If you happen to come by here, this story is up for editing...characters and chapters will be added to the edited version para mas mag-thicken pa ang plot..
********
Hardcore music. Loud noises. Pinaghalong amoy ng alak, sigarilyo, pabango at perfume at human scent. Nakakaliyo din ang ilaw na nagmumula sa LED board sa pinaka-stage ng venue.
Chaotic. 'Yon ang tamang deskripsyon sa paligid.
Sa gitna ng mga nagsasayawang kabataan na sumasabay sa pinatutugtog na hardcore OPM rock ay hinanahap ni Van ang pamilyar na gwapong mukha.
Napangiti siya nang matagpuan ang hinahanap.
Her Chad.
All smiles itong nakatingin sa gawi niya. Kapag nakikita niya ang matamis na ngiti ng kababata ay di mapigilang lumukso ang puso niya. Mas lumalabas kasi ang angking kagwapuhan nito. Kaya naman maraming kababaihan ang nahuhumaling dito. Gaya na lang ngayon, ang daming nagpapa-charming sa binata. Lalo pa at ang galing nito sa pagtugtog ng bass guitar. Ang may kahabaan nitong buhok na tumatabing sa mukha nito ay mas nakakadagdag ng appeal nito habang sumasabay sa bawat nitong galaw. Chad is quite a sight to behold at hindi nakakaumay titigan.
Miyembro si Chad ng sikat na local band na tumutugtog ng OPM rock music at ito ang tumatayong lider kahit pa nga hindi ito ang soloist ng banda at gitara ang hawak nito.
“Excuse me.”
Kung pwede nga lang niyang hawiin ang mga taong nadaraanan para makarating kaagad sa kinaroroonan nito.
“Hi Chad, care for an autograph?”
Bago pa man tuluyang nakalapit ay may mga sexy’ng babae ang lumalapit-lapit rito at tahasang nagpapakita ng motibo ay lihim na nagngingitngit ang kanyang kalooban. Ang gaganda at provocative pa naman ng kasuotan ng mga ito. Pawang naka-short shorts at halos lumuluwa na ang mga p********e.
“Sure, where?”
“Here.”
Nanlaki ang mga mata niya nang walang anong hilahin ng babae ang tila spandex na kasuotan at ipakita ang cleavage sa lalaki.
Ang Chad naman, game na game na pinagbigyan ang babae. Kinuha nito ang pentel pen na bitbit ng fan at nag-sign sa balat ng babae, sa pinakaumbok ng kaliwang dibdib.
“I thought hindi ka na darating?” nang finally ay matapunan siya ng pansin.
“And I thought gusto mo nang dakmain ang malaking hinaharap nong babae,” pasigaw niyang sagot dahil sa lakas ng musika. Nasa malapit sa sound system pa naman sila.
Napahalakhak ang kaibigan.
“Akala ko iindiyanin mo na ako?”
“Magagawa ko ba yon?” aniyang siniko pa ito sa tagiliran. Kahit bagyo ay susuungin niya para lang dito.
Gumawa sila ng pact noon, they will make each other available whenever necessary lalo na kapag may emergency ang isa sa kanila.
"Doon tayo.” Sinenyasan siya nitong sumunod. Sa labas ng venue siya dinala ni Chad, sa may parking lot. Dito ay nagkakarinigan na sila.
“Kumusta’ng bar?”
“Okay. Pero nami-miss ka na ng mga tauhan mo, uy.”
Madalang na nga itong nagpupunta sa bar. Paano’y dumarami ang gigs ng banda nito. Minsan may out of town pa. Di tuloy niya maiwasang makaramdam ng pagtatampo dahil madalang na lang silang nagkakasama.
"Maraming parokyano ka bang napintahan ngayon?”
Sariling jargon nila. Napintahan ang termino nila sa nagpapatattoo. Nakita marahil na panay ang paghilot niya sa kanyang kamay. Nakakangawit din kaya ang mag-tattoo.
“Marami-rami din. Thankfully, amoy okay ang mga clients natin ngayon. Walang amoy napanis na kaning-baboy.”
Pansamantalang nahinto si Chad sa ginagawang pag-check ng Ducatti at malakas na napahalakhak.
“Loko ka talaga.”
Loko-loko. Ganito ang tingin nito sa kanya. Loko nga siya, lokong-loko rito.
“Bakit ang tagal mong dumating?”
“Paano po kasi, tinulungan ko pa si Pido.”
Ngumiti ito pagkatapos ay ginulo ang maikli niyang buhok. “Papaano na lang kaya ako, 'no, kung wala ka? My virtuoso tattoo artist and bestfriend.” May fondness na sumungaw sa mga mata nito. Kapag ganito si Chad ay lihim na natutuwa ang kanyang puso.
“Kaya nga mahalin mo ako, eh, dahil nag-iisa lang ako.”
“Bakit, hindi ba? Mahal na mahal kaya kita.”
Panandaliang tumigil ang mundo niya.
“Mahal mo ako?”
Ngumiti ito ng ubod ng tamis. Dumukwang ito sa tenga niya daan upang maramdaman niya ang init ng hininga nito sa kanyang balat. Nakikiliti siya, kung alam lang nito.
“You’re my best buddy, right?”
False alarm.
"Dapat lang talaga,” nasabi na lang niya.
Tumunog ang phone ni Chad. Kinausap nito ang nasa kabilang linya.
“May isang kanta pa daw kaming tutugtugin.”
Magkasama silang bumalik sa loob. Siya ay nasa isang sulok lang malapit sa stage habang si Chad ay nilapitan ang mga ka-banda. Ilang sandali lang ay pumailanlang sa paligid ang version nito ng isang 80’s rock ballad na iba ang areglo. Kung tutuusin, parang pag-aari ng banda ang naturang kanta.
Sa buong durasyon ng pagkanta ng banda ay tanging kay Chad lang nakatuon ang pansin niya. Lihim niyang nahiling na sana sa kanya iniaalay ni Chad ang lyrics ng kanta.
"Ang pogi talaga ng gitarista no?”
"At ang hot.”
"Available pa kaya 'yan?”
Mga linyang naririnig niya sa mga kababaihang nasa tabi niya lang.
Kung pwede lang sana niyang tadyakan ang mga ito at sigawan nang: “Off-limits siya!” Pero pinakalihim niya iyon. Mamamatay na lang siya na walang ibang makakaalam.
I wonder kung nararamdaman din kaya nito ang lihim niyang pagtingin rito. Minsan ay natatanong niya sa sarili. Pero syempre, maingat siya. Ayaw niyang mawala si Chad sa buhay niya kaya mas pipiliin niyang sarilinin ang damdamin at mahalin ito ng lihim. After all, sa mga mata nito, she will always be his bestfried.
Encore! Encore!
Paulit-ulit na umalingawngaw nang matapos ang tugtog.
Natapos na at lahat nang naglalakbay pa rin ang diwa niya.
*********
Hatinggabi na nang makalabas sila ng venue ni Chad. Imbes na sumama pa ito sa mga ka-banda ay humindi ito.
“Van and I have other plans.”
“Other plans? Ano yan, parang magtsi-check in lang sa motel?” alam man niyang biro lang ang sinabing iyon ng kabanda nito ay naasiwa siya. Kung di lang sana madilim, nakita na ng mga ito na pinamulahan siya ng mukha base sa pag-iinit ng sulok ng kanyang pisngi.
“Huwag ninyo namang ganyanin si Van at baka mainlb yan kay Chad nang tuluyan. Mamaya niyan maiyak ang tsikababe nito.”
Gustuhin man niyang mainis sa joke na iyon pero mas pinili niyang sakyan. Nasanay na rin naman kasi siya maski papano sa maraming beses na nakakasalamuha ang mga ito.
“Pag ako di ninyo tinantanan, hindi na talaga kayo makakatikim ng libreng tattoo mula sa akin.”
“Wala namang ganyanan.”
Isa-isa nang nagsialisan ang mg aka-banda ni Chad. Naiwan silang dalawa sa parking lot.
“So, tara na?” Umangkas na si Chad sa motorsiklo nito.
Akmang sasakay na rin siya sa sariling motor nang pigilan siya nito.
"Dito ka na,” inginuso nito ang likurang bahagi nito.
“H-ha?”
“Hop in.”
“May motor naman ako, ah.”
“Dito na sabi, eh.”
“Huwag na kasi. Maiiwan pa itong motor ko dito.”
Umarko ang kilay ni Chad.
“Bakit, takot kang yumakap sa akin? Eh, dati naman madalas kitang iangkas sa motor ko.”
Dati 'yon. Nong wala pa siyang muwang. Nong hindi pa nagririgodon ang puso niya kapag katabi niya ito o di kya ay nadidikit ang balat nito sa kanya. Noon, sabay pa silang naliligo sa pool pero iba na ngayon. Kapag walang patumanggang naghuhubad ito sa harapan niya ay nagsa-summersault ang kanyang puso niya kapag napapatitig sa masels nito.
Ewan niya kung kailan nagsimula. Basta nagising na lang siya isang araw na nagbago na ang pagtingin niya sa kababata. Pero kung kailan gusto niyang tingnan siya nito bilang babae, tuluyan na siyang napasubo sa pag-aastang matigas.
“Van.”
Para hindi na siya tudyuin ni Chad ay kusa na siyang sumampa sa likod nito. Sa kabila ng pangangatog ng kanyang tuhod.
“Sandali.”
Nilingon siya nito. Tsinek ang kanyang helmet. Kapag ganito si Chad di niya maiwasang maramdaman na para din siyang normal na babaeng gaya ng iba.
“There.”
Nang masigurong okay na siya ay saka ito pumihit at pinaandar ang sasakyan.
Sa katahimikan ng gabi ay tahimik nilang binabagtas ang daan. Kesa sa ang sariling damdamin ang pagtutuunan ng pansin ay mas minabuti niyang aliwin ang mga mata sa naraanan. The night is so peaceful and beautiful. Lalo pa at nakalabas na sila ng Maynila at kitang-kita ang mabituing kalangitan. Tuloy di niya maiwasang isipin na napakaromantiko ng gabi lalo pa at si Chad ang kasama.
Napatingin siya sa malapad nitong balikat.
‘Ano kaya ang pakiramdam na humimlay sa mga balikat mo?’
Like other girls do.
Bago pa man lumawak ang kanyang pag-iisip ay kusa na niyang ibinalik sa langit ang pansin.
“And here we are.”
Sa isang lumang tulay sila humantong ni Chad. Una nilang nakita ang naturang tulay minsang napaglatuwaan nilang magjoyride ni Chad. Ever since, regular na nila iyong pinupuntahan. It has become their retreat from the buzz and noise of the city. Kapag sinisemunan ito ng pamilya, nag-aaya kaagad ito na magpunta rito.
“Here.”
Canned beer, lagi nilang bitbit pag naririto sila. binuksan muna nito ang isang lata bago ibinigay sa kanya. Magkatabi silang nakaupo sa gilid ng tulay habang nakabitin sa ere ang mga paa.
“Magdadrive ka pa oi.”
“Don’t you worry, I’m an expert driver at hindi ako madaling tinatablan ng alak.”
“Isang bote lang ako ha.”
Hindi naman talaga siya lasengga. Minsan, napipilitan lang siya kapag ang binata ang nag-aaya. Ayaw niya lang talagang masabihang KJ. Isa pa, this is just one of those prescious moments na nakakasama niya ito.
“Suit yourself.” Itinaas nito ang beer at sinabing, “cheers!”
Napatingin siya sa beer. Kahit kainuman lang ang tingin ni Chad sa kanya, okay na rin yon, at elast, nakakasama niya ito ng ganito.
'I wonder if you ever saw me as a girl.’ To Chad, she would always be this rough dude na kabarkada lang nito.
Palihim niyang sinulyapan si Chad. Malamlam ang liwanag na tumatama sa kanila na nasa gawing kaliwa nito kaya’t contour lang ng mukha nito ang naaaninag niya.
It was such a beautiful silhouette.
Her most favorite subject to paint.
“Ano bang nakikita mo sa mukha ko ha?”
Di niya napaghandaan ang biglaang paglingon nito sa kanya. Mabilis niyang pinaandar ang utak at nag-apuhap ng sasabihin.
“Masyado ba akong gwapo?”
“Ang tahimik mo kasi, eh.”
Saka sunud-sunod na tungga ng beer ang ginawa niya. Muntikan na siyang mabilaukan sa ginawa niya. Napaubo pa siya.
“Hinay-hinay lang.” Inapuhap pa nito ang likod niya. “Para ka ng sunog-baga niyan.”
Muntik na.
“Well, I’m just enjoying the tranquility of the night and I am thinking as well.”
"Weehh. Nag-aaway na naman kayo ni Rupert.”
Bahagya itong natawa. “Bago ba 'yon?”
Si Rupert ang nakatatanda nitong kapatid. Ang katuwang ng ama nito sa pamamalakad ng negosyo ng pamilya. Matagal nang hinihimok ng ama at kapatid si Chad na umanib sa negosyo ng pamilya. Developer ng mga hotels at resorts ang pinakamain business ng mga Llamanzares bukod pa sa iba pang business ventures. Pero mas pinili nitong magsarili. Katwiran nito, “I wanna spread my wings without relying on my family”.
Kung susumahin, magkatulad lang sila ni Chad. May pagka-rebellious. Ang kaibahan nga lang ay may ina itong todo suporta rito at kahit na ang ama at kapatid nito, bagama’t hindi hayagan pero lihim na sumusuporta rito. Natatandaan niya noong unang nagbukas ang bar ni Chad, present sa okasyon ang buong pamilya nito.
“Mabuti ka nga may Rupert na nagtataguyod sa'yo.”
Natawa ito ng mapakla.
“Yeah, but stoic. If only, you were living with him in one roof. Pareho silang dalawa ni Dad. Pinagdidiskitahan pati pagbabanda ko.”
Kaya pinilit nitong bumukod. Pero kahit sa condo na nito ito nakatira, hindi lumilipas ang isang linggo na hindi ito pinauuwi ng ina sa bahay ng mga ito.
“Gusto lang naman nilang mapabuti ka.”
“Hey!” Umarko ang kilay nito sa narinig. “Somebody’s taking sides here. Akala ko ba magkakampi tayo.”
Natawa siya sa sinabi nito. Totoo 'yon, magkakampi sila ni Chad simula’t sapol. Habang inaaba siya ng sariling pamilya, Chad has always been there to support her. Tinatanggap siya ng buo bilang siya. Kaya nga siguro mas napapamahal ito sa kanya.
“Chad.”
“Hmm.”
“Salamat, ha.”
“For what?”
“Sa lahat.”
Alam niya, ayaw man nitong sabihin, isa siya sa mga isinaalang-alang nito sa bawat desisyong gagawin nito. Originally ay wala sa plano nito ang icombine ang tattoo shop sa bar nito. Last minute decision nang matuklasan nitong natututo na siya sa naturang skill. Anito, may sariling Whang-od daw ito, ang sikat na matandang babaeng tattoo artist na dinadayo ng mga turista sa Kalinga na ilang ulit na ring nafeature ng medya at mga travel-vloggers.
“Para may permanente ka ng trabaho at hindi nagja-juggle sa mga parakeet-raket mo.”
“Why so sente?”
Natatawa nitong ginulo ang buhok niya. Saka hinubad ang suot na relos at kinuha ang kamay niya. Mantakin na niyang bawiin ang sariling kamay nang nanulay ang init niyon patungo sa kanyang balat.
“'Yan,” isinuot ni Chad sa bisig niya ang relos nito. “Happy birthday.”
“Ang tagal nang lumipas nong birthday ko ha.”
“Kaya nga, eh. We are celebrating tonight. Belated happy birthday.”
Akala niya tuluyan nang nakalimutan ng bestfriend ang birthday niya. Masyado kasing kinain ang oras nito sa in between sa pagbabanda at pagmamanage ng bar. Nais na nga niyang magtampo sa kaibigan. Sa lahat ng tao kasi, tanging ito lang ang hindi nakakalimot sa mga mahahalagang araw ng buhay niya. Sa graduation niya, ito ang dumalo. Nong una siyang nagkaperiod, ito pa ang bumili ng sanitary pad niya. Almost all the milestones in her life, Chad has always been an important part.
“Bakit, ayaw mo sa gift ko? Aba’y babawiin ko na lang.”
"H-hindi.” Pumiyok ang boses niya. Chad just never failed to make her happy. “Gusto ko. Gustung-gusto. Ang tagal ko na kayang crush ang relos mo.” At ikaw na rin.
Napangiti si Chad. “I’m glad you liked it.”
“Thank you, ha.”
“Sige na, bago ka magsisente, which is hindi bagay sa'yo, ubusin mo na 'yang beer mo at ihahatid na kita.”
Inisang lagok nito ang natitirang laman ng beer at tumayo.
“Saan ka pupunta?”
“Get my guitar?”
Bitbit na nga nito ang guitar nang magbalik. Tinesting muna nito ang kwerdas ng gitara at ilang saglit lang ay pumailanlang ang malamyos na nota ng Haplos ng Shamrock, ang paborito niyang kanya.
Napupuno naman ang puso niya ng tuwa. Bawat nota at lyric ay bumabaon sa puso niya. Sobrang espesyal ng pakiramdam niya.
Napapalakpak siya pagkatapos. Saka naman nito inilahad ang palad sa kanya.
“Kaya ko naman, ah.”
“Come on, dude, belated special day mo kaya.”
Entitled din naman siyang humawak sa palad nito. Minsan lang naman siyang tratuhin nito ng ganito.
Ilang saglit pa ay binabagtas na nila ang kahabaan ng daan.
“Uy, balut o.”
Huminto si Chad sa mismong tapat ng stall ng ballot vendor at um-order ng apat. Tigdadalawa sila. Instead of cake, balot at beer ang pinagsasaluhan nila.
“So, you know the drill.”
Kapag ganitong kumakain sila ng balot ay nagpapaligsahan sila sa kung sino ang unang-unang makakaubos. Bumilang si Chad ng tatlo at parang mga batang nag-uunahan na sila sa paglamon.
“Nauna ako!” tuwang-tuwa niyang anunsyo na itinaas pa ang dalawang kamay sa ere. Ang tindero ay natatawa lang na nakatingin sa kanila.
“Grabe ka talaga, dude.”
“I’m the balot queen.”
“King kamo.”
Oo nga pala. King, not a queen. Never will be.
“Balot king na balahura kung kumain.”
Napatda siya nang walang anumang pinahid ni Chad ang gilid ng kanyang baba. Awtomatikong napalis ang ngiti niya nang dumantay ang hintuturo nito sa pang-ibabang labi niya.
Epekto marahil ng alak na nainom niya at ng nakakangiwing suka ng balot, nagiging eratiko ang pagkabog ng kanyang dibdib. Simpleng pagdantay lang ng daliri nito ngunit ibayong kaba ang dulot niyon. Awang ang bibig na napatitig siya sa mukha ni Chad at tila nakakalimutan niya ang mga tao sa paligid. Napalunok siya.
Jesus. May kung init na hatid sa kanyang katawan ang daliri ni Chad na nakapatong sa kanyang bibig. Si Chad man din ay tila napatda habang nakatunghay sa mukha niya. Maaaring ipinagkakamali siya ng kanyang mga mata pero di nakaligtas sa kanya ang kakaibang kislap ng mga mata nitong naglakbay sa mukha niya at nakatutok sa kanyang mga labi.
Is he seeing me differently? Pakiwari niya kasi ay babaeng-babae siya sa paningin nito. It was the same look Chad gave to those women he had been. She had seen this look many times. Ilang beses na ba kasing ginagawa siyang third wheel nito sa mga dini-date nito simula noong teenagers pa lang sila. Ganitong-ganito tinititigan ni Chad yong babae nito bago halikan.
“Ang dugyot mo.”
Parang nalaglag ang panga niya sa narinig. All the more ay naramdaman kung gaano siya ka-undesirable.
Heto at tatawa-tawa at naiiling pa itong lumayo sa kanya at nagbayad sa tindero ng balot.
*************
What was that?
Napapailing na lumulan si Chad sa motorsiklo at pinaandar ang makina. Alchohol got the better of him at sa isang iglap ay nag-iiba ang tingin niya kay Van.
Napatingin siya sa daliring ipinampahid sa dumi ng bibig nito kanina. God knows how much he felt different habang dumadantay iyon sa malambot nitong labi. It was so soft na tila kay sarap kuyumusin ng halik lalo pa nang nakaawang lang itong nakatingala sa kanya. Namumungay ang mga mata nito. Malayo sa lagi na ay astig na kaibigang laging kasa-kasama. Hinihintay ba nitong hahalikan niya ito?
Ridiculous!
It was an incestuous thought. Si Van ay parang nakababatang kapatid na niya at kinukunsdirerang younger brother. Ano man ang kakatwang pumasok sa utak niya ay kailangan niyang alisin.
Natatawang ipinilig niya ang kanyang ulo at tinawag na ito na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa kinaroroonan nila kanina.
"Hey, halika na.”
Tumalima ito. Sumampa sa likod niya at gaya ng madalas nitong gawin ay iniiwasang humawak sa kanya. Ilang minuto na silang naglalakbay pero nanatiling tahimik si Van. Kinakabahan tuloy siya na baka pinag-iisipan siya nito ng masama. Mamaya jumbagin siya nito. Kaya naman imbes na yayayain pa ito ay kusa niya na itong inihatid sa bahay nito.