CHAPTER 5

1874 Words
Lumabas silang apat papunta sa faculty para kausapin ang tinutukoy nilang Mrs. D. Nakarating sila sa kabilang dulo ng academy. Tumapat sila sa pinaka-corner ng hallway. Mukhang mas malaki ito kumpara sa ibang silid sa ground floor. Nakasulat sa pinto ang "Faculty". Kumatok si Lav nang tatlong beses bago niya pinihit ang seradura. Pagpasok ng faculty ay tumambad ang cubicles ng mga professor ng academy. Ang ilang cubicle ay may tao at ang iba ay wala. Dumiretso sila sa kaliwa, may pinto sa dulo at nakasulat ang "Faculty Head". Kumatok ulit si Lav bago nito pinihit ang door knob. Pumasok kaming lahat. "Hi Ludz, nariyan si Mrs. D?" "Nasa loob. Teka." Pinindot nito ang intercom. "Mrs. D, narito si Lav. May mga kasama, mukhang may importanteng pakay sa 'yo." "Sige papasukin mo," sabi ng babae sa kabilang linya. Mabining boses ang tinig nito na masarap sa pandinig. Binuksan ni Ludz ang pinto ng silid ni Mrs. D. Pumasok silang lahat at nagulat si Steph sa nakita niya. Ang inaasahan niya ay matandang babaeng nakasalamin at nakapusod ang buhok, pero mali siya. Ang ganda niya! Mukha itong dyosa sa ganda! "Good morning Mrs. D," bungad na bati ni Lav dito. Pinagmasdan sila ni Mrs. D nang matagal, lalo na siya. "Oh, Lav. Sige maupo kayo. Anong problema? Have a seat." Naupo silang lahat sa leather sofa. Umupo naman si Mrs. D sa isa sa mga single couch. Lav cleared her throat. "May bago tayong student. Kaka-discover lang nila sa kaniya kanina. She's not yet sure what her powers are pero we found out something, and I'm sure you'll be interested as well. We also want to confim with you about her special ability." Sumeryoso si Mrs. D. "Really? What powers did you discover?" "Leah tried seeing her future but she didn't see anything. I tried reading her mind but I can't get through. Leigh tried knowing her past but she failed," paliwanag ni Lav. Napa-O ang bibig ni Mrs. D. "That is incredible!" "That's why we went here, para i-testing n'yo po kung kaya ng ibang uri ng powers at ibang level ang makaka-go through sa kanya. Walang epekto ang psychic ability namin sa kanya." "Ok ay sige. I'll give it a shot." Tinitigan ni Mrs. D si Steph nang malalim. "Look at me, hija. Look straight in my eyes." Tumitig naman si Steph dito. "Ano kaya ang gagawin nito sa akin?" Kumunot ang noo ni Steph. Umabot nang ilang sandali pero wala pa ring nangyayari. "I give up," saad ni Mrs. D. "A-ano pong dapat na mangyari sa akin?" Umiling ito. "I'm trying to erase all of your memories at ibalik ka sa mentality ng isang toddler. Everything. Pero parang wala namang epekto." Napanganga si Steph. OMG! Napaka-delikado ng powers ng kaharap niya! Just imagine I am acting like a toddler? Geez! Pinunasan ni Steph ang noo niyang pinawisan kahit aircon sa loob ng opisina nito. "P-pwede pong malamang kung sino ang immortal parent n'yo?" "Demeter." "Wow!" ito na lang ang tanging nasabi niya. Ang isa sa pinakapaborito niyang Greek Goddess. "I wish I could see her," bulong niya. Biglang nagliwanag sa gitna ng office ni Mrs. D. May isang napakagandang babaeng sumulpot mula sa kung saan. Nakasuot ito ng long, white shiny dress, nakalugay ang mahaba at alon-along buhok, may deep set blue eyes, pointed nose at makipot na mga labi. Lumingon ito sa kanilang lahat. "May tumawag sa akin." Napanganga ang lahat ng nasa office. "'Ma! Hindi kita tinawag," saad ni Mrs. D. Pati ito ay nagulat dahil kahit sa kanya ay bihira itong magpakita. "Kung gano'n, sinong..." Napatingin ito sa gawi ni Steph na nakanganga pa rin. "Ikaw ba ang nagpatawag sa akin?" "P-po? H-hindi ko po sinasadya. Na-wish ko lang po sa isip ko na sana makita ko kayo dahil isa kayo sa paborito kong Greek Goddesses," nauutal pa na sabi ni Steph habang titig na titig ito sa magandang mukha ng dyosa. "P-pasensya na po." "Aaaahhh... Hayan, hija, nakita mo na ako." Nakangiti ito sa kanya. "S-salamat po." Nagtataka si Steph kung bakit nagpakita ito sa simpleng wish niya. "Kaninong anak ka?" curious na tanong ni Demeter. Malungkot na yumuko si Steph. "H-hindi ko pa po alam eh. Wala pa pong nagki-claim sa akin." "Gano'n ba? Kung sino man ang magulang mo e ewan ko sa kaniya. Sa ganda mong 'yan hindi ka niya kine-claim? Bueno, ako muna ang Mama mo habang wala pang umangkin sa 'yo. Tawagin mo lang ako 'pag may kailangan ka." Naglabas ito ng maliit na gintong espada. Parang isang dangkal lang ang sukat. "Heto, itabi mo, may basbas ko 'yan. Para sa proteksyon mo sa sarili mo." Iniabot nito iyon sa kaniya. Naluluhang inabot iyon ng dalaga. "W-wow! Salamat po! Kahit hindi ko na siya makilala, kasi nakilala ko na kayo." Ang swerte ko naman. Dalawang Greek Goddesses na ang nagreregalo sa akin. "Hahaha! Ikaw talaga nakakatuwa ka. O siya, mauna na ako sa inyo. Tawagin mo ako anytime you need me, okay?" Saka ito naglaho. Napaawang ang bibig ni Leah. "A-ano 'yon? Inisip mo lang ang wish mo, dumating na siya agad dito? May regalo pa sa 'yo. Dalawang Greek Goddesses na ang nakikita mo. Gusto ka pang i-claim! Napakaswerte mo naman!" Hinampas pa siya sa braso. "Aw! Masakit 'yon!" Hinimas ang namulang braso niya. Nginusuan niya ito. "Utang na loob," singit ni Leigh. "Huwag mong hihilinging magpakita rito si Zeus." Napatawa si Steph. "Naku, ayoko nga, nakakatakot kaya 'yon. Pwede pa si Ha-" "Zip it! Mas lalo naman 'yon!" putol ni Lav. "Oo nga. Mali ako ro'n." Kinilabutan siyang isiping magpapakita sa kanila iyon sa kanila. Hindi pa rin makapaniwala si Mrs. D sa nasaksihan nito. "T-that's your power, too? You can summon Gods and Goddesses? Anytime? Sino pa 'yung nakita mo?" "Si Athena po, pero hindi po sadya ang pagkikita namin. Hindi ko po alam kung powers ko 'yon o baka nagkataon lang." Nagbago ng pwesto sa pagkakaupo si Mrs. D. "Subukan pa natin. Teka. Sino bang god or goddess ang hindi mainitin ang ulo?" tanong nito sa sarili nang malakas. "Si Artemis! Pwede mo bang hilinging magpakita rito? Gustong-gusto ko siyang makita!" suhestyon ni Leigh. "Naku hija, mainitin ang ulo no'n. Baka gawin kang palaka no'n dito. Dapat do'n tayo sa hindi magagalit dahil sinampulan natin siya para malaman ang powers ni Steph." Namutla si Leigh sa sinabi ng Faculty Head. "A-ay, 'wag na lang pala siya." "Steph, try to call Apollo. Concentrate ka," suhestyon ni Mrs. D. "S-sige po." Gwapo kaya si Apollo? I wish to see him now, in person. Nagliwanag ulit sa gitna ng office at nag-pop ang isang ubod sa gwapong nilalang na ngayon lang niya nakita sa tanang buhay niya. May blond hair ito at deepset green eyes. Matangos ang ilong. Matangkad at matikas. Naka-rugged outfit ito at may headset pang suot. "Pinatawag n'yo ako?" Nagpalinga-linga ito sa paligid. Nakanganga na naman ang lahat. Hindi makapaniwala sa nakikita nila, na na-summon ni Steph ang Greek god na Ito. "Apollo, pasensya na kung inabala ka namin. May bago kasi kaming estudyante." Tumingin si Mrs. D kay Steph, sumunod din ang tingin ni Apollo. "We do not know her immortal parent yet, we are also figuring out kung ano ang powers niya. We think she can summon gods and goddesses." "Ah, wow! I wonder kung sino ang parent mo. Mom or dad?" tanong ni Apollo. "M-mom." Nakatitig pa rin si Steph sa gwapong nilalang na nasa harap niya. Wow! "Tsk, I pity her for not claiming you. Sana anak na lang kita, 'di ba? Hindi ka maiinip na i-claim kita. Teka sandali." Naglabas si Apollo ng jacket. "Para sa 'yo, you can use that if you wish to be invisible. Wala pang titingin sa 'yo na nanay mo kaya ako na muna." "H-ha? N-nakakahiya naman po. P-pero salamat." Nahihiyang inabot niya mula kay Apollo ang jacket na bigay nito sa kaniya. "Hmm... Gusto mo bang testingin pa? Call Artemis." "P-po? Hindi po ba nakakatakot?" Ang lakas ng tawa nito. "Ako'ng bahala do'n. Sige na, call her." "O-OMG, Artemis?" Bulong ni Leigh kay Leah. Pumikit si Steph at inisip na gusto niyang makita ang kagandahanan ni Artemis. "Ngayon na." Nagliwanag ulit sa room at sumulpot sa gitna ng silid ang isang napakagandang dalaga na may long brown hair, mat berdeng mga mata at makinis na kutis. Naka-blue long dress ito. Kitang-kita sa mukha ng mga nasa office ang pagkagulat nila. "Did anyone call me?" Napatingin ito sa kaliwa niya at nakita si Apollo. Nagsalubong ang kilay nito. "Bakit mo ako pinatawag dito? Dito pa talaga sa Academy?" "Sis, hindi ako, kundi siya. I asked her to call you." Itinuro si Steph na nakaupo pa rin sa couch at nakatingala sa dalawang Greek gods. Lumingon si Artemis sa kanya. Namilog ang mga mata nito. "Wow! Ang ganda-ganda mo naman! You can summon me?" Isinuot ni Apollo ang shades niya. "We think she can summon any Greek gods and goddesses. Pina-testing ko lang kung gagana sa 'yo. Wala pang nagki-claim sa kaniyang nanay niya." "Hmm... I see. Tawagin mo lang kami 'pag may kailangan ka, okay? Wala pa palang nagki-claim sa 'yo. Kung sino man 'yang parent mo e tanga siya." Nagliwanag ang kamay nito. Naglabas ito ng bow and arrow. "Since wala akong anak, ako na lang ang ninang mo, okay? Heto ang regalo ko sa 'yo. Pag-aralan mong gumamit niyan so you can protect yourself habang hindi ka pa kinikilala ng nanay mo. Mauuna na kami ng little brother ko." Inabot ni Steph ang bow and arrrow. "S-alamat po, Artemis." "Bye, everyone." Kumaway sina Artemis at Apollo. Sabay silang naglaho. "Nakakaloka ka, girl!" Inalog -alog siya ni Leigh. "You can summon them? As in all of them? Naku, girl, mag-iingat ka sa wish mong gusto mong makita, baka kung sino ang sumulpot!" "Now we've figured out what your powers are. Kailangan mong pag-ingatan ang pagtawag sa kanila, baka mapikon din sila sa 'yo if you will call them nang wala namang importanteng dahilan, and please don't tell anyone that you can do it. Kayo rin." Itinuro nito ang tatlong kasama ni Steph. "Don't tell anyone about her power of summoning gods. Baka abusuhin ng iba." "Yes, Mrs. D," sabay-sabay nilang sagot. May point siya. "Now, we will have to conduct more tests about your blocking power technique pero saka na. Magpahinga ka na muna. Iyon muna ang ilalagay kong power sa profile mo." "Salamat po nang marami Mrs. D. Malaking tulong po kayo." Tumayo na si Steph. Bitbit niya ang jacket, small sword at bow and arrow na bigay ng tatlong gods. Tumayo na rin ang mga kasama niya. "Akina 'yan, tutulungan na kitang magbitbit." Kinuha ni Lav ang bow at set of arrows. "Nakakaloka ka talaga, girl!" Malakas na bulalas ni Leigh. "Ssshhh! Baka may makarinig sa 'yo," saway ni Leah. "Oops, sorry. Mamaya na lang sa dorm natin." Naglakad na sila pabalik ng Dorm 3. Marami pa silang pag-uusapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD