THE IMMERSION CHAPTER 4

7383 Words
CHAPTER 4 "Sa kalabaw mo ako pasasakayin? Iyan ang sundo na pinagmamalaki mo sa akin?" tanong ng natatakot nang si Liam. "Oo, bakit ayaw mo?" Gusto na niyang maiyak. Kagabi pa siya pagod at hapon na muli ngunit nasa biyahe pa sila. At ngayon, sa kalabaw naman siya pasasakayin? "Anong pahirap itong ginagawa mo sa akin daddy! Bakit mo ako pinaparusahan ng ganito?" naupo siya saka niya pinakawalan ang masaganang luha. Di na niya kasi kayang pigilan ang sarili. Dahan-dahang umupo si Justine sa harap niya. Sa totoo lang, parang kinukurot ang puso niya sa nakita niyang pagtulo ng luha ni Liam. Siya na sanay na sa biyahe ay masakit na din ang kaniyang katawan, idagdag pa ang magkakahalong pagkahapo, pagkapuyat at pagkahilo niyang nararamdaman. Itinaas niya ang kaniyang kamay para tapikin sana ang likod ni Liam. Gusto niyang palakasin ang loob nito ngunit bago lumapat ang kamay nito sa likod ni Liam ay binawi niya. Huminga siya ng malalim. Hindi siya dapat padadala sa awa. Kailangan ni Liam na mabuhay sa realidad ng buhay para mailabas ang kabutihan nitong nakatago. Kung ang pagpapahirap lang ang tanging paraan para magising siya sa katotohanan sa mga sinasayang niyang pagkakataon at para magbago ang magaspang nitong pag-uugali ay handa siyang magiging masama sa mga mata nito. "Puwede ka namang mamili sir, sasakay sa kalabaw o maglakad sa putik." "Gusto ko nang umuwi." puno ng luha ang mga mata ni Liam habang nakatingin sa kaniya. "Ganoon ka ba kahina? Sa ganito ka lang susuko? Aba sir! Nasaan yung yabang mo sa Malakanyang? Sa ipinapakita mo ngayon sa akin ay daig ka pa ng isang binabae. Kung matapang ka, kung tunay kang lalaki, dapat kinakaya mo yung mga ganito at hindi yung sumusuko ka sa biyahe pa lang? Iyon ba ang gusto mong ibalita sa Daddy mo pagbalik natin? Iyon ba ang gusto mong patunayan?" malakas na tinuran ni Justine. Nasaktan siya sa narinig ni Liam na iyon kay Justine. Iba ang dating sa kanya sa sinabi nitong daig pa siya ng isang binabae. Huminga siya ng malalim. Pinunasan nito ang luha sa kaniyang pisngi saka siya tumayo. Tumingin siya sa mga mata ni Justine. "Wala kang karapatang maliitin ang kakayahan ko. Siguro nga mahina ako sa mundong kinasanayan mo ngunit hindi ibig sabihin no'n na puwede mong laitin ang pagkatao ko. Wala pang ni isa ang nagsabi sa akin niyan." Abut-abot ang malalim na paghinga nito na halatang galit na galit na siya sa kaniyang narinig. "Hindi ba sabi mo, gusto mo ng umuwi? Ibig sabihin, gusto mo nang sumuko. Kanina pa sa sa Nueva Vizcaya at Tuguegarao, sinabi mo na sa akin na wala ng immersion, ta's ngayong ipamukha ko sa'yo ang kahinaan mo, saka mo sabihing wala akong karapatang sabihin iyon sa'yo?" "Oo, kasi kung magsalita ka parang kilalang-kilala mo ako. Saka puwede ba, kahit anong mangyari, hindi ako magiging mahirap o magsasaka. Nakatapos ako sa isang University sa US, may pera ang pamilya ko kahit pa hindi Presidente si Daddy, kaya sabihin mo nga sa akin kung anong puwedeng maitulong ng worthless immersion na ito sa akin?" "Maari ngang walang maitulong sa'yo, sa career mo, kasi nga mataas ka, tinitingala, ngunit Liam, wala ba kayong puso o awa na ibahagi ang kahit katiting na bahagi ng oras ninyo sa mga magsasakang pinagkakaitan ng atensiyon para sana maintindihan ng katulad mo ang buhay na pinagdadaanan nila? Kahit sana legacy mo lang para sa Presidente ng Pilipinas ang ipamalas ninyo sa isang buwan. Isang buwan Liam ganoon lang kaiksi, mahirap bang gawin 'yun?" "Hindi ito ang buhay ko Justine! Hindi ito ang mundong pinangarap ko kaya kahit kailan, hindi ako magiging kagaya mo o kagaya nilang lahat dito! Walang dahilan para hayaan ko ang sarili kong maputikan!" mataas ang boses nitong tinuran. Napayuko si Boknoy sa mga narinig niyang sinabi ng anak ng Presidente. Ang kanina ay hinangaan niya ng husto. Nagkatinginan sila ni Justine. Nagpakawala ng malalim na hininga ang huli. Paano nga ba siya maiintindihan ng isang anak mayaman at malayo ang narating sa pag-aaral ang kaniyang sinasabi? Paano siya makikisama sa mga katulad niyang mahirap tulad ni Boknoy? "Liam, sandaling-sandali ka lang magiging mahirap, isang buwang yayakapin at pagdadaanan ang buhay namin at pagkatapos nito, balik ka na sa marangyang buhay at tama ka, hinding-hindi ka na muli pang mapuputikan samantalang 'yang si Buknoy o kaya mga dadatnan natin sa purok ay hanggang pangarap na lang ang makaahon sa hirap." Uminit ang paligid ng kaniyang mga mata. Alam niyang bibigay ang luha kung hindi niya ito pipigilan. "Marami sa kanila ang namatay na lang na hindi man lang nalasap ang marangyang buhay. Ngunit mas hanga ako sa kanila kaysa sa katulad ninyo sir Liam. Ngayon, kung gusto mong ipamukha sa akin na mali ako sa pagkakakilala ko sa'yo. Patunayan mong hindi ka duwag tulad ng kung anong tingin ko sa'yo ngayon. Huwag kang umastang daig pa ng bakla!" Lalong kumulo ang dugo ni Liam sa sinabing iyon ni Justine. Alam niyang ganoon siya, totoo iyon at tanggap niya nang bakla siya ngunit ang sabihin iyon ng katulad lang ni Justine, yung taong alam niyang mas mababa pa sa kaniya ay parang hindi niya iyon matanggap. Isang insulto sa kaniyang pagkatao. Kinuyom niya ang kaniyang mga palad. Sumasabog na ang dibdib niya sa galit. Tumalikod siya. Gusto niyang pigilan ang sarili ngunit hindi na niya kaya pa. Kasabay ng kaniyang paglingon ang pagpapakawala niya ng isang malakas na suntok sa panga ni Justine. Napaghandaan na ni Justine iyon. Sa katulad niyang PSG, alam na niya na gagawin iyon ni Liam ngunit pinili nitong huwag umilag. Hinayaan niyang ilabas ni Liam ang galit sa dibdib nito kahit pa ang kapalit no'n ay ang saktan siya. "Huwag na huwag na huwag mo akong sabihang daig pa ng bakla o tawaging bakla dahil..." "Dahil PSG lang ninyo ako? Dahil malayong mababa akong uri ng tao? Kaya malaya lang ninyong pagbuhatan ng kamay sa tuwing nagagalit kayo? Gano'n lang naman ang tingin ninyong lagi sa amin, hindi ba? Dahil salat, puwede lang saktan at titiklop kami kasi kayo yung nakakaangat. Sige, kulang pa ba? Suntukin mo pa ako hanggang mapagod ka at magsawa!" namumula ang mga mata ni Justine habang sinasabi niya iyon kasunod ng isang patak ng luha sa kaniyang pisngi ngunit mabilis niyang pinunasan gamit ang kaniyang palad. Dahan-dahang tumiklop ang mga palad ni Liam. Pinulot niya ang kaniyang bagahe. Punum-puno na kasi siya panliliit sa kaniya ni Justine. Kaya lang paano ba niya sisimulan ang lahat? Paano niya kakayanin ang ganitong hirap? May naisip na siyang dalawang paraan para susuko si Justine at ihahatid din siya sa Manila. Tama! Sa ngayon, dahil hapon na din at walang masasakyan ay wala na siyang magagawa pa kundi ang sumunod sa kagustuhan muna ni Justine. "Sir, ako na ho ang hahawak sa bagahe ninyo." Nahihiyang sinabi ni Boknoy sa kaniya. Iaabot na sana niya ang bag niya kay Boknoy ngunit nagsalita si Justine. "Hayaan mo siya Bok! Kaya na niya 'yan. Ito na lang mga bagahe ko ang dadalhin mo saka yung isang bagahe pa ng sir Liam mo. Hayaan mong siya ang humawak sa mamahalin niyang bag dahil mahirap nang mawalay sa kaniya iyan." Malakas na wika ni Justine. Sumunod naman kaagad si Boknoy sa sinabi ni Justine. Iniayos muna ni Boknoy ang mga dala niyang bagahe sa hila-hila ng kalabaw na "pangga"at sumakay na ito. "Kuya, paano 'yan, dalawang kalabaw lang ang nadala ko?" mahinang tanong ni Boknoy. "Okey lang, sige na mauna ka na at sabihin mo sa kanila na ipaghanda ng makakain ang bisita. Heto ang pera, pambili ninyo sa mga lulutuin. Alam ko kasing pagod, puyat at gutom 'yan kaya kung may mga narinig kang hindi maganda sa pandinnig na sinabi siya ay pagpasensiyahan mo na lang ha, Bok?" "Okey lang naman 'yun kuya Jazz. Wala ho 'yun. Nagkatay na pala si Nanang kanina ng native na manok saka may huli din ako ng isda kaninang umaga sa ilog, hindi ko na lang ipanabenta kay nanang para may dagdag ulam. Puwede na siguro 'yun." "Puwede na nga pero kunin mo parin ito. Baka kakailanganin ninyo sa sandaling pagtira namin sa inyo. Sige na mauna ka na at ako na ang bahala dito." Kahit ayaw tanggapin ni Boknoy ang pera ay inilagay pa din niya ito sa bulsa ng kaniyang butas-butas na pantalon. Bago umalis ni Boknoy ay hinubad na niya ang sapatos niya saka niya inilagay iyon sa kariton na hila ng kalabaw. Itinaas niya ang laylayan ng pantalon niya at lumapit kay Liam habang hila na niya ang isang kalabaw. "Ano, nakapagdesisyon ka na ba? Lalakad diyan sa putikan o sasakay sa kalabaw?" "Sasakay ako pero ako lang. ikaw ang maglakad sa putikan." Nakangising sagot ni Liam. "Okey, kung iyon ang gusto mo kamahalan!" sarkastikong sagot ni Justine. Inilapit niya ang kalabaw kay Liam. Pinagpapawisan na si Liam noon dahil sa totoo lang, hindi pa siya nakakaranas sumakay ng kalabaw o kahit ng kabayo dahil takot siyang mahulog. Ngunit ayaw na niyang pagtawanan pa o maliitin siya ni Justine. Nandidiri din naman kasi siya sa putik lalo na nang makita niyang huminto ng bahagya ang kalabaw na sinakyan ni Boknoy at doon sa putikang iyon na lang nagdumi. "Hawakan mo muna ang bag ko at sasakay ako." Sa totoo lang mamahalin talaga ang bag niyang iyon. Kaya nga ingat na ingat siyang hindi ito maputikan. Nakangiting lumapit si Justine at hinawakan ang bag ni Liam. "Sigurado ka kaya mo?" "Tinatanong mo ako kung kaya ko? Sasakay lang ng kalabaw e. Ang hirap sa'yo masyado mo akong minamaliit." Pagmamalaki niya kahit hindi niya alam kung paano siya sasampa. Ni hindi niya alam kung ano ang hahawakan at kung paano niya aakyatin ang may kalakihang kalabaw. "Oh e di sige, kalabaw nga lang naman 'yan. Sumampa ka na." Nang una, natatakot siyang humawak sa kalabaw. Ngunit kailangan niyang patunayan ang sarili. Nagyabang na siya kaya kailangan niyang panindigan. Kaya lang, ang masaklap, hahawakan pa lang niya ang kalabaw ay bigla na itong gumalaw palayo sa kaniya. Nilingon niya ang napapakagat sa labi na si Justine sa pagpigil nito sa sarili niya para hindi matawa. Nakita kasi ni Justine ang nanginginig niyang mga kamay na humawak sa kalabaw. "Natatakot ka yata e! Sabihin mo lang at baka kailangan mo ang tulong ko." "Hindi na ako hihingi ng tulong sa'yo kahit kailan!" "Talaga lang ha! Sige, kung talagang kaya mo, sumakay ka na kasi mahirap kung gagabihin tayo sa daan. Malayo-layo pa ang pupuntahan natin." Humingi ng malalim si Liam. Paano ba kasi sakyan ang kalabaw na 'to? Muli niyang hinawakan ang kalabaw at dahil hawak na din ni Justine ang tali at nakita niyang alam na alam nito kung paano patahanin sa paggalaw ang kalabaw ay sinubukan na niyang sumampa. Kaya lang bigo pa din siya. Hindi niya kayang isampa ang mga paa at hanggang mga pabuwelong sampa lang at bumabalik din siya sa lupa lalo na kung gumagalaw ang kalabaw. Ayaw pa talaga nito ang nalalanghap niyang amoy putik na kalabaw. "Ano, kaya mo ba talagang sumampa o baka lulubog na ang araw ay di ka pa din nakakasakay?" Hindi siya sumagot. Huminga ng malalim. Alam na ni Justine ang ibig sabihin no'n. Kahit hindi aminin ni Liam, ramdam na niya ang sinasabi ng tingin at ikinikilos nito. "Halika ituturo ko sa'yo kung paano ang tamang pagsampa ng kalabaw. Nakikita mo ba yang bahaging iyan sa unahang bahagi ng paa ng kalabaw? Diyan mo ilalagay ang isang paa mo habang nakahawak ka na sa likod ng kalabaw. Pagkasampa mo diyan sa nakausling bahaging iyan ng katawan ng kalabaw ay saka mo isasampa ang isang paa mo." Tumango lang siya. Ginawa niya ang sinabing iyon ni Justine ngunit hindi lang basta nito itinuro sa kaniya, tinulungan na din siyang buhatin para makasampa na nang tuluyan. Nang nasa ibabaw na siya ng kalabaw ay problema na naman kung paano niya iyon palalakarin. "Ayaw mong samahan kita?" "Huwag na!" nakangiti nitong tinuran. "Ako sa harap at ikaw sa likod ko o puwede ding ikaw sa harap at ako sa likod para may tutulong sa'yo kung paano i-ga-guide ang paglakad ng kalabaw." Pakiusap ni Justine. Alam kasi niyang hindi lang basta sumampa kasa kalabaw ay kalabaw na ang bahala at alam na din nito kung saan ka niya dadalhin. "Hihirit ka pa, ayaw mo lang yata maputikan e. Akin na yung bag ko at baka maputikan mo lang. Mahal ang bag na 'yan." Iniabot ni Justine ang bag. Ipinuwesto nito ng maayos sa kaniyang balikat. Mabuti nga't yung bagahe niyang iba ay si Boknoy na ang nagdala. Bago ibinigay ni Justine ang tali ng kalabaw ay nagdesisyon siyang ituro kay Liam ang mga dapat niyang gawin. "Kung papalakarin mo ang kalabaw, iangat mo lang ang mga paa mo at dahan-dahang ipalo iyon sa tagiliran nito sabay sabi ng, "hing tsk tsk!" Ibig sabihin no'n aabante na. Kung pakanan, hilain mo ang taling ito sa kanan ganun din kung pakaliwa. Kung gusto mong pahintuin ang kalabaw, hilain mo ang taling ito sa gitna. Sabay sabi ng Ho." Paalala niya kay Liam. Sana hindi magluko ang kapatid ni Damulag. Alam kasi niyang may kalokohan din ang kalabaw na ito lalo na kung hindi tama ang paraan ni Liam sa pagbibigay ng kaniyang direksiyon. "Magkaangkas na lang kaya tayo at baka..." kasisimula pa lang sabihin iyon ni Justine ay sunud-sunod nang ipinalo ni Liam ang kaniyang paa sabay ng malakas niyang pagsabi ng "Hing Tsk Tsk!" Bumilis ang lakad ng kalabaw, dumiretso ito sa putikan at dahil doon, ninerbiyos si Liam. Hindi na niya alam ang gagawin. Ang kanina'y mabilis na paghakbang ng kalabaw ay naging pagtakbo. Sa mismong putikan na sila at nawala sa isip niya ang mga itunuro sa kaniya ni Justine kung paano ito pahihintuin. Lumakas ang kabog sa kaniyang dibdib. Lalo lang kasing nagiging matulin ang takbo ng kalabaw at nararamdaman niyang dahan-dahan na siyang babagsak sa putikan. Napapikit siya at sa isang iglap ay tuluyan na siyang nahulog. Inihanda na niya ang sarili na malulublob ang katawan sa putikan ngunit hindi iyon nangyari. Sa mga malalakas na bisig ni Justine siya nahulog. Tama, bago pa man siya nahulog ay nasalo na siya ni Justine. Nagkatitigan sila pagbukas niya ng kaniyang mga mata. Pinakawalan niya ang naipong hangin sa kaniyang dibdib dahil sa takot. Nang mahimasmasan ay saka siya nagsalita. "Bitiwan mo nga ako!" singhal niya. Mabilis niyang tinanggal ang nakapulupot niyang kamay sa leeg ni Justine. "Wala man lang bang thank you! Para ka talagang babae!" "Kung iinsultuhin mo din lang ako ng ganyan, sana hindi mo na lang ako tinulungan! Bitiwan mo ako!" siniko niya sa dibdib si Justine. "Sigurado ka?" "Oo!" "E, di bitiwan! Problema ba 'yun!" Pagkasabi niya no'n ay saka na lang niya binitiwan si Liam at sa putikan ito bumagsak. Ang bag na iniingatan niya, ang katawan niyang ayaw niyang maputikan, ngayon ay nakalublob na. "f**k you! s**t!" sigaw ni Liam habang nakalublob sa putik. Kumuha siya ng putik at ibinato ng ibinato iyon sa tumatawang si Justine. Mabilis namang umilag ang isa sa mga putik na pinagbabato sa kaniya hanggang sa napagod si Liam at kusa na din itong tumayo. "Damn you! f**k you!" Sunud-sunod pa din niyang pagmumura. "Ang bag ko! Putikan na ang LV ko!" mangiyak-ngiyak niyang sinabi. Sumampa si Justine sa kalabaw na huminto sa di kalayuan. Inilapit niya ang kalabaw kay Liam na noon ay nakalublob pa ang dalawang paa sa putik. "Ano, suko na? Wala ka pala eh! Kalabaw lang ha! Ano ngayon?" pang-aalaska ng namumula sa katatawang si Justine. "Maglakad na lang ako! Ayaw ko nang sumakay diyan lalo na kung kasama din lang naman kita 'no!" naiiritang wika ni Liam. "O, e di sige bahala ka! Sunod ka na lang sa dadaanan ng kalabaw para di ka maligaw." Pagkasabi ni Justine no'n ay agad na niyang pinalakad ang kalabaw. Ngunit hindi pala ganoon kadali ang maglakad sa putik lalo pa't may kalaliman iyon at suot pa niya ang kaniyang mamahaling sapatos. Puno ng putik ang katawan niya. Langhap niya nakakadiring amoy ng putik. Medyo may kayuan na si Justine at siya ay nakakatatlong hakbang palang. Lalamunin ba niya ang pride o pipiliing malublob sa putikan? Humakbang muli siya at nawalan siya ng panimbang kaya siya muling nadapa sa putikan. "God! Daddy! Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito! Kung nakikita mo lang sana ngayon ang ginawa mo sa akin!" naluluha niyang sinabi sa sarili. Hirap siyang muling tumayo at pagkatayo niya ay nilamon na niya ang naiiwang pride! "Justineeee! Sige na! Panalo ka na! Sasakay na ako sa kalabaw kasama mo!" sigaw nito. Lumingon si Justine. Nakangiti itong bumalik sa kaniya. "Dami mo pa kasing arte. Pinahihirapan mo lang ang sarili mo. Sige na, iabot mo ang kamay mo para tulungan kitang sumampa." Wika nito nang maitabi niya ang kalabaw kay Liam. Inilahad niya ang kaniyang mga kamay. Inabot naman ni Liam ang kamay niya ngunit hindi napaghandaan ni Justine ang binabalak ng First Son. Isang malakas na paghila ang ginawa ni Liam dahilan para bumagsak din siya sa putikan. Ngunit dahil hindi sanay sa putikan si Liam ay natumba din siya sa mismong tabi ni Justine. Nakadapa si Justine sa kalahating bahagi ng katawan ni Liam. Halos maglapat ang kanilang mga mukha at naramdaman ni Liam ang katawan at bahaging iyon na nakalapat sa kaniyang balakang. Napalunok siya. Itinaas ni Justine ang kamay nito habang titig na titig siya kay Liam. Hindi din maialis ni Liam ang noon ay parang Adonis na kaguwapuhan ni Jutsine. Lumalapit ang mukha ni Justine sa kaniya. Hindi niya iyon inakala. Parang napakabilis naman yata. Ramdam niyang gumagalaw si Justine, pasampa sa kaniya at ang kanang kamay nito ay gumalaw sa malapit sa kaniyang batok. Wala na siyang pakialam kung nasa putikan sila. Iba kasi yung...ahhh! Hindi! Mali! "Nautakan mo ako ha! Sige, ganito pala gusto mo ha!" bulong ni Justine sa kaniya na lalo lang niyang kinasabikan. Nakapikit pa din siya. Naamoy na kasi nito ang hininga niya dahil magkalapit lang ang kanilang mga mukha. "Ito ang bagay sa'yo!" ikinalat ni Justine ang putik sa kaniyang kamay sa buong mukha ni Liam. "Iwwwwww! Yuck! Anong ginawa mo!" reklamo ni Liam. Dahil doon ay hindi din siya nagpatalo. Buong lakas niyang hinawi ang nakadagan sa kaniyang si Justine at mabilis din siyang kumuha ng putik at ipinunas iyon sa mukha nito hanggang sa nagpagulong-gulong sila sa putikan. Nauwi sa biruan hanggang sa nagtapos iyong ng tawanan na parang mga bata walang pakialam sa marumi nilang kinasadlakan. Walang gustong patalo. Nagpagulong-gulong pa din sila habang nakayakap si Liam kay Justine. Hanggang sa natigilan din sila. Huminto ang malakas nilang tawanan. Nawala ang ngiti sa labi ni Justine. May mali. "Sandali!" tinulak niya si Liam sa dibdib nito palayo sa kaniya. Si Liam din ay nahimasmasan. Bumangon si Justine at hindi na niya tinulungan si Liam na tumayo. Tumalikod. Walang imik niyang hinila ang kalabaw at tinungo ang pilapil. Huminga siya ng malalim. May kung anong galit na namuo sa kaniyang dibdib. Iba kasi yung naramdaman niyang huling ginawa ni Liam. May kakaiba at hindi nya nagugustuhan. Ang higpit ng yakap nito, yung kaniyang... Lintik na! Ngunit gusto niyang maniwala na hindi ganoon si Liam. Nagkakatuwaan lang sila kanina. Dapat nga masaya siya kasi kahit nandidiri ay sumabay din si Liam. Hindi niya dapat pinag-iisipan ng ganito ang anak ng Presidente. Wala sa hitsura nito ang pagiging gano'n. Sa kilos nito at pananalita, hindi siya katulad ng maling iniisip niya. Saka kay Liam na mismo galing, hindi siya bakla. May girlfriend nga ito e. Nahuhuli na niya ang kiliti ng First Son. Natuto na itong maglublob sa putikan at sa kaniya, isang achievement na sa nama muna iyon. Tumingin siya sa paligid. Nakita niyang may patubig sa bahaging iyon ng bukirin. Tinignan niya si Liam na noon ay hirap na hirap maglakad bitbit ang mamahalin nitong LV. Tumayo siya, binalikan niya si Liam. "Akin na 'yang bag. Saka tanggalin mo ang sapatos mo para makapaglakad ka ng maigi. Doon na lang tayo sa pilapil maglakad dahil gagabihin na tayo. Kailangan nating maghugas ng katawan bago sasakay sa kalabaw at sa ayaw mo't sa gusto. Magkaangkas tayo mamaya." Seryoso nitong tinuran. Hindi na sumagot pa si Liam. Sa totoo lang ay napayuko na lang siya. Alam niya kasing may mali nga siyang ginawa kanina. Kaya siya itinulak ni Justine. Naramdaman siguro nito ang mahigpit niyang pagyakap at ang pagkakatutok ng di nito napigilang pagtigas ng kaniyang... Nakakahiya! Nang naglalakad na sila sa makitid na pilapil ay panay pa din ang bagsak ni Liam sa putikan. Nadudulas kasi ito. "Hawakan mo ang braso ko." walang malisyang sinabi ni Justine. "Bakit?" tanong ni Liam. "Hawakan mo nang may makapitan ka at hindi ka madulas." Ngunit din a niay hinintay na sumagot si Liam. Si Justine na mismo ang humawak sa kamay ng First Son. Kung titignan sa malayo, parang may kung anong relasyong namumuo dahil sa magkahawak kamay nilang tinatalunton ang pilapil sa gitna ng bukid. Nang nasa patubigan na sila ay tumingin muna sa paligid si Justine. Nakiramdam kung may kakaiba at nang masigurado niyang walang kapahamakan sa paligid ay inilatag niya ang kaniyang baril na kanina pa nakalagay sa bulsa sa loob kaniyang jacket. Kinusot na muna ni Justine ang kaniyang jacket saka muling itinago ang baril doon nang nawala na ang putik na dumikit sa leather jacket. Kinuha nito ang bag ni Liam at iyon naman ang kaniyang hinugasan. Binuksan niya iyon. "Iba talaga kapag mamahalin ang bag ano? Hindi nababasa o kaya napuputikan ang loob nito kahit mailublob sa putik." Pagpaparinig niya sa kanina pa tahimik na si Liam. Nilingon lang siya ng huli. Tikom pa din ang bibig. Pagkatapos niyon ay naghubad naman ito sa suot niyang pantalon at t-shirt. Malinis ang tubig na lumalabas sa deepwell. Tanging boxer brief ang iniwan ni Justine sa katawan nito kaya naman sa katulad ni Liam ay napakahirap sa kaniyang na huwag pansinin ang magandang hubog na katawan nito. Napalunok siya. Nangangatal ang buo niyang katawan. Ganoong katawan ng lalaki ang matagal na niyang pinapangarap. Nangatog ang kaniyang tuhod nang makita niya ang unti-unting lumabas ang morenong kulay nito dahil sa pagkakahugas sa putik na dumikit sa nakakatakam na katawan ni Justine. Bakit ganito ang pakiramdam niya? Ngunit alam niyang libog lang iyon, sa katulad niyang halos isang taon nang nasa Pilipinas at walang karanasan sa s*x sa kapwa niya lalaki at ngayon ay nakakita siya ng hubad na katawan ng pinapangarap niyang katawan ng mamahalin niyang ay normal lang din siguro na makaramdam siya ng ganoon. Init lang ng katawan iyon at gusto niyang ngayon palang, dapat na niya iyong supilin. Hindi puwedeng mailantad ang kaniyang pagkatao sa kahit sino na malapit sa kaniyang pamilya. Hindi siya handang magladlad sa pamilya at sa publiko. Hindi ngayon at hindi dito sa Pilipinas. "Halika na! Sarap ng tubig oh! Para makauwi na tayo at makapagpahinga!" sigaw ni Justine sa kaniya. Noon ay nakaharap na sa kaniya. Bumakat ang ang nakabukol na iyon sa harap niya at lalo siyang nanghina. Dahan-dahan siyang napaupo. Huminga ng malalim. Pumikit man siya ngunit ang nakabukol na iyon pa din ang nasa isip niya. Ang kaguwapuhan ni Justine, ang ganda ng katawan nito at ang bumakat na iyon sa kaniyang harapan. "Tara na!" napakislot siya ng hinawakan siya ni Justine sa kaniyang braso. Hinihila siya nito. "Oo na! Doon ka na lang kasi! Susunod na ako!" naiirita niyang sagot. Tumayo siya at tumalikod. Kailangan niyang hintaying matulog ang muling nagising niyang alaga! "Ang hilig naman kasi nito! Kahit sino na lang yata gustong patusin!" bulong niya sa kaniyang alagang nagsisimula na namang magalit. Nang maayos na ang pakiramdam niya ay naghubad na siya ng kaniyang damit. Lumalabas ang kaputian niya. Ngayon, ay tanging boxer brief na din lang ang suot niya. Hindi siya payat, hindi din siya mataba. Tama lang ang katawan niya kahit sabihing hindi siya ganoon kamaskulado. Humarap siya kay Justine at nilabanan na lang niya ang sariling mapatitig siya sa bumubukol na iyon. Dahil iisa lang ang pinagmumulan ng tubig ay kailangan niyang tumabi kay Justine para mabagsakan din ng mala-kristal na tubig ang putikan niyang katawan. Naglapat ang kanilang balikat. Kahit malamig ang tubig ay naramdaman niya ang init ng katawan ni Justine. Init na namang tumutupok sa kaniya. "Tulungan na kitang maglinis ng katawan, Sir Liam para mabilis tayo. Gagabihin tayo sa daan e." si Justine. Tatanggi palang sana siya ngunit nailapat na ni Justine ang palad nito sa kaniyang likuran. Nakaramdam siya ng kakaibang sensasyon habang tinatanggal ni Justine ang putik sa kaniyang likod. Nag-iinit siya sa tuwing hindi sinasadya ni Justine na mailapat ang mainit nitong katawan sa likod niya. Tahimik lang sila. Minabuti niyang pumikit at hugasan ang buhok at mukhang puno ng putik. Tinanggal din niya ang putik sa kaniyang dibdib at tiyan habang si Justine naman ay sa kaniyang likod. Umatras siya dahil may naapakan siyang bato at masakit iyon sa kaniyang talampakan ngunit ang pag-atras niyang iyon ay sanhi para maglapat ang mga hubad nilang katawan. Naidampi ni Justine ang labi nito sa kaniyang batok at naramdaman niya ang dibdib niya sa kaniyang likod at ang sandaling pagkakadikit ng bumukol na iyon sa hati ng kaniyang puwitan. Sumabog siya sa init. Nagwawala ang kaniyang pakiramdam. Dahan-dahan siyang lumingon sa noon ay natigilan ding si Justine. Sandali silang nagtitigan. "Kaya mo na 'yan. Sige na! Magbanlaw ka na lang sa likod mo. Wala na yung dumikit na putik." Si Justine. Mabilis itong pumunta sa pilapil kung saan nito iniwan ang kinusot niyang damit at pantalon. Nakita niya ang mabilis na pagtanggal ni Justine sa kaniyang boxer short. Nahagip ng kaniyang paningin ang makinis at matambok na puwit ng huli habang nakatalikod ito sa kaniya. Pinipiga niya ang kaniyang boxer brief para siguro may maisuot muli siya. Dahil tapos na din siyang maghugas ay mabilis na siyang sumunod. Umahon na siya habang noon ay nagmamadali si Justine na isuot muna ang piniga niyang boxer brief. "May extra akong mga boxer brief dito sa bag, shorts at sando. Hindi puwedeng basa ang isuot mo." Kahit ayaw niyang magpakabait ng panahong iyon ngunit dahil dalawang beses na siyang tinulungan ni Justine, sa kamay ng mga holdaper at sa pagkakahulog niya dapat kanina sa kalabaw. "Huwag na, nakakahiyang humiram." Si Justine. Tuluyan na nitong naisuot ang kaniyang boxer brief at hawak na niya ang pantalon. "Jazz! I'm trying my best to be nice here. Kahit minsan lang tayo magkasundo. Puwede ba 'yun?" "Nakakahiya ngang makigamit." "I insist!" sagot niya. Kasunod iyon ng paghagis niya sa bago pang CK brief. Maagap namang sinalo ni Justine iyon. "Salamat." Nahihiyang sambit ni Justine. Katagang ni minsan ay hindi niya narinig na nasabi ni Liam. Hinuhugot na ni Liam noon ang sando at short na ipapahiram niya kay Justine. Kinagat ni Justine ang CK brief at ibinaba niya ang kaniyang basang boxer brief. Hubo't hubad na naman siyang nakatalikod kay Liam. Kitang-kita na naman ni Liam nang malapitan ang makinis at maumbok nitong puwit. Ngunit ngayon, sobrang malapitan na kaya siya lalong nag-init. At sa hindi inaasahang pangyayari lalo siyang natulala nang makita ang nakalagpas na iyon sa mga hita ng nakatagilid na si Justine. Si Mr. Pinkish na iyon na hindi niya inaasahang makita. Sandaling-sandali lang na natitigan niya iyon dahil mabilis na sinalo at itinago ng ipinahiram niyang brief. Sunud-sunod ang kaniyang paglunok. Nanginginig ang kaniyang kamay at walang kahit anong salita na namutawi ng kaniyang labi. Basta na lang niyang inilagay ang short at sando sa balikat ni Justine saka ito nagmamadaling tumalikod dahil hayan at muli na naman kasing nagising ang kanina pa niya sinusuway na alaga. Kailangan kasi niya iyong itago agad. "God! Anong parusa itong ginawa mo sa akin. Immersion sa kahirapan at immersion din ba ito ng pagpipigil sa kamunduhan?" bulong niya sa sarili habang binilisan na din niya ang pagpapalit. Nakatalikod siya. Wala din siyang pakialam kung makita ni Justine ang kaniyang maputi at matambok na puwit. Wala naman siyang dapat itago o ikahiya, makinis at maputi ang lahat ng bahagi ng kaniyang katawan. Ang kailangan niyang isipin ay kung paano siya makakaiwas sa mga tukso. Kung paano niya maisasakatuparan ang kaniyang pinaplanong pagtakas. Kailangan niya ang kaniyang cellphone at pitaka. Iyon ang kailangan niya ngayong pag-isipan at hindi ang kamunduhan. Kung di siya makakatakas, may isa pa siyang iniisip na gagawin para si Justine na ang kusang magsasabing babalik na lang sila sa Manila. Nang makapagpalit sila ay sumakay na sila ng kalabaw. Nakaramdam na siya ng takot lalo pa't siya ang unang pinasasakay ni Justine. "Mahuhulog na naman ako ih!" reklamo niya. "Hindi ka mahuhulog kasi nandito ako." "Sigurado ka kapag mahulog ako ay sasaluhin mo ako?" tanong niya. May ibang kahulugan para sa kaniya ang tanong na iyon. "Bakit pa kita sasaluhin kung puwede namang hindi kita payagang mahulog." Nasaktan siya sa sagot kahit pa sabihing magkaiba sila ng pinupunto. Tama nga naman, nang sumampa din sa kalabaw si Justine ay nasisiguro na niyang literal ang sagot ni Justine sa figurative niyang tanong. Paano nga ba siya mahuhulog sa kalabaw ngayong hawak na siya nito. Ngunit sa ginawa ni Justine na pagpuwesto sa likuran niya sa ibabaw ng kalabaw na halos yakap na siya ay lalo lang siya nitong pinapahulog sa kaniya. Ngayon, kung mahuhulog siya ng tuluyan kay Justine, paano kung di din naman siya sasaluhin? Ayaw na niyang mahulog sa walang kasiguraduhan. Ngayong kay Bobby na lang siya nakakasiguro, gusto niyang panatilihin ang pag-ibig niya dito, hindi sa katulad ni Justine na bukod sa pagiging straight ay alam din niyang sobrang magiging kumplikado sa pamilya niya at sa buong bansa. Habang naglalakad ang kalabaw at nasa likod niya si Justine na nakahawak sa tali ng kalabaw ay parang iba ang pakiramdam niya. Sobrang gaan lang ng lahat. Alam niyang napipilitan lang si Justine na samahan siya sa ibabaw ng kalabaw pero hindi niya maiwasang kiligin. Yun bang ramdam niya ang matitigas nitong dibdib na nakadantay sa kaniyang likuran. Magkalapat kanilang mga hita, si Mr. Pinkish na iyon na naikintal sa kaniyang isipan ay alam niyang naroon lang sa kaniyang likod. Tahimk na nakalapat. Huminga siya ng malalim. Kinagat niya ang kaniyang labi at napapangiti. Kasabay ng pagdantay ng presko at malamig na hangin sa kaniyang mukha at buong katawan ay ang pakiramdam na pilit niyang nilalabanan ngunit hindi niya maitanggi ang taglay nitong kaibahan. Kung sana ganoon lang kadaling pagbigyan ang puso sa walang katiyakan sa nagsisimula nitong binubulong. Ngunit bakit pakikinggan kung alam naman niyang lalo lang siyang masasaktan? Bakit bibigyan niya ng puwang iyon kung alam naman niyang lalo lang magiging masalimuot ang lahat? Ngunit alam niyang iba ang sinasabi ng kaniyang isip sa gustong gawin ng kaniyang puso at katawan. Binusog niya ang mga mata sa magandang tanawin. Luntian ang paligid. Ang ilang bahagi ng bukirin ay nagsisimula nang lumaki ang mga palay. May mga nagtatanim pa, may bahaging puwede na ding anihin. Ang malapit nang anihing mga palay ay parang ginintuan ang kulay lalo na't palubog na din ang araw. Ang bundok na natatanaw niya ay puno ng mga berdeng kahoy. Iba ang presko at halimuyak ng hangin sa baryo. Hindi masakit sa ilong, masarap itong ipunin sa baga. "Hayan, nakikita mo yung mga dampang iyon? Doon tayo titira ng isang buwan." Mahinang tinuran ni Justine. Huminga siya ng malalim. Sandali niyang isinandal ang kaniyang katawan sa matigas na katawan ni Justine sabay ng paglingon nito. Nagkatitigan sila. Nailapat kasi ang pisngi niya sa pisngi ni Justine. Ngumiti siya ngunit naasiwa si Justine. "Bakit?" tanong ng naguguluhang si Justine sa ngiti ni Liam. Bahagya na niyang naitulak ang katawan ni Liam na nakasandal sa kaniya. "Wala, ngayon lang kasi ako nakarating sa ganitong katahimik at kapreskong lugar." Huminga ng malalim si Justine. Pilit niyang inilabas ang pagkainis. "Magugustuhan mong tumira dito kung sanay ka sa hirap ngunit sanay ka sa maginhawang buhay, siguradong mahihirapan ka. Sa tulad mo, kailangan mong mag-adjust na muna ngunit hindi ka aalis dito ng pagkaraan ng isang buwan na wala kang madadalang mga masasayang alaala." Pagmamalaking tinuran ni Justine. "Kung aabot pa ako ng isang buwan? Bukas makalawa, tatakas ako. Iiwan kita basta makuha ko lang ang simpatya mo at makuha ko ang pitaka at cellphone ko. Iiwan at iiwan kita Justine." sabi niya sa kaniyang sarili. Iyon ang sinigaw ng kaniyang utak. Ganoon din kaya ang kaniyang puso? Totoong may hindi na siya naiintindihang damdamin para dito sa ganoon kaiksing panahon na pinagsama nila ngunit wala siyang balak pagbigyan ang sarili. Bago pa siya tuluyang mahulog dito ay kailangan na niyang tumakas. Iyon ang kaniyang plano. Nang nakarating sila sa baryo ay sinalubong sila ng masayahing mga mukha ng mga magsasaka. Yumuyuko pa ang ilan sa kanilang pagbati sa kaniya. Hindi siya nakipagkamay. Tumatango lamang siya. Napansin niya ang kalakip sa nahihiyang ngiting iyon ng di matatawarang respeto. Sanay siyang nabibigyan ng respeto ngunit sa harap ng mga magsasakang iyon, dama niya ang kaibahan, ramdam niyang totoo sila sa kanilang mga ipinapakita. Masayahing mukha sa kabila ng kanilang kahirapan. Karamihan sa mga nandoon ay mga batang nagtatakbuhan at naglalaro na walang tsinelas, punit ang maduming mga damit at dugyutin. Nang makita nila ang Manong Justine nila ay parang tumigil ang pag-ikot ng kanilang mundo. Nag-uunahan ang mga itong tumakbo palapit kay Justine. Niyakap siya ng mga ito. Masaya ang lahat na para bang sabik na sabik. Habang pinapaligiran si Justine ng mga nag-iingay na mga bata at ilang mga kabataan ay tumabi sa kaniya ang isang may edad ng lalaki. "Sir Liam, ako po si Mang Jose." Nahihiya nitong pagpapakilala sa kaniyang sarili. "Barangay Captain ho sa munting purok na'to. Pasensiya na kung di na kayo naipakilala ng maayos ni Justine kasi dinumog na siya kaagad ng mga bata at kauuwi ko lang din galing sa bukid." "Okey lang ho." Sagot niya. Isang matipid na ngiti lang ang kaniyang isinukli. Napansin niya ang paglahad ng matanda ng kamay nito ngunit huli na nang sana ay iabot niya din ang kaniyang palad. Naramdaman niyang nag-isip pa ang matanda ng kaniyang sasabihin ngunit siya, wala siyang ganang makipagkuwentuhan dito. Kaya nga sinimplehan lang niya ang sagot. Sana makaramdam at kusa na itong aalis sa tabi niya. "Mabait ho yang si Justine sir." Muling pagsisimula ng Kapitan. Tumango lang siya. "Dahil sa kaniya, nakapagpatayo kami ng Barangay Elementary dito. Humingi siya ng tulong sa mga kinauukulan. Bukod pa sa mga financial assistance na ibnibigay niya sa mga matatalino ngunit walang pang-aral na mga kabataan sa purok namin. Kaya ganoon na lang siya kamahal ng mga bata dito Sir kasi, si Justine ang mula't sapol ay tumutulong sa amin dito para umangat ang buhay ng aming mga kabataan. Kahit wala nang maiwan yan sa bulsa niya pagbalik ng Manila o kaya ay kulang ang sinasahod niya para tustusan ang mga pinapag-aral niya sa bayan na mga kolehiyo ay hindi niya alintana. Minsan kasi delay yung scholarship na binibigay ng gobyerno sa kanila na siya din ang nag-asikaso kaya kadalasan sa sariling bulsa na muna niya nanggagaling ang pera hanggang sa marelease ang scholarship ng mga kolehiyong tinutulungan niya. Ang nakakabilib sir, di na iyon tinatanggap. Sinasabi na lang niya na idagdag sa kanilang mga pangangailangan sa school." Huminga ng malalim ang kapitan. Natigilan siya sa narinig. "Dahil din sa kaniya kaya nagkaroon ng mga patubig ang aming sakahan." Pagpapatuloy ng kapitan. "Kuryente at maayos na daan ang kaniyang pinapangarap sa aming lahat ngayon. Mahirap kasi sir, kung malayo kami sa paanan ng Diyos. Hindi kami naririnig nito kaya kailangan namin ang kagaya ni Justine para idulog sa mga nakatataas ang aming mga pangangailangan at matulungan kami ng ating gobyerno." Ngumiti lang siya muli ngunit may kakaibang na siyang nararamdaman sa narinig. "Hindi talaga kailangan pumasok sa pulitika kung gustong makatulong sa bansa. Ang kagaya ni Justine, kahit hindi pulitiko, mas marami pa siyang nakakayang gawin para sa amin kaysa sa mismong alkalde namin." "Excuse me." Pagpapalam niya sa Kapitan. Kabastusan man iyon sa tingin siguro ng pinuno ng purok ngunit sumisikip ang dibdib niya sa naririnig. Tumingin siya kay Justine. Isa-isa na nitong ibinahagi ang hamburger na binili niya kanina sa Jollibee. Binuksan din niya ang kaniyang malaking bag at naglabas ng maraming tsinelas na lalong ikinasaya ng mga bata. Maluha-luha ang mga magulang ng mga batang nakatingin kay Justine. Siya man ay tuluyang napahanga nito. Mukhang mali yata siya sa pagkakakilala niya kay Justine. Kung tutuusin ay siya sana ang mas may kakayahang gawin ang bagay na iyon ngunit ang katulad ni Justine na magkano lang ang sinasahod ang nakita niyang nakakatulong sa kapwa nitong mahirap. Nilingon siya ng nakangiting si Justine. Kinindatan siya nito napara bang nagtatanong kung okey lang siya. Tumango siya kasunod ng isang pilit na ngiti saka siya yumuko. Nahihiya siya sa kaniyang sarili. Kinagabihan ay masaya ang lahat sa salu-salo. Nagugutom siya ngunit hindi siya sanay makigulo dahil lang sa pagkain. Parang ang lahat ay gutum na gutom. Nagtatawanan sa mga bagay na para sa kaniya hindi naman nakakatawa. Madilim ang paligid. Malayo sa liwanag ng Malakanyang. Tanging ilaw mula sa gasera ang nagsasabog ng liwanag sa mga kubo. Walang TV, walang ibang puwedeng pagkaabalahan sa gabi. Paano siya makakatagal sa ganito kalungkot at kahirap na lugar? "Tara na, sumabay kang kumain sa amin doon. Makipagkuwentuhan ka naman sa kanila. Kanina ka pa lumayo e, kanina pa kita gustong makisalamuha sa lahat. Kung nahihiya ka, mas lalo na sila sa'yo." "Bakit kailangan ako ang mahiya sa kanila? Hindi nila maiintindihan ang kuwento ko. Iba ang kuwento nila sa kuwento ko, maboboring lang sila sa mga sasabihin kong hindi abot ng kanilang..." tumigil siya. Ayaw niyang magiging masama ngunit nagpapakatotoo lang siya. Ano ba kasing kaya niyang ikuwento na maiintidnihan siya ng masa. Economy? Technology? Social media? Gadgets? Online Games? "Oo nga naman. Hindi nila maiintindihan ang mataas mong pinag-aralan. Ang buhay ng isang katulad mo na sa palasyo lumaki." "I didn't mean to offend you but that's the truth!" "You can talk to them about life, about values, about humanity! Mas marami sila no'n kaysa sa'yo! Mahirap kami oo, pero hindi lahat kami BOBO!" tumaas ang boses ni Justine. Lumingon sa kanila ang ibang mga kumakain. Huminga ng malalim si Justine. "Okey fine. Kung gusto mong mapag-isa ngayon at kumain ng ikaw lang, pagbibigyan kita pero sana huwag mo na kaming lalong maliitin kasi mahirap na kami e, ano na lang kami kung lalo pang ipagdiinan!" Umalis si Justine na hindi siya nakaganti. Hindi siya nakasagot. Naglagay ito ng isang mesang maliit yari sa kawayan sa harap niya. Tahimik din si Boknoy na naglapag ng isang upuan. May isang dalagita na nagdala ng isang pinggan ng kanin, isang mangkok ng tinolang manok na may papaya. Yumuko pa bilang paggalang sina Boknoy at ang dalagita sa kaniya nang maipatong iyon sa mesa. Sumunod si Justine. May dalang tabo na may tubig. "Umupo ka dito't makakain na kamahalan." Mapakla nitong sinabi. Tumayo siya at umupo. Kanina pa siya nagugutom. "Nasaan ang kutsara at tinidor?" tanong niya. Itinulak ni Justine ang tabo na may lamang tubig sa mismong harap niya. "What? Magkakamay ako e, sabaw ang ulam?" "Problema mo na 'yan. Kakain ka o hindi, wala akong pakialam. Hindi kami o sila ang magugutom kundi ikaw. Matuto kang makisama!" singhal nito saka siya umalis na di lumilingon. Naiinis siya ngunit nandoon na siya. Gutom na gutom na kaya kahit hindi niya alam kung paano kumain ng gano'n ay kailangan niyang gawin para magkalaman ang kaniyang sikmura. Habang nahihirapan siyang sumubo ay nakita niya si Justine, masayang nakikipagbiruan sa lahat. Tawanan sila sa malaking mesa habang siya ay tahimik na mag-isa, pinapag-aralan kung paano ang kumain na may sabaw gamit ang kaniyang mga palad. "Dito ka matutulog at ako sa baba." Wika ni Justine nang nasa loob na sila ng isang maliit na kubo. Bukas ang bintana kaya presko ang pumapasok na hangin. May kulambo, isang unan at mumurahing kumot. Umupo siya at naradaman niya ang tigas no'n. Yari pa din sa kawayan at tanging isang banig lang ang nakalatag. "Paano ako matutulog sa matigas na kama?" reklamo na naman niya. "Simple lang, humiga ka at pumikit! Ngayon kung hindi ka makatulog sa kinalakhan naming higaan, problema mo na muli iyon. Basta ako, matutulog na. Bukas bago mag-alas singko, gigisingin na kita dahil simula na ang trabaho sa bukid. Pag-uusapan na din natin bukas ang mga dapat at di dapat mong gawin." Hinubad ni Justine ang kaniyang sando at tanging may kaluwangang boxer short na lang ang kaniyang suot. Humiga na ito habang siya ay nakaupo pa din. Tumingin siya sa gasera na sumasayaw-sayaw ang apoy sa tuwing naiihipan ito ng hangin. Naisip niya kung paano nakakatagal ang mga taong ito sa ganitong kahirapan? Gumalaw si Justine. Inilagay nito ang kaniyang braso sa kaniyang noo. Tumingin siya katawan ni Justine na noon ay nakapikit na sa mismong paanan niya. Huminga siya ng malalim. Napakaguwapo talaga niya! Napakakinis ang moreno niyang kutis at mukhang masarap ang nakakahumaling nitong katawan. Bago siya tuluyang bumigay ay minabuti na niyang humiga sa matigas na kama. Kailangan niyang makatulog at makapagpahinga na din. Nadinig na niya ang mahinang paghilik ni Justine. Kailangan na niyang makatulog ngunit magising ng mas maaga. Nakita niya kanina kung saan inilapag ni Justine ang kanilang mga gamit. Marahil nandoon din ang kaniyang pitaka at cellphone. Kailangan niyag makuha ang mga iyon bago pumutok ang araw. Bahala na, basta kailangan niyang makatakas. Nakatihaya parin siya nang maramdaman niya ang dahan-dahang pag-upo ni Justine sa hinihigaan niya. Nagkatitigan sila. Gusto niyang tanungin ito kung bakit siya bumangon ngunit wala siyang maapuhap na sasabihin lalo pa't iba ang mga titig na iyon ni Justine sa kaniya. Inilgay ni Justine ang hintuturo nito sa gitna ng kaniyang labi. Ibig sabihin, hindi siya dapat gumawa ng kahit anong ingay. Dahan-dahang yumuko ito at itinapat nito ang labi niya sa kaniyang labi. Nagkakaamuyan na sila ng hininga. Napapikit siya. Hindi niya alam kung sinusubukan lang siya ni Justine ngunit hindi siya ang unang lumapit. Siya ang kusang pumunta sa kaniyang hinihigaan. Siya ang yumuko at ngayon ay hahalik sa kaniya. Hanggang sa isang iglap ay naglapat ang kanilang mga labi. Nagsimulang lumikot ang kamay ni Justine sa kaniyang dibdib pababa sa kaselanan nito. Siya man din ay hindi nagpatalo. Mula sa pagkakahawak niya sa malaman at matigas na dibdib ni Justine ay ibinaba niya ang kaniyang mga palad sa abs hanggang sa tuluyang niyang ipinasok na din ang palad niya sa boxer short nito. Sapo niya ang nag-uumigting at galit na galit nitong alaga. Napasinghap siya nang nilalaro na ni Justine ang kaniyang may kahabaang kargada. Ang pagsinghap na iyon ay nauwi sa madamdaming pag-ungol nang nilalaro na ng dila ni Justine ang kaniyang mamula-mula at nainigas na u***g. Hanggang sa hindi na niya kinakaya ang lahat. Sumasabog na siya... Nagmulat siya ng kaniyangmga mata. "f**k! Panaginip lang pala! Inis!" bulong niya sa kaniyang sarili. Bumangon siya habang dama pa niya ang kakaibang init na iyon na kaniyang naramdaman kanina sa kaniyang panaginip. Nakita niya si Justine na noon ay humihilik ng mahina at walang kumot ang hubad nitong katawan. Nakita niya ang nakatigas na iyon na bahagyang lumabas sa garter ng boxer nito. Oh my!!! Si Mr. Pinkish na kusang nagwawala na para bang nagyaya na malapitan at mahaplusan ito. Kinakabahan siyang tumayo. Dahan-dahang siyang lumuhod sa mismong bahaging iyon ng katawan ni Justine. Nanginginig ang kaniyang mga kamay kasabay ng bilis ng pintig ng kaniyang puso. Kumilos ang nanlalamig at nanginginig niyang kamay at dahan-dahang lumapalit sa bahagyang nakasilip na si Mr. Pinkish. Pinanghihinaan na talaga siya. Sa init na naramdaman niya sa kaniyang panaginip at sa nakikita niya ngayon ay bumibigay na siya. Wala na siya sa katinuan para pigilan ang kaniyang pagnanasa. Tuluyan nang nanikluhod ang lahat ng kaniyang pagpipigil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD