CHAPTER 9

1896 Words
OLYMPUS Current location: 50,000 feet Above of Mount Apo, hidden behind huge thick cloud "Dumito muna tayo. Summer time naman," saad ni Zeus. Napalingon ito sa nagbubulungan na sina Demeter at Athena. "Oo nga, sabi ko sa 'yo napakagandang bata, matapang saka mabait. Iniligtas nga ang anak ko," bulong ni Demeter kay Athena. "Medyo hindi maganda ang unang pagkikita namin pero kasalanan ko naman, saka nag-sorry din siya. Mabait na bata pero palaban. Gusto ko siya," bulong din ni Athena. "Aampunin ko 'yon kapag walang nag-claim sa kaniya." "Hindi pwede, may kasunduan na kami. 'Pag walang nag-claim sa kaniya, ako na ang aampon sa kaniya. Umoo na siya " bulong ulit ni Demeter. "Ang daya! Inunahan mo ako!" pabulong na sigaw ni Athena. "Di bale, ipakakasal ko na lang siya kay Jared." "Sino ba iyang pinaguusapan n'yo? Ang iingay n'yo e," pukaw ni Zeus sa dalawang nag-uusap. "Ah. Isang Demigod. Napakaganda at mabait pa. Powerful. Iniligtas niya ang anak ko, at anak ni Hades sa Academy. Naramdaman ko rin iyong energy niya. Ikaw din, di ba, Athena?" "Yes, Dad, she's really special," pag-sang-ayon ni Athena. "Aba. Dapat bigyan siya ng reward kung gano'n. May maganda palang nagawa. Gusto ko siyang makita. Teka, nasaan na ba ang iba?" Wala pa rin ang ibang Olympians sa bulwagan nila. Sa Silid ni Aphrodite Nasaan na kaya ang batang iniwan ko kay Hernan? Hindi ako mapakali. Palpak nga pala ang powers ko that time. Paano kung hindi tumalab ang sumpa ko? Kung iba ang naging epekto? Tsk! Hindi ko na maalala ang ipinangalan ko sa kaniya. Lango pa ko nang mga oras na 'yon dahil sa panganganak at sa pagloloko ng powers ko. Lumaki kayang maganda ang anak ko? Siguro naman, maganda ako, gwapo si Hernan. 'Pag nakita ko siya ike-claim ko na siya. Bahala na kung asarin ako nina Artemis. "Aphrodite. Tawag ka na ni panginoong Zeus," tawag ng hand maiden ni Artemis mula sa labas ng pinto. "Sige lalabas na ako." Nag-teleport na lang si Aphrodite patungong conference hall. Naupo sa bronze chair niya na pinaganda niya nang husto, iyong nababagay sa isang dyosa ng kagandahan. Kani-kaniyang design ang upuan ng bawat Olympians, depende sa gusto nila. "O, kumpleto na tayo." Nilingon ni Zeus ang lahat. "Apollo, tanggalin mo muna 'yang nakasalpak sa tainga mo." "Inalis ni Apollo ang headset niya. "Ay naku, Dad, makaluma ka talaga." "Ano'ng pinag-uusapan nyo?" bulong ni Artemis kay Athena. "Si Steph, 'yung Demigod na wala pang nagki-claim sa atin. Niligtas niya noong isang araw ang Academy. Pati anak nina Demeter at Hades niligtas niya," papuri ni Athena. "Ah, oo, nakilala ko na siya. Binigyan ko ng regalo 'yon. Gusto ko angg batang iyon. Gagawin kong handmaiden iyon 'pag walang-claim." "Naunahan na tayo ni Demeter. Nangako na ang bata sa kanya na 'pag walang mag-claim, e, aampunin na siya." "Ah, ganoon ba. Eh di, ninang na lang ako." Nagtakip pa si Artemis sa bibig habang tumatawa. "Okay," pukaw ni Zeus. "Pag-uusapan natin ngayon ang tungkol sa Catlobepas na nakapasok sa Academy. As you all know, muntik nang mapahamak ang mga anak natin doon." "Someone let it in. Someone from the Academy, and we do not know who that person is. Kaya kailangang mag-assign ng Demigods to patrol at night, para subaybayan ang kilos ng mga nakapagdududang nasa loob ng Academy at protektahan ang lahat," pagpapatuloy naman ni Hera. "Isa pa pala, gusto kong makita ang tinutukoy ninyong Steph. Ipakita ang kaniyang wangis." Iniwasiwas ni Zeus ang kamay at lumabas ang mukha ni Steph sa parang balon na nasa gitna ng conference hall. Nakangiti ito habang nakikipag-usap sa anak ni Zeus na si Atlas. "Aba, magandang bata. Bagay sila ni Atlas."  "Sorry, Dad, gusto ko siya para kay Jared. Nauna ako," singit ni Athena. "Si Steph ang makakapagdesisyon niyan. Mukhang masaya siyang kausap ang anak ko," pilit ni Zeus. "Teka nga, kanino bang anak siya?" Nilingon nito ang lahat ng naroon. Walang sumagot. "Dad, sabi ni Steph, mayroon daw siyang mortal father so isa sa mga babae rito ang nanay niya." Itinuro isa-isa ang mga babaeng Olympian na nasa harap niya. Sumenyas si Demeter. "Ay naku, Apollo, kung anak ko si Steph, noon pa lang inangkin ko na siya. Aampunin ko na nga eh." "Kahit ako, aakuin ko siya kung sa akin siya. Pero mas okay na sa akin na ipakasal siya kay Jared," sumegunda si Athena. "Ooops, alam ninyong hindi ako. Pero willing akong ampunin siya," tanggi naman ni Artemis. "So, we only have my wife Hera and Aphrodite, and other smaller Gods. 'Yung mga anak-anak n'yo. Tanungin n'yo." "Alam mong hindi ako taksil, Zeus." Pinanlakihan ng mata ni Hera ang asawa. Naglingunan ang lahat kay Aphrodite. "Oops, teka, wala namang sign na anak ko siya. Hindi n'yo ba pwedeng basahin ang past niya?" Nag-isip si Zeus. 'Sige." Ginamitan ng power ni Zeus bilang "seer" para makita ang nakaraan o pinagmulan ni Steph. Matagal siyang nakatitig sa dalaga. "Saan siya nagmula? Wala akong makita." "Hon, palpak na ba ang powers mo?" "Hindi ah! Kakagamit ko nga lang nito kanina," mariing tanggi ni Zeus. "Dad, may isang weird na power si Steph," pukaw ni Apollo sa ama. Tumigil na si Zeus sa pagpilit na makita ang nakaraan ni Steph. "Ano iyon?" "She can summon us. I mean, us. Gods," matter-of-fact na sagot ni Apollo. "What?!" gulantang na sagot ni Zeus. Tumango si Apollo. "Yeah I forgot to tell you, Dad, she summoned me, Artemis and Demeter. I'm not sure if she can do the same with other Gods." Nag-isip si Zeus. "Hmm... that is really odd. Isang mortal na kayang mag-summon ng Gods. Can she try it now? Puntahan mo siya, Apollo. Ask her to summon me. Gusto kong ma-experience kung totoo." "Ikaw talaga, Dad? Baka mahimatay 'yon sa 'yo." "Sige na. Do it. Try Poseidon first, then me. Go." "Okay." Tumayo si Apollo at nag-pop sa sala ng dorm nila Steph. Naroon ang buong grupo ng magkakaibigan at mukhang nagkakasiyahan. "O, Apollo, naligaw ka. May problema ba?" biro ni Steph. Nakasuot ito ng ripped jeans, black shirt, may mga bling-bling sa braso at headset na nakasukbit sa leeg. "Nah. My dad wants to test your power. Call him. Oh, no, si Poseidon muna." "W-what? S-si Zeus?" Napadilat ang mga mata nito sa takot at nagkatinginan ang mga Demigod na nasa silid. Wala pa nga palang alam ang iba rito tungkol sa power niyang iyon. "Sige na, baka uminit ang ulo no'n," pamimilit ni Apollo. "S-Sige. Si P-Poseidon muna." Pumikit si Steph at tinawag si Poseidon. I want to see the handsome Poseidon, now. Biglang sumulpot sa sala ang isang matangkad at matikas na nilalang na may blue streaks sa buhok. Gwapo ito at makisig. Kita sa facial expression ang pagkabigla. "Wow! Totoo nga!" Ang tanging nasabi nito. Nakasuot ito ng hawaiian shirt, shorts at naka-tsinelas. Nakatulala ang lahat ng Demigods ngayon sa silid niya. "Dad?" tawag ni Blue sa ama. "Blue. Nice to see you, Son!" Kumaway ito. Kumaway lang din ang tulala pang si Blue.  "P-Poseidon, a-ano ang feeling 'pag tinatawag ko kayo?" kabadong tanong ni Steph. "Parang may bumulong sa isip ko na may tunatawag sa akin at wala akong choice kundi sumunod. May humihigop sa akin na kung ano papunta sa 'yo," matapat nitong sagot. "OMG! Guys, please lang, wala sanang makakalabas nito. Delikado ang powers ko. Baka gamitin ako at manganib sila," may pag-aalala sa boses ni Steph. "Nakakatuwa ka naman hija. Concern ka sa amin. Huwag kang mag-aalala, proprotektahan kita. Teka." Naglabas si Poseidon ng isang kwintas na may palawit na starfish. "Heto, kunin mo. Proprotektahan ka n'yan 'pag may nilalang na may masamang tangka ang papalapit pa lang sa 'yo." "S-Salamat, Poseidon. Malaking tulong itong bigay mo." Alanganing tinanggap ni Steph ang kwintas. "Sige na, tawagin mo na 'yung isa. Babalik na ako doon... Son." Kumaway ito saka naglaho. Sumulpot si Poseidon sa conference hall ng Olympus. "See? Sabi ko sa inyo, she's a sweet girl," pagmamalaki ni Demeter. "Yup! Bagay sila ni Blue." Botong-boto siya kay Steph para sa anak. "Hindi na nga pwede, kay Jared na siya," tutol ni Athena. "Tumigil na nga kayo..." biglang natigilan si Zeus, pinipigilan niya ang tumatawag sa kanya, pero hindi niya magawa. Naglaho ito. "Tsk tsk tsk. Pati si Dad, hindi nakaligtas sa power ni Steph." Napangalumbaba na lang si Apollo. Sumulpot sa sala ng dorm nina Steph si Zeus. Hindi man lang ito nakapagpalit ng damit. Suot pa rin nito ang makintab na damit at roba, maging ang korona niya. Napanganga at nandilat si Steph at ang mga kaibigan sa nakita. Hindi sila makapaniwala sa nakikita nila. Ang pinakamataas na God sa Olympus ay nasa harap nila. Ang hari ng mga diyos at diyosa. Ngayon. Dito. Sa dorm. Wow. Napayuko si Steph tanda ng paggalang. "Panginoong Zeus. P-patawad sa kapangahasan ko. S-sinunod ko lang po ang utos n'yo." Yumukod din ang lahat ng nasa silid. "Bakit ka humihingi ng tawad? Gaya ng sinabi mo, sinunod mo lang ang pinag-uutos ko." Mataman itong tiningnan ni Zeus. "Mag-angat ka ng ulo. Nais kong makita ang mukha mo." Nag-angat ng ulo Steph at tumingin kay Zeus. "Sino kaya ang iyong ina? Hindi ko rin siya makita sa balintataw ko. Pero napakalakas ng taglay mong kapangyarihan, hindi naaayon sa isang mortal." "S-sorry po. H-hindi ko rin alam kung bakit ganito ako. P-pero huwag kayong mag-alala. H-hindi ko po ito gagamitin sa kasamaan. Pangako ko po 'yan," matapat na pahayag ni Steph. Tumango-tango si Zeus. "Alam ko. Ramdam ko ang katotohanan sa sinasabi mo." "P-pwede po ba akong humiling?" tanong ni Steph. "Ano iyon? Sabihin mo." "G-gusto kong mawala itong kakayahan kong tawagin kayo. Kasi delikado po ito. Baka ako pa po ang dahilan ng ikapapahamak n'yo. K-kaya n'yo po bang alisin 'to?" pakiusap na tanong ni Steph. "Hmm... nakakatuwa ka. Mayroon kang taglay na kapangyarihan para mapasailalim mo kami, pero nais mo itong mawala sa 'yo dahil nag-aalala ka sa amin. Kung sa iba 'yan, inabuso na ang kapangyarihan mo." Nag-isip si Zeus. "Titingnan ko kung may magagawa ako." Itinapat ni Zeus ang kanang kamay sa ulo ni Steph. Nagliwanag ito. Sinusubukan niyang kalasin ang tanikala na nag-uugnay kay Steph at sa Olympians. "Paumanhin, pero hindi ko maalis. Tila isang sumpa ang taglay mong harangin ang anumang kapangyarihang gagamitin laban sa 'yo, at ang nagbigay lang nito ang maaaring mag-alis." Napailing so Zeus. "Hahanap ako ng paraan para matulungan ka at mapagbigyan sa kahilingan mo." "Salamat po." Yumuko ulit si Steph. "Mauuna na ko." Naglaho na si Zeus. "O, paano, tapos na ko sa misyon ko. Babalik na ako do'n. Bye, Steph. Bye, guys." At naglaho na rin si Apollo. Nakahinga nang maluwag ang lahat ng nasa dorm nila Steph. "Like OMG! That's Zeus? Can you believe that? We saw him! Akala ko mahihimatay na ko sa takot! My Gosh!" Tagaktak ang pawis ni Leigh. Napaupo si Steph. Para siyang nanghihina. Wala palang makakaalis ng powers niya to summon Gods dahil sa barrier na power niya. At hindi iyon basta power kundi sumpa! Kinalabit ni Jared si Steph. "Steph, narinig mo 'yon? 'Yung barrier power mo, hindi matitibag ng kahit sino. Kahit si Zeus, hindi tumalab ang power sa 'yo!" "Sino kaya ang sumumpa sa akin? Hindi kaya ang sarili kong ina?" napalakas ang pagkakasabi ni Steph. Sumang-ayon si Atlas. "Posible. Pero anong klaseng sumpa kaya ang binigay sa 'yo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD