Napatingin naman ang dalaga sa binata. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Ano bang ginagawa niya? Ang naalala niya. Nakita niya ang kaluluwa ni Alice at bigla siya nitong dinala sa lugar kung saan nangyari ang Krimen.
“Si Alice. Kailangan niya nang tulong ko.” Wika ni Selene at hinawakan ang kamay ni Hunter. Biglang napalingon si Hunter nang maramdaman ang isang malakas na aura na nasa likod niya nang makita ang kaluluwa ni Alice. Panandalian niya itong napaalis nang subukan niyang gisingin si Selene ngunit mukhang hindi pa ito tapos at puno nang puot ang puso nito at may kagustuhang maghigante.
“You have to accept that you don’t----” biglang naputol ang sasabihin ni Hunter nang biglang sumigaw nang malakas si Alice. Sigaw na nakakabingi at dahil doon Agad na napahawak si Selene sa tenga niya para takpan iyon. Pakiramdam nang dalaga mababasag ang eardrum niya dahil sa lakas nang sigaw ni Alice. Bigla siya napatingin dito nang biglang tumigil ang malakas na tili nito. Nang mapatingin siya sa dalaga nakita niya si Hunter na hawak ang balikat ang restless na kaluluwa ni Alice.
Hindi alam kung may pinag-uuspan ang dalawa pero nakita niyang bigla nalang naging payapa ang restless na kaluluwa nito saka biglang naglaho.
“What Happen?” tanong ni Selene sa binata. “Did you send her---” Takang tanong nito.
“Nope.” Wika ni Hunter saka humarap sa dalaga.
“Why?” tanong nang dalaga.
“Why?” Balik na tanong nang binata. “Dahil ayaw niya. She is not ready to face her afterlife hanggat hindi nabibigyan nang hustisya ang pagkamatay niya.”
“But the other soul the other----”
“You are being nosy. Kiddo.” Wika ni Hunter saka kinusot ang buhok nang dalaga.
“I am not.” Anang dalaga at inilayo ang ulo sa binata. “And stop calling me kiddo. I am noy a kid.” Reklamo nang dalaga.
“Not in my eyes.” Natatawang wika nang binata. Napalabi lang si Selene.
“Saan nag punta ang kaluluwa ni Alice?” tanong ni Selene sa binata.
“Baka nandito lang sa tabi-tabi.”
“Very Helpful.” Sakristong wika nang dalaga. Malakas na tawa lang ang tinugon nang binata dahil sa sinabi nang dalaga.
“Stay Here for now. Babalikan ko lang sina chief.” Wika ni Hunter sa dalaga.
“Iiwan mo ako dito? Paano kung bumalik si Alice? O kung bumalik yung ibang kaluluawa nang mga biktima.” Wika ni Selene.
“You Are overthinking. They are hostile dahil nag hahanap sila nang hustisya. But They can’t hurt humans.” Wika nang binata. Npatingin lang nang derecho si Selene sa binata. Tila naghahanap nang assurance sa sinasabi nito. Kahit naman madalas na niyang nakikita ang mga kaluluwa nang mga namayapa. Hindi niya magagawang masanay dito. Natatakot pa rin siya.
“You’ll be fine.” Wika ni Hunter saka inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga.
“Fine.”
“I’ll be back.” Wika nang binata saka isinara ang pinto nang Van. Bago isara nang binata ang pinto. Tila nahagip nang mga mata ni Selene ang Isang pamilyar na bulto nang katawan. Dahil doon agad niyang binuksan ang pinto pero hindi na niya nakita ang pamilya na bulto nang katawan. At nakalapit na din si Hunter sa kinaroroonan nang kuya niya.
“Baka namamalikmata lang ako.” Wika ni Selene saka muling isinara ang pinto nang Sasakyan. Dahil sa matagal bago bumalik ang kuya niya at ang ibang miyembro nang Task force. Naisipan ni Selene na mag basa nang libro ngunit hindi pa siya nakakatapos nang dalawang pahina parang hinahahatak pababa ang talukap nang mata niya. Nang hindi na niya napanglabanan ang antok bigla nalang nabitawan nang dalaga ang binabasang aklat at napahilig ang ulo sa sandalan nang upuan.
Sa panaginip ni Selene nandoon ulit siya sa club kung saan huling nakita si Alice bago ito patayin. Sa panaginip din ni Selene, nakikita niya ang lalaki sa sulok na may hawak nang bason ang alak habang nakatingin kay Alice.
“Kuya?” Biglang naalimpungatan na wika ni Selene nang maramdaman ang pagbukas nang pinto sa Driver’s seat nang Van. Napatingin si Selene sa Driver’s seat isang lalaki ang nakita niya at hindi iyon ang kuya niya. Dahil sa kaba bigla niyang binuksan ang pinto nang sasakyan para lumabas ngunit ganoon na lamang ang gulat niya nang nakalock ang Pinto. Hintakot siyang napatingin sa lalaking nakaupo sa Driver’s seat. At lalo naman siyang nahintakutan nang makita ang mga mat anito sa rearview mirror. Noon lang tila malinaw niyang nakita ang mga mata nang lalaking nasa Bar. Ang tingin nito sa kanya ay kapahero nang mga tingin nito kay Alice.
Nagpapanic na ang dalaga dahil hindi niya mabuksan ang pinto nang sasakyan. Lalo pa siyang naguluhan nang biglang umandar ang sasakyan.
Tulong! Tulungan niyo ako Kuya. Captain!. Sigaw nang isip ni Aya. Bigla na lamang Umandar ang sasakyan.
“Selene!” Biglang wika ni Hunter na napalingon sa sasakyan nang maramdaman ang t***k nang puso nang dalaga. She was in distress. Nang mapalingon siya sa kung saan nakapark ang Van. Nakita niyang wala na ito doon.
“Bakit?” tanong ni Kristian sa binata.
“May Inutusan ko bang ihatid si Selene pauwi?” tanong nang binata saka napatingin sa Binatang Chief.
“Are you nuts. Kanina pa tayo magkasama dito paanong----” wika ni Julianne saka napatingin sa kung saan nila ipinarada ang sasakyan saka tumingin kay Kristian. Agad namang kinuha ni Kristian ang cellphone niya para tawagan ang kapatid ngunit hindi sumasagot si Selene sa tawag niya.
*****
Tulong! Tulungan niyo ako. Sigaw nang isip ni Selene. Wala siyang Makita sa tinatakbuhan niya dahil sa kadiliman nang gabi. Ngunit nararamdaman niya ang matalas na paghiwa sa balat niya nang mga damo sa binti niya. Hindi niya alam kung saan siya dinala nang lalaki. Sinubukan niyang sagutin ang tawag nang kuya niya ngunit inagaw nang lalaki ang cellphone niya at itinapon papalabas nang kotse.
Nang huminto ang van na sinakyan niya. Naramdaman niyang bumaba ang lalaki mula sa drivers seat. Nang muli niyang tangkaing buksan ang pinto hindi na iyon nakalock kaya naman madali lang niyang nabuksan ang pinto saka lumabas. Agad siyang tumakbo nang makababa nang Van. Dahil sa kadiliman nang paligid niya ilang beses pa siyang napada. Ngunit kahit na alam niyang wala siyang ibang mapupuntahan kailangan niyang makayo sa kung sino man ang nagdala sa kanya sa lugar na iyon.
Kahit tumakbo si Selene hindi parin niya natakasan ang lalaki. Nang maabutan siya nang lalaki hinawakan nito ang balikat niya. Dahil sa pagpupumiglas niya nasugatan nang matulis na kuko sa kamay nito ang balikat niya. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nahilo nang masugatan ang balikat niya bago siya taluyang lamunin nang kadiliman. Ngunit bago siya tuluyang mawalan nang ulirat isang mukha ang nakita niya. Mukha nang isang Kakaibang nilalang.