"Inuumaga ka na naman ng uwi."
Napahinto siya sa pagpanhik sana sa kusina nang bigla na lang nangusap ang Tita Marion niya sa kanyang likuran in her usual cold voice. Kahit ang ekspresyon nito ay tila yelo sa lamig. Kailan ba naging mainit ang pagtanggap nito sa kanya. Since time immemorial, her Tita Marion subjects her as nobody, a pain in the ass.
Mula ulo hanggang paa nitong sinuyod ang kanyang kabuuan. Disgust ang makikita sa mukha nito. Ilang beses na ba nitong pinupuna ang edgy at androgenous look niya. Malayo sa kapita-pitagang larawan nito na classy sa executive outfit nito. Kahit naman anong isuot ng tiyahin, elegante at maganda ito.
"Where have you been?"
Bago sagutin ay nilapitan niya muna ito at hinalikan sa pisngi. Kahit barako siya, pagdating kay Marion at sa ibang mga kamag-anak ay tumutiklop din siya.
"I was just doing an errand, Tita."
Umarko ang perfectly-curved eyebrows nito while tapping her well-manicured nails on the table.
"Errand? May nagpapa-tattoo pa ba in the middle of the night?"
Poised, prim and proper. Ganoon si Marion. Kahit gusto na nitong sabunutan siya dahil sa mga 'kunsumisyong' iniaakyat niya sa pamilya nila ay hindi nito iyon gagawin. Instead, pinapakita nito ang disgust sa kanya simply by giving her this stern, cold gaze. Nasorpresa nga siya at ito ang unang kumausap sa kanya. Under normal circumstances, binabalewala lang siya nito.
Mangangatwiran pa sana siya nang lumapit ang driver at kinuha mula rito ang mga dala nito.
"Why would you not start changing career?" nang silang dalawa na lang ulit ay wika nito. Hindi iyon tanong. More like, suggestion. "Ano ba ang napapala mo sa pagta-tattoo? Is that even an art?"
Gusto na niyang ipagtanggol ang sarili pero mas pinili niyang manahimik at tanggapin ang anumang sasabihin nito. Sanay naman na siya. Pasok sa isang tenga, lagpas sa kabila. Pero minsan ay tinatablan pa rin talaga siya. Matigas man ay marupok pa din ang puso niya.
"You are a wanderer. You are exactly like your mother. I expected you to be somewhat different pero nagiging katulad ka rin niya to some degree."
Wild ang nanay niya. Laman ng mga parties noong kabataan. Lulong sa drugs. Papalit-palit ng lalaki. To some degree, magkatulad sila ng ina niya dahil kagaya ng ina niya ay pariwara pa rin daw ang buhay niya. Walang direksyon. She is not even worthy to carry their family name.
The Gregorios are looked up to by people in the society, and she certainly does not belong. Mabuti na rin lang at del Rosario ang gamit niyang apelyido. In one way or the other, she is sparing her family from disgrace kapag nagkakamali siya.
And wanderer is the newest addition to all the descriptions her family could use.
Gaya ng dati tinatanggap niya ang anumang parunggit ng pamilya nang hindi umaalma.
Sanay na siya pero kailangan pa niyang mas masanay pa.
Okay lang, may Chad naman siyang matatakbuhan.
**********
Hi bestfriend! Punta ka ng maaga sa bar, ha. Importante lang.
Ang ganda ng gising niya na unang-unang tumambad sa kanya ang text message ni Chad. Napapangiti siya ng wala sa oras. Mabilis ang mga kilos na naligo at naghalungkat ng maisusuot sa tokador. Kasalukuyan na niyang isinusuot ang t-shirt nang mahagip ng kanyang mga mata ang nag-iisang damit pambabae sa closet niya.
Bulaklakin, girly.
Binili pa yon ng Lolo niya noong kaarawan ni Chad. It was the only time na nagtangka siyang magbihis babae. Ginawa na niya iyon minsan, kinantiyawan at pinagtawanan lang siya nito.
"What ever happened to you, dude?"
Pagkasorpresa ang lumarawan sa mukha ni Chad nang makita ang ayos niya. Sa araw na ito ay mas pinili niyang mag-ayos babae. Afterall, kaarawan ngayon ni Chad. Gusto niyang maging presentable sa mga mata nito.
"Nauntog ba ang ulo mo sa headboard ng kama mo?" si Chad na pinasadahan siya ng tingin.
She felt embarassed and insulted. Napalis ang ngiti niya ngunit mas pinili niyang itago ang nararamdaman. Masama ba talaga na kahit minsan ay mag-attempt siyang magmukhang maganda, taliwas sa inaakala nitong tibo siya?
"For a change naman."
Naging malikot ang mga mata niya saka napagbalingan ang juice na bitbit ng waiter na nagdaan sa gawi nila. Saka niya ito nilampasan at sa mga nakahanay na desserts ibinunton ang inis. Maano bang magkumplimento naman ito.
"Si Tita Marion kasi eh pinilit akong magpalit nang makita ang suot ko," dagdag paliwanag niya nang sumunod ito. "Nakakhiya daw kasi sa mga Gonzales. Sinabi ko namang ayoko, mapilit talaga."
"Ah, I see. So, the rebel has finally succumbed to Marion's whims and wishes."
"Parang ganon na nga. Ngayon lang naman. Happy birthday nga pala."
Iniabot niya rito ang regalo rito, isang maliit nay ukulele key chain. Mahilig ito sa guitar kaya yon ang naisipan niyang iregalo.
"Ito yong pinakaespesyal na regaling natanggap ko."
Napuno naman ng tuwa ang puso niya sa sinabi nito.
"Saka nga pala, go change later at magjo-joyride tayo. Motorsiklo ang niregalo ng lolo ko sa kin. Test drive tayo mamaya kaya magpalit ka ng damit, mamaya isipin ng ibang babae na girlfriend kita."
Nalaglag na naman ang panga niya pero ngumiti lang siya.
Simula noon ay hindi na niya tinangka pang magdamit babae. She is stuck to this androgenous image.
Humugot siya ng malalim na hininga at isinarado ang closet at nagpatuloy sa pagbibihis.
************
Chad is waiting. Sa dami ng pinagkakaabalahan nito, momentous nang maituturing na makasama niya ito sa bar. Alas diyes pa ang bukas nila pero maaga si Chad kaya maaga na rin siya sa shop nila.
"Good morning, Pido!" masayang bungad niya sa kasamahang si Pido na naratnang nagma-mop ng sahig.
"Ang ganda yata ng gising mo, Van," nakatawang puna ni Pido.
"Nanaginip ako ng milyon."
Paano ba naman siya hindi ngingiti kung makakasama niya si Chad. Nauna na nga itong nakapark sa labas. Kotse nito ang gamit at hindi ang nakasanayang motor.
Sa kusina kaagad ang pakay niya. Pag nasa shop si Chad doon ito unang pumupunta.
Subalit ang malapad na ngiting nakapinta sa mukha niya ay kaagad na naglaho. Paano ay nakapako ang mga mata niya sa dalawang nilalang na nasa loob ng kitchen. Si Chad nakaupo sa harap ng mesa habang nakaharap sa isang matangkad at mestisahing babaeng abalang nagpiplate ng kung anumang putahe sa plato. Kasalukuyan nitong nililinis sa pamamagitan ng dish towel ang kumalat na sa tingin niya ay strawberry sauce. Nakasuot man ito ng apron ngunit mahihinuha ang kaseksihan nito.
Exactly like all other women Chad had dated.
Ang kaibahan nga lang, this woman appears to genuinely enjoy what she is doing. Sanay ito base sa nakikita niyang kilos. A beautiful woman who can cook. Sure recipe towards penetrating the heart of any man. Eh, wala siya no'n. Ang tanging alam lang niya ay ang magprito ng itlog at mag-init ng tubig.
Suddenly, minamaliit niya ang sariling kakayanan habang nakamasid sa magandang babae. Ito marahil ang babaeng nakita niya noong isang gabi.
Sino ang babaeng ito? Ang kauna-unahang dinala ni Chad rito.
"Have a bite."
Parang nalaglag ang kanyang panga nang makitang sinusubuan ng babae si Chad. Nginangatngat ang puso niya ng selos nang dahil sa dini-display na extra sweetness ng mga ito. Minabuti niyang pumihit upang umalis.
"Oh, hi there!"
Napansin na pala siya ng babae. Ngumiti ito daan upang lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay ng mga ngipin nito, a beauty queen smile. Napalingon din si Chad sa kanya. Ang tamis ng ngiti nito. Umaabot yata hanggang tainga.
"You're finally here."
'Ikaw kaya ang laging wala dito?' Gusto niya itong bulyawan. Kapansin-pansin ang pagbabago niya ng demeanor.
Sinenyasan siya ni Chad na lumapit.
"Huwag na, baka nakakaistorbo, eh."
Ayaw lang naman niyang maging spectator ng sweetness ng dalawa.
"Come on. Van, right? I wanted to hang out with you. Chad had so much to tell about you."
Unfair. Ni hindi man lang nabanggit ni Chad na may bagong babae na pala ito na nagpapangiti ng ganito rito. Para tuloy siyang pinasabugan ng bomba.
"Natasaha."
Ito na ang kusang nagpakilala. Lumigid pa ito sa kinatatayuan niya at inilahad ang kamay. Naka-flops lang ang babae ngunit matangkad pa rin ito.
She is perfect. Kahit ang kutis nito, ang bango, ang demeanor. Class at may finesse sa kilos at pananalita. Kabaliktaran niya.
Napilitan siyang abutin ang kamay ng friendly'ng babae.
"Halika, tikman mong cheesecake na binake ko. Taste it and be my first critique."
May senseridad sa mga kilos at mga mata nito. Yong tipong mabait talaga at hindi lang nagpapakitang tao.
"Tikman mo na," susog ni Chad na bahagya pa siyang siniko sa braso.
Tinikman niya nga.
"What?"
Magkapanabay na tanong nina Chad at Natasha pagkatapos. Halatang hinihintay ang magiging komento niya.
Sobrang tamis, nasobrahan sa softness and texture. Natukso siyang sabihin. "Masarap," instead ay matapat niyang komento. Kahit hindi mahilig sa desserts ay nasorpresa siya na nagustuhan niya ang lasa ng pagkain.
Tila nakahinga ng maluwag ang dalawa sa narinig.
"Van is my biggest critique kaya importante sa akin ang opinion niya."
"Gawa mo?"
"Yes. Natasha here is a food enthusiast and vlogger s***h interior designer," si Chad pa talaga ang sumagot.
Sa tingin niya, matagal nang magkakilala ang dalawa. Nakakatampo naman at ni hindi nagawang banggitin ni Chad.
"Now that she likes it, I guess you could already include this dish in your menu. You may also upgrade your menu na rin. Yong hindi na lang puro alchohol at pulutan. Kahit naman bar ito, ay may mga customers pa rin na naghahanap ng mga ganitong pagkain. Like women who accompany their partners or boyfriends, and even some men have sweet tooth, too."
Maganda. Sopistikada. Matalino. Class. Nakita niya kung paanong nangingislap sa paghanga ang mga mata ni Chad habang pinakikinggan ang babae. Buong-buo nitong nakuha ang atensyon ng huli. Tuloy ay mas nakakaramdam siya ng panliliit sa sarili.
Kapag kasi siya ang kausap ni Chad nasesentro ang usapan nila sa mga bagong trends ng tattoo, bagong modelo ng sasakyan. Everything that men talk about. Natasha is such a breath of fresh air.
Nakaka-frustrate. Nakakapanikip ng dibdib.
"If you'll excuse me."
I-exit. Yon ang pinakamainam na panlaban niya. Nagmumukha na rin naman siyang timang at walang maiambag sa usapan. Naha-highlight lang ang mga kakulangan niya bilang babae. Namamagnify ang pagiging 'tomboy' niya.
"Okay."
Ni hindi man lang siya pinigilan ni Chad. Habang nasa malayo siya ay di niya maiwasang sulyapan ang gawing kitchen lalo na kapag nagbubukas iyon pag may lumalabas o pumapasok, nadidinig niya ang mga halakhakan ng mga ito.
Tuloy labis-labis na inggit ang nararamdaman niya. Naiinggit at nati-threaten siya.
Hindi niya napaghandaan ang ganitong pangyayari. Masyado siyang nasanay na silang dalawa ni Chad ang laging magkasama. Nakalimutan niya na may possibility na darating ang isang araw na magkakaroon ito ng seryosong kasintahan. Worst, magkakasawa ito.
God.
Chad is the only one she has. Kakayanin ba ng puso niya na pati ito ay mawala? Hindi pa man ay nasasaktan na siya.