Chapter 3

1285 Words
Naging karaniwan na ang presence ni Natasha sa bar simula noong unang araw na dalhin ito ni Chad. All of a sudden, sa loob ng maikling panahon, napalitan siya ni Natasha sa pwesto sa buhay ni Chad. Laging magkasama ang mga ito, hindi napapaghiwalay. Parang Louis and Clark lang. Natasha's charm and wit had smitten Chad. Suddenly, she becomes an outcast at literal na third wheel. "Aray! Van, ano ba?" Napapalalim ang kanyang iniisip. Di niya namamalayang nadidiinan na pala niya ang tattoo needle sa balat ni Pido. "Galit ka ba?" paangil na tanong ng kaibigan habang hinihipan ang brasong minamarkahan niya. Tumayo ito at sinipat ang braso sa salamin. "Naku! Janna at hindi Janno ang pangalan ng girlfriend ko. Mamaya, mapagkamalan akong binabae nito." Gloomy man ang pakiramdam ay natawa na rin siya sa inakto ng kaibigan. Exaggerated ang ekspresyon nito. "Ayusin na lang natin. Madali lang naman 'yan." Ginawan niya ng paraan na maitama ang maling letra. "Bakit ba parang wala ka sa sarili mo? Nitong mga nakaraang araw lagi kang tulala. Para kang in love na ewan pero wala ka namang dyowa. Yong date na dinala ni boss sayo, inisnob mo. Kaya nga nagtataka na ako sayo. Ni minsan, hindi ka nagkagirlfriend." Mataman siyang tinitigan ni Pido. "Lesbiana ka ba talaga?" Mabuti pa si Pido, at least, kahit konti ay nababasa siya. "Sige na, bumalik ka na sa pwesto mo," pag-iwas niya. "Di kaya si boss ang crush mo?" Kung di lang siya nakatalikod at abala sa pag-aayos ng mga gamit, nakita na ni Pido kung paano siya pinamulahan ng pisngi base sa pag-iinit ng sulok ng kanyang mukha. "Pag ikaw di tumigil, isinusumpa ko, yang mala-Teddy Corpuz mong ilong ang tatatoohan ko." "Walang ganyanan, bro." Naiwan siyang napapaisip. Ang hirap din nitong wala siyang napagsasabihan ng mga nararamdaman niya. Parang sasabog na ang dibdib niya sa selos at inggit lalo na sa mga pagkakataong isinasama siya ni Chad at nawi-witness ang sweetness nito at ni Natasha. Masokista siya dahil may mga pagkakataon pa talagang sumasama pa siya kay ni Chad sa dates ng mga ito. "Huwag mo na akong isama sa lakad ninyo." Madalas ay angil niya. "Van, pareho kayong importante ni Natasha sa buhay ko. Dapat nandoon ka rin," katwiran naman ni Chad. And as always, she gives in. Gaya na lang ngayon. Awards night ng mga musikero sa local music scene. Isa ang banda ni Chad sa nominado para sa isang category. Chad and Natasha looks so sweet habang magkatabi sa upuan sa unahang bahagi niya. Ang ikinaiinis pa niya ay may dalang isa pang babae si Chad. Maganda, sexy, malandi. Sa tingin niya bisexual. Pumayag ba naman na makadate ang isa ring Eba. "She will be your date." Bulong ni Chad sa tenga niya kanina. Kung alam lang nitong nasusuklam siya. Nagpupuyos ang damdamin niya. "Hey, you're cute." Pasimple niyang inalis ang braso nitong nakapulupot sa braso niya na parang linta itong nakakapit. "I am concentrating here," yamot niyang turan sa babae. "Van, LQ na kaagad kayo?" Gusto na talaga niyang batukan si Derek, isa sa mga kabanda ni Chad na dumukwang pa at bumulong sa tenga niya. Hindi ako tomboy! Gusto niyang ipagsigawan pero sa ayos ba naman niyang ito ay may maniniwala? Sa hangarin niyang huwag kakitaan ng kahit katiting na image ng nanay niya ay nagbihis lalaki siya. Paraan niya lang naman yon para maiba naman ang image niya sa malandi at magaslaw na pagkakakilanlan ni Bettina. Ang ginawa niya lang ay ang ignorahin ang presensya ng babae at nagtulug-tulugan. Kalaunan ay kay Derek na nabaling ang pansin ng malanding babae. Sa kaliwa niya ay ang maharot na si Derek, sa kanan ay ang isa pang kabanda at ang girlfriend nito pero ang mas nakakasakit ng loob ay ang tanawin sa unahan- Chad and Natasha's sweetness. Naroroong humilig sa balikat ni Chad ang magandang babae at naroroon namang gawaran ito ng halik ni Chad sa noo at lips. Kung maka-PDA, wagas. Pwede naman siyang umalis na pero natatakot siyang mag-isip ng masama si Chad. Ano naman ang idadahilan niya? Na nagseselos siya? Hanggang sa victory party ng banda ay sumama pa siya. Nanalong band of the year ang banda ni Chad. Sa mismong bar nito iyon idinaos. Booze, women, at malakas na musika. Ganoon ang scenario sa paligid. "Hey, nasa loob ang party pero nagmumukmok ka dito." "Parang naaalibadbaran ako sa ingay, eh," pagdadahilan niya. "Come on. You are such a snob. Pati iyong magandang si Patty, inisnab mo. 'Yan tuloy, napunta kay Derek." Naikuyom niya ang kamao sa tagiliran niya. "Sino naman ba ang nag-utos sa'yo na ipareha ako sa haliparot na babaeng 'yon?" she couldn't hide her disappointment. Si Chad naman ay naging seryoso. "I was just doing a favor para naman hindi ka mabagot." "Coming here is such a wrong idea." Tumayo siya at nagtungo sa gilid ng kalsada para pumara ng taxi. 'Di niya dala ang motor niya ngayon. Sumunod si Chad. "Balikan mo na ang girlfriend mo baka hinahanap ka na." "May problema ba tayo?" Meron. Malaki. Gusto niyang ibulyaw sa mukha nito. "Nagseselos ka ba kay Nat?" Panandaliang nanlamig ang katawan niya. Nahuhulaan na ba nito sa wakas ang damdamin niya? "Kung hindi ka lang tomboy, iisipin ko na talagang para kang nobyang nagseselos." Nalaglag ang mga balikat niya. Kailanman, hindi talaga siya makikita nito bilang babae. She gathered all her courage. Once and for all ay aaminin niya ang damdamin niya regardless of the consequences. 'Paano kaya kung sasabihin kong oo.' "Chad?" Pero bago pa man niya maituloy ang sasabihin, nakalapit na si Natasha. Napinid ang anumang sasabihin niya. She lost that one chance na masabi sa kababata ang tunay na damdamin. "Get back inside," malambing nitong sabi na ipinulupot pa ang braso sa beywang ni Chad as if saying na property nito si Chad. Si Chad naman ay iniakbay ang braso sa babae. Pinipiga ang puso niya sa nakikita. "You were saying?" "Uuwi na ako. Sumakit ang ulo ko." Nakakasakit ng ulo ang kalandian ng dalawa. Well, at least, intact pa rin ang pagkakaibigan nila dahil sa pagiging intrimitida ni Natasha. Nang makalulan sa taxi ay patang isinandal niya ang ulo sa headrest ng sasakyan at ipinikit ang mga mata pero bago di niya napigilang sulyapan sina Chad at Natasha. There they are, magkaakbay na naglalakad muli papanhik sa bar. 'Sana naging totoong tomboy na lang ako, Chad. Nang sa ganon ay hindi ako nasasaktan ng ganito.' Natuklasan na lang niyang naiiyak siya. 'Ano ba 'yan, nakakainis!' Yamot na pinalis niya iyon sa pamamagitan ng likod ng kanyang palad. Then, she recallef the exact moment kung kailan nagsimulang umusbong ang pagtingin niya sa kababata. It was in Manila Zoo when she was only fifteen while Chad was nineteen. Napagkatuwaan nilang mamasyal doon gamit ang natipid nila sa mga baon nila. Nature lover siya at mahilig mag-sketch. Nang panahong yon, gusto niyang gumawa ng animal sketch. Pero isang aksidente ang nangyari. Aksidenteng napalapit siya sa kinaroroonan ng tiger at siya namang paggrowl ng naturang hayop. Napatili siya sa takot, napaiyak. But just as she was crying, Chad saved her from that near accident. Buong higpit siya nitong niyakap at inalo. She remembers the exact words that Chad had to say. "It's okay. With me, nothing will ever harm you." Habang yapos siya ni Chad ay ibayong security ang naramdaman niya. It was at that exact moment na bigla ang naging pagtahip ng dibdib niya. The exact same moment na nagsimulang umusbong sa puso niya ang lihim na pagtingin sa kababata nang lingid sa kaalaman nito. Napapikit siya. Bakit pa kasi ganito ang puso niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD