CHAPTER 8

1911 Words
Nakalapit ang Catoblepas sa kaniya pero naglaho ito nang halos madikit na ang nguso sa kamay niya, tila hinigop ng enerhiya na nagmumula sa kaniya. Nakapikit pa rin si Steph, may ginintuang enerhiya na nakapalibot sa kaniya. Wala siyang naramdamang kahit anong nangyari sa kaniya kaya napadilat siya. "W-wala na ang Catoblepas?" Nilinga-linga pa ng dalaga ang paligid. Tumakbo si Jared patungo sa dalaga. "A-anong kapangyarihan ang ginamit mo?" "Huh? May ginamit akong kapangyarihan?" Pilit inalala ni Steph ang naramdaman kanina para protektahan ang sarili. "Ah. Baka 'yung gintong enerhiya. Naramdaman ko siyang nakapalibot sa akin kanina. Di ko nga alam kung ano 'yon eh." Tumakbo palapit sa kanila ang mga professor nila at ang ibang Demigod na nakikipaglaban sa Catoblepas kanina. "Steph! Nakita namin 'yon. Salamat sa pagliligtas mo sa Academy, pero ano 'yung ginamit mong power? Ngayon ko lang nakita 'yung gano'ng kapangyarihan," saad ni Sir Matty. Umiling siya. "H-hindi ko po alam. Basta po lumabas na lang kanina." Tinapik siya ni Mrs. D. "Malalaman din natin 'yan. Pero such a strong power you have, Steph. Kahit ang titig at buga ng Catoblepas ay hindi tumalab sa 'yo. Idagdag pa 'yung unknoen gold energy na inilabas mo. Saan o ano kaya ang nangyari sa Catoblepas?" Nag-umpukan ang mga professor nila at pinag-uusapan kung paano aayusin ang mga nasira at ano ang mga nangyari. "You did great! Ako nga pala si Blue. Anak ni Poseidon," pakilala ng gumamit ng tubig kanina. "Ah, kaya pala tubig ang gamit mong power. I'm Steph." Nagkamay sila. "I'm Atlas, anak ni Zeus." Siya iyong lumilipad kanina. What a power. Nakipagkamay din siya dito. Nilingon ni Steph ang dalawang estudyanteng naging bato dahil sa Catoblepas. Nakaramdam siya ng habag dito. "Ano ang mangyayari sa kanila?" Gustong tumulo ng luha niya. Umiling si Atlas. "Hindi namin alam kung pano sila ibabalik sa dati. 'Pag tumagal pa, mamamatay sila. Mawawalan sila ng hangin sa katawan eh." Lumapit si Steph sa mga bato. Sumunod sina Jared, Atlas at Blue sa kaniya. Kahit sila ay nalulungkot kapag may napapahamak na kasamahan nila. Tiningnan niya ang mga ito. Pumatak ang luha ni Steph. Bago pa lang siya sa Academy pero ramdam niyang ito na ang mundo kung saan siya nabibilang. Hinawakan niya ang isang estatwa ng babaeng estudyante. Mukhang bata pa ito. Sana maibalik ko pa sila. Kung pwede lang. May puting liwanag na lumabas mula sa kamay ni Steph at binalot ng puting liwanag ang estatwang hawak niya. Napalingon ang mga professor nila sa kanya. Unti-unting bumalik sa normal ang estudyante. Napahinga nang malalim ito at umubo. Napaluhod ito. "Suzy!" Agad na inalalayan 'to ni Atlas. "A-akala ko mamamatay na ko." Humihingal pa rin ang tinawag na Suzy ni Atlas. Tumakbo papalapit si Mrs. D sa kaniya. "Oh my! Naibalik mo siya Steph? Baka pwede mong ibalik din si Sam? Please?" Pagmamakaawa nito. "Kapatid ko siya." "S-sige po susubukan ko." Lumapit si Steph sa isa pang estatwa. Hinawakan ito. Kinausap ang enerhiyang lumabas kanina. "Ibalik mo siya sa dati, please. Ibalik mo siya sa normal." Nagliwanag ulit ang kamay niya at ang buong estatwa. Unti-unting bumalik din ito sa dati. Napaluhod ito at habol ang hinga. "Sam!" Inalalayan 'to ni Mrs. D. "A-ate." Napaupo si Steph. Ang dami niyang enerhiyang nilabas. Inalalayan siya ni Jared. "Steph, ayos ka lang? Steph?" Iyon lang ang narinig niya at nawalan siya ng malay. ☆ Napamulat si Steph. Napalinga sa paligid. Puro puti ang lahat. "I'm glad you're awake!" masayang bati ni Jared. ""Where am I?" Bumangon si Steph. "Nasa clinic ka matapos mong talunin ang Catoblepas at ibalik sa normal ang dalawang Demigod na naging bato. Just so you know, anak ni Hades ang niligtas mo, si Suzy, at anak ni Demeter iyong isa si Sam," proud na sabi ni Jared. "Mabuti naman at okay na sila. Gaano na ko katagal tulog?" "2 days." "What?!" Ngayon lang siya natulog nqng gano'ng katagal. Ang sarap ha, in fairness. Kinapa niya ang salamin niya. "Buti na lang at hindi n'yo inalis 'to." "Sinabihan ko ang nurse na huwag alisin. Don't worry." "Steph!" tili nila Leah at Leigh. Tumakbo ang mga ito palapit sa kanya saka siya niyakap ng mahigpit. "Awk! L-ladies! I-I can't breathe!" Literal na di siya makahinga, pero masaya siya na may mga nag-aalala para sa kaniya. "Tinakot mo kami, grabe ka! Huwag ka agad susugod nang gano'n ha!" Hinampas pa siya ni Leigh. "Aray! Sadista ka talaga magmahal!" "Haha. Ganyan kita ka-love." Niyakap ulit siya ni Leigh. "Pwede na ba tayong bumalik sa dorm. Ayoko sa clinic o hospital e. Allergic ako." "Okay na ba ang pakiramdam mo?" Sinipat-sipat pa siya ni Leah na parang specimen sa microscope. "Ang sabi naman ng resident doctor pwede ka nang i-discharge kapag nagising ka na." "Okay na ako. Tara na." Naghanda na siyang tumayo mula sa kama. Inalalayan siya ng dalawang kaibigan. Kasunod naman nila si Jared. Paglabas nila ng clinic ay naroon sa labas sina Lav at Luis, saka iyong mga anak ng Big 3. "Ate." Yumakap sa kaniya si Suzy. "Thank you." "Wala 'yon. Mag-iingat ka na sa susunod." "Yes, Ate Steph." Ngumiti ito. "Kakausapin ka raw ni Mrs. D saka ni sir Glaucus," saad ni Lav. "Agad-agad? Ngayon na? Pagpahingahin muna natin si Steph noh!" Protesta ni Leah. "2 days na daw akong tulog. Sobra-sobrang pahingan na 'yon. Samahan n,yo na lang ako doon." "Sige, tara," aya ni Leigh. Dumiretso sila sa conference room. Lahat ng nakaabang sa clinic ay sinamahan siya, maging ni Luis. Kumatok muna si Lav sa pinto bago pinihit ang seradura. "Ma'am, Sir, narito na po kami." "Pasok kayo. Maupo kayo," aya ni sir Glaucus. "Okay lang po isinama ko sina Leah? Alam naman po nila ang tungkol sa powers ko," paalam ni Steph. "Okay lang. Sige, upo kayo." Isang napakalaking conference room na may paikot na mesa. May malaking espasyo sa gitna para sa tagapagsalita. Makakaupo yata ang tatlumpung tao nang paikot. Naroon si Mrs D, Director Glaucus, si Sir Matty, at dalawang babaeng tila teacher, at isang lalake. Nagtatanong ang mga mata ni Steph. "Bakit n'yo po ako pinatawag?" "Hija, bago tayo dumiretso sa talagang purpose ng meeting na 'to, gusto muna naming magpasalamat sa 'yo sa pagtulong noong isang araw at sa pagligtas sa dalawang estudyante natin," bungad ni sir Glaucus. "Wala po iyon. Para saan pa po ang kapangyarihan namin kung hindi po namin gagamitin sa tama at para makatulong sa iba? Ok lang po iyon." "Iyon din ang isa pang dahilan, hindi namin alam kung anong uri ng kapangyarihan ang mga ginamit mo. Paeang hinigop ng gintong kapangyariyan mo iyong Catoblepas, at nalusaw mo ang kapangyarihan niyang gawing bato ang biktima niya. We would like to focus and do some research kung hanggang saan ang powers mo. Maari ka bang makipag-cooperate?" "Wala naman pong problema. Basta huwag n'yo lang akong saksakan ng tube o karayom sa katawan." Alanganin ang ngiti ni Steph. Ayaw niya ng karayom. "Walang gano'n, Steph," amused na sabi ni sir Matty. Napatawa ito nang malakas. "Okay po, mabuti na po iyong malinaw," sambit ni Steph. "Isa pa, lahat kayong may dalawa o higit pang kapagyarihan ay sasanayin para ma-develop pa ang powers n'yo. Nang sa gayon ay magamit n'yo rin para maprotektahan ang mga sarili n'yo, ang kapwa estudyante n'yo at ang Academy. Ito na ang tahanan nating mga half-blood. Tayo rin ang proprotekta dito." "Okay po," sabay-sabay nilang sagot. Nagliwanag sa silid. Lumitaw si Demeter sa tabi ni Steph. "Steph!" Niyakap nito ang dalaga. "Salamat sa pagsagip mo sa buhay ng anak ko ha." Hinalikan pa siya nito sa noo. "Gusto kitang angkinin bilang anak ko. Sana nga anak kita. 'Pag walang nag-claim sa 'yo, sa akin ka na. Okay?" "Sige po." Gumanti rin siya ng yakap dito. Proud na sang-ayon ni Steph. Ang ganda kaya ng magiging mama niya. Napanganga naman sa pagkagulat ang lahat ng nasa silid. Bihirang magpakita ang Gods and Goddesses sa kanila. Pero ngayon, heto biglang susulpot sa harap pa ng maraming Demigod. "Mama, nagseselos na ko " biro ni Sam. "Sus, ang bunso ko." Lumapit si Demeter dito at niyakap. Gumanti si Sam ng yakap dito. "O, Mrs. D baka pati ikaw magselos din?" "Tapos na ko d'yan sa stage na 'yan, 'Ma," natatawang sagot ni Mrs .D. Sumulpot ang isang lalakeng matangkad na may abuhing kulay ang buhok, matipuno ito at maputla ang kutis. Gwapo rin ito. "Hades!" Gilalas na sabi ni Sir Glaucus. Napatayo pa ito. Napatayo rin ang ibang nasa conference room nang marinig na si Hades ang sumulpot. Isang beses pa lang ito nagpakita nang tinanggap niya bilang anak si Suzy. "Hades, ano'ng ginagawa mo rito?" Matalas na tanong ni Demeter. "Wala akong masamang balak sa mga kaibigan ng anak ko. Nasaan ang nagligtas sa kaniya?" Luminga ito sa paligid. "A-ahh, si Steph po." Itinuro si Steph ni Sir Glaucus. "Ah Ikaw pala, hija? Maraming salamat sa pagliligtas mo sa anak ko. Tatanawin kong utang na loob sa 'yo ito. Pagbibigyan kita sa isang kahilingan, kahit na ano." Nakangiti ito sa kanya. Gwapo at mabait naman pala si Hades e. Bakit sila takot sa kaniya? "S-salamat po. Pwede ko po bang i-reserve iyong wish ko? Saka ko na lang po gagamitin? Wala pa po kasi akong maisip eh," nahihiyang sabi ni Steph. "Walang problema. Tawagin mo lang ako kapag gagamitin mo na ang wish mo. Ngayon lang ako lumabas ulit ng lungga ko, ah. Ok tong conference room n'yo, maluwang. Magawa nga ito sa kaharian ko." Nilingon ang kabuuan ng silid. "Papa." Lumapit si Suzy sa ama saka niyakap ito. "Mag-iingat ka dito, hija. Aalis na si Papa." Niyakap ang anak bago naglaho. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib ang mga Demigod sa conference room pagkaalis ni Hades. "Bakit takot kayo sa kaniya? Mukha naman siyang mabait, ah?" nagtatakang tanong ni Steph. "Naku, strikto, tuso, mautak, mainitin ang ulo. Lahat na." Biglang nagtakip ng bibig si Atlas saka tumingin kay Suzy. "Okay lang, totoo naman," sagot ni Suzy, "pero 'pag nagbitaw ng salita 'yon, tinutupad no'n. Gano'n sila. Bawal nilang labagin kung anuman ang ipinangako na nila. Wala nang bawian." "O siya, mauna na ko. Steph, 'wag mo nang gamitin iyong wish mo do'n. Wala akong tiwala doon. If you need anything, ako na lang ang tawagin mo. O kaya sina Apollo at Artemis. Usap-usapan ka sa Olympus ngayon. Gusto ka rin no'ng dalawa eh. Sige." Kumaway si Demeter saka naglaho. Kinalabit siya ni Leigh. "Wow ha, sikat ka na sa taas. Siguro naman ike-claim ka na ng real parent mo?" "I doubt that. 20 years akong nabuhay nang di niya ko hinahanap. Kahit hindi ko na siya makilala, okay lang. Masaya naman ako ngayon kasi nariyan kayo." "Aaaawww. Touched ako." "Bueno," pukaw ni Sir Glaucus. Bumalik na kayo sa dorm n'yo. Bukas na magsisimula ang training ninyong lahat. Lahat ng narito sa conference room, hindi kayo papasok sa klase n'yo. Dumiretso kayo sa Training room C. Dismissed na tayo." Tumayo na ito saka lumabas ng conference room. Naglabasan na rin sila. "Tara, tambay tayo sa dorm namin!" aya ni Leigh sa mga kasama. May isang pares ng mga mata ang nakamasid sa mga lumabas ng conference room. Nakatago ito sa malagong halaman sa dulo ng hallway. Madilim ang mukha, masama ang titig. Ngumisi ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD