Entertainment portals and social media had a feast. Chad and Natasha were finally tying the knot. Lahat na lang yata ng balita ay tungkol sa mga ito. Habang pinagpipyestahan ng mga ito ang relasyon ng dalawa ay lihim namang naghihimutok ang puso niya. She is suffering, alone and in silence. Buong gabi niyang iniyakan ang napipintong pagpapakasal ng dalawa. And when there was nothing she could turn to, alak ang naging sandalan niya. Nilubog niya sa pamamagitan ng alkohol ang lahat ng hapdi sa kanyang dibdib.
“Bigla kang nawala noong nakaraang gabi.”
Bahagya niya lang nilingon si Chad at pinagpatuloy ang ginagawa. Himala sa lahat ng himala na nasa bar ito.
“May emergency lang." All she could do is lie. You're a liar, Van. "Congrats nga pala, ha.”
A liar and a good damn actor. Wala siyang ibang magagawa kundi ang umaktong normal kahit pinipiga ang puso niya sa sobrang sakit.
“I’m sorry I never told you.”
Napangiti siya ng mapait.
“Wala ka namang obligasyon, eh. Kaibigan mo lang naman ako, 'di ba?”
Di niya naiwasang huwag langkapan ng hinampo ang boses. Simula mga bata sila, hindi sila naglilihim sa isa't-isa. Lahat yata ng mahahalagang bagay at kabanata sa buhay niya ay alam nito. Including her first period. Si Chad lang naman ang tinawagan niya noon para ipagbili siya ng sanitary pads habang nasa loob siya ng CR at kinakabahan.
“Van, I’m so sorry for what I said the last time na nag-usap tayo.”
“Tama ka naman Chad, eh. Dapat nga akong matuto kung hanggang saan ko lang ilalagay ang sarili ko. Masyado na akong lumalagpas sa boundary. Salamat for making me realize that.”
If he only knew how much she missed him.
“I never meant to make you feel-“
“Okay lang talaga ako. No worries. Matigas kaya 'to.”
Tinapik pa niya ito sa balikat para bigyang assurance at pinintahan ng ngiti ang mukha. Ang hindi niya sigurado ay kung umabot ba sa mga mata niya ang ngiting iyon.
“Sige na hinihintay ka na niya, o."
Si Natasha ang tinutukoy niya na nasa sasakyan at hinihintay si Chad.
“I wouldn’t keep my fiancée from waiting, if I were you. Halaka, baka iwanan ka niyan.”
Masokista siya. Nakuha pa niya ang ngumiti kahit kay Samantha. She is one hell of a masochist. Katulad siya ng tatay niya na tinitiis ang panlalaki ng ina noon.
“Can you come to the house later tonight?”
“Titignan ko. Baka kasi sumama ako sa mga kaibigan ko.”
Another lie. Wala naman siyang ibang sirkulo. Ngayon tuloy niya nasisi ang sarili kung bakit hinayaan niyang kay Chad lang umikot ang buhay niya. Napaka-unfuturistic niya.
"Sige na."
Di na niya hinintay na magpaalam ito at kusa na niyang ibinalik sa ginagawa ang buong atensyon. Nang marinig ang pag-andar ng kotse nito palayo ay saka pa lang niya nagawang lingunin ang binakante nitong posisyon.
'Dapat matututo ka nang mag-isa, Vanessa. Tumayo ka sa sarili mong mga paa at huwag umasa kay Chad.'
Mabilis niyang tinapos ang ginagawa at nagpasyang umuwi. For the nth time ay alak na naman ang pinag-iinitan niya. Tahimik siyang umiinom sa madilim na bahagi ng hardin. Pero kahit ang alak ay hindi magawang palisin ang sakit sa puso niya. Lalo na nang makita ang masasayang larawan nila ni Chad sa i********: at f*******:.
"Kainis!"
Ngali-ngali na niyang ibato ang cellphone niya. Sa dinami-rami ng memes na pwedeng i-share ng mga common friends nila ay iyong larawan pa talaga nina Chad at Natasha.
“Ikakasal ka na lang ba nang hindi ko man lang nasasabi ang damdamin ko sa'yo?”
Lumagok siyang muli sa bote ng whiskey. Straight. Halos sairin na niya ang laman.
She might even die and carry her feelings to the grave. Aw
Isang ideya ang pumitik sa utak niya.
It’s now or never. Kailangan niyang maipagtapat kay Chad ang totoo. Hindi matatapos ang gabing ito nang hindi man lang niya nasasabing lahat ng nilalaman ng kanyang puso. No, she will not die without telling him how much she loves him.
Kaagad siyang lumulan sa motorsiklo at tinalunton ang bahay ni Chad.
“Van, ang tagal mo.”
“I need to tell you something.” Nang igiya siya nito patungo sa garden ay pinigilan niya ito.
“Mamaya na yan, okay? Halika na, pasok ka.”
Napilitan siyang sumunod rito patungo sa garden.
“Chad, may sasabihin lang talaga ako.”
“Can’t it wait? Tsaka, uminom ka ba?”
"It’s now or never, Chad. Yes, konti lang naman.”
Natahimik ang kaharap. Urgency is seen on her face. Nang walang anu-ano ay niyapos niya ito at tumingkayad at kinintalan ng halik ang labin nito na ikinagulat nito. Halatang nagulat si Chad sa ginawi niya.
“Van, no!”
Malakas siyang itinulak nito palayo ngunit parang tukong kumapit siya sa leeg nito at nilaliman ang halik niya rito.
"Mahal kita!”
At last, she blurted her true feelings. Ilang sandaling natahimik ito at maang na nakatitig lang sa kanya si Chad.
“Mahal kita, matagal na.”
Walang babala niyang binuksan ang butones ng suot na damit at muling niyapos ang hanggang ngayon ay natitigagal pa ring si Chad. Lahat na yata ng hiya sa sarili ay nawala sa sistema niya. She was too overcome by emotions and true feelings.
“Don’t do this to yourself, Van,” sa wakas ay nagawa nitong sabihin.
"I have to. Di ko na kayang kimkimin 'to, eh. Sobrang mabigat na sa dibdib ko.” Nangilid ang mga luha niya. “Tonight, I am giving myself to you. Mahal na mahal kita, eh.”
“Van, please.”
All of a sudden, lumitaw ang imahe ni Tita Amanda.
"What is the meaning of all this?”
May tinitimping galit ang ginang. Kinokontrol ang emosyon.
Bigla siyang napalayo kay Chad at naitakip ang dalawang braso sa bahagyang na-exposed na dibdib. Amanda’s jusgmental eyes travelled all over her. Sumigid ang hiya sa katawan niya. Until she found out that there were people witnessing this devastating moment.
Sa gilid ng garden kung saan may nakaset up na banquet table ay naroroon ang pamilya ni Chad kasama ang sa hinuha niya ay mag-asawa at si Natasha na nakatitig sa kanila.
Then, there was her Tita Marion na naglalakad na palapit sa kanila.
“You’re a disappointment. Always a disgrace to this family just like your mother.”
Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. She had put herself in so much shame. Ang lahat ng tapang kanina ay biglang naglaho lalo na nang makita si Chad na nakatitig kay Natasha.
Naramdaman na lang niya ang pagdapo ng palad ni Marion sa pisngi niya. Sa mga pagkakataong gaya nito ay kay Chad siya umaamot ng awa at simpatiya. She felt so alone. Magalit na ang buong mundo, huwag lang ito.
Then, Natasha stood up, patakbong nilisan ang tagpo habang umiiyak.
“Nat, I could explain everything.”
Habol nito ang babae.
One brave plan turned out to be disastrous and she will always be on the losing end.
“Get her away from here, Marion at baka may magawa pa akong di mo magugustuhan sa kanya.”
Sukat sa narinig ay tumalilis siya ng alis. 'Di niya matagalan ang eskandalong siya mismo ang may pakana. Tama ang Tita niya, sakit siya ng ulo. Sinikap niyang huwag magaya sa nanay niya but somehow, she ended up just exactly like her.
A disgrace. A total wreck.