Excerpt
“Hindi ka dapat minamahal, nakakasuka ka, nakakasakal. And I regret the day na hinayaan kitang pumasok sa buhay ko. I hate you, Van. I hate you so much that I could strangle you.”
Sunud-sunod na suntok sa dingding ang pinakawalan nito na para bang mukha niya ang nais nitong patamaan. Hindi niya napigil ang pagtulo ng luha.
“Go home hanggang kaya ko pang kantiin ang galit ko, habang naalala ko pa na minsan ay naging magkaibigan tayo.”
Naging. Past tense.
Bakit pa kasi siya nagpadala sa bugso ng damdamin? Sana itinago na lang niya hanggang hukay ang lahat. Things would have been better. Tama si Chad. Napaka-selfish niya at nararapat siyang maparusahan. Naramdaman na lang niya ang pagluwag ng espasyo nila ni Chad hanggang sa laylay ang mga balikat na naglakad ito ngunit bago pa man ito tuluyang nakalayo ay muli itong nangusap.
“I don’t want to ever see you again. Just be gone from my life forever.”
Ang sakit. Sobra.
“Kung..kung yan ang gusto mo at kung sa ganoong paraan ko man mababayaran ang lahat ng ginawa kong pagkakamali, gagawin ko kahit masakit sa loob ko. Pero sana huwag mo ring kalilimutan that I am a woman as well, who longs for your love for a very very long time. And I deserved to be loved also. Na kahit hindi mo man ako nakikita bilang isang babae, mahal na mahal kita.”
Pinahid niya ang mga luhang malayang namalisbis sa pisngi niya.
“I promise you, the next time na magkikita tayo I would as if I didn't know you. Lalayuan kita kahit masakit.”