bc

The Bodyguard (COMPLETED)

book_age18+
1.9K
FOLLOW
10.1K
READ
love-triangle
sex
opposites attract
drama
comedy
sweet
LGBT+ Patimpalak sa Pagsulat
bxb
bisexual
self discover
like
intro-logo
Blurb

THE BODYGUARD

Lumaki si Justine sa hirap. Pinagpapasa-pasahan siya ng mga kamag-anak para lang makatapos sa pag-aaral ngunit hindi isang kadugo ang itinuring sa kaniya kundi isang alila. Nagtiis siya para sa pangarap niya sa kaniyang mga magulang at kapatid. Gusto niyang maiahon sila sa hirap. Ngunit may madilim siyang nakaraan dahil sa pang-aabuso ng mga taong noong una ay pinagkatiwalaan niya. Ang masakit ay kung sino pa ang pinaghandugan niya ng respeto at tiwala ay sila yung gumawa ng hindi niya masikmura kaya sagad sa buto ang pagkamuhi niya sa mga katulad nila. Nabuo ang galit at hindi niya iyon nakakayanang kontrolin sa tuwing nakakakita siya ng mga alanganin.

Para sa kaniya, tagumpay na ding maituturing ang pagtatapos niya sa PNP lalo na nang nabigyan siya ng pagkakataong ipagtanggol at siguraduhin ang kaligtasan ng anak ng Pangulo ng Pilipinas. Ikakasal na siya sa kaniyang katipan na mahal na mahal niya. Abot kamay na niya ang pangarap na noon pa niya gustong makamit.

Ngunit paano kung ang inililigtas niya sa kapahamakan at siya niyang binabantayan para mapabuti nito ang kaniyang buhay ay katulad din pala ng mga taong umabuso sa kaniya noon? Paano niya buum-buong ibibigay ang kaniyang serbisyo? Paano niya pipigilan ang kaniyang nagwawalang damdamin?

chap-preview
Free preview
Ang PSG
CHAPTER 1 Siya si Justine. Ang palayaw niya sa kaniyang pamilya noong bata pa siya ay Usting ngunit sa mga kaibigan at kakilala niya ngayon ay siya si Jazz. Iba ang umagang iyon sa mga nagdaang umaga. Haharap kasi siya sa isang hamon na susubok sa kaniyang pagkatao at katatagan. Kaya kahit alas nuwebe pa ang kaniyang appointment ay gumising na siya ng 6 o'clock, hindi dahil sa excited siya kundi kinasanayan na talaga niya ang magising ng maaga. Kung tutuusin nga late na ang gising na iyon ng mga katulad niya. Minabuti na din niyang maligo dahil sigurado naman siyang hindi na siya muli pang dadalawin ng antok saka baka kung makatulog siyang muli ay ma-late pa siya na maaring ikasisira ng inalagaan niyang reputasyon sa trabaho. Pagkaligo niya ay nanginginig pa siyang pumasok dahil sa ginaw ng buga ng aircon sa kaniyang kuwarto. Nakasanayan na niyang pagmasdan ang hubad na katawan sa salamin bago niya isuot ang kaniyang PSG uniform. Ngunit hindi ang PSG uniform niya ang kinuha niya sa mga nakaayos na naka-hanger niyang damit. Isang light blue longsleeves at dark blue neck tie ang inilapag niya sa kama. Muli siyang bumalik sa harap ng salamin at tinanggal niya ang nakatapis niyang tuwalya. Brief na lang na puti ang tumatakip sa kaselanan niya. Sa edad niyang dalawampu't pito, maayos pa din ang pagkakahubog ng kaniyang katawan. Maumbok ang kaniyang dibdib at litaw ang kaniyang abs dahil na din sa disiplina sa katawan at pagkain. Sinipat niya sa salamin ang mukhang kinahuhumalingan na nang hindi niya mabilang na humahanga sa kaniyang hindi ordinaryong kaguwapuhan. Tama lang din ang tangkad niya sa laki ng kaniyang katawan. Huminga siya ng malalim. Habang pinagmamasdan niya ang kabuuan ay hindi niya mapigilang balikan ng alaala ang lahat. Sino ba ang makapagsasabi sa likod ng mala-adonis niyang kaguwapuhan ay dumaan sa hirap at pananamantala ng iba sa kaniyang kahinaan? Dahil sa pagiging mahirap ay naging kakambal na niya ang pang-aalila ng mga tinuturing niyang kadugo. Iyon ang mga alaala ng kaniyang kabataang pabalik-balik lang sa kaniyang isipan. Lumaki siya sa isang liblib na probinsiya ng Cagayan Valley. Pangatlo siya sa siyam na magkakapatid. Apat na lalaki at limang babae. Pagsasaka ang ikinabubuhay ng pamilya nila. Magsasakang walang sariling lupa ang tatay niya. Kaya kahit gaano kasipag ang kaniyang mga magulang ay masasabing salat sila sa kahit anong bagay. Hindi na nag-aral ang sinundan niyang dalawang kapatid dahil bukod sa malayo ang paaralan sa liblib nilang barangay ay salat din sila sa pangarap sa buhay. Bakit nga daw pa sila mag-aaral kung pagsasaka din lang naman ang kababagsakan? Ngunit iba siya sa kaniyang mga kapatid. May pangarap siya para sa buong pamilya. Nabuo ang pangarap na iyon, hindi lang dahil sa hirap na pinagdaanan kundi dahil na din may nakita siyang kapitbahay niya na gusto niyang pamarisan. Pulis sa Maynila ang kapitbahay nila at dahil doon ay unti-unting nakaraos ang pamilya nito sa probinsiya. Tulad nila, maralita lang din ang kapit-bahay nilang iyon ngunit naigapang nito ang pag-aaral dahil sa paninilbi sa mga nakakariwasa nilang kamag-anak. Walong taong gulang lang siya noon nang nagsimula siyang mangarap na baling-araw magiging isang magiting din siyang sundalo o pulis . Gusto niyang sundan ang yapak ng kanilang kapitbahay. Gusto din niyang umasenso at hindi habangbuhay na nabibilad sa araw habang nakalublob sa putikan. Hindi sa ikinakahiya niya ang ikinabubuhay ng kaniyang mga magulang kundi kung may iba pa namang paraan para guminhawa ang estado ng kanilang pamumuhay ay bakit hindi niya subukang tumahak ng ibang landasin tungo sa kaniyang pangarap. Kaya nga nang bakasyon na iyon at mag-grade 2 na siya at umuwi ang tiyuhin niyang may babuyan at panaderya malapit sa bayan ng Tuguegarao ay nabuhayan muli siya ng pag-asa. Naghahanap ang tiyuhin niyang binata pa na kapatid ng tatay niya ng makakatulong nito sa kaniyang babuyan dahil nauubos daw ang oras niya sa panaderya. Ayaw sumama ng mga kapatid niya kaya nagdesisyong magpahanap kay nanay ng kabaryo nilang puwede niyang isama sa bayan pagbalik. Dalawa ang kailangan niya at dahil sinabihan na ako nina Tatay na haggang Elementary lang ang kaya nilang maigapang sa pag-aaral ko kaya sinubukan kong kausapin si Nanay. Madaling araw palang iyon noon at gising na ang lahat para pumunta sa bukid. Aalis na din si Tito at hinihintay na lang niyang dumaan ang kaisa-isang jeep na parang Christmas tree sa dami ng pasahero. "Maaga pa ah! Bakit nagising ka na?" tanong ni Nanang habang nagpapainit ng tubig para sa kape ni tito. Nakakatikim lang sila ng masarap na ulam lalo na ang mga delata kung umuuwi ang tito niya. Ngunit madalang lang iyon. Minsan lang siguro sa dalawa o tatlong taon kahit ang biyahe lang mula sa bayan hanggang sa baryo nila ay humigit kumulang tatlong oras. Bukod kasi sa lubak-lubak na daan ay iisa lang din ang masasakyan. Walang kuryente, walang mapaglilibangan, walang nakikitang pag-aasenso. Kung hindi ka aalis doon, mabubuhay ka bilang magsasaka, mamatay kang magsasaka parin. "Puwede hong ako na lang ang sasama kay Tito 'Nay?" "Hindi mo pa kaya ang trabaho do'n anak. Pero tanungin mo ang tito mo kung gusto ka niyang isama." Halatang nilakasan ng nanay niya ang tinurang iyon. Sa dami nilang magkakapatid ay kahit mahirap sa isang ina na malayo ang anak ay nanaisin nitong mawalay ang anak kaysa sa kasama niyang magtitiis ang hirap at walang marating sa buhay. "Anong sasama, huwag muna. Hindi mo pa kaya ang sarili mo. Saka na lang kung magtapos ka ng elementarya. Hindi na kita pipigilan at ako na mismo ang kakausap sa tito mo na tulungan kang makatapo kung makatapos ka na sa Elementary." Makapangyarihang sinabi ng tatay niya nang pumasok ito dala ang lubid ng kanilang kalabaw. Tumingin siya sa Tito niya na noon ay nakikinig lang sa usapan. Hinihintay niyang Tito niya mismo ang magsabing kahit hindi na siya tutulong sa babuyan at panaderya nito ay handa siyang pag-aralin siya sa bayan dahil pamilya naman sila. Ngunit tagos ang tingin ng tito niya sa kaniya. Wala itong narinig. Kaya nga nang umalis ang tito niya nang umagang iyon na hindi siya kasama at nasa ibabaw na siya ng kalabaw ay umasa pa din siyang balang araw ay makakapunta din siya ng bayan at doon niya pipiliting makamit ang kaniyang pangarap. Dumaan pa ang ilang taon, lalong naging mahirap ang buhay. Alam niyang hindi na siya kayang itaguyod ng kaniyang mga magulang dahil hindi lang naman kasi siya ang pumapasok sa paaralan. Kahit ang mga iba pa niyang mga kapatid ay nagsisipag-aral na din. Kaya nagdesisyon siyang muling kausapin ang nanay niya kung puwede siyang makitira kina Tiya Dely niya na kapatid ng nanay niya, kapalit ng pagtulong-tulong nito sa gawaing bahay ay susuportahan siya sa kaniyang pag-aaral. Malapit lang kasi sa paaralan ang bahay ng Tiya Dely niya. Nakiusap nga ang Nanay niya na doon na muna siya tumira dahil nga sa mga magkakasunod na dumating na malakas na bagyo na siyang sumira sa pananim ng mga magsasaka, idagdad pa ang pagkakasakit ng panganay nila. Pumayag naman ang Tiya Dely niya basta kailangan daw tumulong siya sa mga trabahong bahay at sa carinderia tuwing Sabado at Linggo. Dahil kamag-anak, malayo sa isip niyo na alilain siya ng mga ito. Nang una, mabait naman ang Tiya Dely at ang tiyo at mga pinsan niya ngunit nang naglaon lumabas din ang kanilang masamang ugali. Ang Sabado at Linggo na dapat pagtulong niya sa carinderia ay naging araw-araw na. Kailangan niyang magising ng madaling araw para samahan niya ang Tiya Dely niya sa pamamalengke. Ang masaklap, sa edad niyang sampung taong gulang, pinapabitbit na siya ng mabibigat nilang pinamili. Madalas, nahuhuli siya sa pagpasok sa klase. Kahit sa tanghali, bago siya makapananghalian ay kailangan niya din munang tumulong sa pagseserve sa mga kakain at makapaghugas ng minsan sa mga pinggan samantalang ang mga pinsan niya ay naroon at katulong din kung ituring siya. Kahit nga tubig lang nila o kaya mga simpleng gawain sa bahay ay sa kanya lahat iniaasa. Pagdating niya sa hapon ay sa carinderia pa din siya didiretso at doon siya hanggang sa wala ng customer na kakain. Ang masaklap, wala na siyang panahon pa para mag-review. Sa mismong carinderia pa siya pinapatulog dahil kailangan daw may magbabantay o tatao doon sa gabi kasama ng kusinerong may katandaan na din. Ang matandang iyon ang siyang tanging nakakaalam kung paano siya tratuhin. Naawa man sa kaniya ang kusinero ngunit mahirap din lang ang matanda katulad niya at may sinusuportahan ding pamilya. Kahit may sakit siya ay wala silang pakundangan na utusan siya. Nagsabi siya ngunit pinalabas na nagdadahilan siya para makaiwas sa trabaho. Gumaling lang siya dahil sa gamot na ibinigay ng matandang kusinero. Mabuti pa ang ibang tao, nagagawang pagmalasakitan siya. Hindi lang pang-aalila ang ginagawa sa kaniya sa trabaho. Higit pa ang emosyonal na pagpapahirap sa kaniya. Sa harap kasi ng ibang mga tao ay sinisigawan siya ng asawa ng kaniyang Tiya at mga pinsan. Utos dito, utos diyan at kung nagkamali, may kasundo pang sipa o kaya pambubulyaw. Sa gabi napapaluha siya, naghahanap ng kalinga, ng pagmamahal. Oo nga't masarap ang mga pagkain, may ibinibigay silang baon niyang sampung piso araw-araw (ang sampung piso ng mga panahong iyon ay marami na din ang puwedeng mabili) ngunit parang hindi naman tao kung ituring siya. Naiinggit siya sa mga pinsan niya sa tuwing nakikita niya silang nagdidiwang sa kanilang mga birthday. May bagong mga damit, mga regalo na bubuksan, mga laruan at cake. Ni minsan hindi pa niya naranasang mag-birthday, ni hindi pa nga siya nakatanggap kahit isang regalo lang. Ang mga suot niya, iyon ang mga damit na di na kasya o kaya napaglumaan na ng mga pinsan niya. Kapag sumasapit noon ang pasko ay gustung-gusto niyang umuwi sa kanila dahil namimiss na niya ang kaniyang mga magulang at kapatid ngunit sinabihan siya ng Tiya Dely niya na kung babakasyon siya, wala na siyang babalikan pang trabaho. Hindi na siya muli pang tatanggapin doon at di na siya papag-aralin pa. Kaya kahit umiiyak siya sa gabi ay mas pinili nitong magtiis at gugulin ang mga bakasyon tulad ng pasko at iba pang mga araw na wala siyang pasok sa pagtulong sa kanilang carinderia. Tinitiis niya ang pagpapaalila. Masakit yung nakikita niyang masaya ang buong pamilya ng kamag-anak niya ngunit dahil katulong ang turing sa kaniya ay hindi siya naging bahagi ng pamilyang iyon. Bumubunot na lang siya ng malalim na hininga nang nakikita niyang nagbibigayan sila ng regalo sa pasko at siya ay naroon lang, nakatingin sa kanila habang ang mga pinsan niya ay nagbubukas ng kani-kanilang regalo at masayang-masaya. Pangalawang pasko na kasing ganoon ang sitwasyon. Noong nakaraang pasko sobrang sakit at kinaiinggitan niya ang mga ganoon ngunit nang sumunod na pasko, kinakaya na niya kahit papaano. Tahimik lang siya sa tabi at pangiti-ngiti kahit nakaramdam ng inggit at pagkaawa sa sarili. Ni hindi niya alam kung napapansin ba siya o sadyang pilit kinakalimutan. Kung sana binisita lang siya ng kaniyang nanay ngunit alam naman niya at sa edad niyang labindalawa noon ay naiintindihan na niya ang sitwasyon ng pamilya niya. Isa pa sigurado din naman siya na abala sila sa bukid at mas humirap na nga din ang kanilang buhay dahil sa tumitinding sakit ng kuya niya. Hindi na lang pagkain at baon ng mga kapatid niya ang iniisip ng kaniyang mga magulang kundi ang mga gamot na din ng kuya niya. Dumadalaw man ang nanay niya doon ngunit iyon ay kung hihiram lang siya ng pera at sa tuwing kinakausap siya ng nanay niya ay pinipilit niyang maging masaya para mapagtakpan lang ang hirap na kaniyang pinagdadaanan. Alam niya kasing kung magsabi siya ng totoo, paniguradong iuuwi na siya ng nanay niya at malabo nang makapagtapos pa siya sa kaniyang pag-aaral. Ang masaklap lang, paniguradong kapag ganoong uuwi na ang nanay niya ay saka sa kaniya ibubunton ng kaniyang Tiyo na asawa ng Tiya Dely niya ang inis at galit. "'Yan, mahirap pa kayo sa daga kaya sa amin na lang kayo laging umaasa. Punum-puno na ako sa walang tigil ninyong panghuthot sa amin. Kulang pa ang pinagtrabahuan mo sa mga hinihiram ng nanay mo sa amin kaya doblehin mong magsipag. Kulang na na lang ibenta ka nila sa amin. Aba, hindi madaling kumita ng pera. Palibhasa kasi mga patay-gutom!" Nang una, nasasaktan siyang marinig ang patutsadang iyong ng Tiyo niya ngunit nang naglaon, tinanggap na lang niya. Hindi dahil nasanay na siya kundi iyon naman talaga ang totoo. Mahirap lang sila at wala naman siyang puwedeng ipagmalaki. Ngunit darating din ang araw na aangat siya. Hindi nga lang niya alam kung paano ngunit umaasa siyang giginhawa din ang buhay nila. Kahit mahirap sila ay dama niya ang kahalagahan at pagmamahalan nilang pamilya. Kahit salat ang kanilang hapag-kainan sa Noche Buena ay siguradong lahat naman sila ay nagbabahagian ng pagmamahal at matutulog na may ngiti sa labi. Iyon na lang kasi ang mayroon sila, ang pagmamalasakit at pagmamahal nila sa isa't isa bilang pamilya. Hindi nagkulang ang nanay niya sa pagtanong kung maayos lang ba ang kalagayan niya at kung hindi ba siya nahihirapan pero alam niyang walang mabuting maidudulot ang pagsusumbong niya. Siya ang mawawalan. Siya ang madedehado. Kaya kahit anong pagod, hirap at pang-iinsulto sa kaniyang pagkatao at buong pamilya ang naririnig niya ay kakayanin niyang magtiis. Kaya nga para hindi na siya lulunurin ng lungkot at inggit sa nakikita niyang saya ng mga pinsan niya sa mga natanggap nilang mga regalo ay sinikap niyang balikan ng alaala ang sarili niyang pamilya. Ang malulutong na tawanan nila noong kasama pa niya ang pamilya niya. Iba na kasi ang sitwasyon noong naging alila na siya ng mismong kamag-anak niya. Hinubaran na kasi siya ng karapatang magsaya at ang tanging bumubuhay na lang sa kaniya ay ang kaniyang pangarap at pag-asa. Doon na lang siya humuhugot ngayon ng lakas. Tumayo siya. Maluha-luha na siyang umalis noon sa nagkakasiyahang mga kamag-anak niya. Nagdesisyon siyang matutulog na lang nang habulin siya ng pinsan niyang sa Maynila nagtatrabaho at noong paskong iyon lang din nakauwi dahil bihira lang nga ito magbakasyon. Siya ay si Kuya Paul niya. "O insan, hindi mo na ba hihintayin na mag-alas dose?" tanong nito noon. "Gigising na lang ho kuya kung tapos na kayong kumain para hugasan ko ang mga pinagkainan ninyo at magligpit." Nahihiya niyang tugon. "Ano? Halika nga at mag-usap tayo." Hinila siya sa harap ng carinderia kung saan may upuan doon. Maingay ang paligid. Nagkakasiyahan ang mga bawat tahanan ngunit naroon siya't naluluha. Pinunasan niya ang kaniyang luha at napansin iyon ng Kuya Paul niya. "Inaalila ka ba dito sa bahay insan?" "Hindi ho kuya." "Huwag kang magsinungaling. Dalawang araw palang ako dito pero napansin ko ang trato nila sa'yo." "Wala ho 'yun kuya. Ayos lang po 'yun." Pinilit niyang pigilan ang sariling mapahikbi. "Hindi ayos 'yun sa akin. Bukas na bukas, umuwi ka na." "Ho? Hindi ho puwede kuya. Magagalit ang Mama at Papa mo. Mawawalan ho ako ng trabaho. Titigil ako sa pag-aaral ko." "Ako ang bahala sa kanila insan. Kailangan mong gugulin ang bakasyon mo sa pasko kasama ang mga kapatid mo at sina Tito at Tita. Heto, may pasalubong at regalo din ako sa'yo." Iniabot ng kuya Paul niya ang regalo nito. Nahihiya at nagdadalawang isip siya kung tatanggapin niya iyon. Sa tanang buhay nito, ngayon lang siya nakatanggap ng ganoong regalo at pagpapahalaga ng isang kamag-anak. "Buksan mo, bilis!" nakatawa pang sinabi ng Kuya Paul niya sabay ang pag-akbay sa kaniya. Nakangiti din siyang sumunod at nang mabuksan niya iyon ay nagulat siya nang makita niyang bagong sapatos at t-shirt ang laman no'n. Hindi niya alam kung paano siya magpasalamat. Bigla na lang umagos ang luha nito sa kaniyang pisngi habang nakatingin siya kay Kuya Paul niya. "Oh, bakit ka umiiyak pa din insan?" "Ngayon lang ho kasi ako magkakaroon ng bagong damit at sapatos kuya. Salamat po." Garalgal ang boses niya. "Huwag ka ngang parang iba sa akin. Sige na, isuot mo na at makita natin kung kasya ang sapatos mo?" "Sandali lang ho at huhugasan ko pa ang mga paa ko. Mahirap na kasing madumihan eh." "Huwag na, tatagal pa. Bukas mo na lang din isuot 'yan saka sigurado akong kasya mo 'yan kasi bago ako bumili niyan ay sinukat ko muna yung sira-sira mo nang tsinelas kaya ito ang kapalit ng tsinelas mo." Inabutan siya ng bagong tsinelas at lalo lang bumalon ang kaniyang luha. "Bukas pag-uwi mo isuot mo 'yan ha? Saka may mga damit pa doon na itinabi ko na iuuwi mo sa inyo. May mga sapatos at tsinelas na pasalubong mo sa mga kapatid mo." "Talaga ho?" nanlaki ang kaniyang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig. Sa totoo lang, mas gusto talaga niyang bigyan ang mga kapatid niya kaysa sa magkaroon siya. Uunahin at uunahin pa din niya ang para sa pamilya bago ang sarili niya kaya nang narinig niya iyon ay bigla na langs iyang napayakap sa kuya Paul niya. "Salamat sa kabaitan mo kuya. Napakabait mo po." "Wala 'yun. Pamilya tayo e. Saka bibigyan kita ng pera. Alam kong magkakasya na hanggang sa makatapos ka ng Grade 6. Nakausap ko kasi ang cook nina Mama at sinabi sa akin ang lahat-lahat. Masakit sa aking malaman na mismong pamilya ko ang umaalila sa'yo kaya bilang pamasko ko, bukas na bukas malaya ka na at ang perang ibibigay ko ay gagamitin mo para makatapos ka ng Grade 6, okey?" Hindi na niya napigilan ang sarili. Ang kanina'y tahimik niyang pagluha ay nauwi sa paghikbi na may kasamang tawa. Iyon ang pinakamasayang pasko ng kaniyang buhay. Tumunog ang cellphone niya. Napakislot siya. Si Janna ang nagtext. "Good morning Hon, see you at lunch. Good luck sa new designation mo. Love u." "Thanks Hon. See u at lunch." Reply niya. Si Janna. Malaki ang bahagi ni Janna at ang pamilya nito sa kaniyang tagumpay. Huminga siya ng malalim. Inilapag niyang muli ang cellphone niya sa tabi ng laptop saka niya kinuha ang nakasabit niyang pantalon. Isinuot niya iyon habang nakaharap sa salamin na di muna inilalagay ang butones. Ilang hakbang lang ang layo ng kama sa kinatatalungkuan niya kung saan niya inilatag ang kaniyang longsleeves. Muli niyang pinagmasdan ang isusuot niya. Ngayon ay parang nagdadalawang isip na siya kung iyon ang susuotin niya dahil itim pala ang suit na ipapatong niya doon. Ngayon niya higit na kailangan ang opinyon ng girlfriend niya. Hindi siya sigurado sa magiging kalalabasan pero mukhang okey naman siguro, naisip niya. Ngunit minabuti niyang ibalik na lang sa hanger ang kinuha niyang light blue na longsleeve niya at mag-stick sa common. White longsleeve, black neck tie and suit. Simple ngunit elegante. Isinuot niya ang puting longsleeve sa harap ng salamin ngunit hindi na muna niya ipinapasok ang mga butones nito. Hindi kasi niya maiwasang muling pagmasdan ang repleksiyon niya sa salamin. Hinaplos niya ang kaniyang maskuladong katawan pataas hanggang sa kaniyang mukha, sa nakakahumaling niyang kaguwapuhan. Hindi niya alam kung kailangan ba niyang magpasalamat na biniyayaan siya ng Diyos ng mala-Adonis na kahubdan o kamumuhian niya kung anong meron siya. Dahil kasi sa hitsurang iyon ay may mga masasakit siyang karanasan sa kaniyang kabataang pilit niyang kinakalimutan ngunit sa tuwing nakikita niya ang kakisigan niyang iyon sa harap ng salamin ay bumabalik ang lahat, kahit halos labinlimang-taon na ang nakakaraan. Labintatlong-taong gulang lang siya noon. Matutupad na din ang pangarap niyang makapag-aral sa bayan sa tulong ng kaniyang Tito. Nang mga unang araw ay nagiging maayos naman ang pakikitungo ng tito niya sa kaniya ngunit may napapansin lang siyang kakaiba sa mga titig nito sa kaniya lalo na kung hubad siya ng t-shirt at pawisan siya habang abala sa paglilinis sa kulungan ng mga alaga niyang baboy. Hindi niya iyon binigyan ng kahit anong malisya. Para sa kaniya, wala naman kasing masama kung tumititig ang ibang tao sa kaniya. Doon sa babuyan na iyon ay may tatlong maliit na kuwarto katabi ng mga kulungan na siyang nagsilbing tulugan nilang mga nag-aalaga ng baboy. Nang una hindi niya masikmura ang baho ng dumi ng mga baboy ngunit tinanggap na lang niya na iyon na ang magiging buhay niya kung gusto niya talagang makatapos ng pag-aaral. Naniniwala kasi siya na pansamantala lang naman siguro ang lahat. Kung magsisimula na ang pasukan ay doon na mismo sa bahay ng Tito niya siya patitirahin. Sana iba ang tito niya sa iba nilang kamag-anak na siyang tinirhan niya noong Grade 4 pa lang siya. Sana katulad siya ng Kuya Paul niyang may mabuting kalooban. Nasaan na kaya ang pinsan niyang iyon? Huli na niyang nakita at nakausap noong paskong iyon. Magdadalawam-buwan na siya noong naninilbi sa Tito niya at ilang araw na lang magsisimula na ang klase nila pero doon pa din siya siya nakatira sa masikip, mainit at mabahong kuwartong iyon. Ngunit kumakain din naman sila ng sapat at kung nalinis na nila ang kulungan at napakain ang mga baboy ay wala na silang trabaho pa. Siya lang naman ang kusang pumupunta sa bakery para tumulong dahil gusto niyang makita siya ng Tito niya na nagpupursigi. Doon sa bakery ay nahuhuli pa din niya ang madalas na pagkakatitig sa kaniya ng Tito niya. Tulad ng nakagawian niya, patay-malisya lang ang lahat. Sa gabing iyon ay bumuhos ang ulan at dahil maginaw at pagod ay mabilis siyang nakaidlip dahil sa pagod. Ngunit kaiidlip lang niya nang napabalikwas siya dahil naramdaman niyang parang may magaspang na palad na dumantay sa mura at patpatin niyang katawan. Ibinababa ng estrangherong iyon ang kaniyang suot na lumang shorts. Pinilit niyang kilalanin kung sino ang pumasok na iyon sa masikip at maalinsangan niyang kuwarto malapit sa kulungan ng mga alaga niyang baboy. Sa tulong ng pumapasok na sinag ng ilaw sa nakasiwang na bintana ay namukhaan niya ang lalaking iyon. "Tito! Bakit ho! Ano hong ginagawa ninyo dito? Bakit ho ninyo ako hinuhubaran?" nanginginig niyang tanong. "Huwag kang magulo kung ayaw mong masaktan!" paanas iyon ngunit makapangyarihan. Naamoy niya ang amoy-alak na hininga ng kaniyang tiyuhin. "Bakit ho? Ano hong gagawin ninyo sa akin?" maluha-luhang niyang tanong. Sinikap niyang hawakan ang shorts niya para hindi ito tuluyang mahuhubad ng kaniyang tito ngunit walang nagawa ang kaniyang bubot na lakas. "Di ba gusto mong pag-aralin kita? Sandali lang 'to. Patatapusin kita kahit anong gusto mong kurso basta atin lang 'to. Pagbibigyan mo ako sa tuwing gusto ko at walang makakaalam sa munting lihim natin." Halatang jayok na hayok na ang tito niya. Malikot na ang mga mata nito at mga kamay. "Tito, pamangkin ninyo ako. Kapatid ninyo ang tatay ko. Ayaw ko ho!" sinikap niyang tumayo ngunit hinila ng Tito niya ang kaniyang mga paa kaya siya muling napaupo. "Tarantado ka ah! Gusto mo pang masaktan gago! Papag-aralin naman kita saka pinapakain at binubuhay tapos simpleng hiling ko di mo mapagbigyan! Anlaki na ng utang ng pamilya mo sa pagkakahospital ng kuya mo noon sa akin kaya kung tutuusin nabayaran na kita sa mga magulang mo!" "Tito maawa na ho kayo. Pamangkin ho ninhyo ako. Iiba na lang ho ang ipagawa ninyo sa akin, huwag ho sa paraang ganito..." pakiusap niya, nanginginig at napapaluha na siya. "Anong iba na lang tarantado e ito ang gusto ko!" kasunod iyon ng isang malakas na suntok sa kaniyang sikmura na sinundan ng isa pa sa kaniyang tagiliran. Dahil sa kahinaan sa pagiging bata ay napapasinghap na lang siya. Para lang siyang isang basang sisiw na padausdos na pumuwesto sa sulok ngunit hinila pa din siya ng Tito niya. Pinadapa siya. Umibabaw sa kanya ang nanginginig at nasa rurok ng makamundong pagnanasa ang tito niya kaya kahit anong gawin niyang pakikipag-usap, pakikipaglaban at pagwawala ay hindi niya nadadaig ang lakas nito. May kung anong ipinapasok sa kaniya nang nasipa ng tito niya ang short na suot niya. Isang hindi niya aakalain at masisikmurang bumubundol sa puwitan niya. Sisigaw sana siya ngunit tinakpan na ng Tito niya ang kaniyang bibig. Napakapit siya sa gilid ng kaniyang kama. Ramdam na ramdam niya yung sakit, yung pambababoy sa kaniya ng kaniyang tiyuhin ngunit wala siyang sapat na lakas para lumaban noon. Masaganang luha ang bumaybay sa kaniyang pisngi. Nabuo yung silakbo ng galit. Pinagsamantalahan siya ng inakala niyang makakapitan niya. Ginamit siya ng kaniyang Tito sa kaniyang kamunduhan. Hindi na niya hinintay pang maulit iyon. Sandali lang ang nangyari ngunit dala-dala niya ang galit na iyon hanggang ngayon. Sa tuwing naalala niya ang kahayupang ginawa sa kaniyang ng tito niya ng gabing iyon ay kumukulo ang dugo niya. Parang gusto niyang manakit. Gusto niyang maghiganti. Pagkatapos mangyari ang kahayupang iyon ng Tito niya ay kinuha niya lahat ang damit nniya. Sumuong sa lakas ng ulan. Nagtatakbo hanggang makarating sa bus station papunta ng Manila... Pinunasan niya ang luha sa kaniyang pisngi. Iyon lang naman kasi ang tanging nagagawa niya hanggang ngayon. Sa tuwing naaalala niya kasi ang nangyaring iyon ay nailalabas lang niya ang galit sa pamamagitan ng pagluha. Daman-dama kasi niya yung sakit na kung sino pa ang sana ay aasahan niyang kadugo na siyang tutulong sa kaniya sa mga oras na nasa kagipitan siya ay sila pa yung bumaboy at umalipusta sa kaniya. Muli siyang humugot ng malalim na hininga. Kailangan niyang ilabas ang poot sa dibdib. Ito na siya, ibang-iba na. Malayo na ang natahak niyang landas. Kailangan na sana niyang kalimutan ang mapait na mga nakaraan. Dahan-dahan na niyang inilagay ang butones ng kaniyang longsleeve. Nang maitali niya ang kaniyang neck tie at nasuklay ang buhok ay nagwisik na siya ng mamahaling pabango na regalo sa kaniya ni Janna. Muli niyang binuksan ang aparador niya at kinuha ang isa sa mga suits niya. Isinuot niya iyon habang nakaharap sa salamin and that's it. He's ready to go! Ganoon siguro talaga kung likas ang kaguwapuhan. Walang arte sa mukha at katawan. Paglabas niya ng bahay ay sumakay na siya sa kaniyang kotse. Sinipat niya ang pambisig niyang orasan. Kung hindi siya maiipit sa biyahe ay siguradong mas maaga pa siya sa talagang usapan. Nang natapat siya sa traffic light ay binuksan niya ang pintuan ng kaniyang kotse. Natawa siya sa sarili nang ginawa niya iyon. Muli niyang isinara. Sa trabaho niya bilang PSG ng halos tatlong taon na ay parang kinasanayan na kasi niyang gawin iyon sa tuwing humihinto ang kanilang sinasakyan para laging handa at mabilis na makalabas para maprotektahan ang Pangulo ng Pilipinas. Dahil sa bilis ng kilos niya, talas ng mata at isip at pagmamahal sa bayan, siya ang kinausap ng Commanding Officer niya. Malaki ang respeto at utang na loob niya sa kanilang Deputy Group Commander kaya kahit ano ang hilingin nito ay hindi niya basta-basta mahihindian. Kaya nga nang sinabihan siya sa bago niyang assignment kahapon ay walang kahit anong pagtanggi. Kailangan niya iyong gawin dahil iyon ang tawag ng tungkulin. Nang nakarating siya sa Malakanyang ay nagdesisyon siyang dumiretso na lang sa Premier Guest House. Mahuhuli na siya sa appointment niya dahil inabutan pa din siya ng traffic kahit akala niya kanina ay napaaga pa ang alis niya sa kaniyang bahay. Ang Pangulo ng Pilipinas ang sadya niya nang umagang iyon. Ang dati ay isang alila, naglilinis sa mga kulungan ng baboy at boy sa isang carinderia, ngayon ay haharap sa Pangulo ng Pilipinas para sa isang trabahong may kinalaman sa anak nito. Dumiretso na muna siya sa reception para i-confirm ang kaniyang appointment at kung puwede na ba siyang pumasok sa Office of the President ngunit sinabi ng staff na kailangan lang niya munang umupo at maghintay ng ilan pang sandali dahil hindi pa natatapos ang naunang meeting. Pagkaatras niya para tunguhin ang mga bakanteng upuan ay naramdaman niyang may nabangga siya. "I'm sorry..." simpleng paghingi niya ng tawad sa hindi niya napansing dadaan sa likod niya ngunit hindi simpleng tao lang ang nabangga niyang iyon at hindi din lang simpleng bangga ang nangyari dahil nakita niyang natapon nang bahagya ang kahit may takip na kape galing sa starbucks na hawak ng First Son ay natapunan nang bahagya ang puti nitong longsleeves. Mabilis niyang inilabas ang panyo niya sa bulsa para punusan ang kapeng iyon na tumapon sa damit ng nakasalamin na anak ng pangulo. "I'm sorry sir, hindi ko ho sinasadya. Sorry talaga." Sunud-sunod niya paring paghingi ng paumanhin. Bago mailapat ni Justine ang kaniyang panyo sa puting damit ng kagalang-galang, guwapo, sopistikado at bata pang first son ay mabilis nitong tinabig ang kamay niya. Tuluyan nang binuksan ng First Son ang bahagyang bukas na take-out cup na kape na hawak niya saka niya mabilis na isinaboy din sa damit ni Justine. Nagulat siya sa sumunod na nangyaring iyon. Tumulo ang mainit na kape hanggang sa kaniyang pantalon at halos mapaso siya sa init ng kape na dumikit sa kaniyang katawan. Napakagat labi siya sa inis ngunit ano nga bang magagawa niya kundi pigilan ang sariling magalit. Alam niyang palaban at may kagaspangan ang ugali ng laki sa layaw na anak ng Presidente ngunit hindi niya lang napaghandaan na kaya niyang gawin iyon ng harap-harapan sa mismong office ng nirerespeto ng lahat na Daddy niya. "Okey, that's it. Paano patas na?" "Hindi ko ho sinadya yung pagkabangga ko sa inyo, sir." "But just the same, natapunan mo pa din ang damit ko, right?" "Yes, sir." "In that case, I just can't accept a simple sorry, kaya para patas, dapat maramdaman mo din yung naramdaman kon natapunan ng kape ang damit." sarkastiko niyang tinanggal ang salamin nito. Lalong lumabas ang kapogihan ng bata ngunit magaslaw ang ugaling First Son. Inilapit niya ang kaniyang bibig sa tainga ng nagulat na si Justine. Huli na para ilayo sana niya ang kaniyang mukha dahil narinig niya ang bulong nito. "Kung may reklamo ka, you can just hit me. Okey lang, pero hindi ako basta-basta di gaganti. Hihigitan ko ang lahat ng gagawin mo sa akin." maangas nitong bulong. Naamoy ni Justine ang amoy-alak na hininga na kung titignan ay aakalain ng lahat na isa itong napakabait at kapita-pitagang... binata? Binatilyo? "Looks are really deceiving," naisip ni Justine. "Hindi sir. Hindi ako gano'n. Kung gano'n kayo, iba ako." sagot ni Justine sa ibinulong sa kaniya kanina ng First Son. "Marunong akong rumespeto ng tao. Mas mataas man o mas mababa sa akin. Nirerespeto ko ho kayo sir, hindi dahil mas mataas kayo sa akin kundi bilang isang disente at sa tingin ko ay may pinag-aralang tao. Ngunit Sir, tulad ng pasensiya, nauubos din ang respeto. Kaya kung gusto niyang manatili ang respeto ng iba sa inyo, sana kahit katiting magkaroon din kayo no'n sa mga taong mas malayong mababa ang estado ng buhay sa inyo." Makahulugan niya iyong tinuran. Yumuko siya at pinagmasdan ang basa sa kape na kasuotan. Hindi sumagot ang anak ng Presidente ngunit binangga siya sa balikat sabay lingon nang may kasabay na nakakapikong ngiti. Huminga siya ng malalim, kailangan niyang pigilan ang kanina pa ay nagpupuyos niyang damdamin. "May Tissue kayo Ma'am?" tanong niya sa staff ng President. "Hindi pa naman tapos ang Presidente sa kausap niya kaya doon ka na lang sa CR maglinis ng katawan. Pasensiyahan mo na ang anak ng Presidente. Sakit ng ulo talaga 'yan sa pamilya at hindi na nila alam kung paano nila 'yan mapapatino." "Okey lang ho 'yun. Ilang taon na din akong nagsisilbi sa Pangulo bilang PSG kaya hindi na bago sa akin na ganoon nga talaga ang ugali nu'n." sagot niya. "Sige ho, bibilisan ko na lang na punasan at kahit patuyuin ng bahagya ang suot ko sa CR." Nakita niya ang isang PSG sa labas ng CR. Paniguradong naroon sa loob ang anak ng Presidente. Ngunit hindi siya yung umiiwas. Wala sa ugali niya ang umatras dahil sa hiya o takot. Pagkapasok niya sa CR ay naroon nga at nakahubad ng longsleeve at sando ang anak ng Presidente. Sa kalayuan ay may nakatayo pang isang PSG. Sa edad ng First Son na dalawampu, masasabing may hubog na din ang katawan nito. Malakas na panghila nito ang kaguwapuhan ng mukha at ang maputi at makinis na kutis. Dinaanan lang niya ito habang pinapatuyo nito ang katiting na natapunan ng kape na damit niya samantalang nang pagmasdan ni Justine ang natapong kape sa suot niya ay halos kalahati na nito ang kulay lupa na naikalat sa putim-puti niyang longsleeve. "Sinusundan mo ba ako?" maangas na tanong ng anak ng Presidente habang hinuhubad ni Justine ang kaniyang puting longsleeve. Minabuti niyang hindi na lang sagutin ang walang kuwentang tanong ng First Son. Itinapat niya sa faucet ang bahaging natapunan ng kape na longsleeve niya at sinubukan niyang kuskusin. Nagulat na lang siya nang maramdaman niya ang mainit-init na braso ng First Son na nakalapat sa braso niya. Pareho silang hubad ng pang-itaas habang nakaharap sa malaking salamin. Maputi ang first son, kayumanggi siya. Guwapo ang anak ng Presidente ngunit malakas ang appeal ni Justine. Lalaking-lalaki. Brusko. Nahuli pa ni Justine ang kunot na noo at diretsuhang pagkakatitig sa kaniya ng mukhang nang-aasar na anak ng Pangulo ngunit kibit-balikat lang niyang ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa. Kahit ano pa ang ipakita at maririnig niyang sasabihin nito ay hindi niya ito papatulan hanggang hindi magiging malinaw kung anong papel niya sa bagong trabahong iniaalok sa kaniya ng Presidente. Sa dinami-dami ng puwedeng aalukin, bakit kaya siya? May kinalaman kaya dito ang hilaw niyang father in law? Sana wala, kasi ayaw niyang gamitin ang connection para umangat. Sana nakita nila ang kaniyang mga achievements at iyon ang basehan kaya sa kaniya ibinibigay ang tungkuling ito. Naasiwa siya sa titig ng anak ng Presidente sa kaniyang mukha sa salamin kaya niya ito nilingon at inilayo niya ang pagkakalapat ng kanilang mga balikat. Hindi siya yung tipong nauunang nagbababa ng tingin. Wala pang tumatalo sa kaniya sa ganoon dahil kapag siya ang unang nagbaba ng tingin, ibig sabihin kasi no'n sa kaniya, siya yung napapasuko. Inihahalintulad ni Justine ito sa totoong buhay, kung sino ang unang sumuko, madalas iyon ang talo. Guwapo sa malapitan itong gagong ito. Naisip niya. Kung di lang masama ang ugali nito, paniguradong bida siya sa lahat ng tao kasi malapit sa puso ng mga Pilipino ang may hitsurang mga kilalang personalidad. Pasok na pasok sana siya kung di lang umaalingasaw ang sama ng ugali. At tama siya, ilang saglit lang ay anak ng Presidente ang unang yumuko habang matagal siyang nakipagtitigan dito. Hindi lang yumuko, tuluyan na rin siyang tinalikuran. Isinuot na nito ang natuyong longsleeve habang nakatalikod sa kaniya. "Nababakla ka siguro sa akin kaya ganyan ka makatingin ano?" banat uli ng First Son sa kaniya habang inaayos nito ang butones ng damit. Lumingon siya sa guard nito. Natawa kasi siya sa tinurang iyon ng First Son. Siya nababakla? Di lang pala ugali ang sira kundi pati ang ulo nito. Kilala siya ng PSG na naroon at nagbabantay sa First Son kaya naman sila pasikretong napangisi na lang. Kinamot niya ng ulo niya sabay ng pag-iling, pagkatapos ay walang imik na pinatuyo niya ang nabasa nitong damit. Isinusuot na niya ang kahit papaano ay natuyo na nang bahagya niyang longsleeve nang dumaan muli sa tabi niya ang anak ng Presidente at pasadya muli sana siyang bungguin sa balikat ngunit sa pagkakataong iyon, ginamit na niya ang talas ng kaniyang mata at pakiramdam kaya nang buong lakas sanang bungguin siya ngunit nakaiwas siya ay tuluyang nawalang ng panimbang ang First Son at halos mapasubsob ito sa sahig. Hindi niya napigilan ang sarili na tumawa. Mabilis na tumayo ang First Son at nilapitan niya si Justine sabay ang paghablot nito sa kaniyang kuwelyo. "Pinagtatawanan mo pa ako gago!" singhal niya at nakita niyang inambaan siya ng suntok. Kalma lang si Justine. Nakangiti pa nga siyang tumitig sa anak ng Presidente. Pang-asar lang lalo. Padadapuin na sana ng First Son ang kamao niya ngunit maagap na lumapit ang PSG para pigilan siya. "Don't touch me!" singhal nito. "And you!" Itinuro niya si Justine "Magkikita din tayo sa labas at sisiguraduhin kong hindi mo ako matatapatan!" "Ingat na lang next time po sir." Namumula niyang pinigilan ang sarili para hindi humagalpak ng tawa. Kahit papaano ay alam niyang nakaganti na din siya. Paglabas niya sa CR ay agad na siyang sinamahan ng Staff ng Pangulo sa loob dahil siya na lang daw ang hinihintay. Nang pumasok siya ay agad niyang nabungaran ang Pangulo at ang anak niyang nakaupo patalikod sa kaniya at nakaharap sa Daddy niya. "Good morning Sir President." Magiliw at masayahin niyang bati. "Good morning too, Mr. Sandoval." Hindi na binanggit ng Presidente ang kaniyang rank sa AFP at PSG dahil may usapan na sila tungkol doon ng Deputy Group Commander and Chief of Staff of the Presidential Security Group. Malinaw ang instruction sa kaniya at iyon lang ang dapat niyang sundin. Hindi din siya sumaludo sa kanilang Commander in Chief para maiwasan ang pagdududa ng kaniyang anak. Nakipagkamay siya sa pangulo. "Mr. Sandoval, this is my only son, Liam. Liam, this is Mr. Sandoval. He'll be in charge of you." "Ikaw?" galit na singhal nito. Itinaas ni Justine ang kaniyang palad para kamayan si Liam ngunit hindi ito tinanggap ng huli. "Dad! Is this a sort of joke?" "What joke? Mr. Sandoval here will supervise you in your immersion. We talked about this the other day. He wil be in charge of you and when the immersion is done, puwede mo nang gawin lahat ang gusto mong gawin." "But Dad, dito talaga sa taong ito? Siya ang magiging kasama ko sa kung saang lupalop ng Pilipinas ninyo ako ipapatapon?" "Look, when you asked me na walang PSG na bubuntot-buntot sa'yo sa immersion mo, pumayag naman ako. Kaya nga, pinakiusapan ko si Mr. Sandoval na samahan ka at tulungan sa immersion mo. Kung ano ang magiging final evaluation niya sa'yo, that's the only acceptable assessment that I would consider kaya kung ano ang ipagagawa niya ay kailangan mong gawin pero kung susuway ka, lalong hahaba ang immersion at hanggang hindi mo nagawang maayos ang pakikitungo mo sa ibang tao at tulungan sila sa mga pang-araw araw nilang gawain, then you will stay there. Remember, nakadepende kay Mr. Sandoval at mga magsasakang makakahalu-bilo mo ang freedom na hinihingi mo sa akin. Kung sakaling magiging positive ang result nito, you can stay in the US as long as you want." "Dad, not to him. Hindi ko kayang pakisamahan ang katulad niya!" tumaas ang boses nito. "Why not?" "Basta!" "Basta? You know that I am not considering "basta" as a good justification. Bakit ba parang galit ka kay Mr. Sandoval?" "Sir, excuse me. Ako na lang ho ang magsasabi." Paghingi ni Justine ng pagkakataong magpaliwanag. "Yes, Mr. Sandoval. Anong bang nangyari?" "We had a short encounter outside at may kaunting bagay hong sa tingin ko ay kinainisan niya sa akin. But I assure you Sir President that he will be in a good hands po. Pangako ko ho 'yan Sir." "Then, I think that would be all! Everything is now settled. Okey son, mamayang gabi na ang alis ninyo. You can go ahead kasi may pag-uusapan pa kami ni Mr. Sandoval." Mahina ngunit makapangyarihang tugon ng Presidente. Tumayo si Liam. Nagngingit siya sa inis. Kung nakakasugat ang tingin ay kanina pa duguan si Justine. Kung alam lang sana ng Daddy niya kung bakit siya tumatanggi na si Justine ang makakasama niya. Kung sana alam lang niya ang kaniyang lihim na pinagdadaanan. Kilalanin si Liam at ang mga nakaraang bahagi ng kuwento ng ating mga bida sa susunod pang mga kabanata ng kanilang kuwento.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.5K
bc

NINONG III

read
386.2K
bc

NINONG II

read
631.7K
bc

OSCAR

read
237.4K
bc

The Sex Web

read
151.6K
bc

STEP-BROTHER (SPG)

read
2.4M
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
329.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook