CHAPTER 4

1994 Words
Nakatayo si Eiann sa harapan ng bintana sa kanyang opisina. Sunod-sunod ang kanyang paglagok sa beer na laman nang hinahawakan niyang lata. Puno ng kalungkutan ang kanyang mga mata habang nakatingin lamang sa labas ng bintana. Sobrang bigat ng kanyang nararamdaman. Hindi makapaniwala si Eiann sa mga nangyari. Hindi niya inaasahan na maagang mawawala sa kanila ang pinakahihintay nila ng asawa niya. Labis na sinisisi ni Eiann si Yvonne dahil sa nangyari. Kung sana ay sinunod lamang siya nito sa kanyang kagustuhan ay wala sanang mangyayaring hindi maganda. “Ganito pala ang pakiramdam ng mawalan… parang hindi ko kakayanin ‘yung sakit,” nahihirapang sambit ni Eiann. Sobrang sakit para kay Eiann na mawalan ng anak na hindi pa man niya nahahawakan. Matagal niyang hinintay ang pagkakaroon ng anak ngunit sa isang iglap lamang ay bigla itong mawawala. Muling lumagok ng beer si Eiann. Gumuguhit sa kanyang lalamunan ang pait at init ng inumin. Kasing pakla ng beer na iniinom niya ang kanyang nararamdaman. Iniisip tuloy ni Eiann kung makakaya pa ba niyang harapin si Yvonne pagkatapos ng mga nangyari. Pakiramdam niya ngayon, ayaw niya itong makita miski anino nito. Nakakaramdam siya ng galit kahit pangalan lamang nito ang marinig niya. Samantala… Bumukas ang pintuan ng opisina at pumasok si Alexa. Kaagad na nagawi ang tingin niya sa bintana kung saan nakita niyang nakatayo sa tapat nito ang boss niya na si Eiann. Ilang buwan pa lamang siyang nagta-trabaho bilang secretary ni Eiann at sa panahon na iyon, naging okay ang pagpasok niya dito. Wala siyang naging problema dahil naging mabait naman si Eiann sa kanya. Isinara ni Alexa nang dahan-dahan ang pintuan at muling tiningnan si Eiann. Kakikitaan din ng kalungkutan ang mga mata nito. Narinig niya ang hindi magandang nangyari kaya sa tingin niya ay iyon ang dahilan nang pag-inom ngayon ni Eiann. Hindi niya mapigilang makaramdam nang pagka-awa kay Eiann at nakikisimpatya siya sa kanyang boss. Dahan-dahang naglakad si Alexa palapit kay Eiann hanggang sa huminto siya sa tabi nito. Tiningnan niya ito. “Sir,” pagtawag ni Alexa kay Eiann. Napatingin naman si Eiann kay Alexa. Tumigil muna siya sa pag-inom. “May board meeting pa po kayo mamaya kaya naman huwag kayong uminom ng marami,” paalala pa niya. Hindi nagsalita si Eiann. Nakatingin lamang siya ng mataman kay Alexa na medyo nakaramdam naman nang pagkailang. Aminado si Eiann na maganda si Alexa at bilang lalaki, nagagandahan siya sa kanyang sekretarya na ngayon lamang niya napansin. Malalim na napabuntong-hininga si Eiann saka umiwas nang tingin kay Alexa. Muli nitong tiningnan ang view sa labas. Nakakabinging katahimikan ang namayani sa loob ng opisina. Ilang minuto ang lumipas na hindi nagsasalita sina Alexa at Eiann. “Nawalan ka na ba?” out of nowhere ay tanong ni Eiann na ikinagulat naman ni Alexa at napatingin siya sa kanyang boss. Naputol ang nakakabinging katahimikan na nagtagal ng halos limang minuto. “Po?” nagtatakang tanong ni Alexa. Sumilay ang mapait na ngiti sa labi ni Eiann na nananatiling nakatingin sa labas ng bintana. “Ang sakit mawalan… pero mas masakit ‘yung mawalan ng hindi ko man lang siya nahawakan kahit isang segundo lang.” Ramdam ni Alexa ang sakit sa mga binitawang salita ni Eiann. Alam na niya kung sino ang tinutukoy ng kanyang boss. Mas lalo tuloy siyang naawa kay Eiann. Nagbuga nang hininga si Alexa. May naalala siya. “Fourth year college ako noon when my parents died in a car accident,” paunang sambit ni Alexa. Naalis ang tingin ni Eiann sa view sa labas at tiningnan si Alexa na sa labas na ng bintana nakatingin. Napangiti nang tipid si Alexa habang nakatingin siya sa maaliwalas na kalangitan. “Tumigil ang ikot ng aking mundo no’ng mga panahong iyon kasabay ng pagguho din nito,” malungkot na sambit ni Alexa. “Sobrang sakit na mawalan ng magulang. Mas sobrang masakit kasi hindi man lang nila ako nakitang naka-graduate. Hindi man lang nila naranasan ang bunga ng kanilang pagsisikap na mapag-aral ako kahit na nahihirapan sila,” madamdaming sabi pa nito. Nakikinig naman si Eiann kay Alexa. Ramdam niya ang lungkot sa tinig nito. “Gusto ko nang sumuko matapos nilang mawala. Ninais kong sundan sila sa kung nasaan man sila. Sila lang ang pamilya ko ngunit no’ng mawala sila, biglang naging mag-isa na lamang ako,” malungkot na paglalahad pa ni Alexa. “Hindi ko alam kung paano mabuhay ng nag-iisa,” dugtong pa nito. “Ngunit nu’ng mga panahong tila malapit na talaga akong sumuko, naalala ko ang lahat ng pangaral nila sa akin. Naalala ko ang lahat ng kanilang mga mabubuting salita,” lahad pa ni Alexa at tiningnan niya si Eiann. Nagtagpo ang tingin nilang dalawa. “Ang pinakatumatak sa akin ay ‘yung ‘Huwag kang sumuko, Anak. Kaya mo ‘yan!’” Ngumiti si Alexa. “Doon ko na-realize na tama sila,” saad ni Alexa. “Masakit mawalan at matagal natin itong dadamdamin ngunit hindi nangangahulugan iyon na kailangan na din nating sumuko. May dahilan kung bakit may nawawala sa atin at bakit tayo nag-iisa at darating ang oras na malalaman natin ang dahilang iyon na lalong magpapalakas sa atin. Ako, inisip ko na lang, binabantayan nila ako sa lahat ng oras kahit nasaan man sila at hindi ko sila nakikita,” dagdag pa ni Alexa. “At ngayon, nandito po ako sa harapan niyo at nananatiling matibay dahil sinunod ko sila. Hindi po ako sumuko at nagpatuloy lang sa buhay.” Ngumiti muli si Alexa. “Ramdam ko din na hindi nila ako pinababayaan kahit mag-isa na lamang ako at ipinagpapasalamat ko iyon dahil nakakadagdag iyon sa lakas na meron ako,” dugtong pa nito. Tipid na napangiti si Eiann na nakatitig kay Alexa. “Okay lang po magdamdam. Okay lang po umiyak. Okay lang po na panghinaan kayo ng loob… pero hindi po dapat kayo tuluyang sumuko,” aniya ni Alexa. “Alam ko pong hindi madali kaya naman pwede po kayong lumuhod at magpahinga pero dapat naisin niyo rin pong tumayo, lumakad at magpatuloy muli,” dugtong pa nito. Tumango-tango si Eiann. Kahit papaano ay gumaan ang kanyang loob dahil sa mga sinabi ni Alexa. Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Alexa. “Salamat,” mahinang sambit ni Eiann. Tumango-tango si Alexa. Natutuwa siya dahil nakapag-usap sila ni Eiann ng ganito at nai-share niya ang buhay niya rito. --- Naisipan ni Yvonne na bisitahin si Eiann sa opisina nito. Panay ang ngiti niya sa mga empleyadong bumabati sa kanya sa tuwing madadaanan niya ang mga ito. Patuloy lamang sa paglalakad si Yvonne sa loob ng malawak na lobby ng kumpanya. Papunta siya sa elevator na gawa sa glass dahil doon siya sasakay papunta sa opisina ni Eiann. Nakarating na si Yvonne sa elevator. Saktong pagtayo niya sa harapan nito ay ang paghinto ng elevator. Bumukas ang pintuan ng elevator. Bahagyang nagulat pa si Yvonne nang makita si Alexa na nasa loob ng elevator at may mga bitbit na folder. Nagulat din si Alexa nang makita si Yvonne. Kinabahan siya. Hindi niya maitatanggi na humahanga siya sa ganda ni Yvonne at the same time ay nai-intimidate siya sa presensya nito. Nawala ang gulat sa expression ni Yvonne at sumilay ang maliit na ngiti sa labi nito. Tiningnan niya ng puno nang panghuhusga si Alexa mula ulo hanggang paa saka tinaasan ito ng kanang kilay at pumasok sa loob ng elevator saka tinabihan ang dalaga. “Good morning, Ma’am,” magalang na pagbati ni Alexa kay Yvonne at bahagya pa itong yumuko. Nagsara ang pintuan ng elevator at umandar ito pataas. Sila Yvonne at Alexa lamang ang laman ng elevator. “Nasa office ba ang asawa ko?” madiin na tanong ni Yvonne. Hindi man lang nito tinapunan nang tingin si Alexa. “Opo,” magalang na sagot ni Alexa. Tipid itong ngumiti. “Good,” nangingiting wika ni Yvonne. “Akala ko kasi itinago mo sa ilalim ng palda mo,” sarcastic na sambit pa niya na ikinakagat ng ibabang labi ni Alexa. Wala na muling nagsalita sa dalawa. Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan nila. Tiningnan ni Yvonne si Alexa. Umismid ito. “Maghanda ka ng makakain ko, okay?” nakaismid na utos ni Yvonne kay Alexa. Tiningnan ni Alexa si Yvonne. Ngumiti ito saka tumango-tango. “Yes Ma’am,” sagot ni Alexa. “Good,” nangingiting saad ni Yvonne. “Mabuti at alam mo pa rin ang lugar mo,” dugtong pa nito. “Po?” tanong ni Alexa na nagulat at nagtataka sa sinabi ni Yvonne. Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ni Yvonne. “Masyado kang magalang… o baka naman ipinamumukha mo lang sa akin na mas bata ka kaya pino-po mo ako,” sarcastic na sambit ni Yvonne. Bahagyang umiling-iling si Alexa. “Hindi po,” sambit ni Alexa. Nag-smirk si Yvonne. “Alam mo… masyado kang mabait,” sarcastic na litanya niya. “O baka naman front mo lang ‘yan dahil ang totoo ay nasa loob lang ang kulo mo,” dugtong pa nito. “Sa pagkakaalam ko kasi… walang mabait na kabit,” pang-iinsulto pa niya. Dumiin ang pagkakahawak ni Alexa sa mga folder na dala niya. Hindi niya maitatanggi na nasaktan siya sa mga sinabi ni Yvonne. Matalas talaga ang dila ni Yvonne lalo na pagdating sa kanya. Ngumiti si Yvonne. Ngiting tagumpay. “Anyway, balita ko ibinili ka ng kotse ng asawa ko.” Hindi nagsalita si Alexa sa sinabi ni Yvonne. Bahagya itong yumuko. “Hindi ka ba nahihiya sa ibang tao?” nang-aalipusta na tanong ni Yvonne. “O kahit sa sarili mo man lang?” pagtatanong pa niya. Nag-angat nang tingin si Alexa at tiningnan si Yvonne. Nag-smirk si Yvonne. “Nakukuha mo ang lahat ng bagay na gusto mo dahil sa kalandian mo,” pang-iinsulto muli ni Yvonne kay Alexa. Mas lalong dumiin ang paghawak ni Alexa sa mga folder na dala niya. Umiwas siya nang tingin kay Yvonne. Napakagat-labi siya. Mahina namang natawa si Yvonne. Umiwas ito nang tingin kay Alexa at ang tiningnan ay ang pinto ng elevator. “Kunsabagay, mas madali nga namang lumandi at bumukaka kaysa magtrabaho ng nine hours a day and six times a week,” nang-iinsulto na sambit ni Yvonne. “Siguro kung wala kang day-off, nanaisin mo ding bumukaka pa sa harapan ng asawa ko para mas malaki ang makuha mo, no?” madiin na dugtong pa niya. Huminga na lamang si Alexa ng malalim. Kinakalma niya ang kanyang sarili. Mabait siyang tao ngunit nagagalit din naman siya lalo na at iniinsulto siya. Umikot ang mata ni Yvonne. Natutuwa siya dahil naiinsulto niya si Alexa. Iyon naman ang bagay sa mga kabit, ang insultuhin at pagsalitaan nang masasakit na salita. “Isa pa, mas masarap bumukaka kaysa magtrabaho, ‘di ba?” tanong pa ni Yvonne. “Kaya nga umuulit-ulit ka pa kahit hindi na tama,” pagpaparinig pa niya. Sa wakas ay huminto na din ang elevator at bumukas ang pintuan nito. Tila sumisikip na ang loob ng elevator para sa dalawa dahil sa tensyon sa pagitan nila. Muling tiningnan ni Yvonne si Alexa at ngumiti ito. “Sige at mauna na akong lumabas,” pagpapaalam nito. “Huwag mong kakalimutan ‘yung pagkain ko,” dugtong pa niya. “Huwag mong lagyan ng lason kung ayaw mong humimas ng rehas dahil kahit patay na ako, sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan,” pagbabanta pa niya saka nag-smirk. Bahagya na lamang yumuko si Alexa bilang paggalang. Mahinang natawa nang pang-asar si Yvonne saka lumabas na ito sa elevator at pinuntahan na ang opisina ng asawa. Napabuga nang hininga si Alexa. Tila nakahinga na siya ng maluwag nang umalis si Yvonne. Lumabas si Alexa sa elevator. Tumingala siya para mapigilan ang nagbabadyang pagtulo ng luha dahil naiisip niya ang mga pang-iinsultong sinabi sa kanya ni Yvonne na ikinasakit ng damdamin niya. Pamaya-maya ay napailing-iling na lamang si Alexa saka muli na itong naglakad papunta sa kanyang sadya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD