Dear Readers,
NASA g*******l NA PO ANG STORY NA ITO.
Kung sakaling binabasa ninyo Ang istoryang ito, pagpasensyahan na po ninyo at hindi na po ninyo ito matatapos basahin rito. Nasa ibang platform na po ito at magiging exclusive ito doon.
Maraming salamat for paying time na umabot sa chapter na ito.
Maraming-maraming salamat po....
Kung sakaling mabisita ninyo ang account ko sa g*******l, may mga pagbabago po akong ginawa sa istoryang ito. May mga dinagdag akong chapters at mga tauhan. Plus, dinagdagan ko ang interaction between the characters of the story.
Sa edited version po ay makikita na ang tatay ni Van, at mas maliwanag na kinikuwento kung paanong nagsiimula ang love ni Van kay Chad.
I just hope magkita-kita pa rin tayo.
Sana po ay masundan pa rin ninyo ako sa GN.
Maraming-maraming salamat po.
EXCERPT:
“Hindi ka dapat minamahal. Nakakasuka ka, nakakasakal. And I regret the day na hinayaan kitang pumasok sa buhay ko. I hate you, Van. I hate you so much that I could strangle you!”
Sunud-sunod na suntok sa dingding ang pinakawalan ni Chad na para bang mukha niya ang nais nitong patamaan. Hindi niya napigil ang pagtulo ng luha.
“Go home hanggang kaya ko pang kantiin ang galit ko, habang naalala ko pa na minsan ay naging magkaibigan tayo.”
Naging. Past tense.
Bakit pa kasi siya nagpadala sa bugso ng damdamin? Sana itinago na lang niya hanggang hukay ang lahat. Things would have been better. Tama si Chad. Napaka-selfish niya at nararapat siyang maparusahan. If only she could undo what happened.
Naramdaman na lang niya ang pagluwag ng espasyo sa pagitan nila ni Chad. Hanggang sa laylay ang mga balikat na naglakad ito ngunit bago pa man ito tuluyang nakalayo ay muli itong nangusap.
“I don’t want to ever see you again. Just be gone from my life forever.”
Ang sakit. Sobra.
“Kung..kung yan ang gusto mo at kung sa ganoong paraan ko man mababayaran ang lahat ng ginawa kong pagkakamali, gagawin ko kahit masakit sa loob ko. Pero sana huwag mo ring kalimutan that I am a woman as well, who longed for your love for a very very long time. And I deserved to be loved also. Na kahit hindi mo man ako nakikita bilang isang babae, mahal na mahal kita.” Pinahid niya ang mga luhang malayang namalisbis sa pisngi niya. “I promise you, the next time na magkikita tayo I would as if I didn't know you.”