Chapter 8

1702 Words
Angel Hindi ako nakagalaw at nanatili ang aking mga mata na nakatingin sa kanya habang patuloy siya sa pagsakop sa aking bibig. Marahas at mapagparusa iyon ngunit nagugustuhan ko, dahilan upang tugunin ko iyon na naging dahilan upang mas lumalim pa ang ginagawa niyang paghalik sa akin. Naramdaman kong umangat ang aking katawan mula sa kama bago ko naramdaman ang matigas niyang p*********i na tumutusok na sa aking kaselanan dahil nakakandong na ako sa kanya ng paharap. May sariling isip din ang aking mga kamay na humagod sa kanyang matipunong dibdib. Amoy na amoy ko ang alak na nagmumula sa kanyang hininga pero bakit hindi mabaho ang dating sa akin? Naramdaman ko ang bahagya niyang pagkagat kagat sa aking mga labi na ginaya ko rin. Ang mga kamay niya ay naramdaman ko na ring humahagod sa aking katawan na nagbibigay pa lalo ng kiliti sa akin. Tumigil kami sa paghahalikan ngunit nanatiling magkalapit ang aming mga mukha. Ang aming mga labi ay may ilang milimetro lamang ang layo sa isa't isa habang magkadikit ang tungki na aming mga ilong at magkahinang aming mga mata. Bahagyang nakaawang ang aking bibig, naghihintay na muli niyang sakupin iyon dahil gustong gusto ko ang pakiramdam ng hinahalikan niya. Bahagya rin akong nakaliyad at pilit na idinidikit sa kanya ang aking dibdib. Gusto kong maramdaman ko siya ng buong buo. Naramdaman ko ang pagbuga niya ng hangin bago nagsalita. “Huwag mo akong gagalitin, Angel. Hangga’t maaari ay iniiwasan kong mangyari iyon.” Tapos ay tumayo ito kasama ako tsaka niya ako inilapag sa kama at lumabas ng silid. Para akong tangang naiwan sa aking kinauupuan, hindi makapaniwala na ganun lang iyon. Kung kailan init na init na ako ay bigla niya akong iiwan. Kahit na nasa ganon na kaming tagpo ay nagawa niya pa ring tumigil at iwan ako. Bakit talaga ako naririto kung wala man lang pala akong kadating dating sa kanya? Napayuko ako para tingnan ang aking sarili. Nakalislis na ang aking t-shirt at hindi ko man lang napansin na nakalag na rin niya ang aking bra. Ramdam ko rin ang pamamasa ng aking p********e. Ganun ako kabilis na bumigay sa kanya at nakalimutan ang eksena sa video na napanood ko. Hiyang hiya ako sa sarili ko, hindi ko akalain na ganito pala akong klase ng babae na nadadala sa isang halik lang. Ito ba ang epekto ng mga pag-iwas ko sa mga lalaki noon? Dahil bago para sa akin ang binibigay niyang pakiramdam ay napakabilis kong naakit sa nakaliliyong sensasyong dulot ng pagdadaiti ng aming mga labi at balat. Natampal ko ang aking magkabilang pisngi. “Aray!” Napalakas yata. Pero okay lang, at least nagising ko ang sarili ko. No! Hindi ako pwedeng magpatangay sa kanya. Wala siyang maidudulot na maganda sa akin at mas lalong hindi niya ako kayang bigyan ng tahimik na buhay na siyang pinapangarap ko. Tumayo ako sa kama at pumunta sa bathroom upang maglinis ng sarili. Magtu-toothbrush na rin ako para naman mawala na ang lasa ng alak na ininom niya na kumapit na rin sa katawan ko. Pagkatapos ay nagpunta ako sa walk-in closet at nagpalit ng damit. Sinikap kong mawala ang ano mang bakas ng naganap sa amin kani kanina lang. Saktong kakaupo ko lang sa kama pagkatapos kong damputin ang aking cellphone ng biglang may kumatok. “Pasok,” sabi ko habang in-unlock ko ang aking cellphone. “Pinapatawag na po kayo ni Sir Tore sa dining hall.” Tumingin ako kay Naty at ngumiti tsaka tumango. Siya rin ang babaeng sumundo sa akin noong unang araw ko rito at kahit na hindi ito marunong ngumiti ay mabait naman ito. Lumakad na ako palabas ng silid at sinundan siya hanggang sa makarating kami sa dining hall kung saan naghihintay na si Salvatore. Wala si Mauro, siguro ay dahil Lampas na ang oras ng tanghalian. Naupo ako sa usual seat ko habang nakatuon lang ang aking mga mata sa lamesa at sa pagkaing nakahanda. Hindi nagdadasal ang kasama ko kaya naman ginawa ko na lang iyon ng tahimik bago nagsimulang kumain. Hindi ako umimik at nararamdaman kong nakasunod lang siya ng tingin sa akin. “Anong ginawa mo habang wala ako?” biglang tanong ni Salvatore. Bigla tuloy naudlot ang pagsubo ko ng pagkain na nakatapat na sa bibig ko. “Wala,” simpleng tugon ko ng hindi tumitingin sa kanya tsaka ipinagpatuloy ang pagsubo. “As in wala?” Naniniguro pa talaga eh wala naman akong magagawa talaga dito sa bahay niya. Gustuhin ko mang maglinis ay hindi rin pumapayag ang mga katulong niya dahil sa takot sa kanya. Hindi rin naman ako makapag libot sa paligid dahil sa mga lalaking tauhan niya. Mamaya ay mga adik pa ang mga iyon eh bigla na lang akong gahasain. Tumango ako bilang tugon habang nginunguya ang pagkaing kakasubo ko pa lang. Sana naman ay makahalata siya na ayaw ko ng kausap. “Sa uulitin ay ayaw kong malalaman na nagpapalipas ka ng gutom.” Tumango ulit ako sa kanya. Seriously, ngayon naman ay umaakto siyang tatay ko. “Ilang beses kong sasabihin na tumingin ka sa akin kapag kinakausap kita?” Galit ang tono niya kaya naman sinikap ko ng humarap sa kanya na hindi kababakasan ng kahit na anong ekspresyon. Nakatingin siya sa akin at napansin ko ang pagbuntong hininga niya kasabay ang pagbitaw sa mga kubyertos na hawak niya na tila nauubusan ng pasensya. Kinalas din niya ang dalawang butones ng suot niyang itim na long-sleeved tsaka ikinawit ang kanyang dalawang daliri sa leeg ng kanyang polo sa pangatlong butones na tila niluluwagan iyon upang makahinga siya ng maayos bago nagsalita ulit. “Kung may problema ka ay magsalita ka. Huwag kang manahimik diyan at pinaparamdam mo pa sa akin.” “Wala akong problema.” Simpleng sagot ko at hindi naman siya umimik pero nanatiling nakatingin sa akin. “Kung wala ka ng sasabihin, pwede ko na sigurong ibalik ang atensyon ko sa pagkain ko.” Nainis siguro ito dahil bigla siyang tumayo at ibinato ang pinggang nasa harapan niya matapos niya iyong damputin. Napapitlag ako sa gulat kasabay ng pagkaramdam ng takot kaya pinanatili ko ang aking paningin sa pagkaing nasa harapan ko. Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin bago ako iniwan. *** Tinapos ko ang pagkain ko ng araw na yon habang sinisikap kong hindi ipahalata ang takot ko. Pagkatapos din non ay hindi ko na siya pinansin ngunit sumasagot ako kapag kinakausap niya. Cold treatment ang ibinigay ko sa kanya lalo at hindi pa malinaw sa akin kung sino ang babaeng kasama niya sa video na napanood ko. Dalawang linggo pa ang lumipas at naging ganun ang aming setup. Halos hindi kami magkapangita dahil iniiwasan ko na rin siya maliban sa oras ng pagkain. Ngunit madalas siyang wala at tulog na ako kung umuwi kaya hindi naging mahirap sa akin ang hindi siya pansinin. Nag request ako kay Mauro na tawagan ako para makausap ko ang kapatid ko na ginawa naman niya at sa akin na siya tumatawag. Hindi ko alam kung talagang sinunod niya ako o dahil wala lang ang amo niya. Pwede naman sigurong magkasama na kaming magkapatid sa iisang bahay ngunit bakit kaya pinaghiwalay pa kami? Normal lang ang bawat maghapon na nasa kwarto lang ako hanggang sa gumabi na. Nakakaboring pero ano ang magagawa ko? Umalis si Salvatore noong isang araw at hindi pa bumabalik hanggang ngayon. Hindi naman sa nag-aalala ako, pero syempre hindi ko maiwasang mag-isip dahil kasama ko siya dito sa bahay. Kasalakuyan akong nagpapatuyo ng aking buhok gamit ang hair blower habang iniisip ko kung saang lupalop ito nagpunta ng biglang bumukas ang pintuan ng aming silid at pumasok si Salvatore na susuray suray. Lasing? Napailing ako ng magtama ang aming mga mata upang ipakita ang disgusto sa itsura niya ngunit ngumiti naman ito ng ubod tamis. Sigurado ako nakanganga ang bibig ko ng mga oras na ito. “Hi, baby..” nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Baby? Sino naman kaya ang nakikita niya sa katauhan ko ngayon? Sinong baby ang tinutukoy niya? “Galit ka pa rin, baby?” tanong niya habang papalapit ito sa akin. Kinuha ko ang hair brush matapos kong ilapag ang hair blower tsaka ako nagsuklay. Ayaw kong mag-alaga ng lasing dahil nababahuan ako. Kaya nga inis na inis ako sa tiyuhin ko sa tuwing umuuwi itong susuray suray tapos ang tiyahin ko naman ay akala mo dalagang kinikiliti ang tinggil na parang excited kapag tinutulungan siyang maglakad. Nagulat ako ng bigla na lang niya akong yapusin mula sa aking likuran kaya naman napatayo bigla. “Salvatore!” galit kong sigaw habang tinatanggal ang kanyang mga braso na nakapulupot sa akin. “Hmm, ang bango mo, baby.” Shutang ina… nakiliti ako sa paghalik niya sa leeg ko. Nanindig ang mga balahibo at parang gusto kong sumandal sa kanyang matipunong dibdib. Yan ay kung hindi niya ako tinawag na “baby” na sigurado akong kung sinong babaeng yon. “Bitawan mo ako, Salvatore ano ba?” “Huwag ka ng magalit baby..” “Anong pinagsasasabi mo? Hindi ako ang baby mo! Kung gusto mong humingi ng tawad sa kung sino man yon puntahan mo at huwag ako ang pag-practice-an mo!” “Wala naman akong ibang baby kung hindi ikaw. Baby Angel, I’m sorry.. Kausapin mo na ako..” Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Tama ba ang naririnig ko? “Ang bango mo, baby.. Miss na miss kita. Hindi mo lang alam kung gaano ko ng kagusto ang makauwi agad dahil baka makakita ka ng kasing edad mo.” Napatda ako sa sinasabi niya habang sige ang ginagawa niyang pagsimsim ng aking leeg. Ano ba naman ito, hindi ako prepared sa sinasabi niya pati na rin sa ginagawa niya. Sinubukan kong makakawala sa kanya ngunit grabe ang higpit ng pagkakapit niya sa kanyang kamay kaya naman kahit nakakulong ako ngayon sa kanyang mga braso ay hindi ako nasasaktan dahil hindi naman direktang sa akin siya nakakapit. “S-Salvatore..” hindi ko na napigilan ang hindi mapaungol ng maramdaman ko ang pagsipsip niya sa aking leeg. Nakakakiliti at kakaiba talaga ang sensasyong hatid noon sa buo kong pagkatao. Anong gagawin ko?

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD