Chapter 6

1318 Words
Angel Nanlalaki ang aking mga matang nakatingin sa kanyang mga mata na titig na titig din sa akin habang sige ang ginagawa niyang paghalik sa akin. Nakayuko na ito habang nararamdaman ko ang kanyang mga kamay na nakayapos sa aking baywang na naging dahilan upang halos kargahin na niya ako. Ang mga kamay ko ay nasa kanyang mga balikat at mahigpit na nakakapit na akala mo ay mahuhulog ako. Hindi niya inaalis ang pagkakatingin sa akin at ganun din naman ako habang pilit kong ginagaya ang ginagawa ng kanyang bibig sa akin. He’s my first kiss and aaminin ko, kahit na napakasama ng tingin ko sa kanya dahil nga isa siyang mamamatay tao ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na makaramdam ng kakaiba para sa kanya lalo na sa napaka eksperto niyang paghalik sa akin na tila gusto ko ng higit pa roon ang gawin namin. Ang tagal na magkahinang ang aming mga labi at tumigil lang ng kapwa na kami pangapusan ng hininga. “Siguraduhin mong matututunan mo ang humalik ng tama, Angel.” Bigla akong parang nabuhusan ng malamig na tubig at bigla ko siyang naitulak. Akala ko ay matutumba ako dahil sa aking ginawa ngunit nasa baywang ko pa rin ang mga kamay ni Tore na nakakapit sa akin na agad din niyang binitawan pagkatapos ay mabilis na akong nanakbo palabas ng kanyang opisina papunta sa living room, paakyat sa second floor hanggang sa marating ko na ang aming silid. Hinihingal na sumandal ako sa likod ng pintuan at tsaka ko sinabunutan ang aking sarili. “Anong nangyayari sayo Angel?” tanong ko sa sarili ko habang nakaturo ang aking daliri sa aking mukha. Nagpapadyak ako palakad papunta sa kama tsaka pabagsak na naupo. Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Dapat ay takot at galit ako sa lalaking iyon ngunit bakit parang may kakaiba sa akin? Hindi ko maitatanggi pero nagustuhan ko talaga! Bigla kong tinakpan ng aking dalawang palad ang aking mukha at tsaka ako sumubsob sa kama at nagpapagpag ng aking mga paa na tila bata. “Anong nangyayari sayo?” bigla akong napabalikwas ng bangon dahilan upang bumagsak ako sa sahig ng pabukaka bago ako biglang nakarinig ng pagsipol. Pagtingala ko ay nakatayo sa may pintuan ang damuhong lalaki at nakatingin sa akin bago niya isinara ang pintuan at sumandal doon tsaka humalukipkip. Hindi ako makatayo sa pagkakahiga dahil sa sakit ng aking balakang pero si Tore ay nakatayo pa rin sa pinto at prenteng prenteng nakatingin sa akin na ikiinataka ko dahil mukhang nag-e-enjoy ang loko. Umusok ang ilong ko sa galit ng mapagtanto kong sa pagitan ng aking mga hita ito nakatingin at naalala kong wala nga pala akong panty! Dali dali kong itinikom ang aking mga hita na nagpabaling ng tingin niya sa akin, I mean, sa mukha ko. “Ang damot mo naman,” sabi niyang tila nang-aasar. Hindi ako nakapagsalita dahil hindi dapat bagay sa kanya ang gumanon pero bakit ang pogi niya sa paningin ko? Nakita kong lumakad siyang palapit sa akin kaya naman sinikap kong matayo agad. Kaya lang ay malalaki ang mga hakbang niya kaya naman nabuhat na niya ako at nailapag sa kama bago pa ako nakahuma. “Sa pagkakaalam ko ay may kasamang underwear ang paperbag na binigay ko sayo.” “Bagong bili iyon at hindi pa nalalabhan paano kung mangati ang—” hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil sa hiya. “Kakamutin ko, sabihin mo lang.” “Bastos!” gulat kong sabi. “Bakit? Sabi mo baka mangati, ano namang masama kung kamutin ko?” Nakangisi ito kaya nainis ako. “Kaya kong kamutin ang sarili ko.” Tapos ay tinulak ko siya tsaka ako tumayo. Medyo masakit pa ang balakang ko pero ayos lang, basta ang mahalaga ay makalayo ako sa kanya at baka kung ano na naman ang mangyari at magpakamot nga ako sa kanya.. Ahhhh ano ba itong naiisip ko? *** Isang linggo ang matuling lumipas, nasa bahay pa rin ako ni Tore at balak na yata niya akong buruhin dahil ni minsan ay hindi man lang niya ako niyayang lumabas. Natatakot naman akong magsabi dahil nga ako’y alipin lang. Ang tanging nakakapagpalubag ng aking kalooban ay ang pagkakataong binibigay niya upang makausap ko ang aking kapatid na mukhang nasa maayos na kalagayan naman ayon na rin sa kanyang boses kagaya ngayon. “Ate, sabi ni Kuya Mauro ay sa ibang school na ako papasok ngayong pasukan. Ayaw na daw ni Kuya Salvatore na doon pa sa dati ako pumasok dahil malayo na dito sa tinitirhan ko.” Gusto kong tanungin kung nasaan siya kaya lang ay nag-aalala naman ako na magtanong din ito sa akin tapos ay hindi ko alam kung saan eksakto ako naroroon. Sa totoo lang ay nauna pa niyang nalaman na Salvatore ang tunay na pangalan ng lalaking kaharap ko ngayon kaysa sa akin. Hindi ko naman din siya tinatanong. Basta Tore lang ang alam ko dahil nga narinig kong tinawag siyang ganon ng babaeng ka chukchakchenesses niya. “Mag-aral ka ng maayos ha at lagi mong tatandaan na maging mabuting tao palagi kagaya ng sinasabi sa atin nila nanay noon.” Hindi ko kinakalimutang paalalahanan siya dahil iyan din ang bilin ng aming mga magulang noon. Isa pa, nasa poder siya ng mga taong halang ang bituka, baka mamaya ay turuan pa siya ng mga itong gumawa ng mali. Hindi ko nga alam kung paanong naging magkapatid ang nanay ko at si tita Anacleta gayong napakalayo ng ugali nila sa isa't isa. “Syempre naman ate, lagi kong tinatandaan yan.” Napangiti ako at nakahinga ng maluwag ng marinig ko ang sinabi niya. Tapos ay bigla akong napatingin kay Salvatore na nakatingin din sa akin na tila naiinip. “O sige na, tatawag na lang ako ulit.” Paalam ko na sa kapatid bago ko in-end ang call at tsaka inabot sa lalaki ang kanyang cellphone. “Tapos na?” tanong niya. “Hindi pa sana kaya lang mukhang inip na inip ka na.” Napansin kong huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. “Hindi ko naman kinukuha ah, nakatingin lang ako sayo.” “Ayun na nga, nakatingin ka. Paano naman kaming makakapag usap ng maayos ng kapatid ko kung naiisip kong any time eh bigla ka na lang magagalit?” “Ganyan ba ang tingin mo sa akin? Hindi mo ba napapansin ang haba ng pasensya ko sayo? Hinahayaan nga kitang gawin ang gusto mo, nakita mo naman regular mong nakakausap ang kapatid mo.” “Kausap ng nakakandong ako sayo. Ano naman sa tingin mo ang mapag-uusapan namin kung hindi ako komportable dito?” “Anong masama kung nakakandong ka sa akin? Bakit, may iba ka bang gustong kandungan?” Nakatiimbagang ito na parang pinipigilan niyang magalit na dapat ay ako ang siyang makaramdam non dahil sa sinabi niya. Ni wala nga akong tinignan na kahit na sinong lalaki noong malaya pa ako, ngayon pa kayang nakakulong na ako sa kanya? “Ang imposible mo, alam mo yon?” sabi ko bago ako sumubok tumayo mula sa pagkakakandong sa kanya. Pero kagaya ng lagi niyang ginagawa ay pinigilan niya ako. “Saan ka pupunta?” tanong niya. “Bukod dito at sa kwarto, may iba pa bang parte ng bahay mo ang pinupuntahan ko?” “Don’t be sarcastic, Angel. Sinabi ko na sayo na hinahabaan ko ang pasensya ko, kaya huwag mong sagarin.” “At ano ang gagawin mo kung maubos man yan, tatakutin mo akong sasaktan mo ang kapatid ko? Papatayin mo ako?” “Yes, Angel, papatayin kita.” Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. Nanindig ang aking balahibo at hindi ako nakakibo dahil sa takot. Pero biglang umunat ang aking likod ng ipasok niya ang kanyang kamay sa loob ng bestidang suot ko diretso sa aking p********e. “Papatayin kita sa sarap.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD