Monday. Simula na ng klase. Kakatapos lang maligo ni Steph. Binuksan niya ang cabinet na maraming bagong damit. Lahat ay libre daw ng school. Pati bags at sapatos, mayroon doon. Tsk, wala pa nga pala siyang uniform.
"Steph," tawag ni ni Leah mula sa labas ng pinto ng silid niya. "Kaka-deliver lang ng uniform mo. Washed, dried and pressed na rin. Ready to wear na. Five sets." Napatawa si Leah. "Oo binuksan ko."
Binuksan ni Steph ang pinto ng silid. "Okay lang. Tara, pasok ka." Inabot ang uniform na nasa malaking puting box na parang ginagamit sa bridal gown. Pinatong niya sa kama saka binuksan ang cover. Kumuha ng isang pares saka pumasok sa CR.
Pumasok si Leah, naupo. "Nakita ko sa registration card mo, classmates tayong tatlo ni Leigh. Naka-base ang level at section mo kung ano'ng level din ng power mo."
Lumabas na si Steph. Nakabihis ng pleated red checkered sleeveless dress na hanggang half ng hita, white big ribbon at inner white shortsleeve blouse. Required din ang stockings.

"Ang sexy mo! Nakakatibo ka!" Parang kinikilig pang napahawak ang dalawang kamay sa pisngi si Leah.
"Oy, 'di tayo talo." Natatawang pabirong tinulak sa balikat si Leah.
"Ano ka ba! Straight ako! I just know how to appreciate women's beauty. Ang gaganda kaya natin.'' Leah flipped her hair.
"Oo na. Halika na. Pumasok na tayo," natatawang sabi ni Steph.
Lumabas na sila kasama ni Leigh. Saktong pagbukas ng pinto ng unit nila ay bumukas din ang unit ng katapat nila. Ang unit ng kinaiinisan niyang ubod ng yabang at atribido.
Iniluwa ng pinto si Luis. Napatingin ito sa kanya saka lumiko sa hallway palayo. Umakma si Steph na sasapakin niya 'to.
Nagtaka si Leigh. "O bakit? Kilala mo?"
Ngumuso si Steph. "Ay naku, kasabay kong dumating dito. Ang sama ng ugali no'n."
Tumango si Leah. "Mukha namang may attitude. Suplado."
Bumukas ulit ang pinto ng 510 at lumabas si Lav. "Ka-room mo 'yung si Luis? Ang malas mo naman."
"Sino? Iyong bagong dating na kalalabas lang ngayon? Tahimik siya. Luis pala pangalan niya. 'Di nagpakilala eh. Napikon nga si Bill."
"Haist. Hayaan n'yo na kamo 'yon. May sariling mundo 'yon. Halika na," aya ni Steph.
Nagtitinginan sa kanila ang lahat ng students na nadadaanan nila, lalo na sa kaniya.
"May problema ba sila sa akin?" bulong ni Steph kay Leigh.
"Gaga, wala. Nagagandahan lang sila sa 'yo."
"Pare-pareho lang naman tayong magaganda rito," tugon niya. Iniyuko ang ulo dahil nahihiya.
Napangiti naman nang maluwang si Leigh. "'Yan ang gusto ko sa 'yo, nagsasabi ka ng totoo." Humagikgik ito.
Pumasok sila sa pinakadulong classroom sa third floor. May ilang students na sa loob at naglingunan sa kanila ang lahat.
Ang napansin ni Steph ay halos magkakasing-edad sila dito.
"Mix ba 'to? I mean, claimed and unclaimed off spring?" bulong ni Steph kay Leah.
Tumango naman ito. "Yup! So expect bullies, mayayabang, at kung ano-ano pa. May mababait din naman."
"Excuse me," sabi ng isang babae.
Napatingala si Steph sa nagsalita. "Yes?"
Nag-cross arms ang babae. "Are you new?"
"Yes I am." Kumunot ang noo ni Steph.
"I see. Pay respect to me. I'm the daughter of Demeter. Got it?" Tiningnan siya, saka tumingin kina Leah at Leigh. Kasunod kay Lav. "Hi, Lav." Nag-flip pa ito ng hair.
Nagbulungan ang mga kaklase nila. May ibang natawa at may ibang nainis.
Tumaas ang kilay ni Steph. "I'm sorry? Respect? Earn it. At kusang binibigay 'yon sa rightful person, hindi hinihingi. Pasensya na. Pero don't worry, I'm civilized."
Nagtaas din 'to ng kilay. "Gusto mong magsimula ng gulo?"
Poker face ngayon si Steph. "It wasn't me who started it. It's you. You're the one who approached me first in a not so nice manner."
Sumingit si Leigh. "Dianne, stop it. Ikaw naman ang nagsimula ng gulo. Bumalik ka na sa upuan mo."
"Huwag kang makialam dito, Leigh." Tinitigan nang masama si Leigh saka bumalik kay Steph ang mga mata. "Hindi ka ba natatakot sa akin? I can manipulate you and throw you out." Tinitigan siya nito.
Mukhang ginagamitan siya ng power nito. "P'wes, magsawa ka."
Ngumisi ang tinawag ni Leigh na Dianne. "You, stand up, go to that corner and face the window." Itinuro ang window na nasa corner ng room na kasya ang tao.
"Dianne, stop it!" awat ni Leah.
Tumayo naman si Steph at lumakad palapit sa bintana. Nagbubulungan ang mga kaklase nila.
Napatawa si Dianne. "Open the window."
Binuksan ni Steph ang bintana. "Dianne stop it! Steph!" Lumapit na si Leigh kay Steph.
"Jump!" utos ni Dianne. Nagtilian ang mga kaklase nila. Mga natakot.
Hindi kumilos si Steph.
"I said jump!" sigaw ni Dianne.
Lumingon si Steph. "And why would I do that?"
Napanganga si Dianne. "Paanong..."
Ngumisi si Steph. "Sinakyan lang kita. Tingin mo tatalab sa akin 'yang power mo?" Ngumisi si Steph. "Ah, ah." Pinagalaw pa ang hintuturo. Natawa si Leah. "Pilya ka talaga, girl! Tinakot mo ako!" Nag-high five pa sila.
Nagtawanan ang buong klase nila. Pahiya si Dianne kaya nagmartsa ito pabalik ng upuan niya sa harap. Nakipagbulungan sa mga katabi.
Pumasok si Luis sa classroom. Classmate ko rin pala 'to. Hmp!
Dumating na rin ang prof nila. "Good morning, class. I'm your new professor for this semester. I'm Jeremy Valdez, Dionysus' son. Your professor in Greek History and Science. Can you introduce yourself? State your name, age, your immortal parent or state if still unclaimed, and include your power or powers. Please start from the lady in front."
Isa-isang nagtayuan ang mga nasa harap. Sumunod na tumayo si Dianne. Nagbulungan at nagtawanan ang mga kaklase nila. Namumula naman si Dianne sa hiya. "M-my name is Dianne Quinto, 19, Demeter's daughter. M-my power is mind manipulation." Saka ito mabilis lumakad pabalik sa upuan.
Nagpakilala na ulit ang lahat then turn na ni Luis. "I'm Luis Castro, 20, unknown parent, my power is I can hear you even up to 2 kilometers away."
"Wow! Nice power you got there, Luis. Mahirap 'yan 'pag sabay-sabay ang narinig mo. Can you already block them?"
"Yes."
"Good job. Okat, next."
Nakailang ikot pa bago si Lav.
"Hi, my name is Laveigh Torres, 20, unknown parent. I can read minds."
"Woooooh!" Natakot ang ilan. Everyone wants privacy so you wouldn't really like someone reading your inner thoughts.
"You don't have to worry. I respect other people's privacy kaya naka-turn off lagi ang power ko. I only use it 'pag kailangan."
"Nice principle, Laveigh. Next."
"Hi, I'm Leigh, Laveigh's twin sister. 20. Unknown parent. I can see your past by touching you." Itinaas ang kamay na may black hand gloves.
"Great. Next."
"I'm Leah Santos, 20, unknown parent. I can see your future, especially deaths of people."
"Wooooh!" Umugong ulit. Mga natakot ang iba. "Ayokong makakita ng death ng iba. Nakakatakot ang ganyang power. Ang tapang niya." Napangiti naman si Leah sa narinig.
Napabilib ang prof nila. "Yes. 'Pag may power ka to see the future, you need extra strength and courage to handle it. Great job, Leah. Next."
Tumayo na ako. I can feel icy stare at me. I know it's Dianne. Bahala siya.
"Stephanie de Dios, 20, unknown parent, my power is blocking."
"Napakunot ang noo ng prof nila. "Blocking? Like how?"
"Like, Laveigh can't read my mind, Leigh can't see my past, Leah can't see my future, Mrs. D can't mess my brain, and Dianne over there can't manipulate me."
"Woooooohhhh. Kaya pala," bulungan ng mga kaklase nila.
"You have a very rare power, Stephanie. Have you tried up to what extend your power can do?"
"I have just tested it up to her." Itinuro pa nito si Dianne. Nagtawanan ang classmates nila, pati sina Leigh, Leah at Lav.
Napaisip ang prof niya. "Can I try it? I'll try two to three powers to you."
Tumango si Steph. "Sure, Sir."
Tumitig ang prof niya nang ilang segundo sa kaniya pero walang nangyari.
"That's one," sabi nito.
Tumitig ulit ito sa kaniya nang mas matagal. Wala ulit nangyari. Napapilig ng ulo ang professor nila.
"That's two."
Muling tumitig ang professor pero wala pa rin siyang naramdamang pagbabago.
"That's three. Amazing."
"What powers did you use, prof?" tanong ng isang nakaupo sa harap. Elaine ang pangalan niya, sa pagkakatanda ni Steph, anak ng isang lower goddess na deity ng karagatan.
"First, mental telepathy. I tried talking to you but nothing happened. Second, headache and drunken state. I sent sound waves to you, pero walang nangyari. 'Yung ulo ko pa nga yata ang sumakit. Third, death glare."
Napamulat ng mata si Steph. "D-Death glare? Hala prof! Eh paano kung tumalab 'yon?"
Napatawa ang prof niya. "E di patay ka na ngayon. Kaso buhay ka pa eh. Dapat namatay ka na no'ng tinitigan kita sa mata. You have a very powerful magic. Very rare. Special. I'd love to see it developed."
"Me too, Sir." Naupo na si Steph. Kinakabahan pa rin siya sa death glare ng professor nila.
Siniko siya ni Leah. "Grabe ka Steph, pati death glare, walang epekto sa 'yo?"
"Di ko rin alam kung paano, saan, kailan at bakit ako mayro'n akong ganitong power."
Napalingon si Steph sa bintana. Malapit kasi siya rito. Pilit inaalala kung may sign ba no'ng bata siya na may special ability siya. Nagkibit-balikat na lang ito nang wala pa ring maalala at nag-focus na lang sa klase.