CHAPTER 18 "Kuya alam ko, sino ako? Hindi ko kailanman makakalimutan kong sino lang ako. Tinulungan mo lang naman ako para marating ko ang buhay ko ngayon pero kuya, hindi ang utang na loob ko sa'yo ang pinag-uusapan natin dito. Tungkol sa'yo, sa taong nagmamahal sa'yo at ako! Ako, kuya na nagmamalasakit ng sobra sa'yo. Napakasama na nang ginagawa mo! Kuya magkaroon ka naman ng pakiramdam!" Hindi pa natatapos si Boknoy ang mga dapat niyang sasabihin nang biglang nagpakawala ng isang malakas na suntok si Justine. Dumapo iyon sa panga ni Boknoy. Sa lakas niyon ay napaupo siya. "Justine ano ba! Anong kagaguhan ang ginawa mo?" singhal ni Liam. Mabilis siyang lumapit kay Boknoy. Inapuhap ni Boknoy ang bibig niya. May nasalat siya. Basa. Nang tignan niya ang palad niya ay nakita niyang ma