Angel
Pakiramdam ko ay mababaliw ako sa ginagawa sa akin ni Salvatore. Mas gusto kong tawagin siya sa buong pangalan kaysa sa nickname kasi parang ang tigas tigas ng dating noon at nakakatakot. At least kung yung tunay na pangalan parang sapatos lang siya. Doon man lang ay maasar ko siya kahit na sa loob loob ko lang.
Kahapon, ng sabihan niya akong papatayin sa sarap at naramdaman ko ang kanyang mga kamay sa aking p********e ay nawindang ang mundo ko. Nagregudon ang puso ko dahil kahit na may panty akong suot noon ay tila ramdam ko ang init na nagmumula sa kanyang kamay na humahagod sa aking kaselanan na naging dahilan upang mamasa iyon na nagpapula ng aking pisngi.
Masasabing bata pa ako at walang karanasan pero hindi naman ako inosente sa ganong bagay lalo na sa klase ng lugar na kinalakihan ko kung saan talamak at normal na lang na lumalabas sa bibig ng mga tao ang mga kabastusan. Ngunit sinikap ko na kahit ganun ay maingatan ko ang aking sarili pati na ang aking kapatid. Pasalamat na rin ako sa magulang ni Nadia na nagsilbing parang mga magulang ko na rin dahil sa pag-aalala at pagmamahal na ipinapakita nila sa amin ni Angelo.
Laking pasalamat ko ngayon at umalis si Salvatore, hindi ko alam kung saan siya nagpunta dahil hindi rin naman niya sinabi at hindi rin naman ako nagtanong. Kahit naman kasi gawin ko yon ay siguradong hindi rin naman niya ako sasagutin dahil sino ba naman ako sa buhay niya? Isang parausan na hindi niya kailangang pagsabihan ng kahit na anong tungkol sa kanya.
Speaking of parausan, bukod sa mga pag hawak hawak at panunukso niya sa aking katawan ay wala pa siyang ginawa sa akin. Kahapon nga ay akala ko gagawin na niya, ngunit nakahinga ako ng maluwag ng bigla itong tumigil at tsaka ako hinayaan ng makatayo mula sa pagkakaupo sa kanyang kandungan. Pero may parte ng katawan ko ang gustong ipagpatuloy niya ang ginagawa niya. Hindi ako ipokrita para itanggi pa yan. Sa reaksyon ng aking katawan, alam kong nagugustuhan ko ang lahat ng iyon.
Kagaya ng lagi ay nasa silid lang ako, sa may balcony kung saan natatanaw ko ang magandang paligid. Malawak ang pag-aaring ito ni Salvatore at maraming puno at mga halaman sa paligid na nagbibigay ng sariwang hangin. Kahit dito sa kinauupuan ko ay malilim dahil sa sanga ng mataas na punong kahoy na hindi ko alam ang tawag.
Alas nueve pa lang ng umaga pero si Salvatore ay kanina pang madaling araw umalis at hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik. Hindi rin ako nag breakfast dahil wala akong gana, isa pa sanay naman kasi ako na walang ganon. Kinuha ko ang aking cellphone na nakapatong sa ibabaw ng lamesa na nasa harapan ko lang naman. Buti na lang at may wifi dito kaya naman nakakapag video call na ako kay Nadia.
“Hello girl!!!” tili niya pagkakita sa akin. “Wow, sosyal ka na ha, may pa video call ka pang nalalaman.”
Dati kasi ay hanggang chat lang ako sa kanya. Sayang kasi ang load kung gagawin namin ito. Unli internet naman na dito sa bahay kaya heto, malakas ang loob ko. “Wait, wait, wait. Nasaan ka?”
“Bahay lang.”
“Bahay? Bakit parang ang laki? Siguro ay mayaman ang mga kumuha sa iyo no? Ano, hindi ka ba nila sinasaktan?” nag-aalalang tanong niya.
“Hindi naman. Hindi pa naman actually. Hindi ko rin kasi alam kung bakit ako naririto.”
“So, hindi ka katulong diyan kagaya ng ipinagkakalat dito ng mga tito at tita mo?” Umiling ako at natahimik ito. “Hindi ka naman nila tinuturuan ng kahit na anong mga ilegal na gawain? Alam mo na, mga kalaswaan–”
“Hindi, walang ganon.” Mabilis kong putol sa sasabihin niya. Ayaw ko kasing isipin na magiging ganun nga ang kahihinatnan ko. “Kahit si Angelo, ang sabi daw sa kanya ay pag-aaralin siya.”
Hindi nakaimik ang bestfriend ko at nakatingin lang siya sa akin. “Don’t tell me ibinahay ka na ng kung sino man yan?” bulalas niya. Napaisip akong bigla. Ibinahay nga ba ako ni Salvatore? Pero hindi kami magkakilala, tsaka kung ganon man, bakit hindi naman niya ako inaangkin?
“Bes, sa tingin mo ba ay kaakit akit ako?”
“Nasisiraan ka na ba ng ulo?” tanong niya sa aking nanlalaki ang mga mata. “Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin alam ang pagnanasa sayo ng mga kapitbahay natin dito lalo na ng mga binata? Buti na nga lang at nawala ka na dito dahil kung hindi, baka isang araw ay matagpuan na lang namin ang katawan mong wala ng buhay matapos pagsamantalahan. Eh laway na laway sayo ang mga kalalakihan dito dahil sa dibdib mong pwedeng ipanampal ng tanga!”
“Grabe ka naman!” bulalas ko.
“Totoo naman bes. Kaya kung hindi ka man sinasaktan diyan ng kung sino mang nakabili sayo ay manatili ka na lang diyan, at least sure ako na ligtas ka. Isa pa, isipin mo, pag-aaralin pa si Angelo na kahit ang sarili mong tita ay ayaw.”
May punto naman siya, kaya nga nasabi ko na rin sa sarili ko na kung may magagawa ako kay Salvatore basta kaya ko ay gagawin ko na rin kahit na hindi pa niya ako takutin. Isang linggo pa lang ako dito pero hindi pa niya ako sinaktan. Kaya pwede ko naman sigurong suklian ng kabutihan ang ginagawa niya para sa kapatid ko.
Natapos ang kwentuhan namin ni Nadia dahil kailangan pa niyang mag-ready para sa pagpasok niya. Ako naman ay nanatili sa aking kinauupuan hanggang sa matanggap ko ang tawag mula kay Mauro na pinapupunta ako sa opisina ng boss niya.
Mabilis naman akong kumilos at inaasahan ko na matatagpuan ko doon si Salvatore ngunit si Mauro ang bumungad sa akin pagpasok ko. Parang na-disappoint ako pero hindi ko iyon pinahalata. “Bakit mo ako pinapunta dito?.”
“Pakipirmahan ito.” Tinignan ko ang itinuturo niya bago dinampot at binasa. “Maupo ka.” Na siya ko naman din ginawa at ipinagpatuloy ang pagbabasa.
“Marriage application?” tanong ko sa lalaking kaharap ko na tumango at nakangiti. Ikakasal ako?
***
Pinil-ap-an ko at pinirmahan ang marriage application na binigay sa akin ni Mauro. Wala din naman akong magagawa tapos non ay umalis na ito habang ako naman ay bumalik sa aming silid at nagsimulang mag scroll sa social media. Ito na lang din ang pinagkakalibangan ko dahil hindi naman ako makapaglaro sa cell phone kong hindi man niluma ng panahon ay outdated naman. Candy crush na lang ang pwedeng ma-download eh ang bagal pa.
Makakapanood na rin ng short videos at mahilig ako sa mga nakakatawa. Sa kinakaharap ko ba naman ay iyon na lang ang nakakapagpatawa sa akin bukod sa kumita ako ng 500 pesos sa loob ng isang araw.
Sige lang ako sa pag scroll ng biglang may tumawag nang aking pansin. “Anak ni Senator Mondragon na si Victoria, nakitang may kasamang lalaki na gumagawa ng hindi kaaya aya?”
Sabi ng caption at wala naman sana akong paki doon dahil hindi ko kilala ang anak ng senador at wala rin akong paki sa pulitika. Pero ang tumawag ng aking pansin ay ang lalaking kasama ng babae at ang kanilang ginagawa.
Nasa hallway sila ng parang hotel at akala mo sila lang ang tao doon dahil sige ang kanilang paghahalikan. Nakasandal ang babae sa dingding habang ang kanyang mga binti ay nakapulupot naman sa baywang ng lalaki na sige ang paghimas doon. At hindi ako maaaring magkamali dahil kahit saan ko tignan at kahit outdated ang cellphone ko ay malinaw na malinaw na si Salvatore ang lalaking iyon.
Nakaramdam ako ng sobrang lungkot dahil akala ko ay ako lang ang– no, no. Ipinilig ko ang aking ulo upang tanggalin sa aking isipan ang kung ano mang pumapasok doon. Wala akong pakialam kung sino mang babae ang galawin niya ang pag pasasaan niya. Mabuti nga iyon dahil hindi na siya magtatangkang angkinin ako dahil nagagawa naman siyang mapaligaya ng iba.
Pero kahit anong pagpapalubag ko sa aking kalooban ay hindi pa rin mawala ang aking pagkainis. Naalala ko tuloy ang pag fill-out ko ng marriage application kanina lang. “Ano yon, gusto niyang makasal kami tapos may ibang babae pa siya?” yamot na sigaw ko sabay lapag ng aking cell phone sa kama. Hindi ko kayang ibato iyon dahil wala naman na akong trabaho kaya wala na akong pambili.
Sa sobrang inis ko ay nagdesisyon na lang akong matulog kahit na hindi pa ako nagla-lunch. Wala rin naman akong ganang kumain at sino naman ang magkakaroon matapos makita yon? Hindi ko alam kung sa sobrang inis or antok, pero nakatulog talaga ako. Nagising na lang ako ng may kamay na marahang humahaplos sa aking pisngi ngunit hinawi ko lang iyon at binalewala. Ilang beses pang ganon kaya naman dumilat na ako at mukha ni Salvatore ang nakita ko.
“Sabi ng mga tauhan ko ay hindi ka raw nag-lunch.” Parang ang sweet ng dating pero dahil sa napanood ko kanina ay inirapan ko lang siya at tinalikuran upang bumalik sa aking pagtulog. Ngunit nagalit yata ito sa ginawa ko dahil bigla niya akong hinila paharap sa kanya at iniupo. Sa liit ko at laki niya ay kayang kaya niya talagang buhat buhatin na lang ako na parang sako ng bigas. Baka nga mas mahirapan pa siya sa pagbuhat doon kaysa sa akin na kakapiranggot lang maliban sa aking dibdib.
“Don’t turn your back on me kapag kinakausap kita, Angel. Masyado yata akong naging mabait sa iyo kaya ginagawa mo kung ano ang gusto mong gawin kahit na alam mong ikagagalit ko.” Namumula ang kanyang mga mata at tsaka ko lang napansin na amoy alak siya. Uminom siya sa tanghaling tapat?
Magkaharap kami at nakatingala ako sa kanya habang nakayuko naman siya sa akin. Nakaupo na siya sa kama kaya naman mas amoy na amoy ko ang alak mula sa hininga niya. Pero hindi iyon naging dahilan upang hindi ko ilabas ang inis ko.
“At ano? Gusto mo salubungin kita ng bukas ang mga kamay pagkatapos mong magpakasaya doon sa babae mo matapos mo akong pa-fill out-in ng marriage application?” Kumunot ang kanyang noo matapos kong sabihin iyon.
“Sinong babae ang sinasabi mo? Don’t tell me nagseselos ka?”
“Bakit ako magseselos? Sino ka ba? Matanda ka na para pagselosan ko, ang dami dami diyan na pwedeng magkagusto sa akin na kasing edad ko!” Dire diretso ang bunganga ko sa pagsasalita at hindi na alintana ang mga salitang lumalabas sa aking bibig.
“Huwag na huwag mo akong tatakutin tungkol sa ibang lalaki, Angel. Sa lahat ng ayaw ko ay yung may ibang kumakalantare sa babaeng pag-aari ko.” Huli na ng mapansin ko ang pagtatagis ng kanyang mga bagang bago ako hiniklat palapit sa kanya at marahas na hinalikan.