CHAPTER 4

1913 Words
Kinuha ni Steph ang cellphone niya para sana tawagan ang Tita Amanda niya pero walang signal ang phone niya. Umiling si Leah. "Walang signal ang phones at any gadgets dito, parang nasa ibang dimension tayo." "H-ha?" "May protective barrier ang buong Academy, bawal ang ordinaryong tao rito, maging ang may masasamang tangka rito ay hindi makakapasok." "Hala. Paano ko kokontakin ang Tita Amanda ko? Mag-aalala 'yon." "Don't worry, tatawagan na nila siya to inform her na you got full scholarship here. Ganyan din ako noon. Dinala ako rito agad-agad without informing my mother tapos sila na kusang tumawag sa kanya. Delikado rin kasi para sa atin ang magpakalat-kalat sa labas." "Nadadalaw mo naman ang mother mo?" "Oo naman. Di naman tayo prisoner dito e. Every sembreak naroon ako kay Mama. Pero nagsasama ako ng isa pang Demigod para may back up 'pag may nagtangka sa buhay ko." "N-nagtangka? Why?" "Wala pa bang nagtatangkang creatures sa 'yo?" Nanlalaki ang mga mata ni Leah, "Himala ha! May hinala na ayaw daw ni Achlys at ng mga alagad niya sa ating mga Demigod. Threat daw tayo para sa kanila. Pinaghihinalaang siya ang may kagagawan sa mga napatay na Demigods sa labas, bago pa makarating dito." "Achlys?" Hindi ko pa yata narinig ang panagalang 'yon sa Greek Mythology? Baka hindi sikat? "Isa siya sa primodal goddesses. Mas matanda pa kina Zeus. I heard she's suspected to be the daughter of Nyx, so posible na isa siya sa mga Keres niya." "Parang kinilabutan ako sa sinabi mo." "You should be. She's the personification of sadness and misery. Goddess of deadly poison... hmmm... Tsismis lang 'to," bulong ni Leah, lumapit pa nang husto kay Steph. "According to them, she's not dead yet, she's just hiding, mula nang matalo nina Zeus si Cronus ang mga Titans ay nagtago na siya, at nagpapalakas lang to overthrow the current Greek Gods and Goddesses from Olympus, na lineage ni Gaia." "Magkapatid sina Nyx at Gaia, sa pagkakatanda ko." Pilit inaalala ni Steph ang nabasa niya sa libro na nasa library ng tita Amanda niya. "Alam mo na, kahit nagmula sa iisang pamilya e magpapatayan para sa trono, nag-aasawahan nga ang magkakadugo na gods and goddesses para sa kapangyarihan, or maybe simply because of love and lust," nag-isip ulit ito, "pero nakakapagtaka talaga na walang nagtangka sa buhay mo. I mean, 'yung iba nga rito baby pa lang ay pinagtangkaan na. Tulad ko. I was 12 when a Daimon attempted to kill me. Iniligtas lang ako ni Director Glaucus." "Hindi ko rin alam kung bakit. Hindi ko naman malalaman na Demigod ako kung hindi napansin ng registrar." "Ah, si Pinky. Oo, bihasa 'yon sa pag-trace ng Demigods. She's been around for centuries." "What?" Namangha si Steph sa narinig. Bumilog ang hugis ng bibig. "Centuries of being alive? Woah!" "Haha oo. Huwag ka nang magtaka. Anyway, ano ang powers mo? Normally they can detect kung sino ang immortal parent natin by knowing our powers." Curious ang mukha ni Leah. "Pero they need solid claim pa rin from there." Sabay turo sa taas. "Para ma-declare na anak ka nga ng immortal na 'yon, at bago ka ilipat ng dorm kasama ng half-siblings mo." Namutla si Steph. "H-ha... ah eh... wala pa eh. Sabi ni Athena lalabas daw 'yon balang araw," pagsisinungaling niya. "Nakita mo na si Athena?!" Nandidilat ang mga mata ni Leah sa pagkagulat at paghanga. "Oo, kasama siya sa nagdala sa akin dito. Siya nga actually ang nag-teleport sa amin dito ni Jared at ni Luis." "Wow! First time magpakita ni Athena sa Academian, maliban sa mga anak niya na pinapaboran niya, that includes Jared. Normally gano"n talaga sila. Di sila nagpapakita sa hindi nila anak, 'yung ibang regulars na rito, ni hindi pa nakikita ang immortal parents nila." "N-nagkataon lang na nakita ko siya. Anyway, ayun nga, di ko pa nadi-discover ang powers ko. Ikaw?" "I'm a psychic. I can see your future." Ngumiti ito. "T-talaga? Wow! Buti ka pa." "Hindi ko rin gusto ang powers ko. Nakakatakot. I can even see someone's death. Kung minsan, nag-i-interfere ako sa mga mangyayari, kung minsan, hinahayaan ko na lang iyon dahil nakatakda na talaga siya." Malungkot na yumuko si Leah. "Pero hindi ba, mas maganda kung ikaw mismo ang gagawa ng tadhana mo, kaysa sumang-ayon ka na lang sa nakatakda na sa 'yo at sa ibang tao? I think that power was given to you para may magawa kang mas makabubuti sa lahat kaysa doon sa nakatakda na." Hinawakan ni Steph ang kamay ni Leah. Napaangat ng ulo si Leah, napaisip ito. Nagkaroon ng pag-asa sa mga mata niya. Napangiti at napaluha ito. "O, bakit ka naluha?" "Natutuwa lang ako, kasi mas nauunawaan mo ang powers ko kaysa sa akin. 'Yung iba rito, natatakot lumapit sa akin dahil ayaw nilang malaman ang future nila." Napatingin ito sa kamay ni Steph na nakahawak sa kamay niya. Kumunot ang noo niya. "B-bakit? May problema ba sa future ko?" Rumehistro ang takot sa mukha ni Steph. Umiling ito. "W-wala." Parang nabunutan ng tinik si Steph. "Akala ko pa naman mayro'n na. Kanina mo pa ako hinawakan, di ba?" "'Y-yun na nga. Kanina pa kita hinawakan, at ngayon, sinusubukan ko ulit. Pero wala," sambit ni Leah. "W-wala akong makita sa future mo. Palpak na yata ang powers ko." Napatulala si Steph. Wala siyang future? Parang hindi niya matatanggap 'yon. "P-posible bang wala akong future? Mamamatay na ba ako?" "Kung mamamatay ka na, dapat makita ko 'yon, pero wala talaga akong makita kahit ano." Pinisil-pisil pa nito ang kamay hanggang braso ni Steph. "Baka ito ang power mo? Kaya mong i-block ang power ng iba? Teka lang ha." Tumayo ito saka lumabas ng unit nila. Ilang saglit pa ay bumukas ulit ang pinto nila at may kasamang lalakeng matangkad at gwapo. "Gosh! Kamukha ito ng crush kong si Lee Min Ho! Mas macho pa nga ito." "Lav, paki-tingnan mo nga siya." "Love? Boyfriend mo siya?" May panghihinayang sa boses ni Steph. Ay, may nagmamay-ari na kay Lee Min Ho ko. "Hahaha! No, Lav ang pangalan niya, L-A-V. In short for Laveigh. 'Yung boyfriend ko ay naroon sa Dorm 2." "Ahhhh..." Yes! Sa isip-isip ni Steph. "He can read minds." Itinuro pa ni Leah si Lav. "Upo ka doon sa harap. Dito kami ni Steph." "W-what? He can read minds?" Namula si Steph. Paktay! Nabasa niya ba ang pagnanasa ko sa kaniya? Pigil-hininga siya dahil sa nerbyos. "Nice meeting you, Steph. Ano ulit ang gagawin ko, Leah?" "Pakibasa ang isip niya." Tumitig nang matagal si Lav sa kanya. Nag-iwas naman siya ng tingin. "B-bakit wala akong mabasa sa kanya? Kahit ano," tapat na pahayag ni Lav. Nakahinga nang maluwag si Steph. "See, Steph? No one can see through you. I think that is your power. Pero kailangan nating makasiguro. Dito ka lang ulit ha. Lav, paki-asikaso muna si Steph, babalik ako agad." Tumakbo si Leah palabas ng unit nila. Dinig na dinig pa niya ang mga paa nito palayo ng hallway. "M-mukhang malayo ang pupuntahan niya ah." "Baka sa kabilang dorm siya pupunta," sambit ni Lav. "First time na hindi ko mabasa ang iniisip ng iba. I block people's thoughts para hindi ako maguluhan. Masakit kaya sa ulo 'pag sabay-sabay ang pasok sa akin ng iniisip ng lahat. I entered here without reading your thoughts because I respect other people's privacy, pero when Leah asked me to read you, wala akong nabasa kahit isang salita mula sa 'yo. Even until now." "Ano sa palagay mo ang reason kaya wala kayong mabasa sa akin?" "Posibleng shield ang power mo. It's a powerful magic. Kapag na-enhance mo 'yan, magiging effective defensive strategy 'yan against offensive enemies." "I-I exactly do not know how to do that." "Don't worry. Once we found out today na iyan ang power mo, the Academy will help you develop it." Ngumiti ito. "Wow, what a perfect set of teeth..." Biglang bukas ng pinto. Pumasok si Leah na hingal na hingal. Napayuko pa ito at kumapit sa dalawang tuhod. "T-teka lang ha. Hihinga lang ako. My gosh, sana teleport na lang ang powers ko. Ipagpapasalamat ko 'yon nang bongga sa tatay ko kung sino man siya." Hingal-kabayo pa rin ito. Pati ang babaeng kasunod niya na may suot na hand gloves ay hinihingal nang husto. "Grabe ka naman kasi, Leah, pwede naman tayong maglakad. Kailangan talagang tumakbo?" Ang ganda ng babaeng morenang ito, may maamong mukha, matangkad at sexy. Mukhang dyosa ito ng beach. Sunkissed skin with slim figure na pamatay para sa kalalakihan. "Sorry, excited lang kasi ako. Ang layo mo naman kasing mangapit bahay e diyan lang naman ang kapatid mo sa tapat." Lumakad sila papalapit sa sofa sa tabi ni Steph. Pinagitnaan nilang dalawa ito. "Eh sa naroon ang boyfriend ko sa Dorm 1 e. Hi, Brother," bati ni Leigh kay Lav. Nag-wave ng kamay nang isang beses. "M-magkapatid kayo?" Parang ang layo. "Kambal ko," maikling tugon ni Lav. "Leigh, si Steph nga pala. Roommate na natin. Steph, okay lang ba kung titingnan ni Leigh ang past mo? Don't worry, hindi niya i-she-share kahit kanino 'pag may nakita siyang hindi maganda," paniniyak ni Leah. Nag-thumbs up pa ito. Kinabahan si Steph. Paano kung makita ng mga ito na dancer ako sa club bago lumipat ng academy? Although walang nakakakilala sa akin dahil naka-mask ako kapag nagpeperform, pero kung may makakabasa ng past ko, baka pandirihan na ako. Ito ang kasalukuyang tumatakbo sa isip niya. "S-sige. I-ikaw ang bahala." "Don't worry Steph. You're safe with me." Hinubad nito ang hand gloves niya, saka inabot ang kanang kamay ni Steph. Nagtagal ang paghawak niya rito. Hindi pa yata nakuntento kaya hinawakan ang kaliwa. Hindi ulit nakuntento kaya dalawang kamay na niyang hinawakan ang mga kamay nito, paakyat sa braso. Pati balikat ay hinawakan na niya. "W-weird. Sira na ba ang powers ko? W-wala akong makita sa past mo! P-parang wala kang nakaraan! Ang sarap mong hawakan! Pakiramdam ko normal akong tao!" Niyakap pa nito si Steph. Mas lalong nakahinga nang maluwag si Steph. "Ayoko nang magtawag. Napapagod na ko," natatawang biro ni Leah. "Confirmed na nga yata, shield ang power mo. Which is very rare. May ilan dito na barrier ang power pero nagagamit lang pangsalag sa weak weapons, mga ganoon ba. Hindi gano'n ka-powerful. Saka hindi sila makakalusot sa mind reader at psychic like us." Tumayo na si Lav. Humakbang papuntang pinto. "Puntahan natin si professor D. She's more powerful than us. Baka may maitulong din siya para ma-confirm natin," aya nito. "Sige. Pero teka, kung psychic ka, Leigh, pati si Leah, does it mean posibleng anak din kayo ni Apollo? Tapos pati si Lav kasi kambal kayo ni Leigh eh." "Posible, pero hindi niya pa kami kine-claim kaya pwedeng lower Gods with psychic ability ang parents namin. Hindi naman isnabero si Apollo 'pag may anak siyang mortal." "I see. Sana ma-meet na natin ang parents natin... halika na, puntahan natin ang professor na sinasabi nyo," aya ni Steph. Curious din siya sa kung ano ang mayroon siya at sino ang nanay niya. "Mata lang niya ang walang latay sa pag-a-abandona sa akin, keber ko kung dyosa siya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD