Chapter 1
Angel
“Ikaw na babae ka, wala kang silbi!” galit na sigaw sa akin ni Tita Anacleta habang sabusabunot niya ako kaya naman hawak hawak ko rin ang kanyang kamay at nagsusumikap na makakawala sa mahigpit niyang pagkakahawak sa mahaba kong buhok.
“Tita please po, masakit...” ang umiiyak kong sabi habang sige pa rin siya sa pagsabunot niya sa akin.
“Sasama ka sa mga lalaking pupunta dito mamaya o si Angelo ang ibibigay ko sa kanila. Sabagay, lalaki ang kapatid mo, mas mapapakinabangan nila iyon kapag naturuan nilang manggulpi at pumatay ng tao, siguradong lalaking kriminal ang pinakamamahal mong kapatid.”
“Huwag po tita,ang bata bata pa po ni Angelo. Tsaka nangako po ako kila mama at papa na aalagaan ko at papalakihin siya ng wasto.” Hindi pwedeng hindi ako mangatwiran dahil ayaw ko namang bumangon sa hukay ang mga magulang ko o kaya naman ay multuhin ako dahil pinabyaan ko ang aming bunso.
“Hindi pa ba tapos yan? Kanina mo pa kinakausap eh hindi mo pa mapa-oo.” Napatingin kami pareho sa bagong dating kong tiyuhin, ang batugang asawa ng aking tiyahin tapos ay ako at si Angelo ang gustong magtrabaho para sa kanila.
“Nasaan na si Angelo?” tanong naman dito ng aking tiyahin kaya naman nagsalitan ako ng tingin sa kanialng dalawa.
“Anong ibig mong sabihin tita?” gulat kong tanong tsaka nagpumiglas ng husto kahit na ang sakit sa anit para lang makakawala ako sa pagkakasabunot niya na siya namang nangyari. Iyon nga lang, mukhang ilang libong hibla rin ng buhok ko ang naiwan sa kamay niya. “Nasaan ho ang kapatid ko?” tanong ko ulit ngunit sa tiyuhin ko na ako nakatingin ngayon.
Ngumisi pa muna ang batugan kong tiyuhin bago nagsalita. “Alam ko naman kasi na ganito ang mangyayari, kaya ayun, isinoga ko muna sa hindi mo matatagpuan. Pero kung papayag ka na ay syempre, kukuhanin ko siya ulit sa kung saan ko man siya iniwan.”
Napakasarap lamukusin ng pagmumukha ng hayop na matandang ito. Hindi ko alam kung bakit ito napangasawa ng aking tiyahin at kung ano ang nagustuhan niya sa lalaki, ni hindi nga ito gwapo pero patay na patay pa rin si Tita Anacleta sa kanya.
Mabuti na nga lang at hindi sila nagkaanak at baka naging kamukha pa niya. Ang lakas pa naman ng dugo ng pamilya niya dahil nakita ko na ang mga pamangkin niya na lahat ay kamukha ng kanyang mga kapatid na kamukha niya. Kung anong sama ng mga ugali ay higit pa ang sama ng hilatsa ng mga mukha nila.
“Sabihin niyo sa akin kung nasaan ang kapatid ko, tito. Huwag niyo namang idamay ang walang kamuang muang na si Angelo sa mga kawalanghiyaan niyo.”
“Abat–” sabi ng aking tiyahin bago niya ako binigyan ng malutong na sampal nangpapaling sa aking mukha sa kaliwa kaya naman hindi ko na rin napigilan ang mapaluha.
“Ikaw na walang utang na loob kang babae ka, wala kang karapatang pagsalitaan kami ng kahit na anong masasakit na salita dahil kami ang kumupkop sa iyo at sa kapatid mo!” galit na sabi naman ng aking tiyuhin na mabilis na nakalapit sa akin at sinabunutan din ako.
“Aray!” ang sakit sakit nadahil higit na mabigat ang kanyang kamay kumpara sa tiyahin ko. Hinila pa niya ang buhok ko kaya naibaluktot ko ang aking leeg upang maisunod ko ang aking ulo at ng kahit papaano ay mabawasan ang sakit. Ngunit kahit ganon ay ramdam ko pa rin na tila mapupunit ang anit ko sa sobrang lakas ng pagkakahila niya sa buhok ko.
Dalawang kamay na ang inihawak ko sa kamay niyang sumasabunot sa akin ngunit hindi pa rin ako makakawala.
“Wala kang karapatang sumagot sagot sa amin, naiintindihan mo?” Tapos ay pinagsasampal ako ng demonyo kong tiyuhin at manhid na ang pakiramdam ko sa aking mga pisngi na salitang tumanggap ng malapad na palad ng hayop na ito matapos niyang bitawan ang aking buhok.
“Ayan! Kakapalan ng pagmumukha mo! Matapos namin kayong buhaying magkapatid ay ito pa ang isusukli mo sa amin!” segunda naman ng tiyahin ko na natatawa pa.
“Tandaan mo ito, Angel. Kung hindi ka papayag na maibayad sa pinagkakautangan ko ay ikaw ang bahala. Pwede namang ang kapatid mo ang ibayad namin habang patuloy ka pa rin sa pagsisilbi sa amin. Tamang tama, nasa edad ka na, maganda, makinis, siguradong maraming mga parokyano sa bahay aliwan ang mag-aagawan para ma-i-book ka.” Nakangisi ang tiyuhin ko na parang demonyo. Na tila ba sinasabi niya na gusto niyang ganon nga ang mangyari at matikman ako.
“Hala, tama na iyan Romeo at baka dumating na si boss Mauro. Sabi ko sayong huwag mong sasaktan sa mukha eh, paano kung bumaba ang halaga niyan dahil sa mga pasang binigay mo?” Napasalampak ako sa sahig ng tuluyan akong bitawan ng demonyo kong tiyuhin.
“Tanga eh! ALam naman niyang wala siyang magagwa eh kung ano ano pa ang sinasabi. Sa igi igi at inunahan mo na at ipinaalam sa kanya ng mas maaga eh nag inarte pa.”
Sumalampak na sa lumang sofa ang hayop habang ang tiyahin ko naman ay tumabi dito bago binigyan ng masahe na akala mo ay napagod sa paghahanap buhay. Kung nakakamatay lang ang titig ay tumimbuwang na sila pareho.
Pero gaya ng sinabi ng hayop kong tiyuhin ay wala naman talaga akong magagawa. Ngayon ko napag-isip-isip kung bakit pa ako sinabihan ng tiyahin ko gayong wala naman akong choice.
“Ayusin mo yang mukha mo at baka hindi kita matantiya. Doon ka umarte sa pagdadalhan sayo at ng mas makita mo ang hinahanap mo.” Napatingin ako sa aking tiyahin ng marinig ko siyang nagsalita mula sa aking likuran. Nasa aking silid ako at nag-iimpake ng iilang piraso ng damit na mayroon ako.
Heto ako ngayon at nasa sasakyan ng lalaking nagngangalang Mauro na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Sa totoo lang ay natatakot ako sa kung ano ang mangyayari sa akin sa kung saan man ako dadalhin ng lalaking ito. Nasa harapan siya nakaupo katabi ng driver habang mag-isa naman ako sa likuran.
May isa pang sasakyan na nakabuntot sa aming sasakyan na kasamahan din nila. Feeling ko tuloy ay anak ako ng pulitiko o ng kung sino pa mang importanteng tao.
Huminto ang sinasakyan namin sa isang compound na napapalibutan ng mataas na konkretong pader na tila ayaw ipaalam sa mga nasa labas kung ano man ang nangyayari sa loob.
Inilibot ko ang aking paningin at napansin kong nasa tila malaking garahe kami at sa aking bandang kanan ay natatanaw ko ang malaking bahay. Ay mali, mansiyon pala dahil sa sobrang laki. Yung parteng itaas lang ang nakikita ko kaya nasabi kong malaki iyon. Ini-imagine ko na kung ilan kaya ang mga kwartong lilinisin ko kung sakali.
“Huwag kung saan saan tumitingin, halika at sumunod ka.” Napatingin ako ng biglang magsalita si Mauro. Gusto ko pa naman sanang makita pa ang paligid dahil sa sobrang laki ay mukhang masarap mag-ikot-ikot.
Sumunod ako sa lalaki ng magsimula itong lumakad at napansin kong naiwan lang ang driver pati na rin ang mga nasa isa pang sasakyan. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon habang naglalakad papasok sa loob ng tila malaking garahe nga.
“Parang awa mo na, hinding hindi na ako uulit.”Natulala ako ng mapatingin ako sa pinanggalingan ng tinig pagpasok na pagpasok namin sa malaking garahe. Sa bandang dulo ay nakita kong nakaluhod ang isang lalaki habang nagmamakaawa sa lalaking nakatayo sa harapan niya. Sa paligid nila ay may apat na lalaki ring nakatayo at pinapanood ang kanilang ginagawa.
Puro dugo ang mukha pati na rin ang damit ng nakaluhod, halatang halatang sobrang gulpi na ang inabot niya mula sa nakatayo na malaking lalaki at may malaki ring katawan na halatang halata kahit na nakasuot pa ito ng business suit. Habang ang kanang kamao niya ay nababalutan ng puting tela na punong puno na ng dugo na sigurado akong galing sa lalaking nakaluhod.
“No one double crosses me. Did you know why?” tanong ng lalaking nakatayo na may magandang tinig.
“P-please, p-please, may pamilya ako. May asawa at mga anak akong umaasa sa akin.” Pagmamakaawa pa ng nakaluhod.
“Problema na nilang nagkaroon sila ng amang kagaya mo.” Iyon lang at tumingin na ang lalaking nakatayo sa kanyang kanan na tumango naman bago binaril ang nakaluhod.
Napapitlag ako ng biglang umalingawngaw ang tatlong putok ng baril kasabay ang pagbagsak ng lalaking nakaluhod na wala ng buhay.
Nakanganga akong napatingin sa lalaking kanina ay nakatayo sa harapan ng lalaking namatay na ngayon ay nakatingin na sa akin na nakakunot ang noo. Bigla akong napaatras ng mapansin kong palapit na siya sa akin. Papatayin din ba niya ako?