7

1028 Words
“I’m sorry.” Parang hangin lang na lumalagpas sa pandinig ni Chad ang sinasabi niya. Tuluy-tuloy lang ito sa paglalakad papasok ng café kinaumagahan. Senyales na ayaw siya nitong makausap o makita man lang. Matapos nang nangyari at mahimasmasan ay matiyaga niyang hinintay si Chad upang humingi ng sorry. Kinapalan na niya ang mukha. “Sorry. Sorry, Chad.” Marahas nitong ipiniksi ang kamay niya nang tangkaing pigilan ito. Determinado siyang makausap ito. “Kausapin mo naman ako, Chad. Sorry.” Huminto ito at humarap sa kanya. Sumambulat ang malamig na galit sa mga mata ni Chad. Nagkasala siya kaya gaano man kalaki ang hinanakit nito ay sasalubungin niya makuha lang niya ang kapatawaran nito. “Alam kong galit ka, naiintindihan ko 'yon. Pero magalit na ang buong mundo sa akin huwag lang ikaw.” "I don’t think it’s a good idea for you to come here.” Coldness was mirrored in his eyes. Wala na yong dating ningning kapag nakikita siya at tinatawanan siya. “Galit ka. Naiintindihan ko pero tinapangan ko na ang sarili kong harapin kita.” “Go home.” Muli itong tumalikod at mabibilis ang mga hakbang na tumalikod ngunit parang kidlat na inunahan niya ito at humarang sa pintuan. “Chad, please,” pagsusumamo niya. “Kung gusto mo kakausapin ko si Natasha. Paliliwangan ko siya. I’ll do everything just to make it up to you.” Di niya inasahan ang sumunod na ginawa ni Chad. Pabigla siya nitong isinalya sa dingding. “Putang ina, Van!” impit man ngunit mababanaag ang poot sa mukha at boses nito. Nahihintakutan siya. “Akala mo ba ganoon lang kadali ang lahat? That you can undo things that easy?” Natameme siya. "You are so selfish. The most selfish human being I’ve known my whole life.” Totoo 'yon. Tanggap niya 'yon. “Paano mo ito nagawa sa akin when all my life all I did is be kind to you. Iniintindi kita sa lahat ng trip mo kahit na nga ang sarili mong pamilya ay halos isuka ka na I remained friends with you. Now I understand why your own family couldn’t even love you.” Gusto niyang maiyak sa sinabi nito pero nagpigil siya. “Hindi ka dapat minamahal, nakakasuka ka, nakakasakal. And I regret the day na hinayaan kitang pumasok sa buhay ko. I hate you, Van. I hate you so much that I could strangle you. Sunud-sunod na suntok sa dingding ang pinakawalan nito na para bang mukha niya ang nais nitong patamaan. Hindi niya napigil ang pagtulo ng luha. “Go home hanggang kaya ko pang kantiin ang galit ko, habang naalala ko pa na minsan ay naging magkaibigan tayo.” Naging. Past tense. Bakit pa kasi siya nagpadala sa bugso ng damdamin? Sana itinago na lang niya hanggang hukay ang lahat. Things would have been better. Tama si Chad. Napaka-selfish niya at nararapat siyang maparusahan. Naramdaman na lang niya ang pagluwag ng espasyo nila ni Chad hanggang sa laylay ang mga balikat na naglakad ito ngunit bago pa man ito tuluyang nakalayo ay muli itong nangusap. “I don’t want to ever see you again. Just be gone from my life, forever.” Ang sakit. "Kung..kung 'yan ang gusto mo at kung sa ganoong paraan ko man mababayaran ang lahat ng ginawa kong pagkakamali, gagawin ko kahit masakit sa loob ko. Pero sana huwag mo ring kalilimutan that I am a woman as well, who longs for your love for a very, very long time. And I deserved to be loved, too. Na kahit hindi mo man ako nakikita bilang babae, mahal na mahal kita.” Pinahid niya ang mga luhang malayang namalisbis sa pisngi niya. “I promise you, the next time na magkikita tayo, I would simply act as if I didn’t know you. Lalayuan kita kahit masakit, kahit mahirap. Pipilitin ko.” No goodbyes. Nothing. Ang sakit ng kinahinatnan ng ilang taong pagkakaibigan nila ni Chad at dahil yon sa pagiging selfish niya. She headed home. “After everything you’ve done may gana ka pang umuwi dito?” Inaasahan na niya ang panunumbat ng tiyahin. “Where do I belong, Tita Marion?” “Do'n sa lugar kung saan mas nararapat ang mga basurang kagaya mo.” “Saan 'yon?” pagod niyang tanong. “Kung kayo lang naman ang pamilyang alam ko. I understand that you hated my mom so much and loving me is too impossible for all of you.” "Isa kang malaking kahihiyan.” Ilang ulit na niyang naririnig iyon pero nasasaktan pa rin siya. Matigas siya sa panlabas na anyo pero sa totoo lang ay nadudurog pa rin siya. Parang sasabog ang puso niya. Siguro nga tama ang lumayas siya. Nahihiya na rin naman kasi siya sa pamilya at mas nahihiya siya sa kanyang sarili. Pumanhik siya sa sariling kwarto. Sininop niya ang iilang mahahalagang gamit at isinaksak sa travelling bag. “Saan ka pupunta?” si Marion na plano niyang lampasan. “Away.” “Wala kang ibang pupuntahan.” Nag-aalala ba ito? Mahirap paniwalaan. “Saan ba ako nararapat, Tita?” tahasan niya itong tinitigan sa mga mata. “Simula bata pa ako, you made me feel like I’m a curse. That I was unworthy of your name. Lahat na lang ng ginagawa ko ay mali. Konting kibot ko lang, kaagad na kayong may nasasabi sa akin, kayong lahat. God knows how much I tried to please you. I even dressed differently para hindi ninyo ako masabihang mana sa nanay ko but no matter what I do, I am always not enough for you.” She paused for a while. She was gasping for air. “Kaya hinahanap ko sa iba 'yong pagmamahal na hindi ko makuha sa inyo. You pushed me away. Ngayon, tuluyan na akong maglalaho. I hope masaya na kayo.” Walang lingon-likod siyang umalis. Sa isang fastfood chain niya nasumpungan ang sarili. Sa restroom ng naturang establisyemento, pinakatitigan niyang mabuti ang sarili niya. The girl in the mirror is not who she is anymore. I don’t wanna be this girl anymore. Kumuha siya ng tissue at pinahid ang makapal na eye liner. Pagkatapos ay tinanggal ang hikaw sa tenga at ilong. Magbabago. For the better. 'Yon ang gagawin niya simula ngayon. And when the time comes na maghaharap silang muli ni Chad o ng mga taong maliit ang tingin sa kanya, may maipagmamalaki na siya. 'At ikaw, Chad, kakalimutan kita.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD