Aw! Mahinang daing ni Selene sabay sapo sa dumudugong balikat niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata niya. Naramdaman niya ang posas na nakakabit sa kanang kamay niya habang ang isang bahagi nito ay nakakabit sa headboard nang papag na kinalalagyan niya. Nakatali din ang dalawang paa niya. sa loob nararamdaman niyang hindi siya nag-iisa. Nakakaamoy din siya nang mga kandila sa paligid at ang pakiramdam na para siyang nasa loob nang isang haunted house. Bigla siyang kinilabutan.
“Mabuti at gising ka na” Narinig niyang wika nag lalaki. May naaninag siya sa hindi kalayuan. Ngunit hindi sapat ang liwanag para makilala niya kung sino ang nasa harap niya para itong may harang. It was the same sa lalaking nasa bar. Alam niyang gising siya nang mga sandaling iyon ngunit hindi niya masyadong makita ang mukha nang lalaki. But there is something familiar sa lalaking ito. That smell. The smell of blood. Saan ngaba niya naamoy ang ganoong klaseng amoy. Alam niyang pamilyar iyon.
“Sino ka? Anong kailangan mo sa kin?” Hintakot na tanong ni Selene.
“Don’t be scared. I am not going to hurt you. In fact, I’ll make you happy.” Anito at lumapit kay Selene saka hinaplos ang pisngi nang dalaga.
Agad namang itinaboy nang dalaga ang kamay nito. “Lahat nang mga dinala ko ditto. Naging masaya bago pa sila nawalan nang buhay. Ito ang unang langit mo bago kita ipadala sa kabilang mundo.” Ngumising wika nang lalaki. Anong sinasabi nito? Takot na wika nang isip ni Selene.
“Huwag mo akong hawakan!” Wika ni Selene pilit na itinaboy ang kamay nang lalaki na naglalakbay sa mga braso niya.
“Bakit? Anong gagawin mo? Sisigaw ka? No one will hear you here. No one will come to save you. Ako lang ang pwedeng magpasya sa magiging kaligtasan mo.” Asik nito at hinila ang kamay niyang may sugat. Napasigaw siya nang malakas dahil sa labis na sakit. Hindi niya alam kung bakit bumukas ang sugat niya sa balikat. Nanghina si Selene dahil sa ginawa nang lalaki. Nararamdaman din niya ang pag-agos nang dugo sa balikat niya.
“Behave yourself kung ayaw mong madaliin ang katapusan mo.” Anang lalaki at lumabas sa silid.
“Kuya. Hunter.” Helpless na wika nang dalaga saka dumaloy ang luha sa mata niya dahil sa labis na takot.
Ilang Oras ding hindi bumalik ang lalaki sa loob nang silid. Pilit niyang tinanggal ang posas sa kamay niya ngunit na bigo siya. Nagkaroon tuloy siya nang sugat sa kamay dahil sa pagpupumilit na matanggal iyon. Nabigla si Selene nang may marinig siyang kaluskos mula sa labas nang kwarto. Maya-maya bigla bumukas ang pinto nang silid.
Biglang na hintakutan si Selene nang bigla na lamang pumasok ang lalaki na may dalang patalim. Nagbago din ang aura nito at nanlilisik ang mga mata. Na tila ba na sapian nang kung ano. Habang nakatingin siya sa lalaki, may bigla siyang napansin. Sa loob nang katawan nito may nakikita siyang nilalang. Ngayon lang siya nakakita nang dalawang kaluluwa sa loob nang iisang katawan. Kanina kaya pala hindi niya Makita nang malinaw ang kakaibang nilalang dahil nangingbabaw ang kaluluwang mortal nito. Ngunit ngayong nakalantad ang nilalang na sumanib ditto nakikita niya ito.
At ang isang bagay pa na lalong ikinagulat ni Selene at ikinatakot ay ang makilala ang lalaki. Ngayon, Malinaw niyang nakikita ang mukha nang lalaki. And then she just realizes that moment. That smell of blood. Kung saan niya naamoy. That is the smell, nang bagong coach nang basketball. Hindi niya iyon binigyan nang pansin dahil ayaw niyang maging judgemental but that smell was a red flag to start with. Apart from that smell, He didn’t show any hint of him being unhinged. He is gentle to all of his basketball member. Kahit sa mga miyembro nang fans club na madalas na nasa Court hindi nito sinisita. He is this naïve innocent coach. Sinong mag-aakalang ito ang killer ni Alice. Just out of nowhere. Noon lang din naging malinaw sa kanya ang mukha nang lalaki sa Bar na nakatingin kay Alice as he sips his brandy.
Lumapit sa kanya ang lalaki at kinalagan ang tali niya sa kamay at paa. Nang makalas ang tali niya agad siyang tumayo mula sa papag at umatras. Ngumisi ang lalaki sa kanya.
“Gusto mo bang maglaro?” nakangising wika nang lalaki.
Hindi alam ni Selene kung ano ang gagawin. Wala siyang matatakbuhan kahit na gustuhin man niyang tumakbo. Napansin niyang ini-lock nang lalaki ang pinto. Hintakot na napaatras ang dalaga, hanggang sa bumangga siya sa isang side table. He is smirking like a devil. If that is enough to describe his smirk right now. Para siyang sinapian nang masamang ispiritu. And that he has no intention of letting her go.
“Bakit ka lumalayo? Hindi naman kita sasaktan.” Wika nang lalaki at itinutok ang patalim sa leeg nang dalaga.
“Maawa ka.” Mahinang wika ni Selene.
“Huwag kang ganyan, para namang, napakasama kong tao.” Wika nang lalaki at dahan-dahang ipinadaos dos mula sa leeg ni Selene ang patalim hanggang sa dibdib nito. “I have been observing you. The way you observed the basketball team. How you patiently wait for that arrogant Brat to finish his practice. Just like Alice, And the other Girls. Why do they have to like that Brat. He is nothing more than a rich sporty boy.” Wika nito. Ang tinutukoy nito ay si Hunter. Ang mga biktima nito sa school nila ay mga babaeng imiidolo sa binata. Now, that he mentioned that. Na realize ni Selene that those kills happened after that coach start working sa school nila. Yes, there are other kills before that. But the number of victims sa school nila at ang pagiging madalas nang mga biktima nito is just to unhinged. Was it just, he like to kill? He enjoys this kind of thrill so he kills for fun ang assault his victims? Iyon ang nasa isip nang dalaga. And without a doubt kung walang makakaligtas sa kanya she will end up with the same fate as the previous victims.
“Huwag mo akong hawakan!” Tili ni Selene at itinulak ang lalaki saka lumayo. Hindi naman nagustuhan nang lalaki ang ginawa nang dalaga kaya sinundan nito si Selene. Hinablot nito ang kamay nang dalaga at hinatak palapit sa kanya.
“Huwag mong subukang lumaban. Wala ka rin namang magagawa.” Wika nang lalaki at muling itinutok ang kutsilyo sa leeg nang dalaga.
“AH!” Malakas na sigaw ni Selene nang hawakan nang mahigpit nang lalaki ang sugat niya sa braso.
“Kung magiging mabait ka, hindi kita masyadong sasakyan.” Anito at lumayo sa kanya, saka hinubad ang sout na damit. Labis na natatakot si Selene. Hindi niya alam kung sino ang pwede niyang mahingan nang tulong.
“Kung magiging mabait ka. Magiging mabait din ako saiyo.” Wika nito humakbang papalapit kay Selene. Labis ang takot na nararamdaman ni Selene. Kinapa niya ang side table Ngunit wala naman siyang makuhang bagay na pwedeng tumulong sa kanya upang matakasan ito. Tangka siyang yayakapin nang lalaki nang bigla niya itong sinipa sa pagitan nang hita nito. Dahil sa sakit na naramdaman sa bahaging iyon nang katawan niya. Napahiga sa kama ang lalaki habang namimilipit sa sakit. Agad na sinamantala ni Selene ang pagkakataon para makatayo, ngunit nang dumating siya sa may pinto bigla siyang natigilan dahil naka lock ang pinto.
Nang lingunin niya ang lalaki nakatayo na ito at papalapit sa kanya. Hindi na patalim ang dala nito kundi ang martilyo. Nataranta si Selene hindi niya alam ang gagawin niya. Lalo siyang napatili nang hatawin siya nito nang martilyo. Buti na lamang at nakailag siya. Tumama sa pinto ang martilyo. Nakailag nga siya sa martilyong hinataw nito, Hindi naman niya nailagan ang mga kamay nito na sinalo ang leeg niya.
“Ang ayaw ko sa lahat ay yung mga suwail.” Galit na wika nito. habang mabalasik na nakatingin sa dalaga. Napahalukipkip sa pinto si Selene. Bigla na lamang pumasok sa isip niya ang mga imahe na ipinakita ni Alice sa kanya.
Ang lugar na ito katulad nang lugar na pinagdalhan nang criminal kay Alice bago ito mamatay. Ang takot na naramdaman ni Alice nararamdaman din niya at ang martilyo na hawak nito. Marahil ito ang martiyong ginamit nito upang patayin ang mga biktima nito.
“Hunter.” Mahinang Sambit ni Selene sa pangalan nang binata. Habang pumapatak ang luha sa mga mata. Wala siyang ibang maisip na tawagin nang mga sandaling iyon kundi ang binata. Nanalangin siyang maririnig ni Hunter ang boses niya gaya nang ginagawa nito dati. Ang bigla na lamang itong darating upang iligtas siya. Ngunit nasaan ang binata?
Muli sana siyang hahatawin nang lalaki nang martilyo nang biglang may bumagsak na liwanag mula sa itaas nang bubong. Biglang napahinto ang lalaki at nilingon ang liwanag na nasa likod nila. Unti-unti ang liwanag at naging isang nilalang. Gulantang na nakatingin ang dalaga sa Liwanag na bumagsak mula sa bubog while her tears are following down her eyes.