila inaasahan ang tungkol kay Hunter. “Just like that? Sino siya sa palagay niya.” Asik ni Julianne. “Baka may mabigat siyang rason kung bakit siya nag quit.” Wika ni Ben. “And that brat did not even went to the hospital para dalawin si Selene. He is getting on my nerves.” Wika pa ni Julianne. “Sapalagay niyo may nangyari sa kanya. He seemed a little different simula----” “Wala akong pakiaalam sa kung anong nangyari sa kanya. Hindi porque binigyan siya nang malaking prebilihiyo na magking miyembro nang task force knowing he is a civilian he can just do if he wanted. Anong tingin niya sa ‘tin.” Gigil na wika ni Julianne. Naiinis siyang isipin na tila walang pakiaalam ang binata kay Selene. Ni hindi manlang nito kinumusta ang dalaga. Biglang Nawala na palang bola. At umalis nang hindi nagpapaalam nang maayos sa kanila. Ano naman ang gusto nitong isipin nila. “He is just a child.” Wika ni Julius. “Apektado rin siguro siya sa nangyari kay Selene. Nauna siyang dumating sa crime scene pero wala din siyang nagawa. He must be feeling guilty.” “And the way to show it is to hide. What a coward.” Ani Julianne. “Bakit ba ang init nang dugo mo sa kanya.” Wika ni Julius sa binata. “I just don’t like him.” Nagkatinginan lang sina Julius at Meggan dahil sa sinabi nang binata. “Never mind him. Mukhang matatagalan pa bago makabalik si Kristian dito.” “Kumusta na si Selene?” Tanong ni Meggan. “She is getting better. Pero hindi parin nagiging. Wala ding makapagsabi kung kailan siya magigising.” Wika pa ni Julianne.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD