You are sulking.” Wika ni Hunter kay Selene nang maabutan niya ito sa labas nang bahay nang Kapitan. Nakita niya ang dalaga na lumabas nang magpaalam ito kaya naman naisip niyang sundan ang dalaga.
Nang marining ni Selene ang nagsalita agad siyang napalingon sa pinangagalingan ang boses. Napatingin siya sa binata saka agad na inilayo ang tingin dito. Napangiti naman si Hunter saka napailing at lumapit sa dalaga.
“I think it is pretty normal for siblings to have a misunderstanding, sometimes.” Wika ni Hunter. “If you ask me, it is partly your fault.” Wika pa nito. Nang marining ni Selene ang sinabi nang binata taka naman siyang napatingin sa binata.
“Hey. Don’t look at me like that.” Nang binata nang mapansin ang tingin ni Selene sa kanya. “Sinasabi ko lang ang totoo. Kahit sino naman ganoon din ang reaksyon intindihin mo ang kuya mo. Hindi mo kabisado ang lugar na ito at sa mga nangyayari dito. Normal lang na mag-alala siya.”
“Alam ko yun.” Wika nang dalaga. “I just don’t know how to say I was sorry.” Wika nang dalaga.
“You can tell him personally.”
“It would be difficult galit pa rin siya----” wika ni Selene na muling tumingin sa binata. Pero na putol ang iba niyang sasabihin nang makita ang kuya niya na nasa likod ni Hunter. Napansin din niya ang Binatang nakatingin sa kapatid niyang lumabas nang pinto.
====
Bago umalis nang baryo ang grupo ni Kristian, pinuntahan muna nila ang isang maliit na presinto doon para magtanong tungkol sa mga nawawalang kadalagahan. Habang nasa loob nang Presinto sina Kristian ang grupo niya nasa loob lang nang sasakyan si Selene at naghihintay sa kuya niya.
Biglang natigilan ang dalaga nang biglang may sumakay na mga lalaki sa kotse nila. May dalawang sumakay sa unahan at driver’ seat habang dalawa naman sa likod katabi niya. Sigaw sana siya siya ngunit biglang tinakpan nang lalaki bibig niya. Hindi na niya alam ang sunod na nangyari dahil bigla siyang nawalan nang ulirat.
Habang nasa loob nang presinto, biglang natigilan si Hunter nang biglang may maramdamang kakaiba. Hindi niya maipaliwag ang naramdaman niyang iyon. Kaya napatingin siya sa labas nang presinto. Saktong paglingon niya nang makita niya ang biglang pag-andar nang sasakyan nina Kristian at Julianne. Sa pagkakaalam niya walang ibang tao sa loob nang sasakyan kundi si Selene. Nang makita nang binata ang pag-andar nang sasakyan wala siyang pasabing tumukbo papalabas. Dahil sa ginawa nang binata hindi naman maiwasang hindi mapalingon si Kristian at Julianne dito at dahil sa labis na pagtataka sinundan nila ang binata.
“What’s wrong with you?” Tanong ni Julianne kay Hunter nang sinundan nila ito sa labas Saka nila napansin na wala na doon ang sasakyan nila.
“Anong nangyari? Asan nang sasakyan natin?” tanong ni Julianne saka tumingin kay Kristian. Hindi naman nakapagsalita si Kristian dahil sa gulat. Hindi marunog mag maneho si Selene kayo malabong siya ang nagpaandar nang sasakyan. Agad niyang kinuha ang cellphone niya saka tinawagan ang kapatid niya. Ngunti walang sumasagot. BIgla ding naging out of the coverage ang cellphone nito.
“Hoy saan ka pupunta!” wika ni Julianne kay Hunter nang bigla itong lumapit sa motor nito at walang pasabing umalis at binaybay ang direksyon nang sasakyan nina Kristian.
“Sundan natin siya.” Wika ni Kristian saka naglakad patungo sa van nang task force. Hindi naman nagsalita at tumutol ang iba at sumunod lang sila sa binata. Maging si Julianne na nabigla ay agad ding sumunod sa mga ito. Hindi Maganda ang kutob niya sa nangyayari. Talamak ang mga nawawalang dalaga sa lugar na iyon at napapabalitang natatagpuang patay ilang araw matapos mawala.
“I think I am not needed here.” Wika nang binata saka inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga at bahagyang kinusot ang buhok nito bago umalis. Takang inihatid nang tingin ni Selene ang binata. Nabigla pa siya dahil sa ginawa nito. Kelan pa sila naging malapit para gawin niya iyon sa kanya? Talagang naguguluhan siya. Maging si Kristian ay nabigla din sa ginawa nang binata, taka pa itong sinundan nang tingin ang binata hanggang sa makapasok ito sa loob nang bahay.
“What’s your relationship with that brat?” tanong ni Kristian kay Selene na nakatingin parin sa sa binatang papalayo.
“H-ha?” gulat na wika nang dalaga saka napatingin sa kuya niya.
“Nililigawan ka ba niya? Masyado naman yata siyang mabilis.” Dagdag pa nito saka tumingin kay Selene. Lalo namang natigilan ang dalaga hindi dahil sa iniisip nang kuya niya pero dahil sa reaksyon nito, He is treating her normally.
Para bang walang nangyaring misunderstanding sa kanilang dalawa kanina. Napatawad na kaya siya nito dahil sa nangyari? Unang beses niyang nakitang nagalit ang kuya niya. And she was scared. Hindi niya akalaing magagalit sa kanya ang kuya niya. He is always gentle towards her. It was the first time na pinagtaasan siya nito nang boses.
“Bakit ka nakatingin nang ganyan?” Tanong ni Kristian sa kapatid.
“I don’t know.” Mahinang wika nang dalaga. “Hindi ka na ba galit sa akin?” tanong nang dalaga.
Napangiti naman si Kristian dahil sa tanong nang kapatid niya. “Bakit naman ako magagalit saiyo?” Tanong ni Kristian
“Hindi ba? Kanina---” biglang naputol ang sasabihin ni Selene nang bigla siyang Akbayan ni Kristian.
“I was worried. But I was not angry.” Wika ni Kristian. “Sorry kung napagtaasan kita nang boses. I was worried sick. Hindi ko alam----” bigla namang si Kristian naman ang naputol ang sasabihin nang bigla siyang niyakap ni Selene.
“I’m sorry. I didn’t mean to worry you.” Wika nang dalaga.
“I know.” Wika ni Kristian saka inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga. “Ah!” wika ni Kristian saka bahagyang inilayo ang dalaga. “Don’t let that brat pet your head. I don’t like it.” Wika nang binata. Taka namang napatingin si Selene sa kapatid niya.
“Don’t look at me, na para bang wala kang ideya sa sinabi ko.”
“I was surprise as well. Hindi naman kami malapit sa isa’t-isa.” Wika ni Selene. “Ah.” Wika nang dalaga na ikinagulat ni Kristian. “He also has the same ability as me.” Anito. Taka namang napatingin si Kristian sa mukha nang dalaga. “Gaya ko, nakakakita din siya nang mga kakaibang nilalang. And he can drive them away. He is a bit mysterious.” Anang dalaga.
“You can say that.” Nang binata at napaisip. Sino si Hunter at bakit parang misteryoso ito. Mukhang hindi niya dapat tanggalin ang mata niya sa binata. He is too young para maging isang detective. Sa mga kwento lang nangyayari iyon. At marami siyang hindi alam sa binata.
“Aba mukhang nagkasundo na ulit kayo.” Wika ni Julianne na lumabas. Sabay namang napatingin ang magkapatid sa Binatang bagong dating. “It’s better like this kesa hindi kayo nagpapansinan.” Nakangiting wika ni Julianne.