CHAPTER 3

1408 Words
Nababalot ng nakakabinging katahimikan ang loob ng opisina ni Eiann. Nakaupo si Eiann sa kanyang swivel chair habang abala na binabasa ang mga dokumento na kailangan ng pirma niya. Ilang minuto pa ang lumipas nang bumukas ang pintuan ng opisina. Tumigil sa pagbabasa si Eiann at tumingin sa pintuan. Sumilay ang natutuwang ngiti sa labi niya nang makitang pumasok si Alexa, ang sekretarya s***h lihim niyang girlfriend. Isinara ni Alexa ang pintuan ng opisina at humarap sa kinaroroonan ni Eiann. Sumilay ang matamis na ngiti sa medyo may kanipisan at pinkish na labi nito nang makita si Eiann. Dahan-dahang naglakad si Alexa palapit kay Eiann. Dahil sa katahimikan ay naririnig ang tunog ng suot nitong sandals na may two-inches na takong. “Good morning Sir,” may lambing na pagbati ni Alexa kay Eiann. “Ipinabibigay po itong mga document sa inyo para mapirmahan niyo po,” magalang na sambit pa nito saka iniabot kay Eiann ang dala niyang mga dokumento. Mas lalong ngumiti si Eiann. Kinuha niya mula sa kamay ni Alexa ang dokumento at hindi sinasadya ay nagkadikit ang kanilang mga daliri. Napakagat-labi ni Alexa nang maramdaman niya ang pagdampi ng daliri ni Eiann sa kanyang mga daliri. Abot-tenga naman ang naging ngiti ni Eiann saka tuluyang kinuha mula kay Alexa ang dokumento saka iyon inilapag sa office desk niya. Ngumiti si Alexa. “Sige po sir at babalik na po ako sa pwesto ko,” pagpapaalam niya. Nasa labas ng opisina ni Eiann ang mesa niya para kung sakaling may bisita ang boss niya ay siya muna ang haharap sa mga ito. “Teka lang,” pagpigil ni Eiann kay Alexa. Kumunot naman ang noo ni Alexa dahil sa pagtataka. “Bakit po Sir?” nagtatakang tanong nito. Nangalumbaba si Eiann sa mesa habang nakatingin pa rin kay Alexa. Salubong ang makapal na kilay nito. “May nakakalimutan ka,” nangingiting wika ni Eiann saka ngumuso. Lalong kumunot ang noo ni Alexa. “Po?” tanong na puno nang pagtataka ni Alexa. Ngumiti lalo ang labi ni Eiann. “Drop the “sir” at huwag kang masyadong magalang sa akin kapag tayong dalawa lang,” paalala ni Eiann. “Nakakatanda,” dugtong pa nitong biro saka tumawa ng mahina. He’s only twenty-nine years old kaya para sa kanya ay hindi pa siya ganoon katanda. Biglang naalala ni Alexa ang sinabi noon sa kanya ni Eiann. Natawa na lamang siya ng mahina. Sumilay ang natutuwang ngiti sa labi ni Eiann. “Ang cute mo,” kinikilig na puri ni Eiann kay Alexa. Kinagat ni Alexa ang ibabang labi niya. Nakaramdam siya ng kilig dahil kay Eiann. Hindi talaga ito pumapalya na pakiligin siya. Si Alexa Galvez, bente-singko anyos, ang kasalukuyang secretary ni Eiann sa loob ng halos isang taon. Maganda si Alexa. Hanggang likod ang itim na itim at wavy nitong buhok na nakapusod ngayon. Maliit ang maamong mukha nito na bumagay sa maliit at sexy nitong katawan. Maputi at makinis ang kanyang balat. Chinita ang mga mata na lalong naninigkit kapag ngumingiti. Maliit at medyo matangos ang ilong at maganda ang labi. Hindi katangkaran si Alexa. Nasa halos lima ang taas nito at halos hanggang gitna lamang siya ng braso ni Eiann na sobrang tangkad naman sa taas na anim. Sweet at innocent ang personality ni Alexa. Mabait na tao at maalalahanin lalo na sa kanyang boss na si Eiann. Mahinhin at masipag. Simpleng babae lamang din ito. Manipis at simple ang lagi niyang suot na make-up pero bumagay naman iyon sa kanya at lumalabas ang natural niyang ganda at simple lamang din itong manamit gaya ngayon na puting blouse at pencil skirt na itim ang kanyang suot. Simple lamang din ang pamumuhay ni Alexa. Nakatira siya sa isang bed-space na malapit lamang sa kanyang pinapasukan. Grumaduate siya sa isang unibersidad at dahil matalino ay nagtapos siya with flying colors. Si Alexa ang nakasama ni Eiann sa mga panahong lugmok at nasa madilim na yugto ang buhay niya. Si Alexa ang nagpapagaan sa loob ni Eiann. Kapag kasama ni Eiann si Alexa, ang gaan ng lahat para sa kanya, kabaligtaran nang nararamdaman niya ngayon para kay Yvonne. Mahal ni Alexa si Eiann. Sa buong buhay niya, ngayon lamang siya nahulog sa isang lalaki kahit may mga nanliligaw din naman sa kanya noon. Si Eiann ang unang nagparamdam kay Alexa ng lahat. Alam ni Alexa na hindi niya dapat mahalin si Eiann. Noong una, pinigilan ni Alexa ang damdamin niya dahil may asawang tao si Eiann ngunit dahil gustong-gusto niya si Eiann, hindi sumunod ang kanyang puso sa kanyang kagustuhan kaya hinayaan na lamang niya. At dahil mahal ni Alexa si Eiann, hindi niya ito magagawang iwan. Pinangako na niya sa kanyang sarili na lagi lamang siyang nasa tabi nito anuman ang mangyari. “Pumunta tayo sa car showroom mamaya,” pag-aaya ni Eiann kay Alexa. “Po?” tanong ni Alexa na salubong ang kilay. “Bakit po?” nagtatakang tanong pa nito. Umangat ang sulok ng labi ni Eiann. Tumayo ito mula sa inuupuan at nilapitan si Alexa. Tumayo siya sa harapan nito. “Ibibili kita ng bagong kotse,” cool na sambit ni Eiann na ikinalaki ng mga mata ni Alexa sa gulat. “Po? Pero hindi na po kailangan-” “You need that,” sabi kaagad ni Eiann na pumutol sa pagtanggi ni Alexa. “Kung gusto mong i-date ako, dapat may kotse ka,” dugtong pa nito saka kumindat. “Pero-” Hindi na naituloy ni Alexa ang sasabihin niya at lalong nagulat dahil bigla siyang hinapit ni Eiann sa bewang dahilan para lalo siyang mapalapit dito at magdikit ang kanilang mga katawan. Napalunok ng sunod-sunod si Alexa. Nagkatitigan sa mga mata sina Eiann at Alexa. Kabadong-kabado si Alexa habang natutuwa naman si Eiann. Nakikita ni Eiann ang may pagka-brown na kulay ng gitna ng mga nanlalaking mata ngayon ni Alexa na gustong-gusto niya. Nakikita naman ni Alexa ang itim na itim na kulay ng gitna ng mga mata ni Eiann. “S-Sir-” Hindi na muling nakapagsalita pa si Alexa ng mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Eiann at kabigin ang labi niya. Muling naramdaman ni Alexa ang lambot at mainit-init na labi ni Eiann na nagpapahina sa mga tuhod niya. Tuluyang nagapi si Alexa nang paghalik ni Eiann. Dahan-dahang napapikit ang mga mata nito at kumapit ang kanyang mga kamay sa batok ni Eiann. Bahagya pa siyang tumingkayad para matugon at mahalikang mabuti ang labi ni Eiann na nakapikit naman ang mga mata at ninanamnam ang lambot ng labi ni Alexa. Para sa dalawa, wala silang ginagawang mali at hinahayaan lamang nila ang kanilang mga sarili na maging masaya sa piling ng isa’t-isa. --- Napapangiti si Yvonne habang nakatingin sa salamin. Mas lalo siyang gumanda ngayong maikli na ang kanyang buhok. Hanggang leeg na lamang niya ang haba nito at may kulay na burgundy. Halos lahat naman ng hair style ay bagay kay Yvonne. Palibhasa ay maganda siya at pwede ring maging modelo dahil sa matangkad siya. Nasa lima’t-walo ang taas niya kaya madalas ay agaw-pansin din siya. Sinasabi nga ng iba na bukod sa pagiging modelo ay pwede din siyang maging isang beauty queen pero kahit isa sa mga iyon ay hindi siya interesado na maging siya. Nasa loob ng isang five-star salon si Yvonne. Naisipan niyang magpaayos dahil nabo-bored na din siya sa dati niyang hair style. Naisip ni Yvonne si Eiann. Mas lalo siyang napangiti dahil sa pag-alala niya sa asawa. ‘Siguradong malalaglag ang panga niya kapag nakita niya ako ngayon,’ sa isip-isip ni Yvonne. Alam ni Yvonne na isa ang kagandahan niya sa mga dahilan kaya nahulog ang loob ni Eiann noon sa kanya. Iyon naman kasi ang halos unang dahilan ng lalaki kung bakit sila nahuhulog sa isang babae at iyon ay ang itsura nito. Nag-pout pa ng lips si Yvonne. Maayos ang red lipstick na nakalagay sa labi niya. Maamo man ang kanyang mukha pero natatago iyon ng suot niyang make-up ngayon na matapang. Palaban at matapang siyang tao kaya sa tingin niya ay hindi nababagay sa kanya ang simpleng make-up lamang. “Thanks for my wonderful transformation,” natutuwang wika ni Yvonne sa stylist na nag-ayos sa kanya na tinitingnan niya ang repleksyon sa salamin. Ngumiti naman ng todo ang gay stylist kay Yvonne. Sa sobrang tuwa ni Yvonne sa naging resulta ng make-over sa kanya kaya naman binigyan niya ng malaking tip ang nag-ayos sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD