“H-Hunter.” Nagulat na wika nang lalaki nang makilala ang dumating. Nababalot ito nang liwanag. Alam niyang si Hunter ang nasa harap niya. Is this his true from? Nadako ang tingin niya sa nakakuyom na kamao nito. Nakikita niya ang tila azul na apo na bumabalot sa kamay nito. He is the angel of death at sinusundo niya ang mga kaluluwa nang mga namatay ngunit bakit parang kakaiba ang Binatang nasa harap niya. Dati na niyang nasaksihan ang taglay na kapangyarihan nang binata and everytime he is showing different sides of him.
“YOU!” Galit na asik ni Hunter at napakuyom nang kamao. Hindi paman nakakabawi sa pagkabigla ang dalaga nang biglang atakehin nang binata ang lalaki. Dahil sa lakas nang suntok ni Hunter tumilapon palabas nang lalaki. Nasira pa ang pinto nang tumama ito. Bumulagta sa labas ang katawan nang lalaki. Nakita ni Selene na humiwalay ang kakaibang Nilalang sa katawan nang mortal.
“You have finally decided to show your awful face.” Wika ni Hunter sa Nilalang. Ngumisi lang ito sa harap na matakot dahil sa Binatang nasa harap. “Ang lakas nang loob mo para gawing tahanan ang katawan nang mortal na-----”
“Ito ba?” agaw nito sa ibang sasabihin nang binata saka tumingin sa walang malay na coach nang basketball. “Mahinang mortal. Baluktot ang pagkatao. Ibinigay ko lang sa kanya ang gusto niyang mangyari. At kahit hindi ako sumanib sa katawan niya. Isa na siyang nilalang na nabubulok ang pagkatao. I know you can smell blood in him. It was not just me. Before I occupy his rotten body, His soul is already rotten. Alam mo ba kung ilang biktima na ang pinatay niya. Alam kung alam mo.” Anito sa binata. “Ang mga mortal. Sadyang mahihinang klase. All I had to do is to give him his desires and I can have my power grow stronger.” Wika nito saka napatingin sa kamay niya. Ngunit hindi agad nakareact ang nilalang nang bigla siyang atakehin nang binata. Muling bumagsak sa lupa ang kakaibang nilalang.
“Hunter. Pagbabayaran mo ang ginawa mo.” Wika nito at inatake ang binata. Agad na nasangga nang kamay nang lalaki saka buong lakas na sinipa. Napaatras ang nilalang dahil sa impact nang ginagawa ni Hunter.
“Dahil sa babaeng yan kaya hindi maayos ang takbo nang utak mo. Hindi mo dapat ipinagtatanggol ang mga mortal na gaya nila. Sinisira lang nila ang mundo.” Wika nang lalaki. Hindi sumagot si Hunter bagkus patuloy niyang inatake ang lalaki.
“Hunter!” Malakas na tili ni Selene. Agad namang bumaling ang binata sa dalagang sumigaw. Ganoon na lamang ang gulat ni Hunter nang makita nang hawak nang nilalang na dati nilang nakalaban ang binata. Isang malakas na tawa naman ang pinawalan nang nilalang na kalaban ni Hunter nang makitang natigilan ang binata at tila nagdadalawang isip na umatake.
“Masyado mo akong pinabibilib sa angkin mong lakas Azrael. SInong mag-aakalang hindi buo ang taglay mong lakas.” Wika nito saka tumingin sa dalaga at ngumisi. “Dahil ba sa dalagang ito? Ngunit, magiging maganda kung magsasama ang ating lakas. Tigilan mo na ang pag tatanggol sa mga tao. Ito lang ang kaya nilang gawin. Sila-sila mismo ang nag papatayan. Sila mismo ang gumagawa nang kasamaan laban sa kapwa nila. Ganitong klaseng nilalang ba ang iyong ipinagtatanggol? Mahihina ang mga mortal. Madaling matukso sa tawag nang laman. Nagiging mas masahol sa hayop kapag hayok sa laman” Anito sa binata.
“Tingnan mo ang sarili mo Azrael isa kang Anghel nang kamatayan. Far more superior than the beings. Kung gugustuhin mo kaya mong sakupin ang buong mundo. Ngunit anong ginagawa mo? Hindi mo ginagamit ang kapangyarihan mo. Sayang ang lakas nang kapangyarihang hawak mo. Bakit hindi ka sumama sa akin. Magkasama nating sakupin ang buong mundo.”
“Hunter wag kang makinig sa kanya.” Wika ni Selene kahit nahihirapang magsalita dahil sa pag kakasakal nang nilalang. “Hindi makitid ang utak ni Hunter para makinig sa mga walang kabuluhang sinasabi mo.” Wika ni Selene saka tumingin sa binata.
“You have a clever tongue, little girl. Nais mo na bang wakasan ko ang buhay mo?” Galit na wika nito at lalong hinigpitan ang hawak sa leeg ni Selene. Ang kamay nang nilaang ay may taglay na lason. dahil sa lason sa kamay nito. Unti-unting nangingitim ang mukha nang dalaga.
“Jezebeth!” Galit na wika ni Hunter at sinugod ang lalaki. Ngunit hindi siya nakalapit sa lalaki dahil sa biglang pag harang nang nilalang na kalaban niya kanina.
“Alam mo pa pala ang pangalan ko Kaibigan.” Ngumising wika nito nang banggitin nang binata ang pangalan niya. Known as the demon of falsehoods, she preys on weakness & angry of humans. He will often find an angry person and once they give into their anger, she will add fire to the flame. Isa sa mga Duke of Hell.
“Ako ang kalaban mo Azrael. Huwag mong ibaling ang atensyon mo sa iba.” Anito kay Hunter.
“Wala akong panahon sa iyo.” Wika ni Hunter at mabilis na sinuntok ang dibdib nang nilalang. Dahil sa ginawa ni Hunter ang kamay nitong nababalot nang azul na apoy ay bumaon sa dibdib nang lalaki. Napa agik ang lalaki at napaatras. Unti-unti parang nasusunog ang katawan nang lalaki hanggang sa bigla itong mag alab at unti unting naging abo.
“Kamangha-mangha.Napakaganda nang kapangyarihan mo Azrael.” Nakangiting wika ni Jezebeth. Bumaling si Hunter kay Jezebeth at mabilis itong sinugod. Naging mabilis naman ang reflexes nang lalaki. Nang palapit na si Hunter agad nitong itinulak palayo si Selene. At sinangga ang atake nang binata. Bumagsak sa gilid nang kama ang dalaga dahil sa ginawa nang nilalang. Napahawak ito sa leeg habang binabawi ang paghinga. Pakiramdam niya kahit hindi na nakahawak ang lalaki sa leeg niya hindi parin siya makahinga at tila may kung anong bumabara sa lalamunan niya.
“Masyado kang apektado sa mga nangyayari Azrael. Sigurado ka bang kaya mo kaming harapin nang mag-isa ka lang?” Anito habang naglalaban sila ni Azrael.
“Masyado kang madaldal.” Ani Hunter. Biglang tumigil sa pag-atake si Hunter nang lumayo si Jezebeth. “Coward!” wika ni Hunter.
“Umasa ka kaibigan. Hindi ito ang huling pagkikita natin.” Wika nito saka napatinginsa dalagang nahihirapang huminga. “She will have few days or may be hours to live. Kung hindi mawawala sa Sistema niya ang lason ko. Kahit nasa kanya ang kalahati nang pagkatao mo kung hindi naman niya ito magagamit. Baka ang kaluluwa niya ang susunod mong ihahatid sa kabilang mundo.” Ngumising wika nito.
“You---” gigil na wika nang binata at akmang susugurin si Jezebeth ngunit bigla siyang natigilan nang iniunat nito ang kamay sa kanya na tila sinasabing huminto siya. “Kung ako saiyo. Hindi ko sasayangin ang lakas ko na makipaglaban.” Wika nito. “Pagisipan mong mabuti ang ginagawa mo. Kung tama baa ng desisyon mo kampihan ang mga mortal.” Anito at tuluyang nanglaho.
Gaya nang dati, hindi nagapi ni Hunter si Jezebeth dahil umalis ito sa gitna nang laban. Alam ni Hunter na hindi lang si Jezebeth ang kalaban niya. Hindi niya alam kung ilang sa mga tulad nila ang nasa mundo nang mga mortal. Mas marami pang mga gaya nila ang maghahangad nang kamatayan nila. At sakupin ang mundo nang mga mortal.
“Hunter.” Mahinang sambit nang dalaga sa pangalan nang binata sabay pagkabuwal sa kama. Nang makita ni Hunter ang dalaga agad siyang lumapit dito.
“Selene!” Wika ni Hunter nang makalapit sa dalaga. Nakita niya itong nakahiga sa gilid nang kama at hawak ang leeg na tila ba nahihirapang huminga napansin din niya ang sugat sa braso nito. Nangingitim din ang leeg nito dahil sa lason na mula kay Jezebeth. Nahihirapan din itong huminga. Kapag wala siyang ginawa malalagutan nang hininga ang dalaga. Ilang sandali siyang nakatingin sa dalaga. Biglang pumasok sa isip niya ang sinabi ni Jezebeth. The only way for him to get his powers back at makabalik nang buo sa pagkatao niya ay kung mawawala ang dalaga. Kung tutuusin hindi naman dapat nabuhay ang dalagang ito. She was supposed to be dead long before. Pero dahil sa kanya kaya ito nabigyan nang pangalawang pagkakataon naging kapalit ang pagkatao niya. Isang Magandang pagkakataon ito para mabawi niya ang kapangyarihan niya. Kung hahayaan niya ang dalaga na masawi. Babalik ang lahat sa dapat nitong kalagyan. Ang balanse na dati niyang sinira.