"It's a surprise seeing you around."
"I'm thrilled to be here, Tita Marga," sarkastiko niyang sagot sa kaanak na bahagya niya lang tinapunan ng pansin at nagpatuloy sa paglalagay ng Chef's salad sa plato niya at bumalik sa mahabang mesa kung saan masayang nagkikwentuhan ang mga kamag-anak. Death anniversary ng lolo niya at dito sa La Union ang venue ng celebration.
Kung anu-ano ang topiko ang pinag-uusapan ng mga kamag-anak na pinalalampas niya lang sa kanyang tenga at sumige sa paglamon. Food is a better companion that her family. Di rin naman siya pinapansin ng mga ito.
Sa sobrang bigat ng loob noong manggaling sa condo ni Chad ay buong araw siyang nagkulong sa silid niya at napagpasyahan niyang sumama rito. Isa pa, iisnabin na niya ang lahat ng family gatherings 'wag lang ang araw na ito para sa lolo niya.
Ang lolo ang naging direktang magulang niya simula noong bata pa siya. While her mom was busy with partying with friends and collecting men on her bed, naiiwan siya sa kalinga nito. Kaya di kataka-takang malaki ang impluwensiya nito sa buhay niya. Fishing, boating, kahit pag-gu-golf nito ay natutuhan niya. Kaya rin ay naging paborito siya nito. Dala-dala siya saan man ito magpunta. Madalas ding pinag-uugatan ng jealousy ng mga kamag-anak. Nong mawala ang lolo niya noong first year college siya, doon na hayagang nagpapakita ng animosity ang mga kamag-anak sa kanya.
At the time, she felt all alone. Si Chad lang ang meron siya.
"How's your school, Juliana?" narinig niyang tanong ng Tito Hector niya sa isa sa mga pinsan.
"I'm gonna graduate this year, Tito."
"And not just graduate, she will be the class valedictorian," buong pagmamalaki namang wika ng ina nitong si Mariana, kapatid ng nanay niya. "What about Hazel?" balik-tanong naman nito sa tiyuhin.
"Magtatapos na siya sa Harvard sa Master's degree niya."
"Ang anak ko namang si Clarence has just enjoyed his first million bilang broker ng mga lupain," ang Tito Fermin na proud na proud na inakbayan pa ang katabing anak.
Kung anu-anong bidahan ang nagaganap sa harap ng mesa hanggang sa narinig na lang niya ang pangalan niya.
"By the way, what about you, Vanessa?"
Lihim siyang napaismid. Talagang sinadyang isali siya ng tiyuhin sa usapan para ipahiya lang siya nito.
"Siya na ba ang anak ni Bettina?" tanong ng isang kamag-anak na analytical siyang tinitigan.
"None other than," ang Tita Marion niya bago inumin ang red wine nito.
"So, I've heard tattoo artist ka raw?" anang isa pang kamag-anak na sa tingin niya ay ka-age range niya lang naman. "May account ka nga sa IG ng mga tattoo masterpieces mo."
Bahagya niya lang tinanguan ang mga ito.
"How much does a tattoo artist gain?" tanong pa nito.
May hunch siya na hindi magtatapos sa maganda ang tinatakbo ng usapan.
"Barely enough."
Siya ang tinanong pero ang Tito Fermin niya ang sumagot.
"Vanessa can't even afford her own pad or condo. Unlike her cousins who are living independently, nasa ancestral house pa rin siya nakatira."
"So, is it an issue na nasa bahay pa rin ako ni Lolo hanggang ngayon, Tito?"
Hayagan na niyang ipinakita ang yamot sa boses at mukha. Nasa kanya na ang lahat ng atensyon ng mga naroroon.
"You're twenty-three already. By now, you should have moved out and started a career gaya ng mga pinsan mo," sabat ni Tita Amanda niya.
Nawalan na siya ng gana. Ang sarap pa man din ng seafoods na nakahain sa harapan niya.
"Sa bahay ho ako iniwan ni Mommy kaya doon ako hanggang sa balikan ako ng-"
"Nino, ng tatay mo?"
May disgust sa boses at mukha ng Tita Marion niya.
Nilingon niya ito. "Masama ba if I have high hopes na isang araw bigla na lang susulpot si Tatay sa bahay at susunduin ako?"
"Do you honestly believe that such a lowly and irresponsible man as your father has the decency to do that? eh, di sana, matagal na niyang ginawa. Paano even your father denounces his obligations towards you. Iniaasa ka na sa Papa. Kaya nga pinagtitiisan na lang naming yang pag-uugali mo."
"Pinagtitiisan? As if naman wala akong karapatan sa bahay na 'yon."
"As a matter of fact, wala nga. Your prodigal mother, matagal na niyang kinuha ang parte niya sa yaman ng Papa at Mama. For what? Nilalakwatsa niya sa ibang bansa, ginagasta sa mga bisyo at kapretso niya."
Masyado nang naaapakan ang pagkatao niya. Kahit anong gawin niyang pagtatanggol sa sarili ay mapapasama lang masyado ang markado na nga niyang pagkatao sa mga kamag-anak. To these people, she will always be this person na sakit ng ulo lang ang iniaakyat sa pamamahay.
Kahit kailan, she will never be worth their respect and love.
Ano pa nga ba ang silbi at mananatili siya sa pook na ito?
Masama ang loob niyang umalis. Wala siyang ibang naisip na puntahan kundi ang bar. Pero imbes na mabawasan ang bigat sa dibdib, mas lalo lang naragdagan.
"Ano ang mga ito, Pido?" tanong niya kay Pido nang maratnan ang kahon-kahong groceries na diniliver ng isang van. Imported brands ang mga iyon.
"Mga ingredients sa mga bagong dishes na included sa menu natin, Van."
"Kailan pa nagbago ang menu natin?"
Dalawang araw lang naman siyang nawala pero mukhang ang dami nang naganap.
"Ewan ko. Itanong mo don, o." nguso nito kay Chad na kadarating lang.
"Chad."
Umagapay siya sa paglalakad nito papasok sa kitchen.
"Nagbago na pala ang menu natin nang 'di mo man lang nabanggit? Pati yata menu board ay napalitan na." Yon ang nag-iisang rustic touch sa loob ng café na siya ang matiyagang nagsusulat gamit ang colored chalk.
"A change won't hurt."
"Change. Maganda 'yon. Pero bakit kahit supplies ay abrupt ang pagbabago? Mga imported na pala ang gagamitin natin kung pwede naman tayong gumamit ng local brands. Halimbawa na lang iyong strawberries, pwede namang manggaling sa Baguio. Mas makikinabang pa ang local farmers natin. Para bang one way of giving back to the community."
"Nandiyan na 'yan, Van. Isa pa, hindi naman siguro isa-suggest ni Natasha ang mga pagbabagong ito if these aren't profitable."
Natasaha na naman. All because of Natasha. Kulang na lang yata pati pag-utot nito ay ipagpapaalam sa babae.
"So, sa kanya pala nanggaling ang magaling na ideyang ito? Magaling! Super galing! So, ano? Ngayon ang menu, tapos yong dating rustic interior natin ay unti-unti nang nagiging sophisticated. Malayo na sa orihinal nating konsepto. Ni hindi mo man lang ako kinonsulta," may kaakibat na sumbat ang pahayag niya. 'Di niya napigilan ang damdamin. Huli na para mahinuhang sumobra na siya.
Nakita niya kung papanong nagbago ang ekspresyon ni Chad.
"I'm sorry ha kung 'di ko naitanong sa'yo. Sorry that as the owner kailangan ko pa palang humiling ng permiso sa mga tauhan ko."
Sampal sa mukha niya ang sinabi ni Chad. Ibig lang nitong sabihin ay lumugar siya sa dapat niyang kalagyan. After all, she is just an excess baggage and her tattoo artistry was juts a last minute addition sa café nito. Nasasaktan siya sa katotohanang iyon. 'Di niya naitago.
"I'm sorry. I didn't mean to pry."
Hindi siya madaling naiiyak ngunit anumang sandal ay tutulo na ang oras niya kaya tumalikod siya.
"Nakalimutan ko nga pala, empleyado mo lang ako at hindi business partner. Sabit nga lang din ako sa café mo."
"I didn't mean to make you feel that way, Van."
Pinilit niyang pintahan ng ngiti ang kanyang mukha nang lingunin ito.
"Okay lang. Wala akong karapatan na panghimasukan ang mga desisyon mo. Hayaan mo, I'll clearly observe the line next time."
Walang lingon likod niya itong tinalikuran at nagtuluy-tuloy sa tattoo shop kung saan may isa ng parokyanong nag-aabang sa kanya.
*********
Shit!
Kanina pa siya balisa. Hindi siya mapakali. Kung bakit ba kasi lumabas sa kanyang bibig ang mga masasakit na pangungusap na iyon. Na-offend niya si Van. Barako iyon pero nakita niyang tila naiiyak ito. Ayaw niya ng ganito, ang nagkakatampuhan sila ng kaibigan.
"She bothers you."
"Huh?"
"Yong kaibigan mo," ani Natasha na sa pini-plate man na pagkain sa working bench nakatuon ang pansin ay malinaw namang nakaabot sa kanya ang nilalaman ng sinasabi nito. "Come to think of it, kung hindi lang 'yon tomboy, maiisip ko na parang asawa o girlfriend na nagseselos."
Natawa siya sa konklusyon nito.
"That's ridiculous."
"Well, paano ba naman, lahat na lang ng ginagawa ko ay pinagdidiskitahan niya and she's cold pagdating sa akin."
Van is always like that naman sa lahat ng mga nakarelasyon niya.
"Nagkagirlfriend na ba 'yon?"
Napaisip siya sa komento ng mga kaibigan.
"Because she is acting like a jealous girlfriend."
"That's absurd, Nat."
"Nothing is as absurd as a tattoo artist who has no tattoo in her body."
Yes, Van is a big contradiction. Madalas din niya iyong punahin.
"May tattoo ako, pero secret lang." Ang madalas namang isagot ni Van.
Lumigid si Natsaha sa kinaroroonan niya at yumapos sa kanya. "Para lang kasing iba ang tingin niya sa'yo. Tibo man yon kung umasta, but she is still a girl. And it takes one to know one." Makahulugan nitong saad. "I can accept the fact na may ibang babaeng magkakagusto sa'yo. It will flatter me even more that my Chad is as desirable and hot as chili." If this was a joke, natatawa siya. Saka ito tumitig ng tuwid sa mga mata niya. "But please, a tomboy na siyang aagaw sa'yo sa akin, that, I cannot accept. Nakakainsulto."
Niyapos niya si Natasha at hinalikan sa bibig. "That won't ever happen. I love you very much, and Van is never a threat. Naninibago lang ang bestfriend kong iyon."
Hinila siya ng kasintahan patungo sa opisina at walang anumang naupo ito sa kandungan niya.
"Gaano mo ako kamahal?" she asked while playing his hair.
"Sobra."
"Can, you do me a little favor?"
"What?"
Walang babalang inalis ni Natasha ang pagkakabutones ng polo niya at hinalikan ang dibdib niya. Napasinghap siya sa sensasyon nang sakupin ng mainit na mga labi ang korona niya. Natasha's expert hand traveled down there until it reaches his crotch.
"God."
His breathing hitched as Natasha kneaded his raging manhood while kissing him as hard as she can.
"Do you like it?" paanas nitong bulong sa tenga niya.
Di na siya nakatiis at isinalya ang kasintahan pahiga sa mesa at kinubabawan.
"I like it that I wouldn't let you stop."
Bumaba ang mukha niya upang halikan ito.
"You can f**k me anytime, on one condition."
"Ano?"
"Don't let her come between us. Call me insecure, but I don't like her near you."
Nahahati ang puso niya sa sinabi ng babae. Parehong mahalaga sa kanya ang dalawa but his love to Natasha is even bigger.