bc

Cursed Beauty (The Demigod Cytheria Academy Series)

book_age18+
1.0K
FOLLOW
3.7K
READ
sex
kickass heroine
comedy
bxg
mystery
deity
campus
mythology
superpower
school
like
intro-logo
Blurb

Warning! Mature content (18+)

FREE TO READ!

She was cursed on the day she was born.

Her destiny is to suffer because of her beauty.

Her face is her curse.

A beauty that can never be defined by words, but will lead to her down fall.

Her destiny has been made...

Pero pumapalpak nga pala ang powers ng nanay niya no'ng panahong isinumpa siya.

Ano kaya ang epekto ng sumpa ni Aphrodite sa sariling anak?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Aphrodite ran as fast as she could. It will be her time to deliver her child. No one should know that she had an affair with a mortal being, a lowly one. "Ano ba ang magagawa ko, eh sa umibig ako sa isang mangingisda sa dagat? Gwapo eh." Nagawa na niyang maitago ang lumobong tiyan niya sa pagsusuot ng maluwang na damit at robe. "Ngayon pa ba ako pabubuko?" Nagpalinga-linga sa paligid si Aphrodite habang namimilipit sa paghilab ng tiyan. "Tsk. Bakit ngayon pa nagloko ang powers ko, kung kailan ba naman ako manganganak eh. Saan ba ako magtatago? Teka." Naglaho sa kaniyang silid si Aphrodite. Sumulpot ito sa kubo ng mangingisdang ama ng ipinagbubuntis niya. Wala siya. Buti naman. Hindi niyon alam na isa siyang dyosa. Ang alam lang nito ay isa siyang turista. "Ayan na. Lalabas na! Ah! Ah!" sigaw ni Aphrodite. Pumalahaw nang iyak ang sanggol na kaniyang iniluwal. Hingal na hingal si Aphrodite. Napagod ito nang husto. Pinunit niya ang dulo ng kaniyang mahabang puting damit. Kinuha niya ang sanggol at ibinalot sa pinunit na damit ang kanyang anak. "Shhh. Kay ganda mo anak. Pero wala dapat makaalam na anak kita sa isang mangingisdang taga-lupa. Lalaitin ako at pagtatawanan nina Artemis." Tinitigan nito ang maamong mukha ng sanggol na iniluwal. "Isinusumpa kita, ikaw, aking anak, ay hindi makikilala ng sinuman sa mga Diyos at Diyosa, na ikaw ay nagmula sa akin. Ang iyong taglay na ganda ay magsisilbing dahilan ng paghihirap mo, kabaligtaran ng hatid na taglay ng kagandahan ko." Tumulo ang luha ni Aphrodite. Ikinumpas ang kamay at naglabas ng papel at lapis. Gumawa ng sulat para kay Hernan. Hernan, Iiwan ko na sa 'yo ang ating anak, si Stephanie. Siya ang bunga ng ating pagmamahalan. Alagaan mo siyang mabuti. Ara Naglaho si Aphrodite at naiwan ang kawawang sanggol. Di kalaunan ay dumating na ang mangingisda sa kaniyang kubo. Ibinaba nito ang mga huling isda sa mesa at nagsimulang kumilos para sa panghanda ng hapunan nang may narinig na umiiyak na bata. Hinanap ng lalake ang pinagmumulan ng iyak at nakita niya sa kaniyang papag ang isang batang iyak nang iyak. Sa ibabaw ng nakatakip dito ay may isang sulat na nakapatong. Kinuha niya ito at binuklat. Nabasa niya ang sulat ng pinakaiibig niyang si Ara. Umalis ito nang walang paalam at iniwan ang kanilang kawawang anak. Kinuha nito ang sanggol at binuhat. "Huwag kang mag-alala, anak, iniwan ka man ng iyong ina, narito naman ako na iyong ama. Aalagaan kita." Niyakap niya ito at hinalikan sa noo. Makalipas ang dalawampung taon... "Steph, bilisan mo, number mo na. Marami nang nag-aabang sa 'yo," tawag ng floor manager nila. "Nariyan na." Inalis ni Steph ang makapal na salamin at face mask saka isinuot ni Steph ang makintab na maskara, at inalis ang robe na suot, saka tiningnang muli ang sarili sa dresser. Nakasuot siya ng kumikininang na one-piece bathing suit na puno ng swarovski crystals sa dibdib, na lalong nagpakita ng mabilog na hinaharap niya. May puting malapad na sinturon kung saan isinasabit ng customer ng club na 'yon ang tip sa kanya. Lalong lumabas ang magandang hubog ng kanyang katawan. Litaw ang makikinis at mahahabang hita, at nakasuot ng white heels. Maaakit na naman ang mga suki nila sa club. Isang sulyap pa at nang makita niyang satisfied siya sa itsura saka siya lumabas ng sariling makeup room niya papuntang stage. Yes, star dancer siya sa exclusive club na ito kung saan siya lagi ang finale tuwing Sabado. Madami ang naaaliw sa indayog ng mga balakang niya, at higit sa lahat ay curious sa mukha niya. Lagi siyang nagsusuot ng maskara, wala pang sinuman ang nakakakita nito maliban sa floor manager at sa may-ari ng club. Dalawang taon na siyang sumasayaw sa club na ito. Hindi siya nagpapa-table. Dancer lang siya, hindi prostitute. Kailangan niyang gawin ito para makabawi sa kabutihan ng Tita Amanda niya na may-ari din ng club. Ulila na siya. Marangal naman ang trabaho niya at wala siyang inaaping ibang tao para kumita ng pera. Nagsimulang umindayog sa musika si Steph. "Twerk it like Miley..." Umusli-usli ang kanyang bilugang puwitan habang nakatalikod sa audience. Nagpalakpakan at pumito naman ang mga kalalakihan doon na naghahanap ng aliw. May matanda, bata, kalbo, pulis, pulitiko; basta mga mayayaman lang ang pwedeng pumasok sa exclusive club na ito, pawang myembro lang at invited nila. Lumakad siya sa makitid na catwalk habang gumigiling. Senyales na oras na para tanggapin ang tip mula sa mga customer. Isa-isang nagsi-suksok ng pera sa belt niya ang mga hayok na lalake. Iyong iba ay may kasama pang simpleng tsansing sa baywang. Hinahayaan niya 'yong segundong tsansing. Kapalit naman niyon ay malaking halaga basta hanggang ganoon lang ang pwede nilang gawin. Hindi siya maaaring hipuan sa maseselang bahagi ng katawan, kung hindi ay maba-ban ang gagawa niyon sa kaniya. Bumalik na ulit si Steph sa pinakagitnang bahagi ng entablado, nagpagiling-giling ulit ito. Nang hindi pa makuntento sa panunukso sa audience, hinawakan niya ang strap ng swimsuit niya at ibinaba iyon. Lumabas ang cleavage ng dalaga. Naghiyawan ang mga lalake. Ibinaba pa lalo ni Steph ang strap, at nang halos makarating na ito halos sa tuktok ng dibdib niya ay itinakip niya ang isang kamay para hindi lumabas nang tuluyan ang tinatago niyang asset. Naghiyawan sa pagkabitin ang mga lalakeng nagwawala. Natapos ang musika at nag-bow si Steph, kumaway saka tumalikod. Naghiyawan naman ang mga lalake ng "More! More!" pero hindi na niya pinakinggan. Kailangan niyang bitinin ang mga iyon para bumalik ulit sa susunod. Pumasok na si Steph sa kaniyang sariling silid nang sumilip ang floor manager. "Steph, nag-aalok ulit si Mr. Valdez, ang kulit. 5 Million daw, isang gabi lang. Noong isang araw lang 3 Million lang ang offer niya." "Alam mo namang hindi ako nagpapa-take out, Enchie. Hindi ako para diyan." "Alam ko, 'Day, sinasabi ko lang. Baka sakali magbago ang isip mo, 5M din 'yon. Kung 'yung ibang babae dito 'yan, nanginginig na 'yang mga 'yan, gumigiling-giling pa papalapit kay Mr. Valdez !" Humagalpak ito nang tawa. "Loka ka. Sige na magbibihis na ako." "Sige." Nakatingin pa rin sa salamin ng tokador si Steph habang nag-aalis ng makeup niya. Naalala niya ang ilang bahagi ng nakaraan niya. "Tiyang, tama na po! Maawa po kayo," pagmamakaawa ng dose anyos na si Stephanie habang ginugulpi na naman siya ng Tiya Bela niya. Kinakasama ito ng kaniyang ama. Lagi siya nitong ginugulpi kapag umaalis ang ama niya para mangisda. Galit na galit ito lagi sa kanya. "Bagay lang 'yan sa 'yo. Palamunin ka lang dito. Um! Um!" "Tama na po!" Hindi pa nakuntento ang kaniyang tiyang, kumuha ito ng latigo. Nahintatakutan siya dahil sa kapal ng latigong iyon. Itinulak niya nang malakas ang tiyahin, tumumba ito. Tumakbo siya palabas ng bahay. "Hoy! Bumalik ka rito walanghiyang bata ka!" Sumunod palabas ng bahay niya ang tiyang niya pero hindi na siya nito inabutan. Nagpatuloy sa pagtakbo si Steph hanggang sa makarating sa terminal ng bus paluwas ng Maynila. Nagpalinga-linga siya. Walang taong nakatingin at mukhang hindi pa naman aalis ang bus kaya umakyat siya at nagpunta sa pinakadulong upuan. Umupo sa sulok at nagpahinga. Pagod na pagod siya sa pagtakbo. Ayaw na niyang magulpi ulit. Tiningnan niya ang napakaraming pasa sa braso at hita na papagaling na, pati ang mga bagong pasa at sugat na gawa ng pambububugbog kanina. Tumulo ang luha ng batang walang nagawa kundi ang sumiksik sa sulok at pumikit nang dahil sa pagod. "Brad. Hindi na daw muna tayo magsasakay at baka itirik tayo ng makina 'pag napuno ng pasahero ito. Dalhin na raw muna natin sa Maynila para ma-check-up do'n," sabi ng driver sa kundoktor. "Tara na." Pinaandar ang makina at binuksan ng kundoktor ang radyo at aircon. Nagising ang dalagita dahil sa init. Tumayo siya at sinilip ang labas. Nasaan siya? Pupungas-pungas pa siya ng mata. "Nasaan ako? Anong lugar 'to?" Lumakad siya pababa ng bus. Hindi siya pamilyar sa lugar. Wala siyang dalang pera kundi 'yung bente pesos na bigay ng tatay niya bago ito mangisda. Naiiyak na nagpalakad-lakad si Stephanie. "Saan ako pupunta?" Nagpagala-gala siya ng mga panahon na 'yon. Nanlimos. Napulot lang siya ng may-ari ng club na si Tita Amanda niya kaya siya nakaahon sa basura. Nakatulog siya sa harap ng club nito nang makita siya nito. Mabait ito at para na niyang tunay na ina. Nang tumuntong siya ng 18 ay siya na ang nag-offer na gusto niyang magsayaw sa club nito para makabawi sa kabutihan nito. Ayaw pumayag ng tita Amanda niya noong una pero napilit din niya ito. Gusto rin niyang kumita sa sariling paraan. Iyon din ang simula kung bakit nagmamaskara siya sa club. Nagkagulo kasi doon noong 18th birthday niya, na unang beses siyang magsayaw at walang maskara. Tila may kung anong magnet ang mukha niya na nagwala ang mga lalakeng nakakita sa kanya. Paglabas pa lang niya, nag-unahang makaakyat ng stage ang mga customer para mahawakan siya. Iyon ang naging problema niya. Mula nang tumuntong siya ng 18, tila naging isang sumpa ang kaniyang mukha. Ilang beses na siyang muntik mapahamak nang dahil sa taglay niyang ganda. 'Di niya maintindihan, marami namang magaganda sa paligid pero ang mukha niya ay parang sumpa. Ang lahat ng lalakeng tumingin dito ay nagkakamaling gumawa ng hindi maganda sa kanya o sa kapwa. Nawawala sa sarili o kaya ay parang hayok na hayok. Nitong huli ay nagawa niyang kontrolin kahit paano ang mga mapapatingin sa mukha niya. Nagagawa na niyang utusan at mapasunod ang sino man. Ito rin ang dahilan kung bakit kapag ordinaryong araw ay nagsusuot siya ng makapal at malaking salamin sa mata na halos hindi mo na maaaninag ang kalahati ng mukha niya, nakatakip ang buhok sa magkabilang gilid ng mukha at nakatakip ang bangs sa noo. Alam din ng Tita Amanda niya ang tungkol dito kung kaya't iniingatan din siya nito na hindi ma-expose sa ibang lalake ang mukha niya. May pagkakataon pa na nagsuot siya ng prosthetics para lang makalabas ng bahay. Di nga lang niya natagalan dahil mainit iyon sa mukha. Napukaw ang pagmumuni-muni niya nang may kumatok ulit sa pinto. "Steph, heto ang kinita mo ngayong buwan pati tip mo." Inabot kay Steph ang trenta mil at lumabas na si Enchie. "Ayos, pang-enroll ko ito bukas." May sobra pa siyang tip mula sa sinabit sa baywang niya kanina. Kinuha niya ang kumpol ng pera saka binilang. "One, two, three, four, five," sabi niyang aliw na aliw siya sa pagbibilang. "12,000. Not bad." Isiniksik ang lahat ng pera sa shoulder bag saka tumayo. Sa secret door sa likod siya dumadaan palabas ng club para walang makakita sa kanya. CYTHERIA MYSTICAL UNIVERSITY Naglalakad si Steph papasok ng maliit na campus ng Cytheria Mystical University. Maliit ito pero modern, maganda, malinis, mukhang tahimik. Dito niya naisip mag-enroll. Bukod sa mura dito, malapit din sa apartment niya at nakakuha pa siya ng partial scholarship. 50% off, kaya imbis na 25,000 ang tuition niya ngayong semester, 12,500 na lang ang babayaran niya. May pambili pa siya ng school supplies niya. May tatlong building sa campus. Isa sa gitna at tig-isa sa magkabilang gilid, tapos campus ground ang harap, kung saan siya nakatayo ngayon. May mga puno at bench para pahingahan ng estudyante. May mangilan-ngilan ngayon na nakaupo sa mga bench na nakakalat sa campus ground, katabi ng mga puno. I like this place. Tahimik. Peaceful. Dumiretso si Steph sa gitnang building kung saan nakaturo ang arrow ng karatulang nakasabit sa isang puno at nakasulat ang "Registrar." Pumasok siya sa main hall at dumiretso sa glass window. May babaeng nakasalamin sa likod nito at ngumiti. "Enrollee? What course?" "Advertising po," sagot naman ni Steph. Inabot niya ang application forms niya, ang endorsement for scholarship, ang test results at ang Form 137. Naghintay siya sandali at narinig niya ang "12,500" na sinabi ng babae. Inabot niya ang bayad niya. Naghintay siya ulit nang ilang sandali pa at inabot nito ang resibo at ang registrations card niya. "Heto ang subjects, number of units, day and time ng klase mo," sabi ng registrar. Nakadukwang ito malapit sa glass window at itinuturo ng ballpen ang mga nakasulat sa registration card. "Sa Monday na ang simula ha, don't be late." "Thank you po!" Nakangiti pang yumuko nang ilang ulit si Steph na parang Japanese. Nasanay na siya sa mga Japanese na nakikita niyang panay yuko kapag may kausap na ibang tao doon sa club. "Yes! Enrolled na ko!" Dream come true para kay Steph ang pag-aaral sa college. 20 na siya next month pero ngayon lang siya makakapag-college. Nahinto kasi siya nang ilang taon noong unang beses siyang natuntong sa Maynila. Inaalala niya ang sumpa ng kaniyang mukha, kaya hindi niya alam kung paano magkakaroon ng tahimik na buhay sa pag-aaral niya dito pero susubukan niya. Sana, magawa niya. Sana....

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Mystique Kingdom

read
36.2K
bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.8K
bc

My Secret Agent's Mate

read
118.9K
bc

My Master and I

read
134.2K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
471.2K
bc

SILENCE

read
387.1K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
279.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook