CHAPTER 10

1118 Words
"Pakitawag ang Moirai," utos ni Zeus sa isang tagasunod niya. "Nais kong alamin kung may maibibigay silang mahalagang kaalaman ukol kay Stephanie." "Masusunod po." Yumukod ito at agad na naglaho. "Zeus, ano ang kailangan mo sa kanila?" nangangambang saad ni Hera. Si Zeus lamang ang kayang kumontrol sa Moirai, kaya kabado ang ibang Olympians kapag nakakaharap nila ito. "Sila lang ang pwede kong tanungin tungkol kay Stephanie. Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nalalaman kung saan siya nagmula. Wala akong makita sa kaniya, maging sa kinabukasan niya," may pag-aalalang rumehistro sa mukha ni Zeus. "Hindi ako kumporme na may isang Demigod na kaya tayong i-summon nang ganoon na lamang, lalo na ako. Maaari siyang magamit ng mga may masasamang intensyon para mapasunod ako, o mapaslang ako. Malalagay sa panganib ang lahat ng nilalang, maging ang Olympus." "Narito na kami, Zeus," bungad nina Clotho, Lachesis at Atropos. Naroon sila sa sentro ng bulwagan ng Olympus. Napapalibutan ng ibang Greek gods and goddesses, na may pag-aalala sa mga mukha. Mga nakaputing roba ang tatlo, may kapangitan ngunit smarteng mukha. Wala kang maitatago. Nanunuri ang tingin. Tumatagos sa kalooban ng titingnan. May hawak na spinner si Clotho, si Lachesis ay may dalang tungkod, samantalang may dalang gunting si Atropos. Ang mga Moirai ang tagalikha, tagahabi at tagatapos ng kapalaran ng isang nilalang. "May nais akong ipakita sa inyo. Hindi ko siya mabasa, walang nakaraan o hinaharap, hindi ko rin maalis ang kakayahan niyang i-summon kami. Maari n'yo bang tingnan at sabihin sa akin ang makikita n'yo sa kaniya?" "Masusunod, Zeus " sagot ni Clotho, ang tagahabi ng kapalaran. Yumukod ito nang bahagya. Ikinumpas ni Zeus ang kaniyang mga kamay. Lumabas ang mukha ni Steph sa tubig ng balon. Pinagmasdan ng Moirai ang dalaga. "Ang magandang mukhang nakikita ko ay may malupit na kapalaran, isinumpa upang hindi matunton at hindi magtagpo ang mga landas, subalit may naglaro sa kaniyang kapalaran," saad ni Atropos. "Isinumpa mula pagkabata, Hindi malalaman kung saan nagmula, Ang proteksyon ay hindi magigiba, Paghihirap ang hiling na nakatadhana," dugtong ni Clotho. "Subalit ang estado ng ina ay wala sa hulma, Ang sumpang paghihirap ay hindi lang laan para sa kaniya, Ito ay naging isang mahabang tanikala, Na magdudugtong sa kaniya at sa labing-dalawa," sambit ni Lachesis. "Ang unos ay nalalapit na, Babangon ang nilalang na matagal nang naghanda; Ang mukha ng nasa balon ang siyang itinakda, Na maaring magwakas o magligtas sa mga nilikha," pagtatapos ni Atropos. Nagkatinginan ang Olympians. Mukhang may higit pang hiwaga ang nababalot sa pagkatao ni Stephanie. Tuminging muli si Zeus sa Moirai. "May idea kayo kung sino ang gumawa ng sumpa?" Umiling si Clotho. "Tulad ng nasasaad, hindi malalaman ang pinagmulan ng mukhang nasa balon," putol ni Clotho. "Subalit tiyak akong isang sinaunang kapangyarihang sumpa ang dumapo sa bata." "Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi ko masira ang kalasag ng sumpa, at hindi gumagana ang kapangyarihan namin sa kanya?" paniniyak ni Zeus. Sumang-ayon si Atropos. "Ganoon na nga, Zeus." "Sino naman kayang ina ang gumawa no'n sa sariling anak? Ha! Sasabunutan ko siya 'pag nakita ko siya." Namumula sa galit si Artemis. "Idinamay pa tayo!" "Mukhang ang sumpa ay talagang damay tayo. Labing-dalawa. Tayo iyon," saad ni Athena. "Wala sa hulog ang ina ni Stephanie. Malaman ko lang din kung sino siya, singit lang niya ang walang latay." Napabuga ng hangin si Zeus. "May mas matindi pa pala tayong kinakaharap kaysa sa inaakala natin. That girl needs our protection, and she needs to remain in our side. Karugtong ng buhay niya ang ulo nating lahat." Tumango si Atrophos. "Parang ganoon na nga, Zeus." "Maari n'yo rin bang silipin kung sino ang nagpapasok sa Catoblepas doon sa Academy?" ikalawang tanong ni Zeus. Pansamantalang nanahimik ang tatlo saka umiling. "Paumanhin, subalit kadiliman ang aming tanging nakikita," sabay-sabay na sambit ng Moirai. Napatingala si Zeus. "Walang malinaw na sagot kung saan nagmula si Stephanie, wala ring makita kung saan nagmula ang Catoblepas na iyon. Mukhang wala tayong makukuhang matinong sagot ngayon," sambit ni Zeus na tila nauubusan na ng pasensya." Makakaalis na kayo." "Ipagpatawad mo, Zeus. Mauuna na kami," pagtatapos ni Lachesis, saka sabay-sabay na naglaho ang Moirai. "Don'worry, Dad, nakapangako na kami nina Poseidon, Artemis, Athena at Demeter na babantayan namin siya," paniniguro ni Apollo. "At mukhang hindi lang siya ang nasa panganib ngayon dahil maging ang Academy ay sinugod na rin ng kalabang hindi natin nakikilala." Nilingon nila ang tahimik na sina Dionysus, Hermes, Ares at Hephaestus. Nagtaas ng kamay si Hephaestus. "Wala naman akong magagawa para sa kaniya. Hindi ko siya pakikialaman, at hindi ako makakapangako na matutulungan ko siya." "Inaalagaan naman siya ni Matty," sagot Dionysus. "Kaya na siyang protektahan ng mga anak ko." "Okay lang," dugtong ni Hermes. "Hindi ako busy lately." "Gusto ko siyang makita muna," giit naman ni Ares. "Curious din ako sa batang iyan." "Si Hades, gusto siya. Binigyan siya ng isang kahilingan. Delikado kapag nakuha siya ni Hades " singit ni Demeter. "O kapag nakuha niya ang loob ng bata." Inihampas nito ang kamay sa hamba ng upuan. "Ano 'ka mo?" Napalingon ang lahat sa kanya. "I was there when Hades granted her for a wish. Ang sabi niya saka na lang daw niya gagamitin. Kilala n'yo si Hades, tuso iyon. Hindi iyon magbibigay ng kahilingan nang walang kapalit." "This is getting worse." Napailing si Zeus. "Kailangan ba nating i-lock ang batang iyan dito sa Olympus para makasiguro tayo?" "Huwag naman, Zeus. Kawawa ang bata," tutol ni Aphrodite. "Pag-isipan natin kung ano ang dapat nating gawin sa kaniya." Napabuga ng hangin si Zeus. "Isa pa pala, iyong Catoblepas, sino ang sa tingin ninyong may pakana nito?" Uminom ng alak mula sa kopita si Dionysus. "May kinalaman kaya iyon sa pagsulpot ni Stephanie sa Academy? Powerful ang bata. Maaaring naramdaman ng Catoblepas ang kapangyatihan niya, o ng kalaban natin." Sumang-ayos si Hera. "Maaari. Ang tanong, sino ang nagpapasok doon?" "Aalamin natin 'yan." Tumayo na si Zeus at naglaho. Kumunot ang noo ni Poseidon. "Saan naman pupunta iyon?" Nagkibit-balikat na lang si Hera. Demigod Cytheria Academy "Steph," pukaw ni Luis sa dalaga nang magkasalubong sila palabas sa mga silid nila. Napakunot ng noo si Steph. Himala, kinakausap ako nito ngayon. "Yes?" Tinaasan niya ito ng kilay. "Sorry nga pala noong una. Mainit lang ang ulo ko no'n. Ayaw ko kasing mag-transfer ng school pero pinilit ako ng mama ko." Napabuga ito ng hangin. "Ah. Okay lang. Sige ha." Lalakad na sana siya palayo rito pero tinawag siya ulit nito. "Steph?" Nilingon ito ng dalaga. "Yes?" "Can we be friends?" Nag-isip ang dalaga. Hindi niya alam ang isasagot niya. The safest answer she could think of is just one word. "Perhaps?" Saka siya tumalikod. Napabuga naman ng hangin si Luis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD