CHAPTER 7

2025 Words
They were waiting for their second subject. Nasa ibang panig sila ng campus, parang isang maliit na arena. Nakapalibot sila sa room at may malawak na espasyo sa gitna. "Girl, na-testing mo na ba ang mga binigay sa'yo no'ng tatlo?" bulong ni Leigh sa kanya. Umiling si Steph. "Hindi pa. Marunong naman ako sa archery. Pinag-training ako ni Tita noon pero 1 year lang. Iyong knife e madali lang naman gamitin 'yon. Iyong jacket hindi pa. Ang ganda ng kulay, 'di ba, alanganin sa orange at yellow." "Nakakatuwa ang powers mo girl. Meron ka pang kayang iba? Saka itong next subject natin is Energy Development 101. Mapra-practice natin ang powers natin dito." "I wonder kung hanggang saan ang extent ng power ko." Napaisip si Steph. Hindi niya alam itong mga powers niya, syempre maliban do'n sa sumpa ng mukha niya, not until tumuntong siya sa Academy. May pumasok na gwapo at matangkad na lalake. Maputi, may dimples pa. Isinara nito ang pinto at hindi ito umalis do'n. "Good morning class. I am your professor for this subject, Energy Development 101. I am Matty San Diego, a Demigod like you, son of Hermes, and my most favorite power is teleport. Just imagine the convenience." Naglaho ito sa tapat ng door at agad na sumulpot sa pinaka gitna ng training room. Nagpalakpakan ang mga kaklase niya. "Sabagay, imagine nga naman kung lahat ng tao ay kayang mag-teleport, wala na sigurong traffic sa EDSA, no need to ride cruise ships, 'di na kailangan ng eroplano maging ng passport at visa," bulong ni Steph sa sarili. Napailing si Leah. "Sis, remember, 'yan ang wish kong maging power ko? Tsk. Kung sino man ang parent ko eh mali ang pinamana sa akin." Napatawa si Steph. "Parang ang saya nga ng power niya. Sana meron din ako n'yan." "Unfortunately, hindi lahat ng Demigod ay biniyayaan ng ganitong power." Nagpalakad-lakad si Sir Matty. "Now, it will be easy to determine and develop your hidden power kung alam natin kung sino ang immortal parent n'yo, unfortunately ulit, majority sa nasa class na ito ay unknown ang parents. So what we are going to do is to pair you up and face your partner." "Uy, partners na tayo ha." Tapik ni Leah kay Steph, mag-partner naman ang kambal. Nagharap-harap sila habang naka-indian sit. "Now, one of the pair will have to close his or her eyes." Tumingin ito sa mga estudyante at tiningnan kung lahat ay sumunod. "Then the other one will observe." "Ikaw na muna, Steph. Ako muna mag-o-observe, na-e-excite ako." "Okay, sige." Pumikit ang dalaga. "Okay. Para do'n sa mga naka-close ang mga mata, please find the center of your body. Normally it is at the lower of our belly. You will feel butterflies, heat, electricity, cold, water, nervousness..." Lumapit ito sa isang lalakeng estudyante at hinawakan ang lower belly nito. "Everything, right over there. Kapag nakita mo ang crush mo, bukod sa heartbeat mo, may tingling sensation din na mararamdaman ka sa tummy mo. Minsan, butterflies. That is your center. Nahanap nyo na?" "Yes, Sir," sabay-sabay na sagot ng buong klase. "Okay, now, concentrate. Feel that energy that you found in your center. Own it...." Tumingin ulit sa paligid. Inilibot ang paningin sa mga estudyante niya. Nagbigay ng oras para makapag-adjust ang buong klase. "Have you all felt that energy?" "Yes, sir," sagot ulit ng lahat. "This is weird. I can feel different energy inside me. Barrier? Ah, that was the one I just discovered. Hello there! Gumalaw-galaw ang parang thick sheet na naramdaman niya. Binabati siya Malamig ito. Hmm. May isa pa. Blue, malamig din. At green, mainit. Then white, parang electricity. Bakit ang dami n'yo?" "Some of you may feel more than one energy inside you. Can you raise your hands if you felt more than one?" Nagtaas ng kamay si Steph. Nagtaas din ng kamay si Lav, si Luis at 'yung lalaking nerd nilang classmate. "Very good. Okay, now, make them circulate all over your body. Just tell your power to circulate sa veins n'yo. Don't let it out yet." Sinunod ni Steph ang directions ni Sir Matty. Kinausap niya ang mga naramdaman niyang mag-circulate nang mahinahon sa katawan niya. Mukhang masunurin naman ang mga 'yon. Dumaloy sila sa buong katawan niya. Lumakad ulit si Sir Matty, "Now, have you felt the energy circulating you?" "Yes, Sir," sagot ulit ng lahat. "Now this is the last instruction for today bago kayo magswitch ng task ng partner n'yo. Make your energy shown in your aura. Make them be felt and seen by other people around you." Steph did what she was told. She released those energies so Leah would feel and see them, pati ng ibang tao sa paligid niya. Napalingon ang lahat maging ang prof nila sa nakitang enerhiya na lumalabas kay Steph. Napakalakas nito, at hindi lang malakas kundi iba't ibang kulay. "What's happening here?" Pumasok sa training class sina director Glaucus at Mrs. D pati na rin ibang professors ng Academy. Then there they saw Steph releasing all the energies they felt kahit nasa malayo sila. Napadilat pati ang ibang nakasara ang mga mata at lumingon kay Steph. Nakanganga sa gulat si Sir Glaucus. "What kind of energy is that? Sigurado ba kayong Demigod siya at hindi immortal?" Napadilat si Steph. Her eyes changed to blue-green. A very odd color. "S-sorry po. May mali po ba akong nagawa? Bakit kayo nakatinging lahat sa akin?" Namumula ang pisngi niya sa hiya. "Girl, ang dami mong inilabas na enerhiya. And your eye color just changed." Inabot ni Leah ang bag at inilabas ang compact mirror. Iniabot kay Steph. "Here." Kinuha 'yon ni Steph at tiningnan ang mga mata. Blue-green eyes. Wait, what? "I think we need to do more sessions of energy development for Stephanie, Laveigh and Luis. Starting tomorrow, you will have a separate sessions with Sir Matty," pahayag ni Director Glaucus bago lumabas ng room. "Sir, may mali po ba sa ginawa ko? Saka pati sina Luis at Laveigh?" "Wala naman, pero nagulat kami. The three of you showed not just one or two energies. They both showed three energies. You've shown five, plus one na unfamiliar pa kami." "Uh, oh. That unfamiliar power I showed is my curse." "Ah. Akala ko po kung ano na." Napakamot sa ulo si Steph. "Hold on, exchange places naman. Baka sa ka-partner n'yo ay may kasing powerful ng nakita natin kanina." They did exchange, and Leah shown 2 energies, while Leigh shown 3. "Okay, so lahat ng may 2 or more energies will have extra sessions of training from your professors. Mas hands-on kami ngayon. I already have the list. Pag-uusapan namin mamaya kung kani-kanino kayo ma-a-assign. Class dismissed." Naglaho na ito patungo sa kung saan gamit ang teleport. "Girl, grabe ka ang dami mong powers. Sigurado ka bang tao ka? I mean, wala pa akong Demigod na na-e-encounter dito sa school na kasinglakas mo. Oh well, maliban do'n sa Big 3's children. They have the strongest power here." "Paano ba malalaman kung tao ka o hindi? 'Pag sinaksak ba ako ng kutsilyo at 'di ako namatay, ibig sabihin immortal ako?" inosenteng tanong ni Steph. "Loka! Baliw ka talaga kahit kailan. Tara na nga at mag-lunch na tayo." Umangkla sa braso ni Steph si Leah. Kasunod nila ang kambal sa paglabas ng room. Nakapamulsa namang naglalakad si Luis na sumusunod sa kanila pero may distansya. "Steph." Napalingon si Steph sa tumawag. "Uy, Jared. Saang section ka?" "Do'n lang ako sa kabilang room n'yo kanina. Ano 'yong kaguluhan sa room n'yo? Napasugod daw ang mga professor natin. Naramdaman ko rin ang kakaibang malakas na energy kanina." "Ay naku Jared, si Steph 'yon. Mahabang paliwanag. Nasaan na ang boyfriend ko?" Nilinga-linga ang likod ni Jared. "Nauna na sa Canteen. Tara na lunch na tayo," aya ni Jared. Nakarating sila sa Canteen. Maluwag ito, kasya yata ang lahat ng estudyante ng Academy. Ang pader ay gawa sa clear glass at kita ang mini garden sa labas. "Matagal na rin ang boyfriend mo rito, Leah, 'di ba, dahil nasa Dorm 2 siya?" "Oo, nauna lang si Jared nang ilang taon. Anak siya ni Ares." Natanaw ang nobyo at kumaway dito. Tumakbo ito papalapit sa nobyo at iniwan si Steph. "Kita mo 'yon, nakita lang ang jowa, eh, iniwan ka na," biro ni Leigh. Lumingon sa loob ng Canteen at may kinawayan din, tapos ay tumakbo papunta sa kinawayan nito. Kasama din ng boyfriend ni Leah sa table. "Tsk, tsk. Pagpasensyahan mo na 'yang dalawang 'yan. Ganyan 'yan 'pag nakikita ang mga boyfriend. Anak din ni Ares iyong boyfriend ni Leigh. Tara lapit tayo," aya ni Lav sa kaniya. Umupo silang lahat sa table na ni-reserve ng boyfriend nila Leigh. Tinawag naman ni Jared si Luis para sumama sa kanila sa table. "Himala at pumayag 'yon." "So, Steph, meet my boyfriend, Emil," pakilala ni Leigh sa bf nito. Kumaway naman ito sa kaniya. "Meet my boyfriend, too. Jam here," pakilala din ni Leah. "Guys, si Steph, saka si Luis, tama ba?" Ngumiti si Steph at tumango lang si Luis. "Tsk. Napaka talaga nito," bulong ni Steph. "Oh, Billy. Makisiksik ka na rito," tawag ni Jared sa tinawag na Billy. Umupo naman ito sa tabi ni Jared. "Meet our new schoolmate, Steph." "Wow, ang ganda naman. Nice meeting you, Steph." Inabot nito ang kamay, nakipagkamay naman si Steph dito. Mukha namang mabait. May brown na buhok hanggang batok, at may bangs, parang Kpop look. Matangos ang ilong at maputi. Nagkakasiyahan ang grupo nila nang biglang may sumabog sa garden. "Ano 'yon?" Dumungaw ang lahat ng estudyante sa glass panel ng Canteen. Pagtanaw nila ay may mga nakita silang parang napakalaking Bull na nagbubuga ng kung anong energy. Singlaki ang mga ito ng elepante. "Catoblepas!" sigaw ni Jared. "Ano? Anong creature 'yan? Bakit nakapasok 'yan dito? Akala ko ba sabi n'yo protected 'tong school?" Nandidilat ang mata ni Steph. Ngayon lang siya nakakita ng ganitong itsura ng hayop. May kakaibang kaliskis ang likod. "Huwag kang tititig d'yan at umiwas ka sa hininga niyan kundi magiging bato ka, mamamatay ka! Hindi ko alam kung paano nakapasok 'yan dito!" Napatakbo si Jared palabas ng Canteen para tumulong sa mga nakikipaglaban sa Catoblepas.  Photo from Wikipedia "Jared!" Hindi mapakali si Steph. Baka mapahamak ang unang nakilala niya sa Academy. Humabol si Steph palabas ng Canteen. "Steph!" tawag nina Leigh at Leah. Hindi lumingon si Steph. Lumabas ito ng Canteen na nasa ground floor din. Dumiretso sa back entrance ng Academy patungong garden. Naroon ang ilang Demigod na nakikipaglaban sa Catoblepas. May nakita siyang dalawang estatwa. Mukhang mga estudyante ito na naging bato. "Jared!" Nakita niya si Jared na may bitbit na espada. Ano ang laban ng espada no'n? Tumakbo si Steph pababa sa garden. Hindi pala mini garden 'to, malaki pala kapag nakababa na. Nakita niya ang isang estudyante na nagpakawala ng tubig at ipinatama sa Catoblepas pero walang epekto, protektado ito ng kaliskis sa likod nito. Ang dami nang nasirang puno at halaman sa paligid dahil sa labanang nagaganap. Tumakbo palapit sa kaniya si Jared. "Steph! Ano'ng ginagawa mo rito? Delikado! Bumalik ka na ro'n!" "Ayokong tumunganga na lang kung may magagawa naman ako." Lumapit si Steph sa Catoblepas. "Steph!" Hindi siya napigilan ni Jared. Humarap sa kanya ang Catoblepas. Tinitigan siya nito, pero wala namang nangyari sa kaniya. Nainis yata ang halimaw kaya binugahan siya ng hininga nito. "Ang baho! Hoy! Magtoothbrush ka nga!" Bulyaw ni Steph dito. Wala rin namang nangyari sa kanya maliban sa nabahuan siya. Lalo yatang napikon ang Catoblepas kaya nagkahig ito gamit ang panglikod na paa saka nagsimulang sumugod papunta kay Steph. Napadilat ng mata si Steph. Papalapit na sa kaniya ang Catoblepas kaya ang nagawa lang niya ay iumang ang kamay. "Steph!" hiyaw ni Jared. Malayo sa kanya ang dalaga. 'Di na niya ito maaabutan. Nagtilian din ang ibang estudyante na nakikipaglaban maging ang mga nasa Canteen na nakadungaw sa kanila. "Steph!" tili nila Leigh at Leah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD