CHAPTER 17 Kitang-kita ni Janna ang halos sabay na pagkaputla ng dalawa at ang panlalaki ng kanilang mga mata. Sa nerbiyos na naramdaman ni Justine ay nakabasag siya ng baso at sa takot ni Liam na harapin siya ay mabilis din itong tumalikod at may balak umiwas. Ngunit mabilis ang pagkilos ng kaniyang mga paa. Bago nakahakbang si Liam palayo ay nahawakan na niya ito sa balikat. "Kung ayaw mong ipagsigawan ko ang kabaklaan mo dito, harapin mo ako. Pag-usapan nating tatlo ang kababuyang ginawa ninyo sa akin! Huwag kang duwag! Lumaban ka ng patas! Ahas!" mahina man iyon ngunit may diin. Halatang balot iyon ng matinding galit. "Janna, huwag dito, please!" si Justine. Halata sa mukha ang matinding takot sa multong kaniyang binuo. "Bumalik ka sa upuan mong gago ka! Matagal na akong nagtitimpi