Days have passed so swiftly. Simula ng araw na nagkatampuhan sila ni Chad, hindi ito nag attempt na suyuin siya. Para bang okay lang sa kaibigan na hindi sila nagkakausap gayong dati rati naman ay kaagad itong bumabawi sa kanya. Tuloy ay mas nagatungan ang hinampo niya sa dibdib. Kung nasa café man ito, madalas na kay Natasha ang buo nitong atensyon at sa ‘project’ nito. Kadalasan rin, ang babe ang kasa-kasama nito sa mga lakaran at gigs.
She is left alone. Suddenly, she becomes an outcast to Chad.
Gaya na lang ngayon. Maano ba naman at kumplimento siyang yayain ng lalaki na dumalo sa birthday party ng ina nito gayong taon-taon naman siyang inaanyayahan nito kahit 'di siya dumadalo at tanging pagpapadala ng regalo lang ang ginagawa niya.
Nakakahiyaan naman niyang tanungin ito gayong halos kibuin-dili siya nito pagnagkaksalubong sila sa café. Tanging tipid na hi at tango na lang ang namamagitan sa kanilang komunikasyon.
Naiisip niya tuloy na umalis na lang.
“I will be there, Amanda. Expect my presence at your party tomorrow.”
Narinig niyang kausap ng Tita Marion niya ang ina ni Chad. May ideyang pumitik sa utak niya. Baka kapag dumating siya sa party nito ay doon sila magkakaayos ni Chad. Lagi naman siya nitong iniimbitahan sa mga parties nito sa bahay.
Dali-dali siyang umakyat sa silid at inilabas ang painting na itinago niya sa isang sulok. Nakakawadro na iyon. Ireregalo sana niya kay Chad sa kaarawan nito pero kay Amanda na niya ibibigay hoping na gagaan naman kahit papano ang kalooban nito sa kanya.
Matiyaga niyang pinunasan ang frame hanggang sa magmukha iyong malinis at makintab.
Kinabukasan, ay sinadya niyang maagang umuwi. Hindi man siya iniimbitahan ni Chad ay kusa siyang lulusob sa bahay ng mga ito. Nagbihis siya. Bagama’t androgenous pa rin ang ayos niya ay sinisigurado niya namang walang hikaw na nakakabit sa kanyang ilong.
Kabado siyang umantabay sa tiyahin sa garahe. Bitbit niya ang framed painting.
"What are you doing here?”
Ang Tita Marion na kontodo ayos. Chad and her family have always been good friends. Siya lang naman ang ayaw ng mga Gonzales particular ng ng ina nitong si Amanda.
“Can I come with you, Tita?”
Analytical na sinuri ng tiyahin ang kabuuan niya lalo na ang mukha niya. Malamang ay sinisigurdong presentable siya.
“Hop in,” walang ganang paanyaya ng tihayin.
Kaaagad siyang lumulan sa kotse. Nakakaasiwa ang katahimikan sa pagitan nila ni Marion. Hindi naman sila talaga in talking terms ng tiyahin. Ang kadalasang pag-uusap nila ay kung sinisita siya nito sa mga ‘perwisyong’ dulot niya sa pamilya.
Hanggang sa dumating sila sa mansion ng mga Gonzales.
Iilang beses na ba siyang napaparito ngunit sa tuwina ay ramdam niya kung gaano siya naasiwa sa pamamahay na ito lalo na nang mapadako ang paningin ni Amanda sa kanya. Kabado siyang nilapitan ang may kaarawan.
Habang papalapit ay nabubuhay ang mga narinig ni Amanda patungkol sa kanya noon. Maarte, mapili, pihikan. Ganoon ang ina ni Chad at hindi nalilingid sa kanya na mabigat ang dugo nito sa kanya. Para dito, she’s a bad influence to Chad.
Isinama mo na naman dito yang Van na yan. I don’t like her presence here. She makes me sick.
Minsan ay komento ng ina nito, di namalayang nasa paligid lang siya at naririnig ang buong usapan ng mag-ina. Di na niya inamin kay Chad na narinig niya iyon. Simula noon, iniiwasan na talaga niya ang matungtong sa pamamahay ni Chad. Pag may parties ang pamilya nito at imbitado ang pamilya niya, mas pinipili niyang huwag sumama. Ang ginagawa ni Chad ay pumupuslit ito at dinadalhan siya ng pagkain.
“Happy birthday, Tita.”
Call of courtesy, at para maiwasang mapahiya sa mga panauhin ay napilitang ngitian siya nito.
“I hope you’ll like it, Tita.”
“Thank you for the effort.” Sinenyasan nito ang assistant na kunin ang regalo niya nang hindi man lang nito binubuksan.
Pero okay na rin. Napalinga ang paningin niya sa loob ng malawak na bakuran na nalalatagan ng mga dekorasyon at mga lamesa. Iisang mukha lang naman ang hinahanap niya- kay Chad. But Chad is nowhere to be found.
“This way.”
Sumunod siya sa usherette na iginiya siya sa isa sa mga mesa, malayo sa mesa ni Marion. Wala siyang kakilala sa lahat ng mga naririto. Ang ginawa niya na lang ay ang makinig sa usapan ng mga kaharap sa mesa.
“Is that Chad’s new girlfriend?”
Napalingon siya sa direksyong tinititigan ng nagsalita.
Si Chad nga at kahawak-kamay si Natasha. The two of them stole the attention of everyone. Bakit nga naman hindi kung napakaayang tingnan ng dalawa. Parang prom king and queen na rumarampa ang mga ito palapit sa mga magulang nito. Nakita niya kung paanong lumawak ang ngiti ni Amanda habang binise-beso si Natasha. It was a genuine smile na kailanman ay hindi naibigay sa kanya ng ginang. Amanda never seemed to warm her heart towards her.
Nakakainggit.
Anak nga naman siya ni Bettina. Party-goer. Wild. Everyone’s girlfriend. In short, malandi. Isang malandi na nagkaanak ng isang tomboy na kagaya niya. Ang reputasyon ng ina ang nagtulak sa kanya para maging ganito. Noong bata pa siya, madalas niyang naririnig ang mga bulung-bulungan na malandi ang nanay niya, na kesyo magiging katulad din daw nito ang kapalaran niya. Kaya naman sinikap niyang huwag magaya sa ina. Lahat ng ginagawa ng ina ay sinikap niyang huwag tularan. Iniiwasan niyang magsuot ng mga damit pambabae sa takot na matawag na malandi gaya ng nanay niya hanggang sa nakasanayan na niya ang ganitong istilo.
Pero kahit naman yata ano ang gagawin niya, hindi siya sapat para sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kay Chad lang naman siya may halaga. Pero ito man din, nangangamba pang mawala na nang tuluyan sa kanya. Unti-unti na ngang nangyayari.
‘Tapunan mo naman ako ng pansin, Chad.’
Fairy godmother seemed to be listening. Napatuon nga ang pansin nito sa kanya pero bahagyang tapon lang ng tingin ang ginawa nito. Ang ngiting pininta niya sa mukha at ang pag-angat ng kamay upang kawayan ito ay magkaparehong naparam sa ere.
Napapahiyang ibinaba niya ang kamay at sa inumin itinapon ang pansin. Coming here was never a good idea, after all.
Nagpatuloy ang kasiyahan. Sa nakalipas na kalahating oras, maano ba at lapitan lang siya nito upang kumustahin.
'Makaalis na nga.'
Pakiramdam niya kasi ay naliligaw siya sa pagtitipon na ito.
Papaalis na sana siya nang siya namang paglapit nito sa kinaroroonan niya. Malamang ngayon pa pinakawalan nina Amanda at Natasha.
"Van, I never thought you’d come.”
“Hindi mo naman kasi ako inimbita.”
'Ni hindi mo na ako kinikibo.' Nagdududa tuloy siya na baka binabakuran itong masyado ni Natasha.
“I was just busy.”
Napangiti siya ng mapakla.
“Chad, nabibigatan ka na ba sa akin?”
Umawang ang bibig ng kaibigan sa tanong na 'yon. Gusto lang naman niyang malaman. Nang sa gayon, habang maaga pa ay maihanda na niya ang sarili. Hindi naman siya pwedeng umasa na lang sa kaibigan na habangbuhay siyang sasaluhin nito. Ngunit bago pa man nakasagot si Chad ay sinundo na ito ni Amanda. Na para bang isa siyang nakakahawang mikrobyong nadidikit sa anak nito.
“Don’t keep your fiancée from waiting.”
Awtomatiko siyang napatitig kay Chad sa narinig na binitiwang salita ni Miranda.
Fiancée. Ibig bang sabihin, everything about tying the knot with Natasha had already been set?
“Van, we’ll talk later.”
Nasundan na lang niya nang tingin ang dalawa na patungo sa pinaka-stage ng bakuran. Kinuha ni Amanda ang mikropono at nagsalita ito.
"Ladies and gentlemen, I thank you all for coming here tonight.”
May kung ano pang sinabi si Amanda ngunit ang tumatak sa isipan niya ay ang pinakahuling pangungusap.
“I am very delighted to announce to you that my boy, Chad and his girlfriend, Natasha Ledesma are tying the knot not later this year.”
Natigagal siya sa narinig.
It was a surprise that sure hit her hard. Parang sinuntok ng isang libong beses ang puso niya. Nasasaktan siya. Ang dami na niyang naranasang sakit pero wala nang hihigit pa na nakikitang masaya ang mahal niya sa piling ng iba.
Sana siya na lang ang nagpapasaya rito ng ganon. “Sana ako na lang.”
"We will always be together.”
Naalala niyang pangako ni Chad noong mga bata pa sila.
When Chad and Natasha kissed each other, doon na tuluyang tumulo ang mga luha niya. Hindi na niya nakayanan pa ang tagpong iyon. Kusa na siyang lumisan sa pagtitipon. Wala na siyang pakialam pa kung sino ang nakakasalubong niya. Ang mahalaga lang naman sa kanya ay ang makalayo at huwag masaksihan pa ang tagpong sumusugat sa kanyang damdamin.