CHAPTER 72

1423 Words

Nakatagilid sa paghiga si Kelvin. Nakatukod ang kanyang siko sa ibabaw ng kama at inaalalayan ang kanyang ulo. Ngumingiti ang labi ni Kelvin habang pinagmamasdan niyang matulog si Yvonne na katabi niya ngayon sa ibabaw ng kama. Mahimbing pa rin ang tulog ng kanyang nobya habang siya ay gising na gising na ang diwa niya kahit mag-aala-sais pa lamang ng umaga. “Napakaganda mo,” pabulong na sambit ni Kelvin. Manghang-mangha siya sa kagandahan ni Yvonne. Gising man ito o tulog, napakaganda pa rin nito sa mga paningin niya. Pakiramdam nga niya ay baliw na baliw na siya sa kagandahan nito. Pamaya-maya ay dahan-dahang itinaas ni Kelvin ang kanan niyang kamay saka inilapit iyon sa mukha ni Yvonne. Marahan niyang hinawi ang nakaharang na buhok nito sa mata at inipit iyon sa tenga nito. Lumaki an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD