bc

THE EX-MARRIED WIFE

book_age18+
1.4K
FOLLOW
6.5K
READ
drama
serious
straight
faceslapping
like
intro-logo
Blurb

SYNOPSIS: Si Yvonne, nasa kanya na ang lahat na kinaiinggitan ng iba ngunit sa likod ng halos perpekto niyang buhay, nagkukubli ang nararamdamang sakit na dulot nang nagtataksil niyang asawa. Hanggang kailan niya kayang ilaban ang kanyang pag-ibig para sa asawang kinalimutan na siya para manatili sa piling ng iba? Sundan ang kanyang kwento bilang THE EX-MARRIED WIFE.

The Ex-Married Wife

All Rights Reserve, 2022

Copyright, 2022

DISCLAIMER: This story is purely fictional. Any resemblance to living or dead person, places, events, and others are only coincidental.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Malakas ang mga katok ng mataas na takong ng suot niyang red stilettos na rinig na rinig sa nakakabinging katahimikan ng gabi habang mabagal siyang naglalakad na parang beauty queen palapit sa nakaparadang kotse sa harapan ng isang building. Bitbit niya sa kanan niyang kamay ang isang medium-size na galon ng gasolina na gagamitin niya sa kanyang binabalak. Walang tao sa paligid. Sinigurado niya iyon para magawa ang kanyang binabalak na matagal din bago niya gustuhing mangyari. Sumisilay ang nakakalokong ngiti sa kanyang manipis at mapulang labi habang matalim ang pagtitig niya sa kotse. Wala siyang pakiealam kung ano ang mangyari sa kanya pagkatapos ng kanyang gagawin dahil ang mas importante sa kanya ay ang makaganti. Makaganti para singilin ang kabayaran sa sakit na nararamdaman niya ngayon. Huminto siya sa paglalakad. Nasa harapan na siya ng kotse na kulay puti at halatang bago pa. Latest ang modelo nito, bagay na lalo niyang ikinakagalit dahil sigurado siyang sobrang mahal ang pagkakabili ng kotse na ito. ‘Ang kapal ng mukha,’ madiin na sambit sa kanyang isipan. Pamaya-maya ay dahan-dahang inilapag niya sa lupa ang dala niyang galon. Tinitigan niya ng matagal ang kotse. Sa kanyang mga matang matalim kung tumingin ay nakikita ang labis na pagkasuklam at matinding galit. Maya-maya ay muli niyang kinuha at binuhat ang galon at tinanggalan niya iyon ng takip pagkatapos ay ibinuhos niya ng dahan-dahan sa harapang bahagi ng kotse ang nilalaman nito. Ninanamnam niya ang pagbuhos ng gasolina na parang nagdidilig lang siya ng halaman sa hardin. Matapos gawin iyon ay mabagal siyang umatras palayo at binuhusan din ng gasolina ang lupa mula sa kinatitirikan ng kotse hanggang sa pinaghintuan niya ilang metro ang distansya mula sa nakaparadang kotse. Pamaya-maya ay ibinato niya nang ubod ng lakas ang wala ng laman na galon sa kotse. Tumama iyon sa harapang bahagi ng kotse at sa sobrang lakas nang pagkakabato niya at sa tigas ng galon, nabasag ang harapang salamin nito. Ngumiti siya na parang demonya. Bumakas ang pagkatuwa sa kanyang nakita. Kinuha niya mula sa loob kanyang dalang hand bag ang lighter na dala niya. Sinindihan niya ang lighter. Tinitigan niya ang apoy na nanggagaling roon. Katulad ng apoy ng lighter, nag-aapoy na din sa galit ang kanyang mga mata. ‘Katulad ng apoy na ito… nagbabaga rin ang galit sa dibdib ko,’ sa isip-isip niya. Maya-maya ay marahan na itinapon niya sa lupa ang nakasinding lighter. Slow-motion na nagliyab ang apoy sa lupa na may gasolina na sinundan niya nang tingin. Mas lalo siyang napangiti. Tiningnan niya pa ang kotse na malapit na ring lapitan ng apoy pagkatapos ay dahan-dahang tinalikuran na rin iyon. Dahan-dahan siyang naglakad palayo na tila isang modelo. Mas lalo siyang napangisi. Hanggang sa… Booommm!!! Tumawa siya na parang demonya dahil sa narinig na malakas na pagsabog. Hindi na niya tiningnan ang kotseng kinakain na nang nagliliyab na apoy at tuloy-tuloy lamang ito sa paglalakad. Dahil sa pagsabog, maraming empleyado sa katapat na building ang nagsilabasan dahil sa gulat nang marinig ang malakas na pagsabog at kabilang doon ang may-ari ng kotse at ang girlfriend nito na gulat na gulat sa nangyari. “Sh*t!” Ngiting-ngiti siya. Sobrang saya niya na nagtagumpay siyang makaganti ngayon. Sa totoo lang, marami pa siyang gustong gawin pero saka na lamang ang iba… kapag punong-puno na siya. Siya si Yvonne Altamirano-Rances, twenty-seven years old. Isang career woman at CEO ng pinakamalaking make-up company sa bansa. Perpekto ang kanyang kagandahan na kinaiinggitan ng mga kababaihan. Tila walang hanggan ang kanyang karangyaan na hinahangad ng karamihan. Nakikita ng lahat na nasa kanya ang lahat ng bagay na meron sa mundo kaya naman maraming inggit sa kanya. Ngunit sa likod ng perpektong nakikita ng iba… ay ang hindi perpektong buhay pag-ibig niya. Dahil ang asawa niya… may kinakasamang iba. Bagay na hindi niya matatanggap at kailanman ay hindi niya tatanggapin. --- Nakakabinging katahimikan ang sumalubong kay Yvonne sa pagpasok niya ng kanilang bahay. Malaki at malawak ang bawat espasyo ng kanilang bahay na may tatlong palapag at moderno ang istruktura. Isinarado ni Yvonne ang pintuan ng bahay. Hindi niya nakita ang limang katulong sa paligid dahil nasa kanya-kanya itong lugar at may mga ginagawa. Huminto sa paglalakad si Yvonne. Nilibot niya nang tingin ang paligid. Humugot siya ng malalim na hininga. Hanggang sa huminto ang mga mata niya sa isang malaking litratong nakalagay sa mamahalin at malaking picture frame at nakasabit sa pader na nasa itaas ng isang mahabang mesa. Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Yvonne. Nakatingin lamang siya ng mataman sa malaking litrato. Ang malaking litratong iyon ay ang wedding portrait nila ng kanyang asawa. Napakaganda niya sa litratong iyon. Kutis-porselana ang kanyang balat. Simple lamang ang ginawang make-up sa kanyang maliit at maamong mukha pero lumabas pa rin ang natural niyang kagandahan. Napakaganda din nang pagkakasuot sa kanya ng puting traje de boda na isang sikat na fashion designer ang may gawa. Maganda ang hubog nito sa kanyang magandang katawan at sadyang ginawa para sa kanya. Maliit lamang ang makikitang ngiti sa kanyang labi sa litrato pero nakikita sa kanyang medyo bilugang mga mata ang kaligayahan dahil katabi niya doon ang asawang pinakamamahal. Ang asawa niya na si Eiann Rances. Ang asawa naman niya ang tiningnan ni Yvonne. Napakagwapo nito lalo na kapag nakangiti. Moreno at matipuno ang katawan, Pilipinong-pilipino ang dating. Gustong-gusto niya ang maamo nitong mukha na parang hindi gagawa ng kasalanan. Gusto din niya ang chinito nitong mga mata na kung tumingin sa kanya ay parang siya lamang ang nakikita nito. Ang matangos nitong ilong na kinukurot niya sa tuwing naglalambing siya dito. Gusto din niya ang malambot at natural na mapulang labi nitong kaysarap humalik habang hinahaplos naman niya ang jawline nito. May kalakasan ang ibinugang hangin ni Yvonne. Dumaloy sa kanyang alaala ang mga nangyari noon sa kanilang dalawa ni Eiann. Ang maganda nilang simula, ang kaligayahan na dulot ng kanilang pagsasama at ang pag-iisang dibdib nila kung saan nangako silang magsasama ng walang hanggan. “Pinapangako ko sayo na habang buhay kitang mamahalin Yvonne hanggang sa aking huling hininga. Ikaw at ikaw lang ang aking mamahalin at wala ng iba,” puno nang lambing na sambit ni Eiann. Pagak na natawa si Yvonne nang maalala ang isa sa pangakong iyon ni Eiann sa kanya. ‘Nasaan na ang pangako mo?’ sa isip-isip na tanong ni Yvonne sa sarkastikong tono. ‘Habang-buhay? Wala pa nga tayo sa kalahati ng mga buhay natin pero nagawa mo nang manloko.’ Dahil dalawang taon matapos nilang ikasal, ang mga pangako ay napako. Ang kaligayahan ay naging kalungkutan. Ang masayang pagsasama ay naging isang sumpa. Naputol ang pag-alala ni Yvonne sa nakaraan nang marinig niya ang pagbukas ng pintuan. Nanatili lamang siya sa kanyang kinatatayuan at hindi nilingon kung sino ang pumasok pero kilala na niya kung sino. Amoy at presensya pa lamang nito ay kilala na niya kung sino. Narinig ni Yvonne ang pagsara nito sa pintuan at ang yabag ng sapatos nito palapit sa kanya. Huminto sa likod ni Yvonne si Eiann. Seryoso ang mukha nito na nakatingin sa likuran ng asawa. “Ikaw ba?” seryoso at may diin na pagtatanong ni Eiann kay Yvonne. Tumaas ang kanang kilay ni Yvonne. Dahan-dahan niyang hinarap ang asawa niya. Nang humarap na siya dito ay tiningnan niya ito ng diretso. “Ikaw ba ang may gawa?” tanong muli ni Eiann. Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Yvonne. Malamig ang tingin niya sa asawa. “So?” nangingiting tanong niya. Kumuyom pabilog ang dalawang kamay ni Eiann. Hindi siya makapaniwalang magagawa iyon ni Yvonne. “Hindi mo man lang ba inisip na pwedeng may madamay sa ginawa mo? Hindi iyon biro-” “And I’m not joking either,” sarcastic na saad kaagad ni Yvonne na pumutol sa mga salita ni Eiann. Bumakas ang pagkadismaya sa mukha ni Eiann. “Kakaibang klase ka talaga, Yvonne,” madiin na sambit ni Eiann. “Kotse ni Alexa ang pinasabog mo at hindi ‘yung akin,” dugtong pa nito. “Talaga?” sarcastic na tanong ni Yvonne. “Kotse niya o kotseng binili mo para sa kanya?” dugtong na tanong pa nito. “Saka ‘yun nga ang gusto ko, ang pasabugin ang kotseng ibinigay mo sa babaeng iyon para sumabog din ang utak niya sa kakaisip.” “Yvonne!” nagtaas na ng boses si Eiann. Sumeryoso ang mukha ni Yvonne. “Huwag mo akong pagtaasan ng boses,” seryoso at madiing singhal ni Yvonne. “At huwag mo ding ipagtanggol sa harapan ko ang sekretarya mong kabit,” maanghang na dugtong pa niya. Lalong dumiin ang pagkuyom ng mga kamay ni Eiann. Sumama din ang tingin niya kay Yvonne. Kinokontrol niya ang sarili na huwag lalong magalit dahil baka may hindi siya magandang magawa. Diretso namang nakatingin si Yvonne kay Eiann at hindi nagpapatinag. Palaban siya at walang inuurungan at alam iyon ng asawa niya. Maya-maya ay marahas na bumuntong-hininga na lamang ng malalim si Eiann. Ni-relax niya ang kanyang sarili. “Look Yvonne, mabait si Alexa at kung kikilalanin mo lang siya-” “Naririnig mo ba iyong sinasabi mo?” tanong kaagad ni Yvonne na pumutol sa sinasabi ni Eiann. Natawa ito ng pagak. “Ako? Kikilalanin ko siya?” natawa ulit siya. “Kikilalanin ko ang sumisira sa ating dalawa?” tanong pa niya matapos niyang tumawa. “At ano pang gusto mong gawin ko? Makipag-chikahan sa kanya? I-share sa kanya ang recipe ko ng afritada? Maging mag-best friend kami? Magpa-salon kami ng sabay? Magkuskusan kami ng likod? Iyon ba ang gusto mo?” sarcastic na litanya pa ni Yvonne. Natawa muli siya ng pagak. “O baka naman gusto mong mag-threesome pa tayo?” pamimilosopo pa niya sa madiin na tono. Hindi kaagad nakapagsalita si Eiann. Nakatitig lamang siya kay Yvonne. Nag-smirk si Yvonne. “Hindi ako tanga para kilalanin at makipag-kaibigan sa ahas na kagaya niya,” madiin na sambit ni Yvonne. “Kaya huwag mo akong sabihan na kilalanin ang taong sumisira sa ating dalawa dahil kahit kailan… hindi ko iyon gagawin,” dugtong pa nito. “Matagal na tayong sira,” malamig na bulalas ni Eiann na ikinalaki ng mga mata ni Yvonne. “At alam mo kung ano ang dahilan,” dugtong pa nito na may himig ng lungkot. Hindi nakapagsalita si Yvonne. Natigalgal siya. Nasapol siya sa sinabi ni Eiann at biglang nawalan ng malay. Huminga na lamang ng malalim si Eiann saka umiling-iling at dahan-dahang umalis sa harapan ni Yvonne. Pumunta ito sa hagdanan at umakyat papunta sa kwarto nito. Naiwan naman si Yvonne na hindi natitinag sa pagkakatayo. Nakatingin lamang siya sa kung saan. Kumuyom pabilog ang kanyang mga kamay. ‘So, ako na naman ang sinisisi niya?’ sa isip-isip ni Yvonne. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Kinagat niya ang ibabang labi niya. ‘Siya lang ba ang nasasaktan ng dahil doon?’ tanong pa nito. ‘Hanggang kailan niya ba ako sisisihin?’ nasasaktang tanong pa niya. Dahil hanggang ngayon, dala pa rin ni Yvonne ang sakit ng dahil sa nangyaring iyon na naging mitsa ng matinding unos sa pagsasama nila ni Eiann.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
46.4K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
80.4K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
60.6K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
279.8K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
10.7K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
107.9K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
71.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook